Meet me at the CAS Building. Last floor. 4 PM. I shall reveal myself to you, note girl. Sounds like the ages of Medieval times. Di kaya hopeless romantic na poet ang may gusto kay Penny? He could get away with those words. Curious na din naman siya kung sino ang nagpapadala ng mga rosas sa kanya at tsokolate. He must be a conservative romantic. Well, he earned a lot of scowls from her bestfriend, Riley. "May pag-asa ba 'yan sa 'yo? Kung wala. Diretsuhin mo na kung ire-reveal na niya ang sarili niya." Riley just leaned on the corridor wall. Nasa likod nito ang tennis court katabi ang isang canteen. Pakalat-kalat lang ang mga estudyante doon dahil oras na rin ng uwian para sa mga Day college students katulad nila. It's three o'clock already in the afternoon. "I don't want to be rude to him." she said, a matter of fact. Ngumisi lang ito, may naisip yatang kagaguhan. "What if she's a she? How will you react?" She nudged him on his arms and rolled her eyes. "Definitely not a she. Lalaki siya." giit niya. "How about find yourself a girl?" "And what? So that I can never be able to pester you that much?" Umiling ito at pilyong ngumiti. Sarap lang nitong ihagis sa tennis court. "No. You just couldn't discard me right away. Didikit talaga ako sa 'yo. Lagi." "Nakakasawa din pagmumukha mo." irap niya at binasa ulit ang nakasulat sa note. "If you're going to meet him or sort of. Ma-late ka muna ng five minutes or ten minutes for you not to look eager." Napahawak pa ito sa panga nito, kunyari nag-iisip. "Magpapakipot ka muna." "Labo mo rin ano? Sabi mo, diretsuhin ko na siya tapos ngayon, magpapakipot?" "Gusto mo bang magmukhang easy girl?" "Of course not. Pero nasa 21st century na tayo at uso na ang pagbuwag sa mga nakasanayan nating gender roles." katwiran niya, may hinahanap ang mga mata. Natagpuan niya ang isang magandang babae na may malambot na buhok. Alam niya dahil nahawakan na niya iyon. Itinuro niya ang naturang babae na nakasuot ng summer dress. Tila naligaw ito na diwata sa public college nila. "Kita mo siya? Di ba type mo ang mga babaeng mahahaba ang buhok at mahinhin? The total opposite of me? She looks refined though. Gusto mo tulungan na kitang pumorma sa kanya." "No thanks, though." Ginaya lang nito ang 'though' niya at nilingon ang tinitingnan niyang babaeng may kausap. Ilang metro lang ang layo nito sa tennis court. "Kaya kong manligaw ng babae na hindi kailangan ng tulong mo. What's the use of my looks and charms." Nginiwian niya ito. "Narcissistic jerk." sambit niya na narinig nito pero tumawa lang ito. "Bakit naman ang babaeng 'yan ang napili mo bukod sa siya yung mga tipo ko?" tanong nito sa kanya. Nakasunod pa rin ang mga mata nito sa babaeng naglalakad na patungo sa canteen. "She's Chanelle. Pareho lang kami ng course. Chemical Engineering. She would suit you 'cause she's also an introvert. Definitely, not a sadist like me. And a best cook. Magkakasundo kayo sa food." Tumaas ang kilay nito sa sinabi niya. Pumasok lang si Chanelle sa canteen na walang kaalam-alam na binubugaw na niya sa bestfriend niya. "Finally. I won't suffer anymore from your cooking. Muntik na akong mahilo sa pagkain ng monggong niluto mo. Amoy at lasang sunog." Hinampas lang niya ito sa braso na ikinadaing nito. "Yeah, definitely not a sadist like you. Teka, magkaibigan ba kayo niyan?" "Nope, masasabi kong acquiantance lang kaming dalawa. Ano? Hingian ko na ba ng number para sa 'yo?" "No, surely. I will do that. I can do that, Pen." Kinindatan pa siya nito. She pretended to cringe and nudged his arms lightly. "Fine. Basta hayaan mo ako kay mystery admirer." Tinaliman siya nito ng tingin. "You tricked me." Nang maghiwalay na sila ng landas ni Riley ay kaagad na siyang tumungo sa CAS Building kung saan niya kikitain ang secret admirer niya. Ang totoo, kinakabahan siya kung sino ang madadatnan niya roon. Baka malalang stalker o psychopath. Minsan, napapaisip si Penny kung may humataw ba sa ulo ng mga lalaking nakakagusto sa kanya. Hindi naman siya strikingly beautiful. Simple lang talaga siya at may medyo baliw na personality. She saw a guy, in boy's uniform. Nakatalikod ito sa kanya at kanina pa yata naghihintay. Tumikhim siya upang lumingon ito. Ganoon na lang ang relief niya nang makilala ito. "Nick?" maang niya. Hindi sa kung sinong stalker o psychopath. Binigyan siya nito ng matamis na ngiti at binigyan siya ng bulaklak na daisy. Atubiling tinanggap niya iyon at sinuklian ang ngiti nito. Walang slow motion effect. Nasa normal na ayos ang tibok ng puso niya. Confirmed. Kaibigan lang talaga ang turing niya rito. "Disappointed ka ba na ako ang nagpapadala ng gifts at flowers sa 'yo? Are you weirded out?" he asked, being careful on his words. Umiling siya. Bakit naman siya madi-disappoint? Wala naman siyang inaasahang tao. "No. And thank you for giving me that. And this. Appreciated." Tila nahiya pa itong nagkamot sa batok nito. Yes, Nick looked cute and a good guy but she couldn't feel beyond a friend. How could she tell him that? "Nasa vase na sa bahay namin ang mga binibigay mong bulaklak. It would be a waste if I'll throw it. It deserves to be look after for even a short time." He felt relieved and released a sigh. "Thank you. It's enough . . . uhm . . . gusto mong mag-merienda mo na tayo sa canteen? Di ka ba busy?" Kaso kumain na siya kasama ni Riley kanina. "Uhm, hindi pero busog pa ako." Binawi naman niya kaagad ang sinabi niya. "Pero bigla akong nag-crave ng kikiam. Sa labas na tayo?" "Okay." "Tama na ba 'tong Rationale natin? Pang third edit na natin ito ah. Sasakit na talaga ulo ko. Napaka-arte ng adviser natin." ani ng kagrupo niya sa Thesis na si Rachelle. They're working on their Research Design. Nasa isang plant circle silang tatlo, nagdi-discuss tungkol sa Thesis nila. Nagdadalawang-isip pa sila kung ipr-print na ang manuscript nila sa dami ng kailangang baguhin. "Before that, sisiguruhin muna natin na konti lang ang similar passages sa internet o sa kahit anong articles. Buti na lang talaga, libre na sa 'tin ni Prof Gregory ang plagiarism tool." dugtong ni Kylie. Katabi lang niya ito habang nakatayo naman si Rachelle. "Baguhin na rin natin ang Theoretical, guys. Marami tayong binase doon e. Masasabit tayo sa Turn it In." singit niya. Panay ang diskusyon nila nang magkaroon ng kung anong komosyon sa oval. Nanlaki ang mga mata ni Penny nang makitang hila-hila ng pinsan niyang si Kyou ang kuwelyo ni Riley. Mababakaa ang takot sa mukha ni Riley. Animo'y isla-slaughter ito. Suot ni Kyou ang uniform sa university nito. Kung bakit ito nakapasok, malamang nay kinalaman na naman ito sa pagiging brusko nito. "Teka, guys. May pupuntahan lang ako sandali. Babalik lang ako." "Bukas na lang, Penny. Mukhang kawawa si Riley sa lalaking 'yon." Nakita rin pala ni Rachelle ang nakita niya. Tinakbo niya ang dalawang binata na bigla na lang nawala sa paningin. Kipkip ang bag niya ay nilibot niya ang kainan sa labas ng university nila. Inihanda na ni Riley ang sarili niyang katayin ni Kyou. Mga mata pa lang nito ay tila may laser na tumatama sa kanya. Walang-wala ang dating at charisma niya rito at walang kinalaman niyon ang height niya. Mas matangkad lang siya ng two inches. Iyon lang iyon. "Why don't you tell me about her suitor? Nalaman ko lang sa kaibigan mong may bibig ng babae." Patay sa kanya ang Wallace na 'yon. Malamang ito ang nagsumbong kay Kyou. Kung paano, marami itong kakilala sa university ni Kyou. Mariin niyang naipikit ang mga mata. "Hindi ko alam kung nanliligaw na ang lalaking 'yon. Ang alam ko lang tumatanggap ng letters, flowers at sweets si Penny na tinatanggap naman ng pinsan mo." Sinamaan lang siya nito ng tingin at kulang na lang isiksik niya sarili niya sa sulok ng convenience store na iyon. "Akala ko ba binabantayan mo siya." nakataas ang kilay na tanong nito. Nakasuot ito ng bonnet. May earrings sa magkabilang tainga at may bakas pa ng pasa sa kaliwang pisngi nito. Mukhang nasabit na naman ito sa gulo. "Binabantayan ko nga pero hindi lagi. I am in a different department. Sa ibang building. Hindi ko siya nakikitang tinatanggap ang mga regalo sa Nick na 'yon—" Nanlisik ang singkit na mga mata nito sa kanya pagkarinig sa pangalan ng manliligaw kay Penny. Napalunok siya ng laway. Patay kang bata ka. "Nick? Who?" Kyou leaned in. There's a dangerous tone in his voice and Riley could feel the sweat falling from his forehead. "Nick. Galing din sa Engineering Department. He's a good guy. Naobserbahan ko na siya at wala namang balitang may minanyak siya. DL din at mahilig sa basketball." Iyon lang ang alam niya sa lalaking iyon for the sake of Penny. Alam na niya kung sino ang sweet admirer ni Penny nang makita niyang may dala-dala itong bouquet at parehong bouquet rin ang natanggap ni Penny. "I want to see him." he said and crossed his arms. Uminom lang ito ng cola sa aluminum can. "Kyou! Riley!" Nagulat na lamang silang dalawa nang pumasok sa 7-11 si Penny. Hingal na hingal ito na galing lang sa pagtakbo. "Bakit nandito ka Kyou? At magkakilala na kayo ni Riley? Kailan pa?" bulalas nito. 『End of Chapter 6』
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
as expected !!
28/12/2024
0The best movie ever 😻😻😻 bye
23/11/2024
0999
06/11/2024
0Ver Todos