logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 5.2: Ang Padre

Walang pinipiling panig si Padre Mariano sa pagitan ng mga guerilla at nang pamahalaan. Hindi niya gawain ang husgahan ang sinuman hangga't nasa katarungan ito. Bilang isang alagad ng Diyos, mas inuuna niya lagi ang kabutihan at kapayapaan para sa lahat, kaya laging tinataguyod niya ito sa isipan ng lahat.
Dahil para sa kanya, walang ibang dala ang digmaan kundi karahasan at kamatayan.
Hindi kalaunan ay dumating ang asawa ni Norma na si Criscancio Cabignan. Nakasuot ito nang maduming camisa de chino at itim na maong. Kanyang ibinaba mula sa kanyang ulo ang suot na salakot at sa kanyang kamay ay may dala siyang mga tangkay nang mga mabeberdeng dahon. "Norma, ito na ang mga pinakuha mong mga dahon ng bayabas," ani ni Criscancio pagkarating niya at inabot sa asawa ang kinuha niyang mga dahon ng bayabas na inutos nito sa kanya. Agad namang kinuha ni Norma ang mga ito at tumungo sa cocina para lagain kung saan kalamitang kinukuha ang katas para gamiting panlinis sa sugat.
"Magandang hapon, padre," pagbati naman ni Criscancio buhat mapansing naroon ang matandang padre. "Alam niyo po ba kung anong kalagayan ni Ato at bakit siya nagkaganyan?"
"Patawarin mo ako, Isyong pero wala akong maisasagot sa katanungan mo," ang nalulungkot na sabi ni Padre Mariano. "Subalit, alam ko't batid natin na malala ang kalagayan niya,"
"Gaya ng sabi ko kay Norma, kailangan natin siyang dalhin kaagad sa isang pagamutan. Doktor ang kailangan niya. Ang hinala ko ay nagkaroon siya ng malubhang impeksyon sa kanyang sugat sa tagiliran,"
"Iyan din po ang sinabi ko kay Norma kanina pa, padre," wika ni Criscancio. "Pero ayaw niyang gawin namin ito. Hindi kasi siya nagtitiwala sa sinumang tao na taga gitnang bayan dahil sa katayuan ni Ato. Ngunit sa kasamaang-palad, nandoon lang sa gitnang bayan makikita ang mga magagaling na manggagamot,"
"Naisipan kong puntahan sana ang nabalitaan kong isang binatang doktor na kakarating lang sa Sangrevida. Isa po siyang Pilipinong doktor. Magbabasakali sana akong humingi ng tulong sa kanya ngunit pinigilan akong pumunta ni Norma dalang pangangamba niya para sa kapakanan ng kapatid at sa aming pamilya,"
Pilipinong doktor?  ang waring bungad sa isip ni Padre Mariano. Ito ang unang pagkakataong nakarinig siya na may isang Pilipinong doktor sa Sangrevida. Ang mga nakilala niyang doktor kasi dito sa bayan ay pawang mga dayuhan o mga mestizo. At ang lahat nang ito ay may kilalaman sa pamahalaan o di kaya'y may kalabit sa mga otoridad.
"Itong doktor na sinasabi mo Isyong, ano ang pangalan niya?"
"Julian Guevarra po ang pangalan niya padre," sagot naman ni Criscancio sa kanya. "Anak siya ni Don Armando Guevarra. Makikita po siya sa Mansion Gliriceda sa dulo ng Calle Vallejos. Alam kong mapagkakatiwalaan natin ang binatang doktor, padre, dahil isa siyang Guevarra. Kilala naman natin ang pamilya niya bilang mga taong mararangal at may malasakit kaya alam kong mapagkakatiwalaan natin siya," dagdag pang sabi ni Isyong sa matandang padre.
Kilala ni Padre Mariano si Don Armando Guevarra, ang ama ng sinasabing Pilipinong doktor. Si Don Armando ang siyang tumulong at nakiisa noon sa mga magsasaka ng Barrio Umag upang tuligsain ang pagpapatupad ng pamahalaan sa monopolyo ng mga inaangkat na bigas. Ginamit ng don ang kanyang impluwensiya para tulungan ang mga magsasaka, at nagtagumpay silang labanan ito kaya naman nabuwag din ang panukala sanang monopolyo sa bigas noon. Ang katangiang ito ni Don Armando ay ang buhay na patunay ng matandang padre sa mga sinasabi ni Isyong. Kaya, alam niyang mapagkakatiwalaan din ang doktor katulad sa ama nito.
Tumayo bigla si Padre Mariano. Aakma na sana siyang lumakad palabas ng kubo nang inabatan siya ng isang katanungan ni Criscancio Cabignan. "Saan po kayo pupunta, padre?" ang tanong ni Isyo sa kanya. Tumugon naman dito ang animnapu't dalawang taon na padre. "Pupuntahan ko itong sinasabi mong doktor, Isyong. Wala na akong ibang naiisip gawin kundi ang magbakasali, ngayo't kinakailangan natin nang isang manggagamot. Nangangamba ako na kung hindi natin gawin ito ay tiyak may mangyayaring masama kay Ato"
"Ngunit Padre Mayong, di tayo nakakasiguradong tutulungan nga tayo ng doktor," nalulungkot na sabi ni Isyong. "Bagkos, kakarating lang niya din sa Sangrevida. Hindi rin niya tayo kilala, padre. At higit sa lahat ay maaaring tanggihan niya tayo kapag malaman niyang isang guerilla ang gagamutin niya,"
Alam ni Padre Mariano na tama ang mga naging pahayag sa kanya ni Criscancio. Ngunit hindi natinag ang paniniwala niyang tutulungan siya ng pupuntahang doktor. Wala siyang ibang gustong gawin sa mga sandaling iyon kundi ang ikabubuti nang nagdudurusang guerilla.
"Isyong, isa akong padre. Lahat ay nagtitiwala at tumutulong sa isang padre. Wala ring tumatanggi sa mga kagaya ko. Kaya, bantayan mo muna nang mabuti ang kalagayan ni Ato. Ako na ang pupunta at kakausap sa doktor,"
Umalis ng bahay kubo si Padre Mariano. Nakiusap siyang sumakay sa dumaang karitong gawa sa kahoy na hinihila ng isang kabayo. Nilakbay niya sakay nito ang mabato at maalikabok na daan sa pagitan ng gitnang bayan sa Sangrevida at sa Barrio Umag, na may kalayuan sa isa't isa. Mula sa mga sandaling malubak-lubak na daang tinahak, narating na din kalaunan nang sinasakyang kariton ni Padre Mayong ang gawa sa bato at nilutong tisang tulay na ipinangalanang Fuente Rosalia. Ang Fuente Rosalia ang dumudugtong sa dalawang lupaing pinagitnaan ng isang ilog na kung tawagin roon ay ang Ilog Saghan. Itong tulay ng Rosalia rin ang siyang unang bubungad mula sa mabatong daan para marating ang yari sa tisang kalye patungo sa gitnang bayan ng Sangrevida na siya pinakaunang tisang kalyeng mararating sa timog, ang Calle Mejala.
Nadaanan naman ni Padre Mariano sa Calle Mejala, sakay ng kariton, ang matayog na balwarte ng Fuerte de San Nicolas, ang pinakamalaking pook-tanggulan sa lalawigang Ilocandia, at ang gusaling tanggapan at sentro ng sandatahang kawal ng pamahalaang Kastila sa hilagang Filipinas. Magmula sa Calle Mejala, pagliko sa kanan ng kariton sa may esquinita, ay narating ni Padre Mariano ang Calle Galindez, ang kalyeng kailangang tahakin para marating ang Calle Abelardo kung saan naroon ang pinamalaking mercado ng Sangrevida. Mulang maabot naman ng padre ang dulo ng magulo at mataong kalyeng ito ay nakarating siya sa Calle Agustin. Dumiretso lamang dito ang karitong sinasakyan niya hanggang sa nakarating ito sa Plaza Polistico, ang malaking plaza sa Sangrevida. Sa Plaza Polistico, natanaw muli ni Padre Mariano mula sa sinasakyang kariton ang maganda at napakalaking Catedral de San Pablo , kabilang na ang mataas na campanario sa gilid nito.
Sa pagpapatuloy ay nadaanan na rin ng kariton ang Palacio Obispo, ang tirahan ng obispo sa Sangrevida at ang katabi nitong Academia de Santa Ana. Tumuloy lang sa pag-usad ang kariton ni Padre Mariano hanggang sa nakarating na din ito sa malawak na Calle Vicente kung saan madadaanan ang kinaroroonang gusaling na tanggapan ng alcalde mayor, ang Casa Consistorial Ciudad de Sangrevida. May ilang bahay-na-bato namang nadaanan ang padre sa mga esquinita nito hanggang lumiko na ang kariton sa Calle Vallejos. At mula sa mahabang daang tinahak niya, sa may dulo ng kalyeng ito ay sa wakas, narating na din ni Padre Mariano ang Mansion Gliriceda, ang magandang tirahan ng mga Guevarra.

Comentário do Livro (21)

  • avatar
    Rick Balorio

    pinaka gusto ko sa LAHAT ng nabasa

    27d

      0
  • avatar
    Hans Del Valle

    5142

    18/07

      0
  • avatar
    Jus Tine

    good story

    21/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes