logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 3 Another Raket

Fallen Galaxy La Chance
“hmm! Babe!” hala shuta, ano iyon? Tama ba naririnig ko may umuungol? Babae saka lalaki? Shuta naging milagro room pa yata ang pantry ng Beauty Coffee.
“Ohh! Ugh! Don’t talk even touch her! Hmm! Ahh!” parang kilala ko kung kaninong boses iyon saka ungol pero hindi ko matukoy kung sino siya. Medyo kaboses niya kasi si Barbara, pwede din maging si Frances kasi medyo hawig e.
“Lauren, I’m sorry! Ahh! Ohh babe!” ay tangina wala sa mga hula ko yung babaeng nasa loob nitong pantry. Pero sino yung lalaki? Hindi kaya si Keith iyon?
Kasi kanina nung umaawat si Keith sa mga nakahawak sa buhok ko tapos hinila niya pa ako papalayo sa kanila napapansin ko na matalim ang tingin sa akin ni manager Lauren. So may secret affair silang dalawa? Dapat pala lumayo na ako kay Keith kasi selosa pala si manager Lauren baka ako pa ang sanhi ng pag-aaway niyang dalawang yan.
“HOOOOOOY MAAAAAAAAMSH! ANONG MAYROON SA PINTUAN NG PANTRY AT PARANG NAESTATWA KA DIYAN! MAAAAAAMI FALLEN! HANUBA!” gagu nagulat ako kay Vincent tangina.
“Gago ka talaga Vincent! Ang ingay-ingay mo! Nakagugulat ka!” sabay hampas ko sa kaniya pero sinasalag niya lang kaya hindi ko siya mapuruhan.
“Ang ingay mo, Vincent,” ay tapos na sila? Bilis naman nilang dalawa. Chos! Pakialam ko sa quickie nila ang mahalaga mahal nila ang isa’t isa. Ayaw ko na lang magtalk about sa relationship nila na baka mas lalong ikawala pa ng trabaho ko.
“Ma’am Lauren may pula ka sa leeg saka ang gulo ng buhok mo. Sino ba nakasabunutan mo sa loob ng pantry?” ay gago ka talaga Vincent. Mahahalatang may ginawa sila sa pantry. Gago talaga wala ka sa tamang panahon para sa ganyan.
Mapapatay ko talaga ‘tong si Vincent kapag nagsalita pa ‘to. Sinasamaan ko na siya ng tingin pero hindi makuha sa tingin. Aba ang gaga inarapan lang ako.
Woi baklang ‘to! Wala akong panahon para makipag-irapan sa iyo. Hays!
“Ah! Itong pula — ano yata ‘to kagat?” hindi ka sure manager Lauren? Ma’am huwag masyadong pahalata na may ginawa kayong quickie ni Keith sa pantry.
“Hello papi Keith! May pula ka din sa leeg mo? Ano ba ginawa niyo ni manager Lauren sa pantry nagkagatan?” huwag pahalatang tatawa ka Fallen. Mawawalan ka ng trabaho kaya huwag kang tatawa. Magpigil!
Cleared throat!
Defense mechanism para hindi matawa. Tangina talaga nitong si Vincent, walang preno yung bunganga. Bubusalan ko talaga ‘tong si Vincent kapag uwian na.
“Anong oras pasok niyo sa school?” bagong topic na inihain ni manager Lauren para hindi halatang awkward ng moment.
“Tuwing monday, wednesday, and friday tuwing hapon ang pasok namin sa school. Tapos kapag tuesday, and thursday naman ay umaga. Saturday is shortened period lang sa umaga. Sunday naman po ay evening class kami. Ayon lang po schedule namin manager Lauren,” sagot ko sa tanong niya.
“Sinabi mo kanina may meeting,” sabat ni Keith.
“Oo nga pala tungkol sa nangyari kanina sa iyo Fallen —”
“Manager Lauren, pasensya na po kayo hindi ko naman po kasi siya napansin —”
Kapwa hindi namin pinatapos ang isa’t isa. Huhu!
“Alam ko Fallen. Aksidente ang lahat ng pangyayari nagkataon lang na napunta ka sa customer na ganoon kahipokritang babae,” bakit parang ang bait ng boses ni manager Lauren? Hindi katulad kanina halos lamunin niya na kami ng buhay habang ginagampanan namin ang aming tungkulin.
“Bali Fallen, wala kang susuwelduhin nang dalawang buwan dahil kailangan mong mabayaran yung damit ni ma’am Marleigh. Tapos sa ikatatlo ng buwan ay pitong-libo lamang ang makukuha mo mula sa suweldo mo,” tumango lamang ako sa tinuran niya. Estimated ko na naman niyan kanina pa.
“Okay baristas, you may now all go,” saad ni manager Lauren sa amin. Kaniya-kaniya kami ng tinahak na direksyon.
Maliban kay Keith na sinadyang magpaiwan talaga sa tabi ni manager Lauren. Baka may round 2 pa. Joke! Wala na akong pakialam kung mayroon man silang dalawa ang mahalaga hindi na mainit ulo ni manager Lauren.
Ako ay kumaliwa habang lahat sila’y nasa kanan dahil papasok na sa school. Hindi ko din alam kung anong meron sa kaliwang direksyon na ito pero dito ako dinala ng mga paa ko.
“FALLEN!!” hala sino iyon?
Paglingon ko ay bumungad sa akin ang tumatakbong si Kyle. Hala! Bakit niya ako sinusundan dito?
Ayaw ko mag-assume pero baka alam niyo na — baka may gusto siya sa akin. Ahe! Enebe nemen yern! Joke! Ayaw ko na nga masakit mag-assume lalo na kung hanggang kaibigan lang ang pagtingin niya sa iyo kaya dapat — huwag maging marupok. Lol!
“Kyle?” parang tanga, pabebe ampotek.
“Saan ka pupunta? Tatakas ka ba o cutting classes? Absent ka na ba?” Daming tanong ni Kyle.
“Hindi ‘no. Maghahanap lang ako ng another raket kasi hindi ba alam mo naman na may binabayaran akong mahal na damit. Kakaloka napakanipis at kumikinang lang sa ganoong damit nagkakahalaga na ng libo. Nako! Mga mayayaman nga naman hindi nila iniisip ang gastos makabili lang ng damit na gusto nila. Sana lahat spoiled brat. Sana lahat sunod sa layaw,” bitter man sabihin pero naiinggit ako sa mayayaman kasi kahit anong gusto nila mabibili nila in instant. Samantalang ako kailangan ko pang mag-ipon ng matagal makabili lang.
“Kung mayaman lang ako, tutulungan kita Fallen kaso pareho lang kasi tayo ng estado sa buhay. Alam mo ang hirap maging magulang sa dalawa kong kapatid. Bakit pa kasi pareho kaming iniwan ng mga magulang ko? Bakit si papa sumama sa ibang babae at gumawa ng sarili niyang pamilya? Bakit si mama sumama na sa liwanag at iniwan niya sa akin ang pasanin niya?” inalo ko si Kyle.
“Kapag naging mayaman na tayo hindi tayo magiging hipokrito at matapobre sa ibang tao kasi alam natin kung ano ang pakiramdam ng isang mahirap. Magiging maayos din ang lahat. Magiging matagumpay din tayo balang-araw,” saad ko sa kaniya. Tumango-tango naman siya sabay litaw ng dimple niya sa ilalim ng labi dahil sa kaniyang ngiti.
“Uy sino iyon?” sabay turo ni Kyle sa kalayuan. Natatanaw ko na may lalaking kumakaway sa amin. Malabo man ang kaniyang pigura ngunit nakasisiguro akong si Graham ito. Isa sa mga kaibigan ni Archival na kaibigan ko din simula nung bata pa ako.
“Mukhang si Graham,” sagot ko na sinang-ayunan naman ni Kyle.
“Woi mga mare saan punta ninyo? Hindi ba diretso lang ang daan papuntang paaralan bakit ibang direksyon yata ang tinatahak ninyo?” tanong ni Graham kahit na medyo hinihingal siya dahil sa kakatakbo niya.
“Woi, Kyle! Subukan mong galawin itong kaibigan ko, sasapakin talaga kita. Wala akong pakialam kung magkaibigan kayo ni Fallen, magkaibigan din kami. Obligasyon kong protektahan siya sa kahit sinong tao, kahit sa iyo pa,” na touched naman ako sa sinabi ni Graham.
“Mali ka ng iniisip, Graham. Wala sa isipan kong ibigay ang perlas ko ‘no. Kaya huminahon ka safe na safe ‘to at nakapadlock pa,” pagmamalaki ko. Hindi ko alam kung bakit natawa si Kyle sa sinabi ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
“Ay sanaol girl nakapadlock. So, amoy kalawang na ‘yang tahong mo. HAHAHAHA! Aray bakit ka ‘te nanakit?”
Panay lang ang salag niya habang hinahampas ko siya. Napagod ako kaya hininto ko na lang. Wala naman akong makukuhang benepisyo kung patuloy ko siyang sasaktan.
“Ang pangit niyo kabonding sa totoo lang,” pahayag ko. Nagkatinginan naman silang dalawa na tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ko. Totoo naman kasi ‘no lakas nila mang-asar akala mo talaga mga tuli na.
“Mas pangit ka tanga,” aba gago talaga ‘tong si Graham.
“Mas pangit ka tanga hindi ka pa tuli!” ganti ko. Kumunot naman ang noo nila pareho. Hindi ko din alam bakit ko siya inasar na hindi pa tuli e mukhang natuli na itong si Graham.
“Gago ka, Fallen! Tuli na ako. Pareng Kyle huwag kang maniniwala diyan kay Fallen. Huwag mo bati ‘yan palibhasa mukha siyang paa,” gago talaga. Ako mukhang paa? Sa ganda kong ito ihuhugis mo sa isang paa.
“Kung ako ang paa ikaw naman ang alipunga,” ganti ko sa kaniya. Hindi na siya nakapagpigil at pinitik ang noo ko. Aba tarantado! Masakit iyon! Gaganti ako —
“Tama na nga iyan! Tara na nga! Mukhang mahuhuli pa tayo sa klase kung magpapatuloy kayong mag-aasaran,” awat sa amin ni Kyle. Hindi patalo ang kulugo at dumila pa sa harapan ko. Syempre ako na hindi papatalo —
“Pakyu ka, sagad p’re!” sabay pakita ng gitnang daliri ko sa kaniya. Inirapan niya lang ako at nameywang pa.
“Sabihin mo muna bakit ka dito tumungo hindi doon,” sabay turo sa direksyon papuntang Aempleforthe University.
“Nako sabihin mo lang Fallen kung magcutting classes ka para sasamahan kita. Pero kapag nagkahulihan syempre ilalaglag kita ‘no,” walang kwentang kausap kaya nilayasan ko na. Diretso lang ang lakad ko hanggang sa napahinto ako sa isang shop.
Emelle Fashion Boutique
“Woi mare! Wala kang pera kaya huwag diyan —” napatigil si Graham ng mabasa niya ang nakapaskil sa pintuan ng boutique.
“Hello fashionistas! We EFB staffs are looking for an online resellers. If you are interested to work with us kindly contact us to this phone number 09297322423 or direct applying for fast admission of your application,” basa ko sa nakapaskil.
“Mag-apply ka diyan? E ‘di ba barista ka na sa Beauty Coffee. Don’t tell me natanggal ka na sa trabaho,” hindi ako tumingin kay Graham ngunit nagawa kong sagutin ang tanong niya gamit ang pag-iling ng aking ulo.
“Woi chika mo naman ‘yan mare!” tumango lamang ako at hindi na ako nag-alinlangan pa na mag-apply. Pumasok na ako sa loob ng Emelle Fashion Boutique.
Pagpasok ko sa loob kaagad sumalubong sa akin ang isang sales lady. Nakita ko na nakaburda kaniyang damit ang pangalan niya Throna. Ganda ng name niya parang throne.
“Good day, fashionista! How may I help you? Do you need anything?” magalang na tanong niya sa akin.
“Gusto ko sana mag-apply as online reseller ng mga products ninyo,” sagot ko. Ngumiti siya at kapagkuwan ay iniwan ko. May kinuha siyang papel na application paper.
“First applicant ka namin,” saad ni Throna ng nakangiti.
“Talaga? Sana makapasa po ako,” sagot ko.
“Makakapasa ka. Wala naman restriction sa pag-apply sa trabahong ito basta ang ang edad mo ay labing-walong taong gulang pataas,” tumango ako. 18 years old na naman ako kaya pasado ako.
“Tapos na po,” sabay bigay ko sa kaniya ng papel.
“Sige balik ka dito kung sakaling nakatanggap ka na ng tawag mula sa amin opisina. Mag-iingat ka at may tiwala ako sa iyo na matatanggap ka sa aming boutique shop,” saad niya.
Ang bait niya saka ang ganda niya pa. Umalis na ako sa Emelle Fashion Boutique. Nang papalapit na ako kila Kyle at Graham pareho silang nakangiti sa akin.
“Kwinento na sa akin lahat ni Kyle. Grabe naman si Marleigh saka si Archival sa’yo. Nakakainis sila kapwa ko pa naman sila kaibigan. Kilala ko kasi si Archival sa pagiging babaero pero hindi ko alam na ganyan pala siya trumato ng babae,” sa tono ng pananalita ni Graham ay malalaman mo na nagagalit ito. Kung ikukuwento ko pa sa kaniya yung pangyayari sa may parking lot ng supermarket e baka magfriendship over ang dalawang ito.
“Hayaan mo na. Hindi naman niya kasi ako ganoon kilala e,” tugon ko.
“Kahit na. Saka hindi ka nga niya kilala e pero bakit ganoon siya magsalita at magtrato sa iyo. Nako kapag nagkita kaming dalawa ni Archival kakausapin ko ‘yan,” saad niya. Kaagad kong naimagine ang pagmumukha ni Archival sa tuwing nakikita niya ang mukha ko. Mukha ng isang lalaking galit na galit at tila ba diring-diri sa kagaya ko. Kagaya kong cheap.
“You are not cheap, Fallen. You are a gold and you should be valued,” saad ni Graham. Alam ko naman kung ano ang value ko dito sa mundo. Alam ko ‘yan Graham. Bata pa lang ako minumulat na ako na dapat may halaga ang bawat kilos ko.
“Woi! Natulala ka na sa english spokening ko! Huwag kang mag-alaala hindi ako wrong grammar saka cute ako kapag nagsasalita ng english. Hehe! Small thing!” siya na pumuri sa sarili niya
“Pinuri mo pa ang sarili mo,” sabay irap ko sa kaniya.
“Yeieieie! Aminin mo na lang na cute talaga ako magsalita ng english,” tsk!
Cross My Heart It’s You
Written By: SEA_GM

Comentário do Livro (16)

  • avatar
    Lawrelyn Mae Benola But

    maganda

    29/06

      0
  • avatar
    TomolinCurvie

    thank

    17/06

      0
  • avatar
    SulitHazel

    great story

    12/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes