"Umuulan?" maang niya at pinagmasdan ang pagbagsak ng ulan sa labas ng building. Wala siyang dalang payong at kung maghihintay naman siya doon ay malaki ang posibilidad na lalakas pa lalo ang ulan. Gusto na niyang umuwi matapos ang buong araw na pagsagot sa midterm exams nila. Said na said na ang utak niya sa pagsagot at halos wala na yatang natirang sustansiya sa kanyang utak. Whole week ang exam at parang maaalog ang utak niya. Nang bahagyang humina ang ulan makalipas ang ilang minuto ay inilabas niya ang PE shirt niya at sinaklob sa sarili. Kumaripas siya ng takbo at dinaanan lang ang mga tao doon na nakapayong. Maliit man siya ay nagagawa naman niyang kumilos ng maliksi. She knew her body too well to handle strenous activities that anyone would doubt she could do it because of her small frame. She was able to get in front of the gate. Almost wet all over but she didn't care but her jaw dropped when she saw the flood on the streets. May problema talaga sa drainage system sa paligid ng university nila at kapag may ulan talaga ay bumabaha roon. Bakit ba muntik na niyang makalimutan iyon? May ibang tao na tinungo lang ang parte ng kalsada na mababaw lang ang tubig at doon na tumawid. Napangiwi siya nang mapansing kinapitan na ng putik ang suot niyang puting sapatos. Tinungo niya ang gilid ng daan at napangiwi kung paano rumagasa ang maruming tubig sa gilid ng gutter. Kung minamalas nga naman. Humina naman nang konti ang ulan pero hindi garantiya na huhupa na ang baha. Nanlaki ang mga mata ni Penny nang makitang may paparating na truck kaya dali-dali niyang itinago ang sarili sa lalaking nakatayo roon at agaw-pansin sa height nito. Ayaw niyang matalsikan ng tubig at maligo sa mabahong tubig ng kanal doon. "Aish! Buwisit na truck! Hoy! Bumalik ka! Ipapa-laundry ko pa 'tong narumihang jacket ko! Anong—" Napansin yata nito na nakahawak siya sa bandang beywang nito at lumingon sa kanya sa likod. Nagkagulatan pa silang dalawa. "Ikaw?!" Suminghal pa ito. "At ginawa mo talaga akong panangga ha?" sarkastiko nitong dugtong. Nag-peace sign siya, tumingala rito at tabinging ngumiti. Mabuti na lamang tumigil na ang ulan sa puntong iyon. "Sorry na. Hindi kasi ako matatamaan pag nagtago ako sa 'yo. Well, effective. Ang tangkad mo kasi." Suminghal na naman ito at pinagpagan ang jacket nitong may kumapit na maruming tubig. "Aish! Sigurado ka bang dito ka nag-aaral? Mukha kang elementary pupil! Aray!" Nahampas niya ito sa braso nito. Ganoon talaga siya kapag inaasar siya o iniinis. Umaandar ang pagiging sadista niya. "Second year na ako ano! Masyado ka lang matangkad. I believe a foot taller ka. Wow, bakit di kita napansin sa basketball team?" Siningkitan siya nito ng mga mata. "Hindi mo talaga ako mapapansin dahil hindi naman ako kabilang sa basketball team." he hissed and faced the flooding street again, deciding on whether to cross it. "With that height? Kahit bencher lang?" Tinaliman lang siya nito ng mga mata. Penny didn't know why she felt comfortable with a guy even just for seconds she met him. Not to mention, umiyak at ngumawa pa siya rito sa canteen. Maybe because she's aware that he's a decent and a good guy. Itinuro nito ang sarili, hindi makapaniwalang narinig nito ang mga salitang iyon galing sa kanya. "Ang mukhang ito? Bencher lang? Sawa na akong marinig sa mga tao ang tungkol sa height ko. Nakulili na ang mga tainga ko. So will you please go on with wherever you're going?" pagsusungit nito na may ngiti pa sa mga labi. Ito lang ang lalaking hindi bino-boast ang height nito sa iba at hindi proud sa quality na iyon na meron ito. Palipat-lipat ang mga mata ni Penny sa baha at sa tuktok ng ulo nito na napansin naman nito. Nangunot tuloy ang noo nito, walang ideya sa tumatakbo sa utak niya. Matamis siyang ngumiti. Kahit papaano ay hindi pa naman pumalya ang utak niya. "Lumuhod ka nga." Para lang siyang nag-utos ng alipin. The guy snorted. "Inuutusan mo ba ako? Ayoko." Sukat sa sinabi nito ay pasimpleng hinampas niya ito sa likod at dahil nga isang foot ang tangkad nito sa kanya ay ang bandang puwit nito ang nahampas niya. Narinig niya ang ilang tawanan sa paligid na malamang nakita ang kashungaan niya. Nanlalaki ang mga matang napalingon sa kanya ang lalaki, nakahawak na sa puwit nito. "Hoy, wag mong anuhin 'tong puwit ko. Inosente 'to." "Luhod ka na kasi." giit niya. Ewan niya pero natatawa talaga siya na ganito siya rito. Aminado naman siyang makapal ang mukha niya at times pero mas makapal ang mukha niyang utusan ito basta lang. Feeling close na kung feeling close. Puwedeng-puwede siya nitong iitsa sa bahaing kalsada sa harap nila. Parang mawawalan ito ng pasensiya sa kanya kaya lumuhod na lang ito patalikod sa kanya. She immediately clung to his shoulders and lightly kicked the side of his knee. "Buhatin mo ako habang tumatawid tayo sa baha. Sige na. Libre kita ng merienda at ikaw na bahalang pumili kung saan tayo kakain bilang bayad. I am curious kung ano ang view ng isang kagaya mong singtangkad ng kapre." "What?!" He let out a choke when she hugged her neck too tightly. Napilitan tuloy itong hawakan ang dalawang binti niya at inangat siya. Napatili pa siya dahil bahagyang nalula siya. "Tsk. Gusto mo lang makatawid na hindi nababasa." Nagsimula na itong maglakad patungo sa gawing mababaw ang baha. Katulad niya, puti rin ang sapatos nito. Kaya pala, matagal itong makatawid kanina. Naging panangga niya tuloy sa humahagibis na truck. Inayos nito ang pagkakabuhat sa kanya. Weird. Penny couldn't feel some awkwardness between them. It was like as if they were friends since fetus days. "Aish! Bakit ba lagi na lang bumabaha rito? Kung alam ko lang, hindi ako mag-eenroll sa lintek na uni na ito." himutok nito habang papatawid na sila ng kalsada. Malalaki ang mga hakbang nito at mukhang hindi nito ininda ang bigat niya. Nang tuluyan na nilang malampasan ang baha ay parang nilamay na nito ang pobre nitong puting sapatos na basang-basa na. Binaba na siya nito pagdating nila sa kabilang gilid ng kalsada. "Sa barbecue tayo. Parang gusto kong kumain ng isaw. Sabi mo, libre?" Muntik na niyang makalimutan na malaking mama ito at malamang malakas itong kumain. Madadale ang pera niya pero paninindigan niya ang kasunduan nila kanina. Ngumiti siya rito't nauna nang maglakad patungo sa dinadayong barbecue-han sa labas ng university. Hindi pa punuan ng customers doon pero naglaho ang ngiti niya nang bumungad na naman ang bahang kalsada. Lalagpasan na naman nila iyon. Magsasalita pa sana siya nang bigla siyang buhatin nito na parang sanggol lang. Napahawak tuloy siya sa balikat nito. "Shit. Nakakahiya. Masyado ba talaga akong maliit?" usal niya nang ibaba siya nito. Halos hindi niya masalubong ang mga curious na tingin ng schoolmates nila sa paligid. "Oo. Napagkamalan pa kitang elementary pupil, di ba?" He smirked at her and she just gave him a death glare. Naamoy na niya ang usok ng barbecue at bigla siyang naglaway nang makita ang mga isaw doon. "Mas magaan ka pa kaysa sa pamangkin kong 2 years old at kamukha ni Majinbu." She sneered and went to the lady who grilled some barbecue on the grills. Nag-order siya ng para sa kanila at sinamahan na rin niya ng tinola, pampawi ng lamig sa araw na iyon. "Para kang daga sa ID mo." Napansin pala nito ang ID niya kaya inalis niya ang pagkakasuot ng ID niya saka ito sinamaan ng tingin. "So, Penelope. Bakit ka umiyak nang araw na una kitang nakita? Nag-eskandalo ka pa sa harap ko't umani pa ako ng masasamang tingin sa mga tao roon." Medyo may pagka-tsismoso rin pala ito at dahil nga eto ang nakasaksi sa kamiserablehan niya ng araw na iyon ay hindi niya ito pagdadamutan ng impormasyon. Open book naman na tao si Penny at sa mga piling tao lang. Hindi nga sila close ng lalaking 'to na di pa niya alam ang pangalan ay may pakiramdam siyang di naman nito ipagkakalat ang kung ano mang maririnig nito galing sa kanya. "Penny na lang." Tinikman niya muna ang isaw na sinawsaw niya sa sauce at napapikit pa sa sarap niyon. "Narinig mo naman ako. Dahil sa ex ko." Tumaas ang isang kilay nito. "Ex mo? Bakit kayo nag-break?" Medyo natigilan siya. Guwapo talaga ito at wala man lang effort. Napapansin rin niya kung gaano ka-head turner ito sa height nito at boyish ang aura nito. Napangiti na lang siya. Kailan pa siya nag-assess masyado sa physical features ng isang lalaki? Ni hindi niya ginawa iyon kay Henry. "Well, nalaman kong fantasy lang niya ako." Nangunot tuloy ang noo nito, hindi naintindihan ang ipinunto niya. She leaned on the table and stared at his face. "The qualities he likes, he found it in me. Altogether, same kami ng hobbies ng kanyang crush noong first year siya. At same ng personality sa muse namin sa batch. Easy-going ako at palangiti, well iyon ang akala niya. Hindi siya aware na medyo sadista ako. Nanghahampas bigla. Malas niya pero nasaktan ako nang bigkasin niya ang pangalan ng muse namin noong sumasakit ang tiyan niya. Ako ang girlfriend niya, so siyempre nagselos ako. 'Yong mga hobbies ko, nagbago at mas nag-enjoy na ako sa outdoor activities at alam kong disappointed siya dahil homey siyang tao. So parang tingin ko noon, na pinagsamang past crush at idol niya, ako kaya ako na lang ang pinili niya. I doubt kung minahal ako ng lokong 'yon matapos kong ma-fall sa kanya sa mga effort niya." Masakit pa rin talaga kung ikukuwento mo at babalikan ng tanaw ang mga napansin mong mali noon. Ang mga bagay na red flag para sa kanya pero binalewala lang niya dahil sa nagmahal siya. Simple lang. Gaya ng dati, natigil ito sa pagnguya nito at hinugot ang panyo nito sa bulsa ng jacket nito. Ito na rin ang nagpunas ng mga luha niyang hindi niya namalayang umalpas sa mga mata niya. "Kung mahal ka niya, mamahalin niya kung sino ka at kung ano ka. Hindi sa nakita niya ang qualities na nakita niya sa ibang babae sa 'yo. E gago pala siya." Napasinghal na ito na pansin niyang reaksiyon nito pag naaasar ito sa narinig nito. Agad nitong inisang aubo ang isaw sa isang stick. "Sino nakipaghiwalay?" Sandali siyang hindi nakaimik at malungkot na ngumiti. Uminom muna siya ng tubig bago sumagot. "Siya. Apparently, naramdaman niyang mas mahal niya ako? Ewan, at first hindi ko naman talaga siya gusto hanggang sa binigyan ko na siya ng chance." "Importante ba kung sino ang mas nagmahal?" kunot-noong segunda nito. "Not knowing na hulog na hulog na ako sa kanya. Ang unfair, di ba? Ayoko namang baguhin ang sarili ko sa gusto niya. Let alone, maging shadow ng babaeng gusto niya talaga noong una." "E sira-ulo pala siya. Dapat doon na siya nanligaw sa babaeng gusto niya. Hindi ikaw 'yong iligalig." dugtong nito, with a distaste on his face. Natutuwa siya sa face expressions nito at mga replies nito. "Buti wala na kayo kungdi, makakalimutan mo kung sino ka talaga. Why pleasing him with the same personalities and hobbies with his previous love interest? Damn." Doon na siya napahalakhak. Para itong Kuya figure sa mga sandaling iyon na animo'y mananakmal sa kung sino man ang lumapit rito. "Nah. Masakit lang talaga ang ginawa niya kaya di ko talaga malimot-limot. Suppose to be anniv kasi namin ang araw kung kailan mo ako nakitang umiyak." Napansin niyang umuulan na pala sa labas at doon siya napatingin. "It was stormy day when he declared a break-up." 『End of Chapter 1』
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
as expected !!
28/12/2024
0The best movie ever 😻😻😻 bye
23/11/2024
0999
06/11/2024
0Ver Todos