logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 4

Kabanata 4
Gabi. Madilim na ang paligid. Nagmamadali akong umakyat sa second floor papunta sa kwarto ng mga bata. Nawala na ang antok ko dahil sa katutunog ng phone ko senyales na may tumatawag ng paulit-ulit.
Natutulog ako ng pagkahimbing-himbing ng tumunog ang basag na speaker ng cellphone ko na de-pindot lamang dahil can't afford kong bumili ng touch screen. Kinuha ng mga bata ang number ko at tatawagan daw nila ako kapag may iuutos sila sa akin.
Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sila tatawag ng alas-dose ng gabi! Ano ba sila mga bampira? Hindi ba sila natutulog? Akala ko pa naman may sunog kaya nila ako tinatawagan pero pagbukas ko naman ng pinto ng maids quarter ay wala naman akong nakitang apoy.
Oh my god! Hindi kaya nabulag na ako kaya hindi ko nakita? Ay hindi rin kasi dapat hindi ako makakaakyat ng second floor kung may apoy at hindi ko nakikita hehe.
Pero hindi ko maiwasang mainis dahil naistorbo ang mahimbing kong tulog! Alam naman natin ang kasabihan na gisingin na ang lasing huwag lang ang natutulog ng mahimbing! Wait, iyon ba talaga iyon? Oo ata? Basta sa pagkakaalam ko ay iyon na nga.
Ang ganda ganda pa naman ng panaginip ko. Nasa mataas daw ako na tore at naghihintay sa isang prinsipe. Sobrang haba daw ng buhok ko na umabot sa lapag. Pero kumpara sa palabas na tangled, wala akong nanay na masama. At wala ring powers ang mahabang buhok ko. Iyon nga lang at parang kinulang sa suklay dahil buhaghag hehe. Nakatingin daw ako sa mga bituin ng may dumating na prinsipe na nakasakay sa puting kabayo. Na-excite daw ako kaya agad akong nahiga sa aking kama at nagtulog-tulugan. Ano ba kayo! Syempre kailangan ko ng halik sa prinsipe para magising ako hihihi. Kahit na gising naman talaga ako. Hehe. Pagkakataon ko ng makakuha ng first kiss sa isang gwapong prinsipe. Hehe.
Parang kamukha nga ni ano eh yung prinsipe. Si sir...Omo! Oo nga! Kamukha siya ni sir—
"Nanny, what took you so long?" Nakasimangot na salubong sa akin ni Sylvester. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan at halos papikit na.
"Bakit mo ba ako tinawag? Nawala na tuloy ang antok ko," ani ko at iginiya na siya papasok sa loob ng kwarto.
Nakita ko si Calyster na tawa ng tawa habang may pinapanood sa tablet. "At ikaw naman anong oras na bakit hindi ka ba natutulog?" saway ko rito.
"Hihihi. Is that you Nanny Inday?" Napanguso ako ng lumingon siya sa akin at halos maningkit na ang mga mata niya dahil sa pagkakangiti.
"He can't sleep and just laughing the reason why I also couldn't sleep." Reklamo ni Sylvester sa akin sabay punta sa sariling kama na nasa kanang bahagi ng kwarto. Ayun pagkahiga ay tulog na agad.
Kaya ang problema ko naman ngayon ay si Calyster.
"Hihihihi." Nilapitan ko siya at tinabihan. Sinilip ko pa kung ano ang pinapanood. Happy Three Friend ang nakita kong pamagat.
"Ano ba iyan?" bulong ko. Baka kasi maistorbo na naman si Sylvester, maging dragon pa iyon.
"Itigil mo na iyan Calyster. Matulog ka na. Anong oras na oh," sita ko.
"Wait nanny Inday! Hihihi. I'll finish this episode hehe."
"Sige na nga. Basta huwag kang maingay." Sabi ko at nakinood na rin.
May dalawang mukhang stuff toy ang naghihiwa ng lemon. Naantig naman ang kuryusodad ko at natakam ako kasi mukhang masarap hehe.
"Ano bang nakakatawa riyan? Nagawa lang naman sila ng lemon juice eh," puna ko sa mahinang boses.
"Hihihi." Ang weird naman ng tawa ng batang ito.
"Oh my gosh!" bulong na hiyaw ko ng biglang matanggal yung mga pako sa kahoy sa taas tapos natanggal yung kahoy at tumama doon sa mukha ng stuff toy na cartoon. Kinilabutan ako. Nawalan ng mukha yung stuff toy! Huhuhu.
"Hahaha. Hihihi." Agad kong tinakpan ang bibig ni Calyster kasi lumalakas ang boses. Paano niya nagagawang tumawa sa ganoong palabas? Nakakadiri kaya at nakakakilabot! Huhuhu. Iniisip ko pa lang na sa akin mangyayari iyon ay parang hihimatayin na ako!
"Itigil mo na iyan Calyster! Hindi naman ata pangbata iyan eh," saway ko at hinablot ang tablet kaso mabilis siya kaya hindi ko agad nakuha.
"I'll scream if you steal my tablet nanny Inday!" Aba aba! Aakusahan pa ata ako ng magnanakaw ng batang ito! Napasimangot ako sa inis.
"Sige na! Pero last na talaga ha? Tapusin mo iyan then matulog ka na." Sunod-sunod naman na tango ang nakuha ko sa kanya. "At huwag kang maingay! Nagigising ang kambal mo," saway na bulong ko.
"Alright!"
At iyon na nga. Nanood kami at hindi ko inaasahan ang mapapanood ko na kasunod. Namutla ako habang tinititigan kung paano hiwain ng nakabendang mukha ng stuff toy kanina ang mata ng kaibigan niya. Ewwww! Ginawa niyang lemon juice ang mata ng kaibigan niya! Huhuhu.
"Hahahahahaha." Aist! Ang kulit ng batang ito! Sabi ng huwag tatawa eh!
"Look at your face nanny Inday! You look like maasim!"
"Heh! Maasim ka riyan! Matulog ka na nga! Kung ano-ano pinapanood mo eh. Ikaw kaya matanggalan ng mata?" Nakasimangot na sabi ko. Kinikilabutan pa rin ako kapag naaalala ko ang ginawa sa mata eh. Ewwww!
"I'm going to sleep now. Can you read me a story? Mommy used to read me a story so I can sleep but she's not here," malungkot niyang sinabi. Nalungkot naman ako kasi parang nami-miss niya ang mommy niya.
Wala kasi si Madam Katherine eh. May out of country business sila ng asawa niya. Sa susunod na araw pa ang kanilang uwi.
"Sige, kukwentuhan kita ng panaginip ng isang diwata, hihihi." Natutuwa ako kasi mashe-share ko na sa kanya ang buhay ng isang diwata. At ang iku-kwento ko ay ang napanaginipan ko.
Kaya ikinuwento ko na nga sa kanya hehe. "Habang naghihintay ang diwata sa pag-akyat ng prinsipe sa mataas na tore, bigla na lang nagising ang malaking dragon! At pinigilan niyang makapasok ang prinsipe!" kwento ko.
"Maya-maya pa ay may lumitaw na mother fairy at binigyan ang diwata ng glass shoe para makalabas siya ng tore at mailigtas ang prinsipe! Pero hanggang 12 am lang siya ng umaga kasi maglalaho ang glass shoe at magiging buntot ng sirena ang mga paa niya. Mawawalan siya ng boses at hindi na siya makikilala ng kanyang prinsipe." Napabuntong-hininga ako dahil doon na nagtapos ang panaginip ko dahil nga bigla akong nagising sa pagtunog ng cellphone ko. Hindi ko tuloy nalaman kung nagkita ba ang diwata at ang prinsipe.
Paglingon ko kay Calyster ay mahimbing na siyang natutulog. Napangiti ako at inayos ang kumot niya para hindi siya lamigin. Ganoon rin ang ginawa ko kay Sylvester.
Lumabas na ako ng kwarto at aalis na sana kaso nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan sa kaliwang banda ko. Yung kanang pinto ay kwarto ni sir Ylton. Yung kaliwa ay hindi ko alam kung kanino.
May lumabas na babae sa kaliwang pinto. Gulo-gulo ang kanyang buhok at gusot-gusot naman ang kanyang damit na halos kapiraso na lang ata sa sobrang iksi. Mukhang sobrang nipis pa.
"What?!" Mataray na sita niya sa akin. Napansin siguro ang tingin ko. Nagulat lang naman ako kasi ngayon ko lang nakita ang babae sa mansyon at anong ginawa niya sa loob ng kwarto?
Nasilip ko pa ang hubad na likod ng kung sino sa ibabaw ng kama bago ito padabog na isinarado nung babae.
"Pakilamera," narinig kong bulong nung babae bago ako irapan at talikuran.
Naiwan akong naguguluhan sa nangyayari. Pakilamera raw ako? Wala naman akong ginagalaw ah! Baka siya kasi pumasok sa pinto ng mga amo ko ng walang pahintulot ni Manang B. Pero kung sabagay baka yung amo ko ang nagpapasok sa kanya sa loob.
Ang tanong ko lang ay kung anong ginagawa niya sa loob?
Nagkibit-balikat na lang ako at bumalik na rin sa aking kwarto. Hay salamat at makakatulog na rin ako hehe.
...
Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising. Hinanda ko ang pampaligo ng mga bata pagkatapos ay bumaba naman ako sa kusina para tulungan si Manang B sa pagluluto ng agahan.
"Magandang umaga po Manang B!" Maligayang bati ko at saka lumapit sa kanya. Naabutan ko siyang naghihiwa ng mga gulay.
"Walang maganda sa umaga lalo na kung ikaw ang una kong makikita," nakasimangot na sabi ni Manang B. Napahagikhik naman ako. Ang harsh talaga ni Manang B kahit kailan hehe. Nakakatuwa sigurong gawin iyon. Ma-try nga minsan hehe.
"Manang B, matanong ko lang kung ilang taon na po kayo?" curious kong tanong kay Manang B at tinulungan na siya sa ginagawa niya.
"At bakit mo kailangang malaman?"
"Para kapag tumuntong ako sa edad niyo Manang B ay mapag-aralan ko na kung paano maging katulad niyo hehe. Gusto ko rin kasing hampasin kayo sa braso niyo ng pamaypay hehe. Para maramdaman niyo naman ang nararamdaman ko," paliwanag ko at agad na umiwas ng tingin ng samaan ako ng tingin ni Manang B. Huhu.
"Puro ka na naman kabalastugan Inday!" Iling ni Manang B. "Kumusta na ang mga bata?"
Napaisip naman ako. Bakit naman kaya tinatanong ni Manang B kung kumusta na ang mga alaga ko? Nagkasakit ba sila ng hindi ko nalalaman? Ang weird ah. Buong araw na nga akong nakadikit sa dalawang iyon na walang ibang inatupag kundi ang buskahin ang pagmumukha ko. Tinanong ko nga kung anong problema nila sa mukha ko at lagi nilang nilalait, ang sabi lang nila. "Because you look like kalait-lait Nanny Inday," ani Calyster na sinang-ayunan ng kambal niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapasimangot ng mga oras na iyon.
Bigla ko ring naalala at na-miss si Inay dahil tanging siya lang ang pumupuri sa akin. Naaalala ko pa nga kung anong madalas na sabihin niya sa akin.
"Anak, maganda ka sa sarili mong pamamaraan. Maganda ka sa loob at labas. Basta ba hindi ka sasali sa mga beauty pageant, makikita mo ang iyong sariling ganda."
"Hindi ba inay, dapat ipinapaalam sa mundo ang ating kagandahan?" Inirapan ako ni Inay.
"Ang mga diwata ay hindi kailanman nagpakita ng kagandahan. At dahil ipinaglihi kita sa diwata, umaasa ako na kikilos ka rin na gaya ng isang diwata," pangaral ni Inay.
Simula ng matrabaho ako sa malaking bahay na ito ay lagi na akong inaapi! Hindi ko alam kung bakit ganoon silang lahat sa akin. Pero duda ko talaga ay may tsismosang nagpapakalat ng masasamang bagay tungkol sa akin kaya naman hinahanap ko talaga ang tsismosang iyon! Kapag nakita ko siya ay lagot siya sa akin.
Sa lugar namin ay marami ring tsismosa. Nakakainis lang kasi kapag may nagtatanong na mga dayo sa lugar namin kung sino ang pinakatsismosa sa lahat ay ako ang siyang itinuturo! Kailan pa ako naging tsismosa? Story teller ako pero kailanma'y hindi ako naging tsismosa. Ang daming mapagbintang sa amin kaya nga hindi ko mga nakasundo yung mga kaedaran ko. Sinisiraan nila ako! Kaya naging malapit tuloy ako sa mga bata.
"Hoy Inday, tinatanong kita!"
Nilingon ko si Manang B. "Ha? Wala naman pong sakit ang mga bata kaya ayos lang sila Manang B. Baka po ikaw ang may sakit kasi nagtatanong ka ng mga bagay na wala namang basehan."
"Abat! Ako pa talaga Inday?!" Napatakbo ako palayo kay Manang B ng akma niya ibabato sa akin ang pot holder. Huhuhu. Akala ko naman nawala na ang mapanakit syndrome niya kasi hindi na niya ako hinahampas ng pamaypay. Akala ko lang pala! Huhuhu.
Mabuti nalang at tapos na kami sa pagluluto at hinihintay na lang na maluto ang mga pagkain.
Paglabas ko ng kusina ay naabutan ko si Hazel na may bitbit na basket.
"Uy Hazel, saan ka pupunta?" tanong ko at nilapitan siya.
"Sa kwarto ni sir Knight. Kukunin ko kasi ang mga damit niya na labahan," lingon niya sa akin.
Nagningning naman ang mga mata ko. "Sama ako! Hehe. Tulungan na kita."
"Wala ka na bang ibang gagawin? Kaya ko naman na ito."
"Hindi!" ani ko. "Ayos lang naman hehe. Dederetso na rin ako sa kwarto ng kambal pagkatapos."
"Sige. Halika na." Tuwang-tuwa akong sumunod.
Hihihi. Alam ko ng nagtataka kayo kung bakit ganoon na lang ako ka-excited na pumunta sa kwarto ni sir Knight. Kung hindi niyo kasi naitatanong...hehe, crush ko si sir Knight! Bukod kasi sa para siyang prince charming sa paningin ko, literal din siyang knight in shining armor ko! Hihihi. At ang pinakanagustuhan ko sa kanya ay hindi niya ako inaaway katulad ng iba. Tahimik lang siya at madalas na pangiti-ngiti lang. Minsan nga ay sinasaway niya ang mga pinsan niya eh hihihi.
"Hihihihihi." Pagkakataon ko ng makita ang size ng brief ni sir Knight! Ay my Knight pala hehe.
"Ang creepy ng tawa mo Inday." Natatawang puna ni Hazel. Natikom ko agad ang bibig ko dahil baka makahalata siya.
"Ilang taon ka na palang katulong dito Hazel?" pag-iiba ko ng usapan.
"Mga isang taon pa lang. Bakit?"
Kumunot ang noo ko. "Anong bakit? Dapat ang itatanong mo ay, 'ikaw'?"
"Huh? Anong 'ikaw'?" naguguluhan niyang tanong. Napakamot na lang ako sa ulo. Medyo magulo rin palang kausap itong si Hazel.
"Kasi dapat kapag tinanong kita, tatanungin mo rin dapat ako," paliwanag ko. Napatigil ako sa paglalakad ng tumawa siya.
"Bakit naman kita tatanungin kung gaano ka na katagal rito eh alam ko na naman."
"Alam mong 3 days palang ako rito?" Nagtatakang tanong ko. Paano kaya niya nalaman? Eh wala naman siya nung araw ng dating ko rito eh. Na-meet ko siya nung tanghali. Wala siya nung umaga kasi day-off niya bago ang araw na iyon at nag-extend siya hanggang kinabukasan ng umaga.
Hindi kaya...hindi kaya fortune teller si Hazel?! Nakikita niya kaya ang hinaharap?! Wow! Kailangan ko na atang magpahula sa kanya hehehe.
"Hazel, hulaan mo naman ako oh! Gusto kong malaman kung kailan pupunta ang mga alien sa bahay namin! Napanaginipan ko kasi na may darating na alien sa bahay namin at hihingin ang kamay ko sa magulang ko. Gusto ko lang maiwasan na dumating ang araw na iyon at para makapagtago ako kasi hindi ko kakayaning mawalan ng kamay! Hindi pa ako handang magsulat na gamit ang bibig! At mas lalong hindi ako handang makipagjack-en-poy ng walang mga daliri! Edi lagi akong talo kasi rock lang ang kaya kong gawin. Paano kapag ikinasal ako? Saan ilalagay ang singsing ko? Gagawin nalang ba siyang bracelet? Edi hindi na iyon singsing! Hazel anong gagawin ko kapag dumating ang araw na iyon huhuhu," problemadong pahayag ko. Hindi pa talaga ako handang mawalan ng kamay huhu.
Kumurap-kurap sa harap ko si Hazel. Nakatitig lang ako sa kanya at naghihintay ng sagot.
"Inday? Sa tingin ko kailangan mo ng magpatingin sa psychiatrist. Hindi ko alam kung nagbibiro ka lang o seryoso ka talaga. Sige na mauna na ako." Umalis na agad siya.
"Hazel wait!" hiyaw ko at patakbong sumunod sa kanya.
Aba, syempre hindi ko pa rin nakakalimutang tingnan ang size ng brief ni sir Knight! Hehe.
...

Comentário do Livro (124)

  • avatar
    Liling

    nice nakawala ng stress ang dami kong tawa dito

    24/06

      0
  • avatar
    Emelda Lerios

    I love the story of Kassandra and cash,even there are many hindrances still the live happily ever after.

    29/04

      0
  • avatar
    Dian Mulleda

    sana magkaroon to ng kasunod kasi bitin tlga aq grabe ung tawa ko😂😂😂 I love the story...light lng...sna magkaroon pa ng kasunod kasi very interesting ang character ni Inday...I hope you find again your drive and passion in writing kasi sobrang ganda tlga ng mga plots mo...nauna ko mabasa ung mistaken wife of a billionaire then ito...sa dami ng nabasa ko ito na yata ang sobrang nakakatawa...dq pa natatapos basahin ang dialogue ay tawang tawa nq❤️❤️❤️❤️

    09/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes