logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 2

Dahil sa ayaw ni Xyril na maulit ang mga karanasan niya rati tuwing sumasabay siya sa maraming tao na papunta sa mga paaralan o kanilang trabaho, maagang-maaga siyang umalis mula sa kaniyang inuupahang bahay.
I hate to see them lingering with the living. It makes it harder to differentiate them.
Pero ang akala niyang tahimik na St. James Academy ay hindi niya naabutan sapagkat pagdating niya ay ang mga tunog ng sirena mula sa mga sasakyan ng pulisya at ng isang ambulansya ang sumalubong kay Xyril Higashino. Isa siya sa mga taong maagang pumapasok kaya kabilang siya sa mga estudyanteng nakasaksi nang may ibinabang bangkay ng babae mula sa kanilang paaralan. Hindi niya kita ang mukha ng bangkay dahil may puting tabing na ito. Hindi ito ang unang beses na nakakita siya ng bangkay.
Pero bakit ang lakas ng pagpintig ng aking puso? Para saan ang kaba na ito?
Hindi alam ni Simmone kung maiiyak o mahihimatay sa balitang dumating. Nasa kasagsagan siya ng almusal nang biglang tumawag ang ina ni Felecity na may dalang masamang balita. Nabitawan niya ang kaniyang phone na ikinagulat ng mga kasambahay niya.
Akmang mapapaluhod na sana siya nang biglang hinawakan ng taong nasa kaniyang likurang ang kaniyang balikat upang siya’y suportahan. Sa kaniyang paglingon ay bumungad ang makapal na kilay na tinernuhan ng magagandang pares ng mga mata at matangos na ilong ng isang lalaki, si Rex.
Pansin din niyang medyo gusot pa ang damit nito na halatang kabubunot lang mula sa cabinet. Siguro ay natanggap na rin ni Rex ang balita tungkol sa girlfriend nito at nagmadaling puntahan siya.
"Rex," sambit niya sa pangalan nito na puno ng emosyon. Niyakap siya nito nang mahigpit. "Halika sabay na tayong pumunta sa ospital."
Hindi niya alam ang detalye pero iisa lang ang tumatak sa kaniyang isipan – suicide. At dahil doon ay kinabahan siya. Baka nalaman ni Felecity ang sekreto niya – ang sekreto nila. Ipinagbukas siya ni Rex ng pinto sa sasakyan nito pero bago siya tuluyang nakapasok ay hinagip siya nito sa baywang at siniil siya ng isang marubdob na halik sa labi.
"Tanya, hija, hindi ba kaibigan mo si Felecity? Sabihin mo namang tulungan niya ang daddy mo na baguhin ang pasya ng daddy niya tungkol sa investment nila sa company natin. Kapag nag-pull out sa negosyo natin ang mga magulang ni Felecity ay sa lansangan tayo pupulutin." Hysterical na ang kaniyang ina. Hindi alam ni Tanya kung maaawa o maiirita rito pero ang nakapagpabwisit sa kaniya ay ang isipan na sa lansangan sila pupulutin. Pareho sila ng kaniyang ina na sanay sa marangyang buhay kaya alam niya kung bakit parang nababaliw na ito sa kaniyang harapan.
What a pathetic scene, mother dearest. Bankrupt. Paano na ako makakapag-shopping kung bankrupt na kami? Gaga kasi 'yang si Felecity, sinabihan ko na ito na tulungan kaming mag-anak pero hindi pa rin nakinig kasi desisyon daw 'yon ng mga magulang nito. Buwisit!
Hindi gusto ni Tanya si Felecity. Palibahsa pinanganak nang ubod yaman hindi naman pinapahalagahan. Kung pwede lang talaga magkapalit kami ng pamilya.
Nagdadabog na sumakay si Tanya sa kaniyang sasakyan nang biglang tumunog ang kaniyang phone. Napaikot ang kaniyang mga mata nang makita kung sino ang caller, si Simmone – ang ahas na kaibigan ni Felecity.
Akala ng mga ito na hindi ko alam ang tagong relasyon nito at ni Rex. That man is a boar.
Tinanggap niya ang tawag at mataray na sinagot ito. Pero ang nakataas na kilay ni Tanya ay unti-unting bumaba at nawalan ng kulay ang kaniyang mukha dahil sa ibinalita ni Simmone sa kabilang linya.
Oh my gosh!
Nakatitig lang sa dingding ng kaniyang silid si Senri. Ganito siya tuwing umaga pero iba ang umagang ito para sa kaniya. Nasa harap ng kaniyang study table ang iba't-ibang larawan ng kaklaseng si Felecity. May nakatawa, may naglalakad, may papalabas ng CR, may nasa mall, may nasa beach at iba pa. Lahat ng larawan ay si Felecity ang laman. Mula sa pinakamaliit na size na larawan hanggang sa pinakamalaki na siyang nasa gitna ng kaniyang dingding.
Ikinabit niya ang isang artikulo sa dingding na iyon katabi ang mga larawan gamit ang isang dart. Ang artikulong may larawan ng bankay na may takip na puting tela. Idinikit niya ito dahil si Felecity pa rin ito.
My Felecity is still the best even as a corpse.
Gutay-gutay ang mga papel sa loob ng silid ni Opal. Ang papel na iyon ay ang resulta ng isang pagsusulit. nila At tulad ng nakagawian ay pangalawa lang siya sa score ni Felecity na siyang ikinagalit niya nang husto.
"Felecity! Felecity! Puro na lang siya!" Paulit-ulit na sambit niya habang ginutay-gutay ang mga papel nang biglang may kumatok sa pinto ng kaniyang silid.
"Anak, baka late ka na sa klase mo." Boses ng kaniyang ama ang nasa likod ng pinto. Mula sa galit na boses ay pinalitan niya ito ng isang magaang tono na siyang nakasanayan ng mga tao sa paligid niya. "Bababa na po, pa."
Nananakit ang buong katawan ni Rene. Buong hapon siya naglaro ng lawn tennis at dahil sa pagod ay sa mismong school gym na siya nakatulog. Mga tunog ng sirena ang nakapagpagising sa kaniya. Nabalikwas siya ng bangon sa pag-aalala na baka may sunog sa malapit. "May sunog ba? Anong nangyari?"
Bago tumayo ay nag-unat muna si Rene. Sinigurado niyang walang tao sa paligid bago inilabas ang pinakamahalagang bagay na hindi niya talaga inilalayo sa kaniya – ang pitaka niya. Tumambad ang wallet size picture ni Felecity kasama siya. Hindi maiwasan ni Rene na mapangiti habang nakatitig sa maamong mukha ni Felecity.
Kuha ito noong intramurals noong nakaraang taon. Ang saya niya dahil napansin na rin siya ng mahal niya at nagkaroon pa siya ng remembrance. Hindi alam ng mga tao o ng pamilya niya ang kasarian niya. Isa siyang closet lesbian at ang mahal niya mula noon pa ay si Felecity.
Gawain na niya tuwing umaga na hahalikan ang larawan nito pang-motivation sa araw niya.
Sunod-sunod na alog ang nakapagpagising kay Lyndrian. Nayayamot na binubugaw niya ang kamay pero balik pa rin ito nang balik.
"Ano ba!" Inis na bulyaw niya sa nakakatandang kapatid. Masakit ang ulo niya ay masakit din pati ang katawan niya dahil namamaluktot siya sa sofa na kinahihigaan niya.
"Naglasing ka na naman?" sermon nito kay Lyndrian. Hindi siya sumagot at ipinikit na lamang niya ang kaniyang mga mata. Halata na ang sagot sa tanong ng kaniyang kapatid. "Ano? Wala ka na namang naaalala? Mag-move on ka na kasi. Baka mamaya niyan, sa kakainom mo may nabuntis ka na pala at hindi mo pa naalala." Pananakot nito kay Lyndrian na sinagot lang niya ng isang ingos habang nakatulukbong sa higaan.
Sana nga at si Felecity ang mabuntis ko para maging akin na siya.
"Hangga't may Felecity na nabubuhay, hindi ako makakapag-move on."
Umingos ang kaniyang kapatid sa kaniyang tapat na sagot. "Asus! Ang drama mo. Kunin mo nga ang pahayagan sa labas." Umalis na ito sa kaniyang harapan.
Maaga pa lang ay gising na si Tara. Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay gising na siya. Kaharap na naman siya ngayon ng gatambak na mga proposed layout na i-re-release sa school magazine ng St. James Academy.
Napakuyom ang kaniyang kamao nang matapos niya i-review lahat ng proposed layout. Halos lahat ay gustong gawing cover image si Felecity. Bilang kilalang mabait na editor-in-chief ng school magazine ay hindi niya pwedeng balewalain ang mga suggestion ng kaniyang staff members.
"Inggrata ka talaga Felecity. Isa kang salot ng high school life ko." Pagdadabog ni Tara habang nakatitig sa imahe ng babae. Mabigat ang loob na pinirmahan niya ang proposed layout ng paparating na school magazine.
Dahan-dahang pinulupot ni Tom ang kaniyang braso sa hubad na katawan ni Sabien, ang kakambal na lalaki ni Sabrina. Dumausdos pababa ang kaniyang malikot na kamay sa ilalim ng comforter na sinagot ng isang malalim na ungol ni Sabien.
Bago pa man mauwi na naman sa isang mainit na tagpo ay pinigil na ito ni Sabien. Para kay Sabien ay dapat na nilang hanapan ng solusyon ang problema ngayon din. May pag-aalangan sa mga mata nito habang nakatitig sa mga mata ng kasintahan. "Hindi pa natin napag-usapan ang tungkol sa problema, Tom." Humarap ito kay Tom.
"Anong problema?"
Napasabunot si Sabien sa kaniyang army-cut na buhok bago sinagot si Tom. "Noong isang araw ay nakita tayo ni Felecity na naghahalikan. Paano na lang kung isumbong niya ito sa mga magulang niya? Magkakilala ang mga magulang namin. Father will surely disown me," sambit ni Sabien sa takot na boses.
Pareho silang closet gay. Si Sabien na tagpagmana ng isang malaking kompanya at magdadala sa pangalan ng pamilya nito at siya na isang football captain na tinitilian ng mga babae. Nakita sila ni Felecity noong isang gabi na siyang ugat ng pagkabahala ni Sabien.
Hinalikan ni Tom si Sabien sa noo. "Don't worry. Nagawan ko na ng paraan."
Nag-aabang ng bus si Marc na papunta sa kanilang paaralan. Hindi niya alintana ang paligid. Tulirong paulit-ulit na binasa ni Marc ang notice ng paaralan na kakatanggap lang niya noong isang araw.
Maaari akong mawalan ng scholarship dahil nag-pull out bilang sponsor ang magulang ni Felecity. Bakit sila nag-pull out? Bakit?
Nilamukos niya ang papel. Marami siyang pangarap sa buhay at kapag nawalan siya ng scholarship ay mawawala ito nang parang bula. May talim sa mga mata ni Marc habang inaalala ang pamilya ni Felecity. Mas lalong lumaki ang galit niya nang maalala ang tila walang problemang mukha ni Felecity sa paaralan nila.
I am itching to destroy that carefree smile of yours.
Sabay na dumating si Ed at Mila sa paaralan nila. Nagtataka sila dahil nang dumating sila ay siya namang pag-alis ng isang ambulansya. May mga pulisya rin sa paligid.
"Ano kayang nangyari?" tanong ni Mila kay Ed sa nagtatakang boses.
Isang kibit balikat ang sagot ni Ed bago magsalita. "Baka nanakawan ang school."
"Eh bakit may ambulansya?"
Isang kibit balikat ulit ang sagot ni Ed kay Mila. Sanay na si Mila kay Ed. Si Ed kasi ang tipong kapag hindi nagsalita ay hindi mo mapapansin.
Nilapitan ni Mila ang isang estudayente na hindi pamilyar sa kaniya. Nagdalawang isip pa nga siya. Kung hindi lang talaga siya curious sa nangyari. Wala kasing buhay ang mga mata ng lalaki. Maganda sana ang mga mata nito dahil kasing itim ito ng kalangitan kapag gabi subalit walang emosyong mababakas mula rito habang nakapamulsa itong nakatanaw sa papalayong ambulansya.
"Excuse me. Ano pala ang nangyari?" tanong ni Mila sa lalaki.
Hindi sila nilingin nito pero sumagot naman na ikinahinga nang maluwag ni Mila. "May patay na inilabas mula sa paaralan."
Tila naging bato naman si Ed sa tabi ni Mila na nakasunod pala sa huli.
Patay? Ba't parang kinabahan ako?
"Kilala mo ba?" May nginig sa boses ni Mila habang magkasiklop ang kaniyang mga nanlalamig na mga kamay.
Tila nag-alangan pa ito bago sumagot kay Mila. "Hindi ko kilala personally pero narinig ko ang pangalan. Isang babaeng nagngangalang Felecity, kaklase natin."
Parang bombang sumabog sa harap nina Mila at Ed ang sinabi ng lalaki. Sakto namang dumaan sina Serein at Mistras sa kanila na tila narinig ang sinabi ng lalaki at biglang nagtatawanan na ikinagalit ni Mila na wala sa tamang pag-iisip.
Nagdilim ang mukha ni Mila habang nakatitig sa pares. At sa nakakuyom na mga kamao ni Mila ay sinugod niya ang mga ito. Hinablot niya ang buhok ni Serein.
“Ouch! Stop it you bitch!”
Hindi binitawan ni Mila si Serein habang abala ang huli sa pagkalmot sa braso ni Mila kahit na nakayuko ito. “Bitch pala ha! Ikaw naman ay isang demonyo! May namatay pero para kang hibang na tumatawa! Isa kang kampon ni Satanas!”
Sa malaking boses ni Mila at doon natauhan sa pagkatuliro sina Mistras at Ed para awatin si Mila.
"Ikaw ang pumatay sa kaniya! Ikaw!" Paulit-ulit na litanya ni Mila.
"Ano ba! Wala akong pinatay! Get away from me, you lunatic! Ouch!"
Pumagitna bigla ang lalaki na akala ni Mila ay umalis na. Hinawakan nito ang kamay ni Mila na nasa buhok ni Serein at binalingan ang nagwawalang babae. "Hindi siya pinatay kun'di ay nagpakamatay so stop pointing to others like you saw what happened. You didn’t, did you?"
Ano?
Tahimik ang buong klase. Walang ingay na nangyayari kahit walang gurong nakabantay sa kanila. Napansin din ni Xyril na bawat estudyanteng dumadaan sa silid-aralan nila ay nagbubulungan. Iisang row lamang sila ng mga kaibigan ni Felecity at kitang-kita niya ang mahinang pag-iyak ni Simmone na inaalo ng nobyo ni Felecity na si Rex. Si Tanya naman ay nakayuko pero kapansin-pansin ang mahinang pagyugyog ng mga balikat nito. Iginala niya ang mata sa paligid, nakayuko halos lahat. Madilim ang aura ng paligid. Hindi niya masyadong kilala ang babaeng nagpakamatay pero sapat na sa kaniya ang balibalita kung gaano ito ka perpekto. Mayaman, mabait, matalino at maganda; 'yan ang palaging bukambibig ng mga estudyante sa paaralan na nilapatan ni Xyril. May iba't-ibang tono namang ginamit sa pagbanggit ng mga estudyante sa katauhang ito. Mayroong inggit, may inis, may galit, may lungkot, may paghanga, at may panghihinayang.
Akmang kukunin na sana niya ang kaniyang cellular phone nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang kanilang gurong may dalang vase na mayroong puting bulaklak. Bago pumunta sa kanilang harapan ay inilagay muna ng guro nila ang vase sa desk ni Felecity.
"Katulad niyo, umalis ako mula sa bahay namin na parang isang normal lang na araw ang dumating. May mga hinanda pa nga akong questionnaire para kay Felecity at kay Simmone. Hindi ko inakala na sa pagdating ko ay sasalubungin ako ng tunog ng ambulansya at inilabas mismo sa CR ang katawan ng isang estudyante. Hindi ako nag-tamang hinala hanggang sa inilihis ng mga magulang ni Felecity ang tabing sa katawan. Isang estudyante ko ang nawala sa'kin. Siguro nga ay bago pa lang kayo sa akin pero hindi maaalis na mahalaga na kayo dito sa puso ko. Sabay tayong yumuko at magdasal para sa kaluluwa ni Felecity, “ saad ng guro nila sa basag na boses at yumuko upang mag-alay ng isang dasal.
Kahit isa siyang agnostic, isang taong hindi naniniwala sa kung Sino ang nasa taas, ay pinagsiklop pa rin ni Xyril ang kaniyang mga kamay at tahimik na pumikit kahit hindi siya nagdasal. Isang tanda ng respeto para sa unang babae na pumukaw sa kaniyang atensyon.
Sa pagpikit ng kaniyang mga mata ay narinig niyang umiyak na nang tuluyan si Simmone sa pagitan ng pagdadasal nito. Nagsihikbian na rin ang iba pa sa kalagitnaan nang biglang may isang nguyngoy ang pinakamalakas na nagdulot ng pagtindig ng mga balahibo ni Xyril. Nasa row lang nila ito pero ang kakaiba sa lahat ay habang lumalakas ang nguyngoy nito ay humihina naman ang nguyngoy ng iba.
I know this feeling.
Alam na alam ni Xyril kung ano ito. He is hearing them again – the cry of the departed that should not be heard for the people who lives in the world of the living. But Xyril Higashino from the prestigious Higashino Clan of the east is different.
Patuloy pa rin sa pag-alay ng panalangin ang guro kaya hindi pa siya dumidilat nang biglang may kung anong nabasag sa loob ng kanilang silid. Doon na siya napadilat at tumambad sa kaniyang paningin ang basag na vase na inialay ng guro sa mesa ni Felecity. Tindig na tindig ang mga balahibo ni Xyril – isang indikasyon na may hindi tama sa loob ng classroom nila.
"Oh my god!" May kung sino ang napasambit nito mula sa mga kaklase ni Xyril. Siya naman ay napako ang tingin sa babaeng nakauniporme rin at nakatingin ang dilat na dilat at pulang-pula na mga mata sa kaniya na nakatayo sa sulok ng silid-aralan nila.
I knew it.
Tulad ng nakagawian ni Xyril ay pumikit siya at tiningnan ulit ito pero wala na ito doon. Napalunok siya nang may kung anong malamig na bagay ang humaplos sa leeg niya pero pinigilan niya ang kaniyang sariling lumingon sa kaniyang likuran. Alam niya kasing hindi siya matutuwa sa kaniyang makikita. Hindi siya natatakot sa mga multo, pero hindi niya gusto ang hitsura ng babae. Galit na galit kasi ang hitsura nito. Magulo ang buhok na halos tumatabing na sa buong mukha nito at napakaputi nito na parang ibinabad sa suka. May kung anong bakas sa leeg nito at ang mga mata nito ay namumula dahil sa mga ugat na parang puputok na. Ang mga binti nito ay hindi niya makita katulad ng ibang multo na tila hindi sumasayad sa lupa ang kanilang mga kaluluwa.
Biglang nagsimula ang nguyngoy, ang timbre ng nguyngoy na ito ay katulad ng sa kanina. Inobserbahan niya ang kaniyang paligid pero parang wala namang naririnig ang mga ito na abala sa pagpulot ng basag na vase.
Biglang lumakas ang nguyngoy na tila nasa likuran niya lang ang umiiyak. Doon na niya mahinang tinapik si Rex na katabi lang niya ng desk dahil nagpalit ito at si Simmone kanina lang. Nagtatakang tumingin naman ito sa kaniya na abala sa pagpapatahan kay Simmone.
"May naririnig ka bang iyak, pare?" tanong niya rito. Halata sa mukha ni Rex ang pagtataka dahil sa kaniyang tanong.
Kumunot naman ang noo ni Rex pero sumagot pa rin ito kay Xyril. "Oo, umiiyak si Simmone."
Isang tango ang isinagot niya kay Rex. Doon nakumpirma ni Xyril na siya lang ang nakakarinig nito. Umiiyak nga si Simmone at naririnig niya rin ito kaso hindi kasing nakakakilabot tulad ng iyak na nasa likuran niya na para bang nasa ilalim ng hukay nagmumula ang tunog.
Napapamura na siya sa kaniyang isipan, hindi nga siya naniniwala sa mga Diyos pero naniniwala siya sa mga kaluluwa. Specifically, their family recognizes the existence of souls and the paranormal.
Nasa kalagitnaan si Xyril sa pag-iisip kung lilingon ba siya o hindi nang biglang nawala ang mabigat na pakiramdam at tila bumalik sa normal ang paligid. May kung anong mabigat na bagay ang tila bulang naglaho mula sa kaniyang ulo. Wala na ang pakiramdam na tila may nagmamasid sa kaniya mula sa likuran.
Napa-buntong hininga na lamang siya at nakinig na sa sinasabi ng guro.
Uwian na nang biglang tumayo ang babaeng may malaking rosaryo na kwintas at hinablot ang buhok ng babaeng medyo may katandaan na sa klase namin.
"Ano! Masaya ka na? Patay na si Felecity! Sige! Mag-pa-party ka!"
Maliit na babae ang may kwintas na rosary pero dahil sa galit ay tila ang lakas nito. Pinigilan naman ng iba ito at pilit na tinatanggal ang pagkakasabunot sa kawawang babae pero pumipiksi lamang ito.
"Tumigil ka na Mila, ano ba!" Si Simmone na ang pumagitna.
"Hoy baliw, magsisisi ka talaga rito!" Ang kaibigan ng sinabunutan ang nagbanta – Mistras yata ang pangalan nito.
"Pwede ba, tumahimik kayo," saad ni Tanya sa naiinis na boses.
Si Rex naman ang tumatanggal sa mahigpit na pagkakahawak ni Mila sa buhok ng babae. Si Senri naman ay inilalayo niya si Mila mula kay Serein.
"Bitawan mo ako Mistras at papatayin ko 'yang babaeng iyan!" Galit din ang sinabunutan na pinipigilan ng nakasalamin na lalaki.
Napagtanto ni Xyril na walang katapusan ang away na ito dahil ayaw magpatalo ng bawat kampo kaya agad niyang tinahak ang daan patungo sa pinto ng silid aralan nang bigla siyang napahinto.
Nakatayo sa gitna ng pinto ang kaluluwa ng babae at diritsong nakatingin sa kaniya na para bang ayaw siyang paalisin nito.
Ano na naman? May kasalanan ba ako rito? May gusto ba itong sabihin sa akin? Alam ba nito kung ano ako? I don’t know. And I don’t want to know.
Bumalik sa nag-aaway ang kanyang atensyon at umupo rin siya para tingnan ang mga ito. Tutal ay ayaw siyang paalisin ng kaluluwa. Tuluyan nang nailayo si Mila mula sa babaeng sinabunutan nito.
"Kanina ka pa Mila ah!"
"Bakit? Totoo naman ah! Ikaw lang ang gustong mawala nang tuluyan si Felecity!"
"Hindi nga ako sabi! Baliw ka ba? Nagpakamatay ang kaibigan mo Mila, nagpakamatay!" gagad ng lalaking si Mistras kay Mila habang inaayos ang nagulong buhok ni Serein.
"Tumahimik ka Mistras, hindi totoo 'yan!" Akmang susugod ulit si Mila kay Mistras nang biglang sumara ang pinto at ang mga bintana kahit wala namang tao.
It is starting, huh.

Comentário do Livro (31)

  • avatar
    Chris Tian

    roblox

    11/07

      0
  • avatar
    MontibonJieza mae

    nice game

    29/04

      0
  • avatar
    NaragJeffrey

    My hobby is reading so I love it

    11/03

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes