logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 2 Beauty Coffee

Fallen Galaxy La Chance
“Bilisan niyo naman kumilos,” utos ni manager Lauren sa aming mga emplaydo ng Beauty Coffee.
“Napakatamad naman ng galaw ninyo parang hindi kayo nag-almusal,” dagdag niya pa.
Kung tutulungan siya sa aming ginagawang pagbibigay ng mga kape at cake sa customers baka sakaling nabawasan pa ang gagawin namin at galit ng mga customer.
“Sa number 65, wala pa daw yung order nila. Yung sa number 25 yung table nila hindi pa daw nalilinis. Jusme nakakastress kayong mga bata kayo! Ang babagal kumilos akala mo pagong!” saad niya sa kasamahan ko sa trabaho, kay Barbara.
“OPO!” pasigawna tugon ng kaibigan ko kay manager Lauren.
“Ikaw Kyle, yung pagkain daw sa number 59 at yung basura natin punong-puno na dalian mo naman kumilos!” utos ni manager Lauren. Tumango lamang siya at mabilis na ginawa ang lahat ng pinaguutos ni manager Lauren.
“Frances, anong nangyayari dito? Bakit kanina ka pa nakatigil diyan? Don’t tell me hindi ka marunong sa pagcashier?” hindi ito sumagot at tinuro lang ang makinang ginamit niya.
“Pipi ka ba?! Puwede mo naman sabihin sa akin na sira pala itong ginamit mo! Sige magpalit na kayong dalawa ni Fallen,” kaagad akong hinawi ni Frances gamit ng kaniyang kamay na may mahabang kuko.
Shocks! Nakalmot niya yata ako. Nagkatinginan lang kaming dalawa tapos tinignan niya din ang kalmot niya sa akin.
“Malayo naman ‘yan sa bituka huwag kang masyadong maaarte. Saka hindi ko kasalanan kung nakalmot kita. Pangit mo kasi, kasing pangit ng balat mo. Ops! Sorry, ugly duckling!” bumalik na siya sa kaniyang trabaho nang makita niyang nakatingin sa amin ng masama.
“Bakit ka nakatunganga kay Frances? Gusto mo din ba sa cashier? Inggitera ka ba? Huwag kang mag-alaala kasi kahit mainggit ka sa magagandang babae hindi ka na talaga gaganda. Trabaho ang isipun huwag inggit! Pangit ka na nga tamad ka pa! Tonta!” sigaw niya sa akin. Gamit ang kaniyang hintuturo ay tinusok-tusok niya ang ulo ko. Hindi pa siya nakuntento at pinitik-pitik pa ito.
“Babalik na po ako sa trabaho — ko ma’am,” hindi ko matuloy yung sasabihin ko sapagkat nagbabadya ang luha sa aking mata at garalgal sa aking boses.
/*BOOOOOOOGSH!*\
May nabangga akong customer. Lahat ng pagkain niya ay tumapon. Mas malala pa ang dalawang iced coffee niyang order ay tumapon ang lahat sa damit niya. Mukhang mamahalin ang damit niyang natapunan ng iced coffee. Hindi ko naman sinasadya na mabangga siya.
“Ahhhh! My dress is ruined!” sigaw nung babae sa akin. Sa isang iglap ang kaniyang dalawang kamay ay sumasabunot na sa aking buhok. Sobrang higpit ng kaniyang pagkakahawak sa buhok ko na tila ba matatanggal na ito sa aking anit. Hindi ako gumanti at tanging ginawa ko lang ay tanggalin ang kamay niya sa buhok ko pero paulit-ulit niya din ibinabalik. Pero parang hindi dalawang kamay lang ang sumasabunot sa akin. Parang apat yata —
“Ma’am tama na!” awat ni Frances pero yung kamay niya ay nasa buhok ko at nakikisabunot din. Kaya pala hirap akong tanggalin ang kamay kasi apat pala.
“Anong tama na?! My dress is ruined because of her! You idiot!” sa lakas ng bayo niya sa ulo ko ay natanggal na niya ang buhok ko sa mismong anit ko.
“Tama na po —” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil may isang lalaki ang sabay hila sa akin paalis sa kamay ng mga nanabunot sa akin. Inangat ko ang ulo ko at kahit pa magulo ang buhok ko.
“Keith?!” hindi ko aakalain na siya ang hihila sa akin palabas sa kamay ng dalawang babaeng humahawak sa buhok ko.
“Fallen!” sabay ayos ni Kyle sa buhok ko na nakaharang sa mukha ko.
Kita ko sa mga mata ni Kyle ang pag-aalaala at saka galit, pero bakit? Para saan ang mga emosyon na iyon?
“KEITH?!” tawag ni manager Lauren sa lalaking nakabackhug pa din sa akin at hindi ako binibitawan.
“Linisin mo nga yung — yung mga ano — kalat doon sa kusina. Ano madaming basura — saka ano — mag-uusap tayo,” utal-utal na utos ni manager Lauren kay Keith. Parang may kakaiba habang nagsasalita si manager Lauren. Para bang naiiyak siya o nasasakta — basta hindi ko maipaliwanag.
“Ma’am calm down,” pagpapakalma ni manager Lauren sa babaeng natapunan ko ng iced coffee.
“How do I calm down?! My fucking dress is just fucking ruined by your fucking stupid waitress! I am fucking mess. I know if this fucking shit happened to you I’m fucking sure that you’ll be fucking mad! Do you fucking understand how I fucking feel?” yes I fucking understand.
Tss.
Wala naman siyang magandang sinabi kung hindi puro ‘fucking’ lang. Bawat sentence niya may ‘fucking’ nako baka pinaglihi ito ng nanay niya sa word na ‘fucking’ nako talaga.
Kapag ako nagka-anak tuturuan ko ng magandang-asal at saka hindi ko tuturuan ng salitang ‘fucking’ kasi ang bastos ng salitang iyon sa tagalog.
Like kan—
“Fallen,” malumanay na tawag sa akin ni manager Lauren. Hindi ko na nagawang ayusin ang buhok ko at hinayaang nakalaylay sa bandang dulo ng buhok ko ang tali basta nakikita ang mukha ko maayos na iyon.
“What will you say to her?” tanong sa akin ni manager Lauren.
“Sorry?” ay gaga dzai hindi ka sure sa paghingi mo ng paumanhin.
“That’s not a sincere one also your sorry can’t buy me a new dress like this. You fucking stupid waitress,” hala bobo ba ‘to parang hindi nag-aaral. Kanina pa tawag nang tawag sa akin na waitress e barista ako. Buang!
“Magkano ba iyang damit mo?” tanong ko. Hala nagtanong lang naman ako bigla niya akong tinaasan ng kilay. Amp!
“30,500.00 I know you can’t afford because someone told me that you’re a cheap one!” cheap? Cheap?! Sino bang hudas ang tumawag sa akin ng cheap? Si — ah alam ko na si Archival. Siya lang naman ang lalaking nagtawag sa akin ng cheap girl e.
Para sa isang manipis at kumikinang na tela nagkakahalaga na ng 30,500.00 e pwede na ako no’n makabili ng limang sako ng bigas, makapagbayad ng kuryente, magbayad sa utang namin sa tubig, bayad sa late namin renta kay Mang Randy pero sa gabi siya si Andy.
“Ganito na lang ma’am sa darating na sahod ni Fallen ay kakaltasan ko po ito ng 3,500.00 at ipapadala po sa banko ninyo. Ayos po ba sa inyo iyon?” umiling ito at sabay umalik-ik ng parang mangkukulam. Joke.
“Ginagawa mo akong cheap kagaya ng waitress ninyo. Hahaha! I fucking want you to fucking pay me fucking instantly. Give me fucking 30,500.00 now so I fucking can buy a new fucking dress like this,” ayan na naman siya sa ‘fucking’ niya nako.
Tapos biglang may lalaking pumasok sa coffee shop namin. Parang kilala ko ‘tong lalaking kakapasok lang sa coffee shop — o my fucking shit like fucking day! Siya yung matapobre at hipokritong lalaki na sinabihan ako ng cheap dahil sa damit kong cheap. Mura lang naman kasi iyon sa ukay-ukay ko lang nabili iyon.
“Honey! Come here!” tawag niya kay hipokrito. Napaangas niya maglakad at halatang pacool mukha naman nagjajacool. Joke.
“I already told you Marleigh I’m not used to be called that — sugarcoated callings,” tapos umirap pa ang hipokrito akala mo naman may nakita akong romolyong mata e wala naman. Gago chinito ka malamang wala akong makikitang mata. Hays!
Hindi maitatago na medyo napahiya itong si Marleigh dahil sa sinabi ni hipokrito. Isang buntong-hininga ang narinig namin mula kay Marleigh bago siya magsalita. Masakita ba girl? Awit ka! Papatol ka na nga lang sa lalaki yung hindi pa kumakain ng asukal. Hehe.
“By the way, Marleigh. Bakit ba napakatagal mo dito sa cheap coffee shop na ito tapos nandito pa si cheap girl. Wala ka na bang class sa katawan mo Marleigh? Ang mahal-mahal ng damit mo tapos dito ka lang magkakape? Ano ba ‘yan wala ka na bang pera?” ay awit yan dude! Grabe makalait sa girlfriend isinama pa ako at ang buong coffee shop. Nako! Kailan kaya sila aalis para naman mawala na ang mga mata sa amin ng mga customers. Shuta mga marites! Sisikat na ba ako dahil dito? Kung ganoon ang pangit ko naman sa viral video ko. Hays!
“Naninirahan ka sa Guthram City. Nasa Taewe Street ang bahay mo, isa sa pinakamaganda at may class na bahay. Ang nanay at tatay mo ay kapwa sikat sa Guthram City tapos dito ka lang magkakape? Naghihirap ka na ba? If you keep arguing with them lalong-lalo na sa cheap girl na iyon —” sabay turo ng hintuturo niya sa akin.
Manuno ka be, hinay-hinay sa pagtuturo. Nako sinasabi ko talaga sa iyo kapag ako nagalit damay pati bahay mo.
“Then let’s break up. Ayoko sa mga babae ang walang delikadesa sa katawan at cheap kagaya ng babaeng iyon —” aba tinuro na naman niya ako.
“Fallen pangalan ko hindi cheap girl na alam mo,” sabay irap ko sa kaniya.
“HAHAHAHAHA! FALLEN?! Seryoso, bakit ganyan pangalan mo? Halatang walang utak mga magulang mo,” demonyo ka bakit hindi ka pa mamatay sa kinakatayuan mong hayop ka. Nako huwag kang lalapit sa akin baka mapatay kita ng hindi ko sinasadya. Tangina mo. Gago ka. Pakyu sagad sa buto.
“Ma’am and sir, ano po ang gagawin namin para maayos na po ang gusot na ito?” tanong ni manager Lauren kila Archival at Marleigh.
“Bayaran niya yung damit ko,” sagot ni Marleigh sabay matalim na tinitigan ako.
“But as a junior barista po hindi po kakayanin ng sahod niya ang hinihingi niyo pong kabayaran. Sumusuweldo lamang po siya ng 12,550.00 per month,” pahayag ni manager Lauren.
“That’s not my problem anymore,” hindi ito matatapos hanggat hindi ako nagsasalita.
“Ah ma’am —” bastusan ba tayo dito Marleigh.
“But if you fired her then everything will be fine,” singit ni Marleigh. Magsasalita na sana ako pero mukhang hindi ko na maitutuloy ang sasabihin ko kasi alam ko na kung ano ang pipiliin ni manager Lauren.
Tangina talagang buhay ‘to. Mawawalan pa ako ng trabaho. Wala na akong pambayad sa matrikula ko sa susunod na buwan pati na sa internet. Tangina!
“Sorry ma’am but we can’t,” lahat kami ay nagtaka. Maski ako ay nagtaka din pero mas lumamang ang saya ko kasi hindi ako matatanggalan ng trabaho.
“We don’t have any choices ma’am but to agree with the installment payment for your dress,” yey!
“Sige pumapayag ako pero gusto ko iyong buong suweldo niya ang siyang ibabayad sa akin,” that’s not yey anymore. Dalawang buwan akong walang susuwelduhin tapos pitong libong piso lang ang makukuha ko pagsapit ng ika-tatlong buwan. Hays!
Pero ayos na sa akin iyon ang mahalaga hindi ako mawawalan ng trabaho. Pero wala pa din akong pambayad ng matrikula at pambayad ng wifi sa susunod na buwan.
“That’s a cheap agreement, lol!” gagu manahimik ka Archival wala ka naman ambag dito.
“Let’s go Marleigh. I’m fucking horny na,” tangina?! Tangina talaga! Tama ba iyong narinig ko? Horny? As in — nevermind.
“Okay let’s settle this tomorrow. I have to go — ARCHIVAL!” yak! Makakaladkad naman ‘tong si Archival kay Marleigh parang hindi na makapagtimpi.
Bwesit! My innocent mind!
“Let’s all talk before we closed this shop,” sabay tingin sa akin ni manager Lauren ng matalim. Pakiramdam ko na pinapatay ako ni manager Lauren sa isipan niya, nakatatakot tuloy tumabi sa kaniya baka mamaya sakalin niya ako.
“All back to work!” utos niya sa amin. Tumalima ang lahat at nagbigay na ng kape sa bawat customer namin.
“Keith, let’s talk!” utos ni manager Lauren kay Keith. Napatingin lang ako sa kaniya.
“Inom ka muna ng tubig, Fallen,” sabay bigay sa akin ng sealed bottled water ni Barbara.
“Masakit pa ba anit mo? Hayaan mo lalagyan kita gamot mamaya kapag konti na lang ang mga customers natin,” tumango lamang ako at bumalik na sa trabaho.
Habang hawak ko ang tray ng espresso narinig ko ang dalawang babaeng nag-uusap.
“Feeling ko be, kabit itong si Fallen tapos yung babaeng si Marleigh ang pangalan ay totoong girlfriend nung Archival,” gagong mga tsismosang mga ito. Gagawa na nga lang ng kuwento mali-mali pa. Inatay!
“Hindi feeling ko si Marleigh ng kabit tapos itong si Fallen ang orginal na girlfriend. Alam mo naman mga kabit ngayon. Kung sino pa kabit sila pa matatapang sa original. Defense mechanism kumbaga,” kabit? Kahit kailan hindi ako papatol kay Archival. Napakawalang-modong lalaki at walang respeto sa mga babae.
“Hindi feeling ko talaga malaki ang inutang nitong si Fallen kay Marleigh tapos yung dumating na lalaki ay boyfriend nung Marleigh. Sasabihin ba nung lalaki na ‘I’m fucking horny’ sabay hila kay Marleigh kung hindi sila magjowa. Nako! Ang dapat kasi sa mga nangungutang ay magbayad na. Ang galing-galing gumawa ng scheme nung mangungutang tapos kapag sisingilin hindi mo mahagilap ang masaklap pa madami silang dahilan kung bakit hindi makapagbayad ng utang,” naiinis na ako sa mga kuwentong barbero ng mga tsismosang ito.
Kaya ang ginawa ko ay ibinigay ko kuna sa customer ang order niyang espresso tapos binalikan kong muli ang tatlong tsismosa na daig pa ang flashnews sa paggawa ng latest chika.
Papalapit pa lang ako sa lamesa nila ay kunwari may hinahalungkat sila sa bag nila pero ang totoo ay wala naman talaga.
“Hoy!” sabay kalabog ko sa lamesa nila.
“Kung nagpunta lang kayo dito sa Beauty Coffee para maghanap ng gagawan ng tsismis mabuti pa umalis na kayo sa coffee shop na ito. Hindi namin kailangan ang mga kagaya ninyo. Wala na kayong ambag sa Beauty Coffee wala pa kayong order. Giatay!” sabay alis nila sa puwesto.
Badtrip naman. Daming ganap dito sa Beauty Coffee mukhang hindi maganda ang kape ko ngayon.
Written by: SEA_GM

Comentário do Livro (16)

  • avatar
    Lawrelyn Mae Benola But

    maganda

    29/06

      0
  • avatar
    TomolinCurvie

    thank

    17/06

      0
  • avatar
    SulitHazel

    great story

    12/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes