logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER SEVEN

Tunog ng alarm clock ko ang nagpagising sa diwa ko na halos hindi ko naman alam kung nakatulog nga ba talaga ako. I reached for my alarm clock beside me and turned it off. It's Saturday, and I don't have class. Usually, I mean every Saturday, I go to the grocery store to buy some stuff for our house. And kinakatok na agad ni mama ng ganitong oras ang kuwarto ko para sabihan ako kung ano ang dapat kong bilhin. But now, there's no longer a mother who is repeatedly knocking on my door.
I sighed at that thought. Kailangan ko ng mag-ayos para maaga rin ako makauwi mamaya, pupuntahan ko na lang din si Gwen para roon magpalipas ng weekends. Wala rin naman atang gig na pupuntahan 'yong banda kaya basically, boring ang magiging weekends ko.
I go down the stairs, with my color beige romper. Sa Intial Mall na lang ako mamimili para kahit papaano, malibot ko 'yon at makuha ang dapat kong bilhin. I guess it's my first time not bringing a list to a grocery store.
Dumeretso ako sa kitchen and I found my mother sipping on her cup of coffee. Awkward akong pumunta sa ref. and kinuha 'yong refrigerated milk ko. 'Eto lang naman nagsisilbi kong breakfast sa morning, at bibihira lang ako kumain ng rice or bread.
Narinig kong tumikhim si mama sa likod ko, at sa totoo lang, hindi ko alam kung anong hakbang ang gagawin ko! It felt like I was stuck in the dessert, and I don't know what to do.
"Zynl, saan ang lakad mo?" she suddenly asked.
I maintained my fierce aura and I faced her. "Intial Mall, grocery day ko ngayon, Ma." Sinalinan ko ang baso ko, at agad 'yon nilagok para makaalis na agad ako sa lugar na 'to. Grabe awkward!
She nodded. "You're not going to ask me for a list?" She arched a brow.
Ha? E, binibigay na nga niya 'yon sa 'kin sa umaga pa lang, at hindi na niya ako hinihintay na bumaba para lang iabot sa 'kin 'yon. "I thought, wala kang ipapabili—" She halted me.
"You're thought is wrong, honey." Nilagay niya sa harap ko iyong list na mga dapat kong bibilhin, at sa napakaraming beses ko ng mag-go-grocery, ito ata ang pinakamahabang list na naibigay niya sa 'kin.
I gasped a large amount of air and looked at her unbelievably. "Bakit ang dami?" I asked confused.
She just shrugged, and before she turned her back on me, I saw her small smile curved on her lips.
Grabe na trip ng nanay ko, ah.
We have car, pero gusto ko na lang mag-commute, since hindi naman talaga ako nagamit ng kotse namin. Kahit marunong ako, I never drive that car. Ayoko lang, baka kapag hiniram ko 'yon sandamakmak na rules and regulations muna ang ilatag niya sa akin bago ko mahiram at makaalis na gamit 'yon.
At exactly 10 AM in the morning, I got into Intial Mall. Hindi ko alam kung ano ang uumpisahan kong bilhin, since hindi lang grocery ang bibilhin ko! Bibili pa ako ng pang-skin care nila, mga clothes, shoes, and even books! Grabe, hindi ko aakalain na aabot sa punto ako pa rin pala ang bibili ng mga 'to.
Dahil sa inis, pumunta muna ako comfort room, at doon magpa-plano kung papaano ko uumpisahan lahat ng 'to.
Ayos na rin 'to, kaysa naman isipin ko pa si Lathan buong araw! Okay ng ma-stress ako rito, maalis lang sa isip ko si Lathan.
Lumabas ako ng comfort room, at inumpisahang pumunta sa clothes stores, lahat muna ng dry things bibilhin ko, bago ako pumunta sa supermarket. Hindi ko pa rin alam kung paano ko ito iuuwi mamaya, pero bahala na si Batman. Palagi naman 'yong nasa likod ko, at alam kong matutulungan niya ako.
"What size Ma'am?" the sales lady asked.
"Size 35 po," I answered.
She handled me a lot of stuff. And pumili lang ako kung ano ang babagay sa nanay ko. Jusko, ngayon ko lang masasabi na nakapahirap mamili ng damit kung hindi mo kasama kung sino ang magsusuot. P*ta talaga.
Mabilis akong natapos sa pamimili ng mga dry things, and pinaiwan ko muna 'yon sa baggage counter para naman pumasok sa loob ng supermarket. I checked the time and it's already 11:37 AM. I decided to take lunch muna, bago ko gugulin ang oras ko sa pamimili ng mga foods namin sa supermarket.
At least kahit papaano, nabawasan din 'yong bibilhin ko. Isa na lang talaga problema ko, hindi ko alam kung sino ang katulong ko sa pag-uwi ng mga 'to.
I tried to dial my mama's number, but her phone is off. Nag-chat din ako sa gc namin, and halos lahat sila ay busy sa mga errands nila ngayong araw. So I don't have the choice but to carry all these things within myself.
Ansaya, na-stress ako 100%.
Natapos ko ang lahat ng pinamili ko ng saktong alas-8 ng gabi. And it f*cking stresses me out right now how to go home with all of these stuff!
Tinawagan ko ang number ni Gwen, and it can be reached. Tinawagan ko rin ang number ng nasa banda pero si Lathan lang ang sumagot.
Minsan lang ako tumawag dito, pero kailangan ko na kasi wala talaga tutulong sa akin sa pag-uwi.
"B-busy ka ba ngayon?" Kagat-kagat ko ang labi na nakatingin lang sa langit na sana hindi siya busy at matulungan niya ako.
"Yes, I'm currently working on our business plan, why?" Narinig ko pa ang tunog ng mga binuklat na papel at ang pagtipa niya sa kaniyang laptop.
And I don't have the choice but to look for someone's help. Kahit stranger pa!
"Ah, wala naman. Sige na, do well!" I didn't wait for his response and I ended the call.
Inis akong nagsisipa sa tinatayuan ko at inisip kung sino pa ang puwede kong tawagan matulungan lang ako sa pag-uwi ng mga 'to.
Pero halos lahat sila ay busy, at hindi talaga available ngayong gabi. Kung parusa man sa akin 'to ng nanay ko, jusko paparusahan ko rin siya! Hindi ko bibigay 'yong gusto niyang grade ngayong semester. Grabe e, hindi ko naman ginugusto lahat ng nangyayari sa akin, pero bakit kailangan ako pa ang makaranas ng mga 'to!
Inis kong sinabunutan ang sarili ko, at hindi ko na ako nakararamdam pa ng hiya kung tignan ako ng mga tao sa paligid ko. Kailangan ko ng katulong sa sandamakmak na mga bagay na 'to. Lordie, please bigyan niyo ako ng Batman ngayon.
I cast my gaze at the surroundings, and suddenly I saw a familiar face standing near me. I think I have an answered prayer na agad. Dali-dali kong pinuntahan iyong lalaking naka-hoodie na humihigop sa kaniyang Starbucks frappe.
Kinapalan ko na ang mukha ko, at lumapit sa kaniya. I inhaled a large amount of air, and started talking to him. "Uhm... I know we're not that close... p-pero ano..." Napalunok ako nang tumigil siya sa paghigop ng kaniyang frappe, at dahan-dahang tumingin sa akin ang seryoso niyang aura.
"Ah... I j-just need y-your..." Pinagkiskis ko ang mga palad ko at huminga ng malalim, pinikit ko ang mga mata ko, at buong tapang na humarap sa kaniya. "I-I need your help, stranger man. I am wiiling to pay you!" I slowly opened my eyes, pero laking gulat ko nang halos lahat tao sa paligid ko ay pinagbubulungan na ako, at wala na iyong naka-hoodie man sa harap ko!
What the... Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko siyang prenteng naglalakad papunta sa parking lot. K*ngina! Grabe 'yon ah, ni hindi man lang ako tinanggihan basta na lang talaga umalis?
May karma rin siya, pinagmukha ba naman akong tanga?!
Padabog akong bumalik sa mga pinamili ko at pilit tinatawagan si mama na hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga sumasagot. Kung trip niya talaga 'to sa akin, hindi maganda 'to, ma! Naiinis na ako!
Kinuha ko na lang isa-isa 'yong pinamili ko at walang mangyayari kung puro ako reklamo sa ginagawa ko. Palalim na nang palalim ang gabi, at kailangan ko ng umuwi.
Pero ganoon na lang gulat ko nang may isang Mercedes Benz na tumigil sa harap ko. Bumaba ang window frame n'on at bumungad sa 'kin si hoodie man na seryosong nakatingin lang sa harap at hawak ang steering wheel.
"Hop in."
I wasted no time, and I immediately grabbed the things I bought so that I could place them inside his car.
"Omg, thank you! Hulog—" When he halted me, I didn't finish what I was going to say.
"Please shut up, you're being too boisterous." He rerouted his gaze to the rearview mirror to meet my gaze.

Comentário do Livro (36)

  • avatar
    Yohan Ortega

    sana mabigyan niyo ako ng maraming para sa aking pag-aaral at saka magtapos ako kayo na po ang bahala lord salamat single lahat masasabi ko po sa inyo bakit hindi po ba ito scam po ito sana totoo po ito magkatapos lang po sa aking pag-aaral sana po ikaw na po ang app na magkaperan po dapat ang magbigay sa akin ng pag-aaral ko dapat po gabayan niyo ako marami na po ang na-download kong game pero dapat ikaw lang po ang magpasaya sa akin sali lang po sa inyo lord tsaka itong app mo dapat ikaw lang

    10/08

      0
  • avatar
    Jhonwin Lopez

    its nice game

    17/07

      0
  • avatar
    CahambingJerald

    good story

    08/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes