logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

Myrna •Pov•
Nang matapos akong magluto at nakapaghain na rin ako sa lamesa ay agad ko ng tinawag si Cassy pero walang sumasagot kaya nagtungo ako  sa sala pero wala siya dun. Pumasok agad ako sa kwarto kung saan siya at nadatnan ko siyang nakahiga habang nakatalukbong ng kumot. Linapitan ko siya at ginising.
"Cassy iha? Gising na kakain na tayo." Paggising ko pero hindi pa rin nagigising. Hahayaan ko na sana siyang magpahinga pero napatigil ako ng mahawakan ko ang kamay niyang nakalabas sa kumot.
"Iha?" Mabilis kong inalis ang kumot at hinawakan ang noo at leeg niya. Jusko! Ang ang init niya, may  lagnat siya.
Mabilis akong nagtungo sa kusina at kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo bago bumalik sa kwarto niya. Pinunasan ko siya habang nanginginig na siya. Diyos ko! nag-aalala ako sakanya naaalala ko sakanya ang anak ko. Kamukhang-kamukha niya kase, nung una ko siyang nakita nung nabangga niya ako akala ko siya ang anak ko pero napagtanto kong matagal ng patay ang anak ko pero dahil nangungulila pa rin ako sa anak ko kaya ko siya tinulungan at inalok na tumira muna dito pero mali ata ang ginawa ko dahil nagkasakit pa siya dahil sa akin.
Ang tigas kase ng ulo mong bata ka! Sinabing wag ka ng maglinis eh! Pero hindi ko naman siya masisisi kung talagang desidido siya at pursigido na matuto na kakailanganin din naman niya balang araw.
Nang matapos ko siyang punasan agad akong kumuha ng gamot at tubig at ipina-inom sa kanya. Mabuti na lang kahit nakapikit siya nalunok pa rin niya ang gamot. Kinumutan ko ulit siya hanggang leeg pero ganun pa rin nanginginig siya. Nagtungo ako sa kwarto ko at kumuha ng isa pang kumot at agad ipinakumot sa kanya pero parang kulang pa rin. Kumuha pa ako ng mas makapal na kumot at ipinatong sa sa kanya at dun na siya naging maayos.
Napangiti ako habang hinahaplos ang buhok niya. Kamukhang-kamukha mo talaga ang anak ko para kayong pinagbiyak na bunga! sayang lang dahil wala na siya pero kahit ganun nakikita ko naman siya sayo kaya kahit anong mangyari aalagaan at tutulungan kita.
Napaluha ako habang hinihimas ang buhok niya. Napakabait niyang bata at kung ano man ang dahilan kung bakit mo sila iniwan ay naiintindihan kita iha. Wala na akong karapatan para paki-alaman pa ang buhay mo.
Bumalik ako sa kusina at tinakpan na lang ang mga pagkain. Nawalan na rin ako ng gana dahil sa pag-aalala kay Cassy. Ipapainit ko na lang ang mga pagkain bukas para hindi sayang.
___________
Binantayan ko siya buong magdamag kaya medyo inaantok ako ngayon habang ipinapainit ang mga pagkain. Mabuti na lang at bumaba na rin ang lagnat niya akala ko nga matatagalan pa bago bumaba ang init niya, kung sakaling hindi pa bababa ang temperature niya hanggang umaga dadalhin ko na talaga siya sa hospital pero mabuti nalang at bumaba din ang init ng katawan niya.
Lumabas ako ng kwarto kung saan siya at  nagtungo ako sa kusina para ihanda ang umagahan namin lalo na't kailangan niyang kumain para bumalik agad ang lakas niya.
Napatigil ako sa ginagawa ko at agad tumingin sa may pintuan ng makita ko siyang pumasok.
"Naku iha ok ka na ba? Bakit bumangon ka na? Ano kumusta ang pakiramdam mo?" Sunod-sunod kong tanong at agad pinatay ang kalan at linapitan siya bago sinalat ang noo at leeg. nakahinga ako ng maluwag ng bumalik na sa dati ang temperatura ng katawan niya hindi gaya kagabi na halos pumaso na ang sobrang init niya.
"Okay lang po ako Tita. Pasensya na po kayo saakin ah!" Hinging paumanhin niya. halata pa rin ang pananamlay niya at panghihina.
"Naku iha! Wag kang humingi ng pasensya dapat ako nga ang humingi ng pasensya dahil nagkasakit ka kahit na alam kong hindi ka sanay sa mga gawaing bahay!" Paghinging paumanhin ko at agad ko siyang inalalayang umupo.
"Kasalanan ko din naman po at tsaka isa pa okay na po ako kaya wag na po kayong mag-alala." Napangiti ako ng ngumiti ito, buti na lang at kahit papaano okay na siya.
"Kung ganun ipagtitimpla kita ng kape o gatas. Anong gusto mo iha?" Tanong ko at agad naghanda ng baso at kutsara.
"Gatas nalang po." Sagot niya na agad ko namang sinunod.
"Tita bakit po ang bait-bait niyo sa akin samantalang hindi niyo ako kadugo? dahil po ba kamukha ko ang anak niyo?" Tanong niya habang nakatingin saakin. Napatigil ako sa pagtitimpla at agad ko siyang sinagot.
"Oo inaamin ko iha na dahil nakikita at naaalala ko sayo ang anak ko pero obligasyon ko namang tulungan ang mga nangangailangan, lalo na ikaw iha." Sagot ko at mabilis tinapos ang pagtitimpla bago ibigay sa kanya.
Hindi na kami nagka-imikan pa kaya naghain na lang ako ng makakain para sa amin.
"Oh ayan kakain ka ng marami iha para mabilis na maka recover yang katawan mo at ng mabilis na bumalik ang lakas mo." Linagyan ko ng kanin at ulam ang plato niya kaya nagpasalamat ito saakin. Napangiti na lang akong nakatingin sa kanya habang kumakain.
Nang matapos kaming kumain agad ko na ring hinugasan ang pinagkainan namin bago ako nagtungo sa palengke para bumili ng mga gamit ni Cassy. Hindi ko to ginagawa dahil naaalala ko lang ang anak ko sa kanya. Ginagawa ko 'to dahil naaawa ako sa kanya dahil kahit hindi niya aminin sa akin ang dahilan kung bakit siya naglayas ay alam ko namang may malalim na dahilan.
Pabalik na ako ng bahay ng may tumawag sa cellphone ko. Oha! kahit may edad na ako may cellphone naman ako. Tiningnan ko ang tumatawag sa cellphone ko. Naku ang aking boss!
"Hello ma'am. Bakit po kayo napatawag?" Agad kong tanong, medyo matagal-tagal na ang huli naming pagkikita ng amo ko kaya nakapagtatakang tumawag ito, baka may mahalaga siyang sasabihin.
"Hello Manang Mryna. Gusto ko lang sabihin na bumalik na ang alaga mo galing france at kailangan namin ng mag-aalaga sa kanya at isa pang katulong na papalit kay Manang Marites." Sagot nito mula sa kabilang linya.
"Po? Eh kailan ako babalik diyan?" Mabilis kong tanong. Excited na akong makitang muli ang dati kong alaga.
"Bukas na at kung pwede ay maghanap ka na lang ng isa pa diyan." Sabi ni maam.
"Opo ma'am bukas nandiyan na kami." Sagot ko.
"Oh sige ibaba-ba ko na dahil may ginagawa pa kase ako." In off nanga niya ang tawag kaya itinuloy ko na ang aking paglalakad pauwi.
Nadatnan ko si Cassy na nagpupush-up kaya bigla akong nataranta at agad ko siyang nilapitan.
"Naku iha baka mabinat ka!" Mabilis kong inilapag sa upuan ang mga pinamili ko at linapitan siya.
"Okay lang po ako Tita, nagpapapawis lang po ako." Nakangiting sagot niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Ang batang 'to napakakulit.
"Ganun ba? wag kang masyadong magpagod diyan iha baka mabinat ka." Paalala ko sa kanya, mahirap ang mabinat dahil mas malala pa ang sakit nito, kumbaga triple ang sakit kesa sa una mong naranasan.
"Oo naman po, salamat sa pag-aalala Tita." Nakangiting sambit niya bago tumayo at agad nagpunas ng pawis gamit ang puting towel na nakasabit sakanyang leeg kanina habang nag-pupush-up.
"Nga pala iha ito yung mga gamit mo." Kinuha ko ang isang nakaplastick na pinamili ko at ibinigay sa kanya.
"Si Tita talaga! pero salamat po." Pagpapasalamat niya bago tinanggap ang binibigay ko.
"Nga pala bukas aalis na tayo at papasok sa pinagtratrabauhan ko, Pero kung ayaw mo ay pwede kang maiwan at babalik na sa inyo." Natigilan siya at tumingin saakin.
"Saan po kayo nagtratrabaho?" Tanong niya.
"Sa Baguio. Nagtratrabaho ako bilang kasambahay kung gusto mo sumama ka sa akin at ikaw na lang ang mag-aalaga sa alaga ko at ako na ang gagawa ng mga gawain dun?" Tanong ko sa kanya dahil mas okay na yun kesa siya pa ang gagawa ng mga gawain na wala naman siyang alam, mahirap na baka magkasakit na naman siya lalo pa't anak mayaman din siya. Ayokong may masamang mangyayari sakanya at baka ako pa ang masisisi dahil ako ang nangsama sakanya dun, mahirap lang ako samantalang mayaman ang pamilya niya kaya nasisiguro kong gagawin lahat ng kanyang mga magulang para maparusahan ako, kaya kahit na anong mangyari hinding-hindi ko siya pababayaan.
"Okay lang po saakin tita. Ano po bang gagawin ko?" Tanong nito. Mukhang desidido talaga siya, kung tutuusin siya dapat ang pinagsisilbihan hindi yung siya ang nagsisilbi.
"Tagahatid ka ng pagkain ni Xander at taga gawa sa mga ipinapagawa niya." Sagot ko.
"Po? Bakit tagahatid ng pagkain?" Kunot noo siyang nakatingin saakin.
"Kase kung minsan iha dahil sa pag-eensayo sa archery o paglalaro ng basketball ay napapabayaan niya ang sarili niya." Sagot ko pero mas lalo pang kumunot ang noo niya.
"Bakit po ilang taon na ba siya?" Mukhang interesado siya sa alaga ko.
"Actually iha magkasing edad lang kayo." Nakangiting sagot ko.
"Ano! Pa special naman pala kung ganun para lang pagkain nakakaligtaan pa." Napatawa ako sa reaksyon niya ng malamang kasing edad lang niya ang aalagaan niya.
"Tch! sige na nga po pumapayag na po ako sana lang hindi siya masungit dahil kung hindi, naku!" Nangigigil na sabi niya. Mukhang ayaw sa mga masungit. May pagkamasungit at cold pa naman ang bata na yun pero sana matagalan ni Cassy si Xander.
Mabait naman si Xander kaya lang naman siya naging ganun dahil sinisisi pa rin niya ang kaniyang sarili dahil sa isang aksidenteng na wala naman siyang kinalaman. Masyado siyang naapektuhan kaya labis ko rin siyang kinaawaan, nasaktan man ako pero wala na akong magagawa kung hindi ang tanggapin ang katotohanan. Naawa lang ako sa alaga ko dahil sinisisi niya ang sarili niya na hindi naman dapat.
To be continued.......
**************
Vote, comment and follow me guys thanks..

Comentário do Livro (71)

  • avatar
    ListerJohn

    thank you

    20d

      0
  • avatar
    Nicole Mabia

    romancing

    20/07

      0
  • avatar
    Sharlyn Garcia

    good

    15/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes