logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 3 Three: The lady

Maghapon akong nagbantay sa bahay hanggang makauwi si Mama galing sa pamamalengke. Nagpaalam agad ako sa kaniya na aalis, mukhang wala naman sa kaniya na tuwing hapon ay nawawala ako.
Nang makarating sa paroroonan ay dahan-dahan ko na pinarada ang bisikleta sa likod ng isang puno at nagtago roon.
Hindi ko na napigilang mapangisi nang makita ang likod ng isang pamilyar na tao. He is still there.
Mag iisang linggo na noong huli kaming magkita.
Araw-araw akong patago na pumupunta rito at gaya ng inaasahan, naroon pa rin s'ya, nakaupo malapit sa bangin.
Hindi ko na inisip na magpakita sa kanya. He has a camling aura though, pero iba yung sinasabi ng mata n'ya.
Sa halos isang lingo na patago kong pag punta rito, wala akong ginawa kung hindi pagmasdan s'ya. I mean, I am not fantasizing him. I don't know, there was a time I just wanna see if a person's hiding something. In short, I am observing him.
It's always the same place, same spot, same time. I wonder, kung umuuwi pa ba siya o dito na natutulog. I'm definitely not making fun of him. It's just kinda weird. He really like this place, doesn't he?
But why? something must reminding him here, perhaps a good memory, or.. something tragical.
"Shaun!"
Mabilis akong na pa upo at gumapang papunta sa likod ng malaking puno. Biglaan 'yon ah.
Natataranta akong lumingon sa kaliwa't kanan, at likod. Nakahinga lang ako nang maluwang ng walang makitang tao.
"Shaun, uwi na raw."
Bahagya kong inilitaw ang ulo sa puno para silipin ang kinakalagyan ni Shaun. Laking gulat ko nang makita ang isang bata na kung titingnan ay nasa lima hanggang pitong taong gulang.
Her skinny body caught my attention. Parang hindi s'ya na iiba sa mga batang kalye sa syudad. She's wearing a faded pink dress.
Ang isa pa sa naka agaw ng pansin ko, ang maputla nitong kulay at ang larot-larot nitong laruan. The stuffed toy bunny has a lot of stitches at its tummy.
Halos hindi ko rin malaman kung kulay puti ba 'yon dati na ngayon halos maging kulay abo na. She's holding the right arm of the toy while talking to Shaun.
Now, I can see similarities between her and Shaun when something suddenly popped up in my head. I know this is crazy but..
D-don't tell me its his daughter?!
Maya-maya'y sabay silang naglakad paalis.
May part sa isip ko na sundan sila, but no, what if he caught me? he will probably think, na interesado ako sa kanya. No.
Naisipan ko na lang bumalik sa bahay. Hindi ko lang maiwasang isipin ang nakita kanina.
Shaun dropped out from school, what if, ginawa n'ya 'yon dahil nakabuntis s'ya or mas piniling bumuo ng pamilya? hindi imposible.
But, he supposed to have a job, right?
Perhaps, wala s'yang trabaho. Kaya gano'n naging hitsura ng bata, napabayaan.
Nakakaawa. She doesn't look healthy. Sobrang payat! ang putla ng balat, ni parang hindi nga nalilinis nang mabuti ang damit.
What the fuck that guy is. Mukhang wala man lang pakialam sa kalagayan ng bata.
Pa tambay-tambay lang, like, everything's going to be alright, kahit hindi s'ya kumilos. Tangina n'ya. I know I shouldn't judge him, hindi ko pa talaga alam kung tama 'tong theory ko, pero kapag nagkataon.
Tangina talaga n'ya. Wala s'yang kwenta.
Bahagyang humupa ang emosyon ko nang makita si Mama na nagmamadaling lumabas ng bahay. Her forehead wrinkled, she look so worried, kaya napa baba agad ako ng bisikleta kahit malayo-layo pa ako sa bakuran.
"Ma, saan po punta?" nag agangat agad ito nang tingin sa 'kin.
"Babalikan ko 'yong gulay ko kay Rima, naiwan ko." She said. Bago pa man s'ya makahakbang palayo, tumakbo ako papunta sa naiwang naka bagsak na bisikleta ko sa lupa.
"Ma, ako na po." Ani ko at nilagpasan s'ya, narinig ko 'tong sumigaw para sabihing mag dahan-dahan sa pagbibisikleta, hindi ko na inabalang sagutin 'yon at itinuon na lang ang atensyon sa harapan.
Nalanghap ko agad ang lansa at amoy ng iba't ibang paninda pagkarating sa palengke, kaliwat kanan ang tumatawag ng costumer para sa kanila ay may bumili.
Maingay, medyo siksikan, mag didilim na pero ang dami paring namimili.
Nilapitan ko ang isang babae sa likod ng stall ng mga samu't saring gulay. But it wasn't Ate Rima, she looks younger. Halos kasing edad ko yata. Nakaupo lang s'ya sa tabi ng isang maliit na electric fan, nakatingin sa mga taong dumadaan.
"Excuse me." Ani ko, na naagaw naman ang atensyon n'ya. Bahagya pa itong nagulat at biglang napa tayo. "Si Ate Rima po?"
Ilang segundo bago rin s'ya naka sagot. "Umalis saglit. Ano 'yon?"
"Naiwan kasi ni Mama yung gulay na binili n'ya rito." Paliwanag ko na tinanguan n'ya at itinuro ang isang puting supot sa gilid. Nang makuha 'yon ay tinanguan ko s'ya para sana magpaalam pero nanatili s'yang nakatitig sa akin na para bang may mali s'yang nakikita.
I was about to leave when a small thing bumped into my legs. Pag lingon, I saw a familiar face, the faded pink dress and the ridiculous bunny toy.
S'ya yung bata na kasama ni Shaun.
And I froze there, watching the child, she's crying, she look so terrified.
Dumapo ang natatakot na tingin nito sa akin hanggang sa tumagos ang tingin n'ya sa likod ko.
Before I could even move. A man suddenly appeared, muli gaing sa likod ko.
Mukhang may edad na ang lalaki pero malaki pa ang pangangatawan, naglakad palapit sa bata at marahas 'tong hinawakan sa kaliwang balikat saka halos buhatin para patayuin.
Dinaga ako ng halo-halong emosyon dahil sa nakita kung paano nito hawakan ang bata. Hanggang sa makalayo, hindi makapaniwalanv nakatitig lang ako sa dalawang 'yon.
"Kawawa talaga yung mga bata kay Cardo." Pag-uusap ng dalawang babae na tindera sa gilid ko. "Dapat d'yan ipinapakulong!"
"Psst! bibig mo! kapag narinig ka n'on, nako! Tina."
"Oh e' bakit? totoo naman! e' halos patayin na nga yung isa n'yang anak sa bugbog, maryosep."

Sinalubong kami ng magandang ngiti ni Ate Rima at pinagbuksan ng maliit n'yang puting gate.
"Fresh natin ngayon ah!" panunukso nito na tinawanan lang ni Mama. "Tagal din natin hindi nag kita, Mina."
"Kaya nga. Si Alina pala, anak ko, yung kinukuwento ko sa 'yo." Saka ako nilingon ni Mama na may ngiti. Nginitian ko pabalik si Mama bago lingunin si Ate Rima. Naka ngiti rin ito na sinundan ang tingin ni Mama sa akin. Ni hindi pa nag tatama tingin namin nang muli itong yumuko at dumaing.
"Aray! aray, teka. Naipit ako." Saka pilit na tumawa, kahit na mukhang masakit talaga yung pagkakaipit ng daliri n'ya sa gate. "Hi, Alina."
Napangiti ako. "Hello, Ate Rima." Kahit na hindi s'ya nakatingin dahil abala ito sa pag hipan sa daliri. Mabuti na rin 'yon dahil hindi ko maiwasang matawa. Iba talaga kilosan ni Ate Rima, medyo may pagka magaslaw.
"Pasok kayo, pasok."
Abala sa paguusap si Mama at Ate Rima habang ginugupitan n'ya 'to ng buhok. Mukhang sabik na sabik sila habang nag-uusap sa mga bagay na hindi ko gaanong maintindihan kaya nagpaalam muna ako saglit para na rin hindi sila maabala at ma bigyan ng space.
Lumabas ako at tumambay sa bakuran, sa ilalim ng punong mangga ay may naka sabit na gulong. Naupo ako roon at habang namamahinga, na pansin ko ang isang pigyura ng tao sa ikalawang palapag ng bahay nila Ate Rima.
The short haired girl and the familiar dark-blue shirt. S'ya yung babae sa tindahan ni Ate Rima kahapon.
I tried my best to give her a genuine smile, I thought, hindi s'ya magre-respond, but she also give me her simple smile, she even wave her hands, parang inaaya na pumunta ako sa pwesto n'ya.
Pumasok ako sa loob at tawanan nila mama ang sumalubong sa akin, habang ang tingin ko ay diretso sa hagdanan nang makita ang mga pares ng paa na pababa.
Malapit sa hagdanan, may isang varnished wooden cabinet na may mga nakapatong na litrato, na hindi gaanong kalayuan sa pwesto ko. I saw a picture, it was the girl and Ate Rima.
"Saan ka galing, anak?" rinig kong tanong ni Mama.
"Asaan s'ya?" narinig ko ang halos bulong na tanong ni Ate Rima kay Mama.
"Anak 'yan ni Ate Rima mo." Napalingon ako kay Mama na nakatingin sa gawi ko habang may mga ngiti. Napalingon si Ate Rima kay Mama 'tsaka tumingin sa cabinet na nasa harapan ko. "Ano na pangalan n'on?"
"Maya." Napatitig ako dahil sa pagsagot ni Ate Rima. Lumabas ang tipid na ngiti sa labi n'ya, pero may ibang sinasabi yung mga mata n'ya.
Napalingon ako sa hagdan nang marinig ang pasitsit. It was Maya, habang nakatingin sa akin bago inilipat sa Nanay n'ya.
"Ma, si Maya." I said, para naman ma bati n'ya. Parang natigilan si Mama, nakatitig lang sa akin nang may pagtataka.
"Asaan?"
Kunot noo kong itinuro ang hagdanan kung nasaan nakatayo ang babae. Dumapo roon ang tingin ni n'ya saka napatitig. Napangiti ako, Maya looks pretty. No wonder, matagal bago ibalik ni Mama ang tingin sa akin at tumingin kay Ate Rima nang matigilan ako.
"Anak.." pagtatawag sa akin ni Mama, biglang nag-iba ang tingin ni Ate Rima sa sahig, tila naluluha habang nanlalaki ang mga mata.
**
Nasa daan na kami pauwi. Bumalik naman ang sigla ni Ate Rima kanina bago kami umalis. Binaunan pa nga nito si Mama ng grahams at humalakhak pa nang malakas. Hindi ko lang maintindihan bakit parang gulat na gulat sila nang mabanggit si Maya.
"Nakita mo ba s'ya kanina?" tanong ni Mama. "Si Maya."
Tumango ako bilang sagot. Nag simula akong kutoban ng hindi maganda.
"'Wag mo na uulitin 'yon." Mahinahong sambit ni Mama. Hindi naman s'ya galit pero bakas ang pag-aalala. "Yung pagbanggit kay Maya. Isang taon nang patay yun."

Comentário do Livro (88)

  • avatar
    LaurenceLeya

    funny

    8h

      0
  • avatar
    MacaurogJasmine

    thank you ☺️☺️

    05/08

      0
  • avatar
    MagbanuaVichie Joy

    exciting

    31/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes