logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

KABANATA 5- SELOSO

Thomas Point of View
"Thom, I'm starving, let's have a lunch on my Restaurant please?"
nakapulupot ang mga kamay niya sa braso ko.
"Sumama ka sa amin, Sandra!" napalingon siya sa akin pero nakatitig ang mga mata niya sa kamay ni Alexa na nakahawak sa aking braso.
"Ha? Ah...nakakahiya naman kung maisturbo ko ang lunch date ninyo" napakagat-labi siya ng sabihin iyon.
"Sasama ako! Kung alam lang ninyo, kanina pa kami gutom ni, Sandra bro, double-date na tayo kung ganoon" nakangisi niya na pang-aasar sa akin.
"Whatever! Let's go, Thom" Tila nasusuya na wika ni Alexa, at hinila na niya ako kaya napasunod na lang ako sa paglalakad niya patungo sa kotse ko.
Naunahan ako ni Mauricio na pagbuksan ng pinto ng kotse si Sandra kaya naman sila ang magkatabi sa back seat.
"Can you please focus on the road while driving, Thom?" Alexa roll her eyes.
Nasa front seat siya kaya alam niya na panay ang tingin ko sa salamin na nakikita ang backseat.
After twenty minutes, narating na namin ang Restaurant at kaagad na pumasok sa loob.
"Alexa!" sigaw ng isang lalaki.
"Hi, Dad!" nakipagbeso-beso siya.
"We just arrived here, we are all starving" Alexa exclaimed while chuckling.
"Or shall I say, ililibre mo na naman ang mga barkada mo?" inisa-isa niya kami na tinititigan nina Sandra at ng pinsan ko na si
Mauricio from head to toe.
"Dad, will you please stop saying nonsense?" pabulong niya na saway dito.
"I just want to remind you Hija, don't you ever run to me kung malulugi man itong restaurant mo, tsk!" hindi niya pa rin inaalis ang matalim na tingin sa aming tatlo.
"Excuse me po, Mr. Ashford, we're not here para magpalibre ng pagkain sa Restaurant na pagmamay-ari ng iyong pamilya, Alexa, is our friend, nagmagandang-loob lamang po kami na ihatid siya dito sa Restaurant" nakayukom ang kamao ko na wika.
"Hindi na rin po kami magtatagal" singit na wika ni Sandra habang hawak niya ang kamay ko tanda ng pagpipigil niya sa kung ano man ang nais ko pa na sabihin.
"Mauna na po kami, Mr. Ashford" halata sa tono ng pananalita ni Mauricio ang inis sa daddy ni Alexa.
Agad din naman kami na tumalikod at sabay-sabay na tinungo ang exit.
"Dad! What are you doing? I can't believe this, they are my childhood friends, don't you recognize them?" pagmamaktol ni Alexa.
"Don't you dare follow your cheap friends, Alexa!" malakas ang boses niya na halata na kami ang pinaparinggan.
Napahinto kaming tatlo at kapwa nagka-tinginan.
"Thomas! Let's just go outside, huwag mo ng patulan please"
nakikiusap na wika ni Sandra sa akin.
Huminga kami ng malalim nang kami ay nasa loob na ng kotse at tuluyan nang nakalabas sa Restaurant na iyon.
"Bro! Doon tayo sa kanto, nakita ko na may nakahilera na mga street foods doon, nagugutom na talaga ako" reklamo ni Mauricio habang hinihimas- himas ang kanyang tiyan sa gutom.
Mabagal lang ang pagpapatakbo ko sa kotse habang palinga-linga naman ang dalawa ko na kasama na naghahanap ng makakainan namin.
"Thomas! Eto na iyon oh! Ihinto mo na muna ang iyong kotse, gutom na talaga ako" nakikiusap na sabi ni Sandra.
"Sandali lang, magpa-parking lang ako" huminto ako sa may parking lot.
"Let's go, Sandra!" inalalayan ni Mauricio pagbaba ng kotse ang dalaga sabay akbay.
"Teka lang, tila yata mukhang nagkakasundo na kayo masyado ah?!" nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa habang nakaupo kami sa isang pwesto nang nagtitinda ng street foods.
"Bro! Komportable kasi na kasama si Sandra, walang kaarte-arte, hindi na talaga nakapagtataka na kaagad..." naudlot ang sasabihin ng pinsan ko dahil tinapakan ko ng palihim ang kanyang paa mula sa ilalim ng mesa na pinagkainan namin tatlo.
Naunsyami naman ang pag-inum sana ni Sandra ng tubig at napatingin kay pinsan.
"Oh? Hindi nakapagtataka na ano? Mauri?! Mambitin ba naman?"
nagtataka na tanong ni Sandra kay pinsan.
"Hindi na nakapagtataka na agad kayo nagkalapitan ng loob ni, Mauricio, diba pinsan?" ako na ang sumagot sa tanong ni Sandra at baka kasi kung ano pa ang mabitawan na salita ng pinsan ko, ewan ko ba, praning na nga siguro ako dahil para yata may alam ang pinsan ko sa itinatago ko na sekreto.
"Ah! Oo tama ka nga Bro! Hehe" hilaw na ngiti ni Mauricio sa akin.
"Wow! Ang dami naman ng order mo, Mauri, mauubos mo ba lahat iyan?" mangha nacwika ni Sandra.
"Mauubos natin itong tatlo, Sandra, aba'y huwag mo sabihin na hindi ka kumakain ng kwek-kwek, kikyam at fishball ha?" nakataas-kilay na tanong ng pinsan ko.
"Hoy Mauri! Grabe ka naman, cheap friends nga tayong tatlo diba? Ay, sorry, hindi ko na pala dapat banggitin ang nangyari kanina" nahihiya niya na sabi.
Agad akong umiwas ng tingin ng magka-salubong ang tingin namin ni Sandra. Nagkatawanan naman silang dalawa ng pinsan ko, nang silang dalawa naman ang nagkatinginan.
"Pwede ba magdagdag ng order? Natatakam kasi ako sa takuyaki at siomai kung pwede? hehe" kimi na wika ng dalaga na nakatingin sa aming dalawa ni pinsan.
"Sure, sige, teka o-order lang ako sandali" offer ni Mauricio.
Kaagad ito na tumayo at bumalik din naman agad na dala ang order ni Sandra.
"Wow, ang sarap" ngumunguya ito ng siomai.
"Ang takaw mo talaga kumain, Sandra haha" hindi ko mapigilan na asar sa kanya.
Ngumiti lang ito at puno ang bibig ng mga pagkain.
Makalipas ang thirty minutes. Tumayo na kaming tatlo at sabay-saby na nilisan ang pinagpwestohan nang street foods.
"Salamat sa libre, Mauri ha, grabe busog na busog talaga ako"
hinawakan niya ang braso ni Mauricio at sumandal sa balikat nito habang naglalakad.
Nakita ko na nagulat ang pinsan ko sa paghawak ni Sandra sa braso niya at agad na lumingon sa akin. Nasa likod lang ako nakasunod at tila ba nakalimutan nila na may kasama sila.
"Naku Sandra! Kay Bro Thomas ka dapat na magpasalamat, siya kaya iyong nagbayad!" namumula ang pisngi niya na sagot kay Sandra.
"Oh My! Mauri, ang gwapo mo naman kapag nagba-blush!
Hahaha. . ." pang-aasar ni Sandra sa kanya.
"Siyanga pala, Thomas, maraming salamat ha? Hindi lamang sa panglilibre mo sa amin ng pagkain, kundi sa araw na ito na magkasama tayo" hawak-hawak niya ang dalawa ko na kamay na may matatamis na ngiti.
"Ha? Ah...Wa...wala...wala iyon, Sandra, you're welcome" binawi ko ang kamay ko na hawak-hawak niya.
"Hay naku! Mag-pinsan nga kayo, lalo kayong guma-gwapo kapag nagba-blush, hahaha...teka lang muna ha, pupunta muna ako sa comfort room" pagpapaalam niya sa amin.
Naiwan kaming dalawa ni Mauricio na nakatunganga at nagkatinginan sa isa't-isa.
"Mag-usap tayo ng masinsinan sa bahay mamaya, Mauricio ha?"
tiningnan ko siya ng masama. Tinawanan lang ako ng loko.
After four minutes. . .
"Hi Boys! Sorry medyo natagalan ako hehe, ano na? Let's go?!"
masiglang pag-aaya sa amin ni Sandra.
Nauna siyang naglakad patungo sa parking lot.
" Hoy Bro! Let's go daw! Aba at nakatulala ka diyan ha? Nagba-blush ka na naman ba?" umiling-iling na wika ni Mauricio habang sumisipol papunta sa kotse.
"Uy! Mauricio! Pwede ba na ikaw muna ang mag drive ng kotse pauwi?" mahinahon ko na pakiusap sa kanya.
"Sure Bro! Give me the keys! Baka langgamin kayo niyan ha?"
tinapik niya ang aking likod at pumasok na sa loob ng driver seat.
Nasa back seat ako nakaupo para naman mabantayan ko ang bawat galaw ni Sandra. Hindi iyong pinapanood ko lang sila ng pinsan ko na nagkukulitan at naghahalakhakan.
"Are you okay, Sandra? You can lean on my shoulder kung gusto mo matulog saglit habang nasa biyahe pa tayo" kinakabahan ko na tanong.
Lumapit siya sa tabi ko at bigla lamang ako ay kanyang niyakap.
"Naks ha! Ang sweet mo naman ngayon, Thomas" humihikab siya na sumandal sa dibdib ko. Isinandal ko naman ang ulo ko sa kanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko noong oras na iyon. Kaya naman nakapagdesisyon na ako.
"Mauricio, magpunta muna tayo sa Beach Resort, gusto ko lang mawala ang stress nating tatlo sa nangyari kanina" pakiusap ko sa pinsan ko.
"Mawala ba talaga ang stress pinsan? Kung hindi ako nagkakamali, ayaw mo lang kumawala diyan sa pagkakayakap ni, Sandra eh, kaya pala ako itong pinag-drive mo sa kotse ngayon hahaha..." mahina niya na sambit pero naririnig ko naman ang ibinubulong niya.
Isang oras din ang biyahe bago kami nakarating sa Beach Resort.
Bumaba na si Mauricio ng kotse pero ayoko pa na matapos ang sandali na nakayakap si Sandra sa akin.
"Napasarap yata ang tulog ko" kakawala na sana si Sandra mula sa pagka-kayakap sa akin pero, I pull her back close to me kaya naman magkayakap kami ngayong dalawa.
"Sandra, let's just stay this way please" nakapikit ang mata ko na yumayakap sa kanya ng mahigpit.
"Hmmm, baka naman langgamin tayo sa sobra mong sweet, Thomas hehe..." pagbibiro niya sa akin.
"Sandra, may sasabihin sana ako sa iyo" para yata may mga paru-paru na lumilipad sa aking tiyan noong sandali na iyon.
"Ano iyon, Thomas?" kumawala siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako sa mata. Hinawakan ko ang maamo niya na mukha ng biglang may kumatok sa bintana ng kotse. Inis ko na binuksan ang pinto ng kotse at tuluyan ng bumaba.
"Salamat, Mauri" narinig ko na wika ni Sandra, pinagbuksan pala siya ng pinto ng kotse sa kabila ng pinsan ko. Sinamaan ko ng tingin si Mauricio dahil alam ko na siya ang kumatok sa bintana para maudlot ang sasabihin ko, nakita ko na inaalalayan niya sa paglalakad si Sandra hawak ang siko nito. Napalingon naman ang dalaga sa akin.
"Oh! Thomas! Ano nga pala ang sasabihin mo sa akin?" she smiled like an angel.
"Ahm, I was about to ask you kung gusto mo maligo sa pool or sa dagat?" napakamot-ulo ko na tanong dahil hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Nagkatinginan sila ni Mauricio at nakita ko na namumula ang ang mukha niya na sumagot sa akin.
"Sa tingin ko, Thomas, mas enjoy maligo sa dagat diba, Mauri?" ibinaling nito ang tingin sa aking pinsan.
"Oo naman, Sandra, ano?! Maliligo na ba tayo?" nananadya nito na wika na nakangisi na tumingin sa akin.
"Pumasok muna tayo sa loob, masyado pa mainit para maligo sa dagat" nakasimangot ko na tugon at agad na tumalikod. Nauna na akong maglakad papasok sa loob ng resort. Nakakasira naman ng araw kung buong magdamag ko na makikita na masayang magkasama sila Sandra at Mauricio. I murmured to myself.

Comentário do Livro (96)

  • avatar
    Ďïvïnë Fĺöwëř

    nakaka inspire basahin..para sa mga hopeless maganda po syang basahin, this novel will remind me na love do exist.. galing mag compose ng tula ng writer..can't wait for the next chapter..

    17/08/2022

      2
  • avatar
    amanodos

    Nice

    23d

      0
  • avatar
    Princess Mary Melca

    very nice stort

    23d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes