logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

Years ago . . . 
May bagong transferee sa year nila at biniro pa ito na kumanta sa harap ng klase. Akala ni Magnolia hindi nito papatulan ang kalokohan ng mga kaklase niya ngunit nagulat na lamang sila nang walang pagdadalawang-isip na kumanta ito.
Suwabe ang boses nito. Buo at hindi masakit sa tainga. Todo palakpak pa ang mga kaklase niya pagkatapos nitong kumanta na may ngiti sa mga labi. Itinuro lang ng guro nila ang isang bakanteng upuan sa likod na malapit lang sa bintana. Bakit kaya lumipat ito ngayong nass fourth year highschool na sila?
"Calvin John Generoso! Nakikinig ka ba?" Napalingon silang lahat sa nahihimbing na si Cali sa armchair niya. Ang lakas ng loob nitong matulog sa Physics class nila.
"Ho?" Naalimpungatan ito at nang mapansing nakatingin ang lahat dito ay ngumisi pa ito at nag-inat. Nagpupuyos na sa inis ang Physics teacher nila.
"Ma'am naman. Hindi sa nakakaantok sa discussion n'yo po. Sadyang di ko lang trip na aralin ang pinagsamang Science at Math. Sa Science, okay pa. Pero pag may Math? Babangutin ako ng gising."
Umani iyon ng tawanan at  napameywang na lang ang guro nila na mukhang magkakaroon ng uban dahil sa pasaway na si Calvin.

Nangatwiran pa talaga ang unggoy.
"Tahimik. Kung ganoon naman pala, ikaw na ang unang magre-report sa klase. Velocity. 'Yan ang topic mo. I'll give you ten minutes to discuss it in front of the class." pinal na saad ng guro nila kaya may napapangiwi roon.
Tigalgal lang si Calvin at napatayo pa para magreklamo.
"Eh Ma'am! Unfair naman nun!" angal nito. Pinandilatan lang ito ng guro nila na bumalik lang sa harap at pinukpok ang ruler sa pisara.
"Gusto mong dagdagan ko pa ang ire-report mo?" nakataas ang kilay na dagdag ni Miss Teofilo. Ngumiwi lang si Calvin at napakamot sa ulo.
"Okay na po ako sa Velocity." sabi na lamang nito at naupo na ulit. Ginulo lang nito ang magulo na nitong buhok sa asar. Wala rin naman itong magagawa.
President ng IV-Avocado si Magnolia kaya halos siya na ang nag-aasikaso ng attendance at late log ng klase at sa minamalas nga naman ay lagi na lang late si Cali sa klase kaya suki niya ito sa late log. Hindi si Magnolia ang treasurer pero siya pa rin ang nakatoka sa sinking fund ng klase para sa gaganaping party nila dahil ang treasurer nila ay siyang nangongolekta ng funds nila para sa group projects nila. Kapag bibili sila ng manila paper at kung ano-ano pa ay kokonsulta sila sa treasurer.
"Lagi ka na lang late, Generoso." sambit ni Magnolia matapos pirmahan ni Calvin ang late log. Parang wala lang sa unggoy na hubarin ang puting polo nito at tanging sando na lang ang natira.
"Aish! Ang init. Matagal akong nagigising sa umaga e." Pinaikot lang nito ang polo nito.
"Sa susunod, wag ka nang ma-late." Sinasaway na ito ng unang subject nila sa umaga dahil istorbo ito lagi kapag late nang pumapasok sa classroom nila.
Suki rin niya ito sa sinking fund dahil hindi man lang ito nagbabayad. Maingay ang klase dahil binigyan lang sila ng seatwork ng adviser nila na Filipino teacher. Oras para mangolekta ng sinking fund.
Ginagawa niya iyon nang dalawang beses sa isang linggo. Nilapitan niya si Calvin na panay kagat sa takip ng ballpen nito at nay sinusulat na kung ano.
"Calvin, bayad mo." kausap niya rito. Nagawi ang atensiyon nito sa kanya na napanganga pa. Mukha tuloy itong timang.
"Naman Magnolia! Nasira mo ang concentration ko! Gumagawa ako ng kanta panlaban sa songwriting contest." angal nito na parang bata. Sinamaan lang niya ito ng tingin at inilapag ang notebook niya kung saan doon nakalista ang nakolekta niyang pera sa mga kaklase niya.
"Wala akong pakialam kung nasira ko ang concentration mo. Hindi ka pa rin nagbabayad sa sinking fund. Tingnan mo nga yang pangalan mo. Wala kang contribution simula pa lang." sermon niya rito.
Ayon sa iba, nakakatakot daw ang pagtalim ng mga mata niya. Para daw siyang mangangain ng mga manok.
Ngunit hindi niyon naaapektuhan si Calvin. Siguro, makapal lang talaga ang balat nito sa kahit sino.
Eksaherado lang itong napaingos at inilabas ang bulsa ng khaki pants nito. May naglaglagan na paper clips doon at kung ano-ano pang abubot. "Wala akong pera, Lia. Babayad ako ng malaki pag meron na ako. Dukha talaga ako ngayon e."
Inirapan lang niya ito at tinalikuran na lang ito at nagtungo sa iba para maningil. Puwede naman kahit piso lang ang iambag nito. Hindi ba ito nagbabaon?
"Ano na naman? Hindi ko nga kasama si Peter." reklamo ni Calvin nang harangan siya ni Jane, girlfriend ng tropa niyang si Peter.
"Magkasama kayo kanina. Wala na siyang time sa 'kin dahil lagi mo na lang siyang kasama." himutok nito sa kanya at napanganga na lang siya hawak-hawak ang strap ng bag niya. Pinagseselosan siya nito? Ni hindi nga siya babae. Pambihira.
"Baka may lakad lang." pagrarason niya. Pumameywang lang ito.
Marahas na napabuga siya ng hangin at napakamot sa ulo niya. "Oo, magkasama kami kanina pero naghiwalay rin dahil may pupuntahan pa daw."
Gusto sana niyang dagdagan na hindi naman puwede na lagi ito ang kasama ni Peter. Nakakaumay rin ang sobrang ka-sweetan. Kulang na lang irolyo niya ang mga mata niya.
"At saan naman pupunta ang lalaking iyon?" tanong nito. Nagkibit-balikat lang siya.
"Aba'y ewan ko. Tawagan mo." May pager namang dala si Peter kaya bakit pa ito mag-aabalang magtanong sa kanya kung nasaan ang kaibigan niya?
Ang clingy nitong girlfriend.
Nilayasan na lang niya ito at nagtuloy-tuloy patungo sa malaking tindahan ng pamilya nila. Dumadaan rin siya doon dahil doon dumadaan si Magnolia.
Ewan, trip na niyang sundan ito simula nang mahalina siya rito noong nakaraang linggo. Dahil lang umuulan at umaaraw. PE time nila nun.
Nasa bleachers lang siya nakatambay at nakita niya itong nakatayo lang. Mahinang pumapatak ang ulan at may sumisingit na sinag na araw. Ang simple ng hitsura nito. Nakasuot ng t-shirt at jogging pants. Nakatali ang mahaba nitong buhok, sinasalo nito ang patak ng ulan. Napatulala siya nang ipinikit nito ang mga mata at ngumiti.
Hindi ito palangiti. Sa katunayan, madamot nga ito sa totoong ngiti nito. Ilang segundo yatang nagslow-mo ang lahat kay Cali sa oras na 'yon. Namalayan na lang niya na lumalayo na si Magnolia at likod na lang nito ang nakikita niya.
Sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang makita niyang nasa unahan si Magnolia. Mabagal lang siyang naglakad. Baka makahalata pa ito na may ibang tao roon sa Molave street.
"Tulala ka na naman, Cali." Tinapik ni Peter ang balikat niya.
Nakatunganga lang siya kay Magnolia. Bagong gupit ito. May bangs na ito at bigla siyang nangunot-noo nang mapansing nakasuot lang naman ito ng sweater sa kabila nang mainit na panahon.
"Bakit siya nakasuot ng sweater? Ako ang naiinitan sa kanya." komento niya.
"Baka fashion lang. Hilig ng mga babae sa ganyan. Sumasakit nga ang ulo ko kay Jane sa fashion. Tagal kong maghintay sa pag-aayos niya." anito na umupo lang sa upuan nito.
Pakalat-kalat lang ang mga estudyante roon dahil may ginaganap na program para sa Buwan ng Wika.
Finalist ang isang grupo ng kaklase nila sa sabayang pagbigkas kaya hinayaan lang sila ng adviser nila. At hindi siya kabilang sa grupong iyon. Pero kabilang si Magnolia. Ito pa nga ang nagle-lead.
"Duda akong fashion 'yan." sabi niya. "Simple lang manamit si Magnolia. Iyon ang napansin ko sa kanya."
"Uy, malala na 'yan. Nakatanga ka na lang lagi kay Magnolia.Tinamaan ka na talaga."
Humalakhak lang si Peter na inirapan niya lang. May sinabi lang si Magnolia sa mga kaklase nila at nagtungo na sa upuan nito.
Tumayo si Cali at tinungo si Magnolia upang alamin ang misteryo ng sweater nito.
"Lia." tawag niya rito sa nickname niyang ibinigay niya rito. Umalerto ang mga mata nito sa kanya. Mukhang ba siyang mangangain ng buhay? Sinadya niyang hilahin ang braso nito at nagulat na lang siya nang sumigaw ito na parang nasaktan.
Nanlaki ang mga mata niya at nilislis ang sweater nito sa pagkahindik nito. Natigilan siya nang makita ang pasa sa braso nito. Marahas nitong binawi ang braso nito sa kanya at napaatras.
"Anong ginagawa mo?" inis na bulyaw nito sa kanya sabay tago ng braso nito. Inayos nito ang nalislis na manggas ng sweater.
"Bakit may pasa ka?" maang niya.
"Napatid lang." Umiwas ito ng tingin. Nagsisinungaling ito. Sa tagal ng pag-oobserba niya. Kaagad na niyang napapansin kung nagsisinungaling ito. Napatingin na rin ang ibang kaklase nila sa kanilang dalawa.
"Napatid lang?" wika niya, tila kinokombinsi ang sarili niyang maniwala sa dahilan ito. Mukhang hindi iyon simpleng pagpatid lang. Ganoon kalaking pasa?
"Tara sa clinic."
"Hindi na kailangan." mariin nitong tanggi.
"'Wag mo na akong pakialaman."
Bago pa man siya makahirit ay tumakbo lang ito palabas ng classroom nila, tinatakasan ang pangongompronta niya.
"Walang ganoong kalaking pasa at napatid lang." usal niya. Naalala niya ang bangs nito.
"May itinatago ba siya sa bangs niya?"
"'Wag mo nang alamin, Cali. Mas lalong sisiksik sa bahay niya si Magnolia. Parang kuhol na ayaw lumabas-labas." sabi ng isang kaklase nila at tinapik lang ang likod niya.
Ano kaya ang problema ni Magnolia? May nanakit ba dito? Sino?
(End of Chapter 3)

Comentário do Livro (28)

  • avatar
    Mary Grace Ponce

    plss diamond ml

    5d

      0
  • avatar
    Deleon Ykni

    ganda ng kwento

    06/08

      0
  • avatar
    armecinreid

    ojgcvnnfcg

    13/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes