logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 4

CHAPTER 4
LAUREN'S POV
Don Ignacio High
     Nandito ako ngayon sa school namin and I don't want to attend our fucking class! Baka makita ko na naman iyong Nerd na iyon!
     And speaking of the devil, nakita ko nga siya! At... tumatakbo siya. Tumatakbo siya... papunta... sa akin! Waaaah!
    "Tangina naman! Ano bang problema mo?" sigaw ko sa kanya. Aray! Ang sakit no'n ah. Nadaganan ba naman ako!
   Tumayo siya agad at tinulungan ako.
"I'm sorry," sabi niya tapos tumakbo. Hinabol ko siya. Huminto siya sa likod ng room ng mga first year.
    "Ho-" Napahinto ako.
    "Ma, hello?" Rinig kong sabi ni Nerd. Hindi ko muna siya kinausap at nakinig ako sa pag-uusap nila.
   "Opo, Ma. Sisiguraduhin ko po na hindi masasayang iyong perang ginamit niyo para sa pag-aaral ko. Pareho lang naman pong importante para sa atin iyong pag-aaral ko." Ganoon ba talaga kaimportante iyong pag-aaral para sa kanya?
  "Opo naman Ma, pagbubutihan ko po yung activity namen sa MAPEH. Halos kalahati po iyon ng buong grades namin. Kapag po hindi maayos iyong kinalabasan noon, sigurado pong bababa ako." Fuck! Ganoon pala yun? So, dapat pala tulungan ko— Wait! No! I don't care about him! That's his fault. Kung hindi siya pumayag na maging partner ako, edi sana hindi delikado iyong grades niya!
  Hindi ko na tinapos iyong pakikinig. Palabas na ako ng gate nang may tumawag sa akin.
  "Lauren! Hindi ka papasok?" tanong ni Shiela.
  "Wala akong gana," sagot ko.
  "Ha? Hello? May exam po tayo ngayon," sabat ni Ericka.
  "So?" Nagkibit-balikat ako.
  "So?" sabay na sabi nina Ericka and Shiela.
  "Pumasok man ako o hindi, mag-exam o hindi. Papasa pa rin ako!" sabi ko. "Punta na lang tayo sa tambayan."
  "Tambayan! Pumupunta ka pa roon?" tanong ni Ericka.
  "Yup! Tara!" anyaya ko sa kanila.
 "No, mamaya sige, kahit saan, kami gagastos. Basta pumasok ka lang," sabi ni Shiela.
  Kahit saan ha? Sa room ni Mrs. Cruz. I smiled then said... "Deal."
Pagpasok namin sa room.
  "Hi Lauren, sorry pala kanina, tumawag kase si—" Pinutol ko iyong sinasabi ni Nerd.
  "Okay lang!" sagot ko.
  "Okay lang, pero galit ka?"
  "Enough! Shut up! Tama na!" sabi ko. Naaasar kase ako kapag nagsasalita siya.
  "Sorry..." sabi niya.
  Bwisit! Sabing tama na! Tatamaan 'to! 'Di ba niya pansin na ayaw ko siyang kausap?
  "Hi Cutie! I mean Nathaniel, Im sure perfect mo na naman lahat ng quiz!" masayang sabi ni Shiela. Psh! Of course! Nerd kaya yan!
  "Hello, Tweetie, hindi naman," sagot ni Nerd. Psh! Pa-humble pa!
  "Good morning!" bati ni Mrs. Cruz.
  "Good morning, Mrs. Cruz," bati namin, I mean nila.
  "Your first quiz is Math," Mrs. Cruz announced.
  Psh.
  "Pwede kitang turuang mag+solve habang di pa nagsisimula iyong quiz," biglang sabi sa akin ni Nerd.
  "No. I don't need your help. At isa pa, what are you doing here? That's not your place... right?" sabi ko sa kanya.
  "Ahm, nilipat ako ni Mrs. Cruz, nag-exchange place kami ni Ericka." Ngumiti siya.
  "Okay, shut up! And stop smiling at me! Nakakasira ng araw."
  "Yeepee! Dito kana, so magkalapit na... tayo! HAHAHA!" singit ni Shiela. Ang awkward ha? Ang hirap malagay between these two lovers! Kakairita!
  Tapos tinginan lang sila sa isa't isa at nagngingitian! It's like... they understand each other by means of looking and smiling. At hindi lang iyon temporary ha... Kapag hindi pa nag-uumpisa iyong test, ganoon sila. Nag-iiba lang naman iyong reaction nitong Nerd kapag nagte-test na. Sobrang seryoso. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagpupursige. Teka, ang haba pala ng pilik mata niya at— Basta!
RECESS
  "Uyyy, bukas na tayo mag-practice," sabi ni Ericka kay Shiela.
  "Okie!" Agad namang pumayag si Shiela.
  "Nathaniel, wala ba kayong practice?" tanong ng isang lalaki kay Nerd. Napatingin ako sa kanila. Tumingin sa akin iyong Nerd.
  "Wala eh pero magpa-practice ako mag-isa," sagot ni Nerd.
  "Uy!" Nag-snap si Ericka.
  "Ha?" tanong ko.
  "Order ka na," sabi ni Shiela. Tumango lang ako at um-order na.
  After kong um-order, kumain na kaming tatlo, ayyy! Dalawa lang pala, kase pumunta si Shiela kay Nerd. Pagkatapos ng recess, pumasok na kami ulit.
  "Last test na!" sabi ni Shiela.
  "Shut up!"
  Ang sakit ng ulo ko! Walang hiya! Science iyong last test, iyong first test Math! Ano ba iyan! Dumudugo na iyong utak ko! Ang ingay pa ng dalawang 'to! Psh!
Hanggang dismissal, ang sakit pa rin ng ulo ko.

  "Tara na?" tanong ni Ericka.
  "Bye Cutie, good luck sa practice mo!" sabi ni Shiela kay Nerd.
  "Let's go?" tanong sa akin ni Ericka.
  "Next time na lang. Magpa-practice kami ni Nerd," sagot ko.
  Lahat sila ay gulat na gulat sa sinabi ko.
  "What?" tanong ni Ericka.
  "I don't need to repeat that. Maybe next time, I will go with you. You! Nerd, don't waste my time, let's start our practice," sabi ko.
  Gulat pa rin siya pero ngumiti naman siya sa akin at tumango. Nagpaalam na sina Shiela at Ericka, tapos pumunta na kami ni Nerd sa place na pinagpapractisan namin. Agad naming in-start iyong practice.
  Tinugtog ko iyong gitara...
  "Ang galing mo pala!" masayang sabi ni Nerd. Hindi lang ako kumibo.
  "Thank you ha?" biglang sabi ni Nerd, naging seryoso iyong mukha niya.
  "Thank you? For what?" tanong ko.
  "Sa pagsama mo sa akin na mag-practice," sagot niya.
  Tumingin siya sa mata ko, ako naman, umiwas ng tingin.
  "I'm not doing this for you. I want to get my phone back that's why I'm doing this fucking practice!" saad ko.
  "Alam mo, aminin mo man o hindi... mabait ka," sabi niya. Ramdam kong nakatingin at nakangiti siya sa akin.
  "What?" tanong ko.
  "Nothing," sagot niya.
  Hindi ko na lang siya pinansin. Nag-practice na lang ako. Hays! Sana matapos na!
Mga ilang minuto lang ay natapos na ang practice. Kinuha ko na iyong mga gamit ko at nag-ready pauwi.
  "Hatid na kita," biglang sabu ni Nerd. Haish! Kaasar talaga to!
  "Pwede ba, don't talk to me if I'm not talking to you! And stop acting as if magkaibigan tayo because we're not friends... and that will never happen!" sabi ko sa kanya.
  Tumango lang siya at ngumiti. Psh! Hindi ba talaga 'to magagalit?
  Iniwanan ko na lang siya. Makauwi na nga lang!
  Pagkapasok ko palang sa loob ng bahay...
  "Anak, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Cassandra. Heto na naman tayo!
  "Anak?" tanong ko.
  "Lauren..."
  "Ahhh... mag-usap? About what?" I asked her then faked a smile.
  "I'm sorry..." Wow...
  "Oh? Sorry?! Psh!" sabi ko, tapos umakyat na ng kwarto. Once again, umiyak na naman ako... 
  Kumatok siya sa pinto. Umiiyak na rin siya.
  "Lauren, hindi ka habang buhay na magagalit sa akin. Nagawa ko lang naman iyon para—"
  "Stop! I don't wanna hear any of your explanations! Just leave me alone!" Like what you did before...
  "Hayaan mo muna akong magpaliwanag."
  "I said, I don't wanna hear any of your explanations!" sigaw ko.
  "Okay..." buntong hininga niya. "I just want to say... I love you, my Princess."
Lalong tumulo ang mga luha ko pero hindi ko pinahalata.
  "Stop! Leave me alone!" sigaw ko, hindi niya dapat malaman na umiiyak pa rin ako nang dahil sa kanya.
  Narinig ko na siyang bumaba ng hagdan, habang umiiyak. Nagtakip ako ng tenga sa unan dahil paulit-ulit kong naririnig iyong sinabi niyang... "I just want to say... I love you, my Princess". Kung mahal niya ako, hindi niya dapat ako iniwan! Siya na mismong nagsabi eh, na hindi niya ako mahal, hindi niya ako minahal. Ako pa nga iyong sinisisi niya na dahilan kung bakit siya iniwan ng lalaki niya. Sa totoo lang, hindi siya karapat-dapat maging ina. Hindi siya deserving na mahalin ng kahit na sino!
FLASHBACK
  "May  bata oh. Gisingin niyo," sabi ng isang babae. Lumapit sila sa akin.
  "Hija, ayos ka lang ba? Bakit dito ka natutulog?" tanong naman sa akin ng isa pang babae.
  "Mama... Waaah. Mama... Nasaan po... nasaan po iyong mama ko? Waaah..." iyak ko.
  "Iniwan ka ba ng mama mo rito?"
  "H-hindi po... hindi po niya ako iiwan. Waaah..." iyak ko pa rin.
  "Sumama ka muna sa amin ha? Nakatira kami sa Bahay Ampunan, ako si Mother Lina at siya naman si Mother Rosa."
  "Hindi po... hihintayin ko po si Mama dito... haaahh..." sabi ko.
  Lumapit sa akin si Mother Rosa, hinawakan ang mga pisngi ko.
  "Hija, hihintayin natin siya roon... delikado dito..." saad ni Mother Rosa.
  "Nandoon po si Mama?" nakangiti kong tanong dahil ang akala ko makikita ko roon si mama.
  "Oo, nandoon siya..." tugon ni Mother Lina.
  Sumama ako noon sa kanila, dahil sa pag-aakala ko na nandoon nga si Mama. Bata eh, kaya umaasa. Pagdating namin sa Bahay Ampunan, naisip ko... ang dami palang katulad ko. Noong una, umaasa pa rin ako na babalik ang Mama ko... Pero noong lumipas na ang ilang araw, ilang linggo, ilang buwan, at... ilang taon, nawalan na rin ako ng pag-asa. Nabuhay ako nang masaya kasama ang mga taong tinuring akong pamilya. Ang mga taong hindi nang-iwan sa akin... Ang mga taong... minahal ako, tanggap ako, at napasaya ako.
***
  "Mother Rosa! Mother Lina! Valedictorian po ako!" sigaw ko.
  "Talaga?! Ang galing naman!" ani Mother Rosa at niyakap ako.
  "Kaming magsasabit ng medals mo ha?" saad naman ni Mother Lina at kinurot ako sa pisngi.
  Tumango ako at niyakap ko silang dalawa.
GRADUATION DAY
  "And our Valedictorian... Princess Lauren Revilla!"
  Sobrang saya ko noon. Ang dami kong medals. Sina Mother ang nagsabit ng mga medals ko. Inaamin ko, galit ako sa Mama ko dahil iniwan niya ako pero noong araw na iyon, noong binibigkas ko iyong speech ko, hinahanap ko siya... hinihintay... kung babalik siya. Pero hindi sya dumating. Umasa lang ako sa wala.
MAKALIPAS ANG ILANG BUWAN
  "Princess, pinatapatawag ka ni Mother Rosa," saad ni Mother Lina.
  "Sige po Mother..." tugon ko.
  Pumunta ako sa office ni Mother Rosa.
  "Mother Rosa, pinapatawag niyo—"
  Naputol iyong sinasabi ko at tumulo iyong luha ko.
  "Princess, anak..."
  Lumapit siya sa akin. Noong yayakapin na niya ako at tinulak ko siya at tumakbo ako palayo.
  "Princess!" Narinig kong sigaw ni Mother Rosa.
  Nagkulong ako sa kwarto at umiyak. Mayamaya...
  "Princess, si Mother Rosa ito."
  Binuksan ko iyong pinto at niyakap ko siya. Umupo siya sa tabi ko.
  "M-mother Rosa, ibabalik niyo na po ba ako sa kanya?" tanong ko.
Umupo siya sa kama ko.
  "Princess..." Pinaupo niya ako sa tabi niya.
  "Po?" Umupo ako sa tabi niya.
  "Bumalik na siya... at kinukuha ka na niya. Hindi ba't iyon din naman ang gusto mo?"
  "Noon po... Ayaw ko na po sa kanya! Hindi naman po niya ako mahal eh!" iyak ko.
  "Mahal ka niya... bumalik siya. Mgatiwala ka."
  "Tiwala po? Wala na po... sira na po iyong tiwala ko sa kanya." Humikbi na ako.
  "Princess..."
  "Hindi niyo na rin po ba ako mahal?" tanong ko habang umiiyak.
  "Princess, alam mong mahal kita. Mahal ka namin," sagot niya.
  "Pero bakit po binaba—"
  "Dahil wala kaming karapatan sa'yo," sagot niya.
  "Mother Rosa..."
  "Princess... sumama ka na sa kanya..."
  Wala akong nagawa kung hindi sumama ang sa kanya. Simula noon, nag-iba na ako. Naging impiyerno na ang buhay ko. Kaya sabi ko sa isip ko noon... Kung ginawa mong impiyerno ang buhay ko noon, gagawin ko ring impiyerno ang buhay mo ngayon.
END OF FLASHBACK

Comentário do Livro (1357)

  • avatar
    SanPedroJhonpeter

    thanks

    11d

      0
  • avatar
    JulaoPrecious

    so good and I relate to its story

    16d

      0
  • avatar
    Noel Colarde

    ganda

    19d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes