logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

chapter 7

My Lady
Irish Fhrixe's pov
I left at that house without Francia's permission. Dumeretso ako sa aking apartment. Pagpasok ko marahas akong umupo sa sofa at isinandal ang aking ulo sa sadalan. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Francia sa naging sagutan namin. Naging tanong sa akin kung anong ibig niyang sabihin sa huling mga katagang binitiwan. Is it her strategy for attaining my mission?
Sigurado ako na sinabi lamang niya iyon para mapaniwala niya ako na wala siyang balak agawin sa akin ang misyon. Pero ang totoo balak niya akong isilid sa kanyang bulsa para magawa ang mga plano niya.
Isang katok ang gumising sa katahimikan. Hindi ko muna iyon pinanasin pero nang sunod-sunod na ang katok pinagbuksan ko na lang ang bisita ko sa ganitong oras. Kay aga-aga pa. I slowly turned the doorknob, then I opened it quickly. Muli kong naisira ang pinto sa pagkagitla nang makilala ang bisita.
"Shit!" Mura ko habang nakatingin sa aking kabuuan. "Wala pa akong bihis."
Nang makita ko si Redemeer nakatayo sa labas hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko'y hindi niya magugustuhan ang aking hitsura. Lalo na suot ko parin ang t-shirt at padjama niya.
"Putot, open the door!" Sigaw Redeemer.
Halos magiba ang pintuan dahil sa malakas na katok ni Redeemer. Dali-dali kong inayos ang aking sarili, hinapuhap ko ang suot at sinuklayan ang aking nakalugay na buhok gamit ang mga daliri.
He still knocking. "Ba't kasi pinagsirhan mo ako?"
"Putchangyina, maghintay ka!" Singhal ko sa lalaking nasa labas.
Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili saka inis na pinagbuksan si Redeemer. I looked straight into his eyes while forcing myself to be an egocentric.
"Ang tagal!" Reklamo niya pagbukas ko ng pinto.
"Ano bang kailangan mo sa akin?" Maangas kong tanong.
Kumindat siya. "My dad wants to know you better."
Pagsabi niya ay agad siyang pumasok sa apartment ko. Sa inaasta nito para siyang takot na hindi makatapak sa loob. Isinira ko ang pinto at nilapitan si Redeemer na kasalukuyang komportableng nakaupo sa pang-isahang sofa.
Napa-isip ako sa sagot niya. Gusto ni Luksurio na makilala ako, bakit? Well, if he really wants to know me better, he just allow me to put bullet in his forehead. One bullet contents my entire personality.
"bakit? Bakit niya akong gustong makilala...better?" I asked with a serious face.
Sa halip na sagutin niya ako ipinikit niya ang kanyang isang mata na parang nahihiya, at mayroon siyang paper bag na inabot. Masamang tingin naman ang pinukol ko dito.
Curiosity led me to ask. "What is that? A gift? O suhol sa mga pinanggagawa mo kahapo-nevermind!"
Pinutol ko ang aking sasabihin nang nakaramdam ako ng saliwa, nag-flashback kasi sa aking alimpatakan ang nangyari kahapon. Hinablot ko ang paper bag mula sa kamay niya at binuladkad upang makita ang laman. Binalik ko ang paningin sa kanya na mayroong pagtatanong. Aanhin ko ito?
Nakabukas nang mata ni Redeemer. Payuko-yuko siya habang naroon parin ang hiya sa mukha. Tinaas ko ang isang bote ng perfume habang nakakunot ang noo.
"Use it," ani Redeemer.
"Do you really think wala akong pera pambili ng sarili kong perfume? Akala mo talaga hindi ko afford ang ganitong klaseng pabango? Nakaka-- "
"No!" Redeemer clipped my words. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin Kunge bakit kita binibigyan ng ganyan." Paliwanag niya.
"So... Anong ibig sabihin nito?" Iritado kong tanong.
May pag-aalinlangan siyang magsalita, naging bukas-sara ang kanyang bibig. He seems afraid to tell the answer, like it's a darkest secret. A secret cannot disclose to everyone, even at me.
May pagtataka kong hinintay ang sasabihin niya. And once I trying to meet our eyesights he always avoiding.
"say it! Go ahead!" Hamon ko.
"Kasi, ano...amh..." Tumikhim muna siya bago nagsalitang muli. "Kasi nahihilo ako kapag-nakakaamoy ako ng mga manly scent. Just like your perfumes."
Mas lalong kumunot ang noo ko sa aking narinig, "ibig mo bang sabihin nakakamatay ang amoy ko? Mabaho ako?" Talim ko siyang tinitigan sa mata.
"No!" Pasinghal niyang sagot. "Ang gusto kong sabihin, allergic ako sa pabango mo, kapag nakakaamoy ako ng manly scent ng subra-subra namumula ako at nahihilo kaya nga pabango ng babae ang ginagamit ko." Panliwanag niya, maaaninag rito sa kanyang boses ang konting katal.
Ito pala ang rason, allergic siya sa manly scent. Kaya naging ganoon nalang siya ka-pula noong gabing iyon.
"Weeh! Aminin mo na kasi." Panunukso kong sabi.
"Aminin, ang ano?" May pagtataka niyang tanong.
I slightly sighed. "Na ikaw ay ... gay." Walang pagdadalawang-isip kong sagot.
Bahagyang dumilim ang mukha niya. Kung gaano kadilim ang mukha niya salunggat naman sa akin. Honestly, Kahit minsan hindi naman talaga pumasok sa isip ko na bakla siya. Kahit pa noong nakapasok ako sa kuwarto niya at naamoy ang lady' scent hindi ko parin naiisip iyon. Gusto ko lamang na inisin siya. Kagaya ng pang-iinis niya sa akin.
"What!?" Tinuro niya ang kanyang sarili. "Ako, bakla?"
Humagikhik ako, punong-puno ng pamimikon sa kanyang kaharap. My turn to annoy you, payatot. Yeah, I can't wait to see peeve in Redeemer's face.
"yep, pel na pel ko!" Tuloy kong pang-iinis.
"Wow!" Bumilog ang kanyang bibig na tila namamangha. "Kaya rin pala amoy lalaki ka, pati yung kwarto mo dahil tomboy ka." His tone of diction makes my blood seethed.
Imbis na siya ang mag-alburuto sa pikon, sa akin ito nangyari. Akala ko talaga akin ang huling halakhak sa pagkakataong ito, hindi pala. Bakit ba palagi akong defeat pagdating sa kanya? Siguro talaga wala akong talent sa pang-iinis. Tama, iyon nga. Hindi ako loser.
"Inumin mo yan," pilosopo kong sabi. "Hindi ko yan matatanggap."
Inis kong ibinalik ang bote ng perfume sa paper bag at bahagyang ibinato ko ito sa may-ari. Sinalo niya ito at pasimple na inilapag sa mesang nasa harap.
He sighed heavily before spoke. "Ikaw ang nag-umpisa..." he smiled mischievously.
Tila para akong bombang sumabog sa irita. My mind want to punch him till he can't walk but my heart against this! I think there's something happened inside me, in my heart.
"Ba't ka galit?" Tanong niya.
"shut up, Redeemer! Leave my house, now!" Singhal ko sabay turo sa pinto.
Kinuyom ko ang aking kamao para pigilan ang sariling hindi ma-uppercut ang kausap. Tumayo siya at inisang hakbang ang pangitan namin. Hinawakan niya ang aking mga balikat at sinalubong ang aking mga matutulis na titig.
"I'm sorry, gumaganti lang naman ako sa pang-iinis mo eh..." Seryoso niyang paghingi ng patawad.
Sa loob-looban ko ay may munting sumibol na ngiti akong naramdaman, hindi dahil sa humingi siya ng tawad kaya ko ito naramdaman, kung hindi dahil sa maingat niyang hawak sa akin na para akong mamahaling hiyas na takot magasgasan. At ang kanyang mga titig ay tila anghel ako sa mga mata niya.
Unang pagkakataon, may isang taong nagpalimot sa akin ng lampas langit kong sungay. Unang pagkakataon, may isang taong nagparamdam sa akin ng halaga. Sayang nga lamang, hindi siya ang aking ama.
Nang pumasok sa isip ko si master at ang misyong nakapataw sa aking balikat ay agad kong tinulak si Redeemer. Tumalikod ako sa kanya saka pinukpok ang aking puso gamit ang kamao ko sa pagbabasakaling muli itong tumigas.
Umismid ako. "Stupid heart!" Anas ko sa sarili.
"Ayos ka lang, putot?" Enosente niyang tanong.
"Oo naman, ayos lang ako Redeemer. Hintayin mo lang ako dito magbibihis lang ako." Bilin ko bago iniwalan siya at pumasok sa kwarto.
Redeemer Fryck's point of view
Halos dalawang oras akong naghintay sa kanya sa sala. At sa tagal niya, inasahan ko na nag-ayos siya. Pero nang lumabas siya sa kuwarto napangiwi ako dahil sa kanyang kabuuan. she's wearing her usual garbs, black T-shirt, black pants, black cap and black boots. Gosh, para siyang pupunta ng burol!
"Saan ba tayo pupunta Redeemer? Hindi naman dito ang daan papunta sa inyo ah." Pagtatakang tanong ni Irish, nasa passenger seat siya.
Itinuon ko ang aking paningin sa kalsada habang nagmamaniho. "We're going to the mall first, meron kasing pinapakuha si ate carrie," sagot ko.
I stole a glimpse at her. Nakita ko siyang nakasandal ang ulo sa back rest at may minumuya ang bibig. Tansya ko chewing gum na naman ito. Kasunod sumilip ako side mirror upang tingnan ang mga bodyguard ko; nakasunod parin naman ang mga ito.
"Badyguard mo ba yang nakasunod na white van?" Biglang muling tanong ni Irish. Namalayan niya siguro ang pagtingin ko sa salamin.
"Nope, iyang nakasunod sa atin na black na SUV ang bodyguard ko," sagot ko.
Sumilip ulit ako sa side mirror, meron ngang nakasunod sa amin na puting van na kanina'y hindi ko napansin. Pero puwede naman na hindi ito sumusunod. Baka nagkataon lang na kung saan kami pupunta doon din ang patutunguhan nito.
"Ganun ba, bilisin mo ang pagmamaniho para madali tayong makarating sa mall." Malamlam niyang sabi habang nakatingin sa labas.
Gaya ng mungkahi ni Irish, pinabilisan ko ang pagpapatakbo kaya agad kaming nakarating sa destinasyon namin. Nasa parking area na kami ng mall, dali akong bumaba nang sasakyan para pagbuksan ng pinto ang kasama. Pero bago ko pa nagawa ang binabalak ko lumabas na siya mula sa passenger.
Disappointment was making my lower lip protruding in a sulky pout. Hindi man lamang niya hinintay na pagbuksan ko siya...
"Ano bang kukunin mo dito?" Her voice filled with curiosity.
Honestly, wala akong kukunin dito. I just want to change her garbs to make herself comfortable infront of my family, specially mom. Kilala ko ang ina ko, alam na alam kong hindi niya magugustuhan ang suot ni Irish.
"May kukunin lang akong damit," Pagsisinungaling ko.
She nodded; it was filled of satisfaction from my answer. Iminuwestra ko ang aking kamay sa kahabaan ng pathway patungong doorway ng mall.
I smiled. "Tara na." Yaya ko.
Umunang naglakad si Irish, ngiting tagumapay rin akong agad na sumunod sa kanya. Palagay ko unti-unti na akong napapalapit sa kanya. And I like it. Napangiti ako habang may naiisip na kalukuhan. Definitely, hindi ito kalukuhan. Gusto ko lamang magpapapansin.
Tumayo ako sa harapan niya at paurong na humakbang. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad habang Halatang sinasadya niyang igala ang kanyang paningin sa paligid. I'm trying to capture her rambling eyes but I failed.
"Ano bang ginagawa mo?" Halos pabulong niyang tanong.
Inilapit ko ang aking mukha sa kanya. "Nothing, I just want to see your lovely face." Sabi ko dito.
Hinablot ko ang cap na nakasuot sa kanyang ulo, tiningnan niya ako ng masama dahil dito kaya ibinalik ko ito. Kahit kunti wala akong nakikitang kilig sa ekspresyon niya. Para pa nga niya akong kakainin ng buhay. Bakit ba parang wala siyang puso?!
Tumigil siya sa paghakbang, ganoon din ako. Taas noo siyang humarap sa akin habang nakataas ang kanang pisngi. Ginaya ko rin ang naging ekspresyon niya. Hindi ko nga lang alam kung perpekto ba ang pag-gaya ko.
"Tumigil ka redeemer kung ayaw mong ma-uppercut." Maangas niyang pagbabanta.
I smirked. "Go ahead."
Hanggang banta at angas ka lang naman!
Lalong sumama ang tingin ni Irish sa akin, sa sama nito'y napangiwi ako. Kitang-kita ko ang pag-igting ng bagang niya sa pikon. Susuntukin niya sana ako, buti nalang nasalo ko ang kamao niya.
"Bitiwan mo ako," she ordered.
Pilit niyang binabawi ang kamay niya ngunit hindi siya nagtagumpay. Umiling ako sabay ngiti, kasunod marahas kong hinuli ang kanyang mga hita't patiwarik ko siyang sinaklay sa aking balikat. Ganoon na lamang ang haba ng kanyang tili sa gulat habang buhat-buhat ko siya.
"Ibaba mo ako!" Utos ni Irish. "Putchangyina! Ano ba sa tingin mo ang yung ginagawa!?"
Walang pakundangan siyang naglilikot ang katawan para makawala lang. Mahina kong tinampal ang kanyang hita habang nakatabingi ang mukha ko sa bigat niya.
"likot mo, tumigal ka nga... Akala mo hindi ka mabigat?" Reklamo ko.
"Hell Redeemer, wang kang magreklamo sa sariling kagagawan mo! Sino bang nagsabi sa iyong buhatin mo siya?
I walked approaching the front door. Pero bago pa ako nakarating roon ay ekspertong dumaosdos si Irish sa aking katawan. Hindi ko inasahang magagawa niya iyon gayung ang higpit ng pagkapulubot ko sa kanyang mga hita.
Lumingkis ang kanyang mga hita sa aking balakang na kina-awang ng bibig ko. Kasunod ay bigla siyang lumiyad kaya na-out balance ako. Inasahan kong dederetso kami sa semento kaya dali kong tinakpan ang bahagi ng ulo niya na posibleng tumama semento gamit ang palad ko. At pagkadapo namin sa semento biglang may umalingawngaw na putok ng baril. Egsaktong-egsakto ito at sa direksyon namin sumalpok ang bala. Walang duda na kami ang pinupuntirya.
"Ouch!" Rinig ko mula kay Irish, halata sa boses niyang may kirot siyang nararamdaman.
Sa pag-aakalang baka na paano ang ulo niya, sinuri ko agad ito. At doon lamang ako nakahinga ng maluwag nang makitang ayos lang ito. Walang sugat kahit maliit na gasgas.
"Mas mabigat ka," Anas niya.
Pagkarinig ko sa mga salitang sinabi ni Irish napatingin ako sa aking sarili. Doon ko lamang namalayan na nakapatong pala ako sa kanya. Hindi pala siya nasaktan kung hindi nabibigatan sa akin. Napansin ko ring may mga taong pumalibot sa amin kaya tiningala ko ang mga ito. Napapikit-mata ako nang makitang mga bodyguard ko ang mga ito. Ba't ngayon lang sila?
Muling isang putok ng baril ang umugong. At isang bodyguard ko rin ang bumulagta sa semento na walang buhay. Parang tambol ang lakas ng pagtibok ng aking puso. Hindi ko mapigilan na hindi mag-alala sa kalagayan namin. And I confessed, I was scared.
"Kailangan nating umalis dito, bibilang ako isa hanggang tatlo tapos tatakbo taoy papasok ng mall," plano niya.
"S-sige," Utal kong sagot.
"One." Simula ng bilang niya.
"Two," patuloy ng pagbilang niya.
"Three..."
Madaling tumayo ako at tinulungan ko rin na tumayo si Irish. Hawak ang pulsunan niya hinila ko siya papasok ng mall. Pagpasok namin sunod-sunod na ang putok na umalingawngaw. Napaiktad ako dahil dito pero ang kasama ko ay kalmado parin. Parang sanay na sanay siya sa ganitong mga pangyayari.
Napahiwalay kami sa mga bodyguard ko na nakikipagbarilan sa mga armadong kasalukuyang nakapasok na rin sa loob ng mall. Nakasuot ng bonnet ang mga ito kaya hindi makikita ang kanilang mga mukha.
"Kailangan nating makahanap ng matataguan." Ani putot.
Kabisado ko ang pasikot-sikot sa loob ng mall kaya alam ko kung saan kami maging ligtas. Dinala ko si Irish patungong stock room kung saan nasa pinakadulo ng building ngunit bago pa man kami makarating doon ay may humarang sa aming daraan. Gosh! What should I do?
Napahakbang ako isang beses pabalik sa gulat habang nasa likuran ko si Irish. Pero ganon na lang ang kunot-noo ko ng yumukod siya sa amin. Para siyang nagbibigay pugay?
"haru jalboneseyo, lady Irish..."
Koreano, he's a Korean? But why he knows Irish? And why he called her as lady Irish? Nagkabuhol-buhol na ang brain cells ko sa mga nangyayari. Marahan na hinila ako ni Irish sa papuntang likuran niya at siya ang humarap sa koreano. Ganoon nalang ang panliliit na naramdaman ko habang para akong nagtatago sa kanyang likuran.
"Who brought you here?" Tanong niya dito isang uri ng pagtatanong na parang kilalang-kilala niya ito.
Nakayukod pa rin ang koreano. "A command from your master, lady Irish." Mahinahon nitong sagot. Maingat ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.
"Don't use master, I know who sent you here!" Irish lightly raised her voice. "Don't tell lies at me! You know I can smash your face."
Irish suddenly hit him by an uppercut to his chin. Lumuhod ang koreano sa harapan ni putot na nangangatal sa takot. Nambilog ang mga mata ko dahil dito.
"I-I'm not telling lie, my lady." Utal niyang sagot.
Hinugot ni Irish ang baril na nakasiksik sa tagiliran ng koreano bago lumingon sa akin. Napakunot-noo na lang ako nang makitang may munti siyang gulat at galit na namutawi sa kanyang mukha. Hindi ko mahulaan ang ibig sabihin niya, pero nang itinutok niya sa akin ang baril na kanyang hawak mukhang nalalambag ko na ang gusto niyang iparating. She wanted to kill me.
She's gnashing her teeth in wrath. "Raise your hand or..." She ordered.
I instantly obey her command. I lifted my hands over my head. Am I really need to run?
I felt someone's presence at my back. I turned around and somebody stood there. Kinalabit ni Irish ang gatilyo ng baril na hawak. At tumama ang bala nito sa hawak na baril ng armadong nakatayo sa likuran ko na kinatigil ko sa paghinga ng ilang segundo. Inilapit ni Irish sa kanyang bibig ang baba ng baril na hawak at maangas na inihipan ito.
"You know me, I think you should run for your safety 'cause you know I can bury my bullet inside your forehead." Pananakot ni Irish sa armado.
"Forgive me my lady," yumuko siya sa tinutukoy. "I have no intention to hurt him."
Kung pagbabasihan ang accent niya paniguradong foreigner ito. Nagmumukha akong tangang nakikinig sa pag-uusab ng dalawa. Hindi ko mapigilan ang utak ko na malito sa mga nangyayari. I felt something wrong, isang bagay na hindi ko mawari.
Itutuloy...

Comentário do Livro (4)

  • avatar
    RiveraRechel

    it was good read to revenge for family na nawala sayo

    24/12/2022

      1
  • avatar
    Sophia Lorreine Ong

    i love your story^v^

    12/05/2022

      0
  • avatar
    VilliarelLouise Natasha

    ang ganda po ng story nyo!

    14/03/2022

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes