logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

“Are you still not going to eat?”
Mabagal akong nag-angat ng tingin at tumambad sa akin ang rebulto ng aming diyos. Matagal ko iyong tinitigan habang binabaliwala ang presensya ni Ate.
“Isang buwan na, Emery. Hindi ka ba nanghihina?” Lumapit sa akin si Ate at pumuwesto sa aking likuran. Kahit hindi ko siya nakikita ay batid kong nakatitig din siya sa rebulto.
“Nagdala ako ng isang tao para sa iyo, mas mainam kung susundin mo na lamang ang nais ni Ama.”
“Paano naman ang nais ko?” Mapakla akong tumawa dahilan upang yumugyog ang aking balikat at kumalansing ang kadena na nakapulupot sa aking dalawang palapulsuhan. Nakakonekta ang dalawang kadena sa magkabilang pader ng madilim na kuwarto. Ang tanging tanglaw sa loob ay ang mga kandila na malapit nang maubos.
“Kung magmamatigas ka ay mahihirapan ka lamang----”
“Kailanman ay hindi ako nakaranas ng kaginhawaan, Princess Glamour. A-Araw-araw… akong nahihirapan.”
Isang nakakabinging katahimikan ang pumainlang. Narinig kong bumuntong-hininga si Ate at sunod niyon ay naglakad siya palayo. Pero maya-maya ay bumalik siya, at nang marinig ko ang isang mahinang paghikbi ay alam ko na kung ano ang dala niya.
“You need energy, Emery. Please take this lowly human---”
“I refuse…” Nilingon ko si Ate at madilim na ngumiti. Binigyan ko siya ng nakakatakot na tingin dahilan upang bahagya siyang mabahala.
“Kung gusto mong kumain ako ng enerhiya…” Mas bumagsik ang aking mga mata habang nakatitig sa babaeng kinasusuklaman ko. Napakuyom siya ng kamao at nilabanan ang titig ko.
Mapaglaro akong ngumiti. “Bakit hindi mo ibigay ang iyong sarili sa akin? Parehas nating batid na malugod kong kukuhain ang enerhiya mo---”
“Tumigil ka na!” Sa isang iglap ay tumabingi ang ulo ko nang sipain ako ni Ate. Madilim akong napangiti at yumuko na lamang. Pinagmasdan ko ang aking dalawang tuhod na sugatan.
Ilang linggo na ba akong nakaluhod dito?
Ah, tama. Apat na linggo na.
Makakaya ko pa bang maglakad kapag natapos ang parusang ito?
“Alam mong para sa kaharian ang ginagawa natin, Emery! Kahit hindi mo gusto----nakatakda na ang kapalaran mo.”
“Nakatakda?” Inangat ko ang aking ulo upang lingunin siya. Malamig ko siyang tiningnan. “Tama ka, Ate. Isa lamang akong kagamitan sa giyerang ito.”
“Parehas nating alam na lubhang malakas ang Leior Kingdom, kaya napakalaki ng parte mo sa labang ito upang manalo tayo.”
“Alam ko…” usal ko at blanko siyang tiningnan. “At hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na nakatakda akong maging parte ng laban na ito.” Bumuntong-hininga ako at yumuko. “Kailangan ba talaga nating kalabanin ang kaharian ng Leior?”
“Kung hindi tayo lalaban…” Lumapit sa akin si Ate at marahas akong hinawakan sa buhok upang puwersahin akong tumingin sa kan’ya. “Ang kaharian natin ang mahihirapan.”
Mapait akong napangiti. “Kaya ba kailangan kong pumatay ng napakaraming tao?”
“It is for the kingdom, Princess Emery.” Binitiwan ni Ate ang buhok ko at hinawakan ang nakaangat kong braso dahil sa kadena. Hinatak niya ako patayo at agad akong napasandal sa kan’ya nang maramdaman ko ang lubhang panghihina ng aking mga tuhod.
Hindi ko kayang tumayo…
“Please, Princess Emery. Itigil mo na ang katigasan ng iyong ulo. Nahihirapan din kami…”
Pero mas nahihirapan ako.
“At saka nalulungkot ang hari na nakikita kang nahihirapan… Alam mo namang mahalaga ka sa kan’ya.” Niyakap ako ni Ate dahilan upang mapatiim-bagang ako.
“Lumayo ka sa akin…” Kahit gusto kong magpumiglas ay lubhang nanghihina ang aking katawan. Idagdag pa na nakakadena ang magkabila kong palapulsuhan.
“Nandidiri ako sa’yo.”
Ramdam kong natigilan si Ate ngunit hindi siya lumayo sa akin. Nanatili siyang yakap-yakap ako habang ang apoy ng mga kandila ay nagsasayawan sa aming paligid. Gusto kong ilayo ang aking sarili kay Ate ngunit… pagod na akong lumaban.
“Humingi ka na ba ng tawad sa ating Diyos?” marahang tanong ni Ate. Hindi ako sumagot dahil parehas naman naming alam kung ano ang magiging tugon ko.
“Kung hindi ka hihingi ng tawad, paniguradong paparusahan ka niya. Hindi ba ay dapat tayong malugod dahil tinutulungan niya tayo sa labang ito?”
Hindi pa rin ako sumagot.
Tinutulungan? Oo, tinutulungan niya kami. P-Pero bakit tila ay marahas ang paraan ng pagtulong niya?
“Nanonood ang Diyos sa atin, Princess Emery. Kung magpapakabait ka ay baka mas pagpalain niya tayo.”
“Pagpalain?” Mahina akong natawa. “Bullshit.”
“Watch your mouth, woman!” Marahas akong tinulak ni Ate dahilan upang mapaluhod muli ako sa harapan ng rebulto. Gumapang din ang kirot mula sa aking balikat patungo sa braso dahil nahatak ito ng kadena. Napayuko ako at mahina muling tumawa.
“Tell me, Princess Glamour.” Lumamlam ang aking mga mata at pinagmasdan ang makintab na sahig. “Is our god good?”
“Hindi na iyan tinatanong. Alam mo na ang sagot.” Lumapit sa akin si Ate at bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang tinulak niya ang aking ulo upang mas mapayuko ako. “You should learn to respect our god.”
“I hate our god…” Napatiim-bagang ako at madilim na tumitig sa sahig dahil hawak pa rin ni Ate ang aking ulo.
“You’re hopeless, Princess Emery. Dahil sa ginagawa mong ito ay mas mahihirapan ka lamang.” Huminga ako nang malalim nang binitiwan na ni Ate ang ulo ko. Nanatili pa rin akong nakayuko dahil una, ayokong makita ang rebulto sa aking harapan.
Pangalawa, ayokong makita ang pagmumukha ni Ate.
Nasusuklam ako sa kan’ya.
At kung puwede lamang, siya ang kukuhaan ko ng enerhiya.
Gustong-gusto ko siyang mawala sa buhay ko. Masyadong magkaiba ang paniniwala namin. At ang maintindihan ang isa’t isa ay lubhang imposibleng mangyari.
Hindi ko na aasahan na darating ang araw na hihingi siya ng tawad sa akin.
Bakit ganyan siya magsalita? H-Hindi niya ba makita ang mga paghihirap ko?
Magkasama na kami simula nang dumating ako sa mundong ito. Kapatid ang turingan namin sa isa’t isa noon ngunit bakit hindi niya ako maintindihan ngayon?
Dahil ba sa siya ang susunod na reyna at mas mahalaga ang kaharian kaysa sa isang walang muwang na tulad ko?
“Sinabi ni Ama na ipapadala ka niya kay Illia. At mamayang gabi ka aalis dahil bahagyang mainit din ang mga isyu na nangyayari rito sa palasyo. At kailangan din naming magpokus sa pagpaplano kung paano tatalunin ang Leior Kingdom. Kaya mas mabuti kung mawawala muna ang iyong presensya rito.” Naglakad palayo si Ate, ngunit bago niya ako tuluyang iwanan ay nag-iwan siya ng mga salita.
“Accept your fate, Emery. If you don’t, you’ll regret it…” Huminga siya nang malalim. “You understand me, do you?”
Kinuyom ko ang aking mga kamao at napatiim-bagang.
Oo, Ate. Naiintindihan kita. At dahil maliwanag sa akin ang lahat---mas nasasaktan lamang ako.
"Y'all are selfish..." Madilim akong napangiti at nilingon ang taong tahimik pa rin na umiiyak sa gilid. Napatingin siya sa akin at mabilis na bumakas ang takot sa kan'yang mukha nang makitang nakatingin ako sa kan'ya.
"Run." Binigyan ko siya ng nakakatakot na tingin dahilan upang mas masindak ang maamo niyang mukha. "Or else, kukuhain ko ang enerhiya mo."
"A-A... A-Ayokong... ma... mamatay..." Nanginginig na tumayo ang babae at nagmamadaling tumakbo palayo. At nang makalabas siya sa kwarto ay roon na ako tuluyang napadaing sa sakit.
"H-Hindi ako papatay..." Umawang ang aking labi at hinihingal na napayuko. Nagsisimulang manginig ang aking katawan dulot ng masidhing kirot na tumatakbo sa buo kong katawan. At ang panghihina na nararamdaman ko ay mas lumalala dahilan upang hayaan ko ang sarili na ang kadena na lamang ang magpabangon sa aking katawan. Kung hindi dahil sa kadena ay paniguradong nakasalampak na ako sa sahig dahil sa sobrang panghihina.
"H-Hindi..." Mariin akong napakagat-labi. "H-Hindi ako p-papayag na..."
Hindi ako papatay...
"AHHHHH!" malakas akong napasigaw. Habang tumatagal ay kinakain na ng masidhing sakit ang aking katawan. At ang mas malala, lumabas na ang bagay na hindi ko nais makita.
"AHHHHHHHHH!" Sinubukan kong bumangon ngunit natumba lamang ako. Hindi ko na magawang kontrolin ang aking katawan na nagpupumiglas sa mga kadenang nakapiit sa akin. Biglang nabablanko ang aking isipan habang panaka-nakang dumadaing sa sakit na dumadaloy sa aking katawan.
Napaangat ako ng tingin at sakto niyon ay tumambad sa akin ang bolang itim na nasa aking ulunan.
"H-Hindi..." Nagigimbal akong napatitig sa bolang itim.
Kailangan niyang mawala!
Kung h-hindi... papatayin niya ang mga taong nasa loob ng palasyo!
"K-Kumalma ka, E-E... Emery..." natataranta kong saad at tumingin sa rebulto. Saglit akong natigilan at maya-maya ay mapaklang natawa.
"K-Kung hihingi ba ako ng tawad..." Lumamlam ang aking mga mata.
Aalisin mo ba ang mga paghihirap na nararanasan ko ngayon?
Hindi ba ay mabuti kang diyos? Bakit hindi mo baguhin ang tadhana ko?
Ikaw na sumira sa buhay ko?
Hindi ba ay mabuti ka?
Kaya bakit hindi mo ako iligtas ngayon?!
"T-This is useless..." Mahina akong humikbi at hinayaan na lamang ang sakit na dumaloy sa aking katawan. Ilang beses ko na ba itong naranasan?
Pito? Walo? Dalawampu?
Hindi ko na matandaan.
Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa sakit na binibigay ng sumpang ito. Hindi ko alam kung masuwerte ba ako dahil hanggang ngayon ay humihinga pa ako?
Muli akong natawa.
Hindi pala hahayaan ng hari na mamatay ako.
Mabagal akong napapikit. Marahil ay dahil sa pagod ay unti-unti akong hinihila ng antok. O marahil ay dahil hindi na kinaya ng katawan ko ang sakit na nararanasan kaya hindi ko namalayang tuluyan na akong nawalan ng malay.

Comentário do Livro (31)

  • avatar
    RecarroJonna Mae

    super beautiful a fiction story

    15/07

      0
  • avatar
    CelisJuliet

    i really love this book,💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖

    08/07

      0
  • avatar
    DhenJoe Nacita

    namangha ako ng sa mga sinasabi nila kasi parang totoo

    10/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes