logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Catching Feelings

Catching Feelings

daisiesdreamer


Prologue

Nakiisa ang langit sa pagdadalamhati ni Penelope. Paano ba naman kasi, pinaalala lang ng araw na iyon kung gaano siya kamiserable. She failed her mid-term exam because her brain was pre-occupied of someone she should forget after that terrible storm. It's quite messy to end that when she's distress from choosing her course. Tulala lang siyang nakapila sa canteen at halos hindi na niya naririnig ang ingay na nagmumula sa mga college students doon. Pag-iisipan niya ang pag-shift niya ng kurso. Hindi na siya masaya roon.
Oras na ng lunch at halos lahat ng mga estudyante ay piniling kumain na lang doon sa canteen dahil nga umuulan sa labas. Malalim ang buntong-hininga na hinintay niyang lagyan ng crew doon ng pagkain ang hawak niyang tray. Nang magbayad siya'y kulang pa ang perang nabigay niya sa pagiging lutang niya. Nagtataka tuloy ang mga tao doon kung bakit ganoon na lang siya katamlay tingnan. Daig pa niya ang nalugi sa lotto.
Palinga-linga siya, naghanap ng puwestong uupuan at okupado na lahat. Gusto niya iyong nasa sulok para di siya makitang magngawa. Oo, balak talaga niyang magdrama ng mga oras na iyon at walang makakapigil sa kanya.
Tinungo niya ang table na may isang lalaking halos di na yata nagkasya sa ilalim ng table ang mga paa nito. Mag-isa lang itong kumakain at dahil nga may space pa ay doon niya inilapag ang tray niya. Mabigat ang loob na umupo siya katapat nito. Saglit lang itong natigilan. Wala na siyang pakialam kung iisipin nitong hindi na siya nagpaalam.
Nang makita niya kung ano ang ulam nito ay bigla na lang kumawala ang mga luha niya. Napayugyog ang mga balikat niya. Natigil naman sa pagnguya ang lalaki. Di niya maaninag ang mukha nito gawa na nanlalabo ang mga mata niya sa mga luha niya.
Ang sakit pa rin talaga na ma-associate niya sa kung ano-anong bagay ang lalaking 'yon. Isang taon na rin naman ang lumipas ngunit bakit masakit pa rin? Anniversary na sana nila. Humugot siya nang malalim na hininga at kumawala doon ang ngawa niya.
Pinagtitinginan tuloy ang table nila. Ang lalaki naman sa katapat niya ay natigil na talaga sa pagkain nito. He hissed under his breathe. Kunot na kunot rin ang noo nito.
"Aish! Bakit ka ba umiiyak? Aakalain na inano kita e hindi naman ako nang-aano." Ang lalim rin ng boses nito at pansin niyang mas matangkad pa rin ito sa kanya kahit nakaupo lang ito. Kumalansing ang kutsara nito. Kulang na lang ay ihagis siya nito palayo roon.
"Pasensiya na. Hindi ko mapigilan e. Bakit ba kasi 'yan ang ulam mo? Paborito niya 'yan." Paklay ang paboritong pagkain ni Henry, ang ex-boyfriend niyang nakipaghiwalay sa kanya sa mabagyong araw.
"Ex mo? Aish. Shit na 'yan, paborito ko din ito. Tumigil ka na sa kakaiyak, Miss. Gago 'yon." May kung anong kinuha ito sa bulsa ng jacket nito at initsa lang sa mesa. Isang puting panyo na kinuha niya lang pero ngumawa lang siya dahil madalas nakikita niyang may dalang panyo si Henry noon. Parang anumang oras ay sasakalin siya ng estranghero.
"Hindi siya gago. Nagsawa lang talaga siya." Ayon sa iba, mas komportable daw na ilabas ang hinanakit mo sa isang estranghero. Umangat lang ang gilid ng labi nito, naging sarkastiko ang ekspresyon.
"Gago pa rin 'yon." giit nito at napairap saka hinubad ang jacket nito na ikinatigil niya sa pagngawa saglit. Di bale na kung masama ang tingin ng ibang tao roon sa lalaking may malalim na boses. Suminghot-singhot siya't suminga sa panyo at tila nandiri naman ito. "Naman. Umiyak ka na nga lang."
Nagulat na lang siya nang takluban nito ng jacket ang ulo niya upang takpan siya sa mga tao. "Para hindi na nila makitang umiiyak ka."
Sukat sa sinabi nito, napaiyak siya lalo pero sinarili na lang niya ang ingay dahil nahihiya na rin siya rito na napuwerhuwisyo pa ito. Hindi pa pala ubos ang mga mababait na lalaki sa mundo. Kumain na lang siya ng tanghalian niya at lakas-loob pa na naki-share ng ulam rito na hindi na lang nito ininda. Baka ngumawa na naman siya at ibalibag pa nito anumang sandali. Mas matangkad pa naman ito sa kanya. Mas madali na rito na tirisin siya sa asar.
Nang tumahan na si Penny, doon na niya naaninag ang poging mukha nang may-ari ng jacket. Lumobo ang pisngi nito sa nginuya nitong pagkain. Makapal ang kilay nito na may korte sa dulo, sensuwal ang labi at matangos ang ilong. Ni wala siyang nakitang pimples sa mukha nito. His eyes resembles the eyes of the deer, a bit watery, bright and with a glint of playfulness.
"Guwapo ka." Napaubo lang ito sa biglaang hirit niya. Amoy citrus din ang jacket nito na nakataklob sa kanya.
Sa maulang araw na iyon niya nakilala si Riley. Ang boy bestfriend niya.
(End of Prologue)

Comentário do Livro (26)

  • avatar
    Hyacinth Paco

    as expected !!

    28/12/2024

      0
  • avatar
    BarbechoThessa

    The best movie ever 😻😻😻 bye

    23/11/2024

      0
  • avatar
    JuguilonPotpot

    999

    06/11/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes