logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 2

Hindi maiwasang manlaki ng mga mata ko nang makita kung gaano kaganda ang Dormitoryo ng paaralang ito. Nagmistula itong hotel sa paningin ko.
Nang makapasok sa loob ng room namin ay nagulat ako sa laki nito. kasya yata ang isang dosenang estudyante rito. Sobrang laki talaga. Iniligay ko sa pinakagilid ang mga gamit na dala ko.
Inabutan din naman agad ako ni Chel ng walis. “Let's start,” aniya
Walis doon, walis dito ang ginagawa namin ni Chel, habang ang magkapatid naman ay nag di-disenyo ng dingding. Bumili pala sila ng mga pintura bago magpasukan, prepared na prepared.
Natigil ako sa pagwawalis at tinitigan ang ginagawa nila. Gumuguhit sila ng mga bulaklak, may mga ulap sa pinakataas, sa gitnang bahagi naman ay karagatan.
“May talent pala kayo sa painting no? Ba’t di kayo kumuha ng kursong may kinalaman sa arts?” tanong ko sa kanila.
“Hobby lang namin ang painting, passion namin ang pagliliwaliw kaya nag tourism kami,” si Chubby ang tumugon.
Nagkibit-balikat na lang ako.
“Ang gwapo talaga ni Sir Tairon no?” ani Curly na kinikilig pa rin. Natigil pa talaga sa pagpipinta at napatingin sa kawalan, mukhang nag-iimagine.
“Sinong Tairon?” tanong ko.
“Si Sir Tairon Lim, ‘yong kapatid ni Sidney Lim.” ani Curly.
“Hindi naman siya masiyadong gwapo, sakto lang,” si Chel.
Namamanghang napalingon ang magkapatid kay Chel.
“Wow! Sa kinis niyang iyon? Nakukulangan ka pa? Sabagay, ‘yang mga mata mo kasi, exlusive for Diego lang,” sabi naman ni Chubby.
Napahagikhik si Chel. “Naman! Hindi hamak na mas gwapo ang Diego ko kaysa kay Sir Tairon no!”
“Eh? Mas gwapo kaya si Sir Tairon,” pagpoprotesta ni Curly. Talagang ipinaglalaban niya ang Tairon niya. Natawa na lang ako sa kanila. Pati maliliit na bagay, pinagtatalunan.
Abala kaming apat sa paglilinis ng room namin. Lumabas lang sandali si Chel at Curly para bumili ng lunch namin. Enjoy na enjoy kami sa pag de-desinyo sa room namin, kaya hindi namin namalayan ang oras. Nagulat na lang kami nang may biglang kumatok sa pintuan ng room namin.
Nang buksan ko ito’y bumungad sa akin ang isang maliit at payat na babae. “Oras na ng preparasyon para sa gaganaping welcome party,” saad niya. Ngumiti ako at tumango sa kanya. Ngumiti rin naman siya pabalik sa akin bago nagmamadaling umalis.
Suot-suot ang pulang sleeveless cocktail dress at pulang dollshoes na bumagay sa maputla kong kutis ay lumabas na ako ng room namin.
Ako na lang ang hinihintay ng tatlo. Kanina pa sila tapos at handang-handa na para sa party na gaganapin sa gymnasium. Natagalan ako sa pamimili ng damit dahil sa hindi ko tipo ang mga damit na inihanda ni Chel para sa ‘kin. Itong suot ko lang ngayon ang masasabi kong kaya kong tiisin. Masyadong revealing ‘yong iba, ‘yong halos kita na ang kaluluwa.
“Sobrang ganda mo. Ang kaso...” si Curly.
Nakangiwi akong tiningnan ng tatlo, bago itinulak pabalik sa loob. Pinaupo nila ako sa harap ng salamin at sinimulan ang orasyon.
“Ayan! Di ka na maputla,” nakangiti si Chubby nang matapos ang pagme-make-up na ginawa nila sa ‘kin.
Nang tingnan ko ang mukha ko sa salamin, ay humanga ako sa talento nila sa arts. Napaganda nga nila ako.
“Hayaan mo lang na nakalugay ang buhok mo,” sabi pa ni Chel.
Hindi pa man kami nakakarating sa gymnasium ay dinig na dinig na namin ang malakas na tugtog na nanggagaling sa loob.
“Excited na ako.”
Napatingin ako kay Chel. Excited na excited nga ang mukha niya. Sobrang ganda niya rin sa suot na yellow backless dress.
Si Chubby naman ay asul na maxi dress ang suot at may pa flower crown pa na nakapatong sa tuktok ng kanyang ulo. Nagmukha siyang diyosang wala sa tamang lugar.
At si Curly? Seksing-seksi lang naman sa suot na itim na fitted turtle neck dress. Hanggang tuhod ang palda nito at sobrang taas ng heels na pinili niyang suotin. Kaya sa aming apat siya ang laging nahuhuli sa paglalakad. Pwede naman kasing mag doll shoes na lang.
“Bakit may linyahan pang nagaganap?” takang-tanong ko nang makarating kami at nakisali sa linyahang nagaganap.
Mga babae lamang ang nandito. Wala akong ideya kung nasaan ang mga lalaking estudyante ng Dewford Academy.
“Hindi mo ba na-orient itong si Kelsi, Chel?” tanong ni Chubby.
“Hindi eh,” alanganin ang ngiting sagot ni Chel.
“Banquet night ang magaganap,” ani Curly sa akin.
“Banquet night? Ano iyon?”
Ang pagsagot ni Curly ay ‘di natuloy. Naisturbo kami dahil may lumapit na dalawang bading sa ‘min.
“Iyong isang sapatos niyo, pakilagay rito.”
Wala na kaming ginawang reklamo at hinubad na lang ang mga suot naming sapatos. May dala-dala silang isang sako kung saan inihulog namin ang kabilang sapatos na suot. Nangunot ang noo ko. Ano naman kaya ang gagawin nila sa mga sapatos namin? Ibebenta sa ukay-ukay? Ng walang kapares?
"Anong gagawin nila sa isang sapatos, at bakit isa lang? Ba’t ‘di na lang ginawang magkapareha?" Narinig kong tanong ng nasa unahan.
Ilang sandali pa kaming naghintay, ‘di rin nagtagal ay lumabas na ang mga kalalakihan. May dala-dala silang tig-iisang sapatos. Mukhang hinahanap nila ang pares ng mga sapatos na hawak nila.
So ito pala ang plano nila. Nice.
Marami rin ang lalaking tumingin sa sapatos na suot ko. Pero lahat sila, iba ang sapatos na dala.
Pumasok na iyong iba na nakahanap na sa partner nila, iyong iba naman ay naghahanap pa.
Katulad ko, naghihintay na mahanap.
“Maari ko bang tingnan ang iyong suot na sapatos?”
Abala ako sa kakatingin sa harap kaya halos tumalon ako sa gulat nang lumapit sa ‘kin si Tairon Lim. ‘Yong propesor na kanina’y pinag-uusapan namin. Nasa likod niya ang mga kamay niya na kung saan marahil ang sapatos.
“Uhh...”
Nahihiya ma’y ipinakita ko sa kanya ang suot kong sapatos.
Tiningnan niya ito at dahan-dahang inilabas mula sa likuran ang sapatos na hawak.
Napangiti siya at sinabing...
“Hindi match.”
Napatingin ako sa kanya at nahihiyang nginitian siya pabalik. Mukhang ‘di yata tayo ang para sa isa’t-isa. Natawa ako sa naiisip ko. Agad ko namang inayos ang mukha ko nang makitang nakatingin sa ‘kin ang mga kaibigan ko.
Sunod na tiningnan niya ang sapatos na suot ni Chel na nasa likuran ko, at kay Chel nga ang sapatos na hawak niya.
“Hindi niya raw type pero kung makakapit sa braso ni Sir Tairon parang ayaw ng kumawala,” bulong sa ‘kin ni Curly nang makaalis sina Chel at Sir Tairon.
Narinig ko namang napabuntonghininga si Chubby. “Nagugutom na ako, kailan ba ako mahahanap ng kapareha ko, baka maubusan ako ng lechon.”
“Ano ka ba Chubby! Hindi naman sila makakapagsimula sa dinner hangga’t ‘di nakakapasok ang iba no,” saad ni Curly.
“Kahit na no! Gusto ko ng makita kung gaano kaganda ang pagkakaletson nila sa mga baboy. Rinig ko’y apatnapu ang kinatay na baboy. At dalawampu doon ang ni-lechon.”
“At saan mo naman narinig ‘yan?”
Nag palitan sila ng salita pero ‘di ko na pinagtuonan ng pansin, sa kadahilanang may nakatayo na namang lalake sa harapan ko.
Mestizo ang isang ito. Mas mataas sa akin ng ilang pulgada. Asul ang mga mata. Well-comb ang medyo may kataasan niyang buhok. Makapal pero pormadong-pormado ang kilay. Matangos ang ilong. Medyo may bigote ng konti pero nagmumukha siyang hot sa paningin ko, and that kissable lips...
‘Oh dear! Natutunaw ang puso ko.’
“Sa ‘yo ba ‘to?”
Ipinakita niya sa akin ang sapatos na hawak at...
‘Match nga!’
Mabilis at sunod-sunod ang naging pagtango ko. “O-oo. Oo akin nga,” kandautal ko.
Ngumiti siya. Lumuhod siya sa harapan ko at iniharap ang sapatos sa mga paa ko. Sinuot ko naman ito agad. Feeling ko, ako si Cinderella at siya ang prince charming ko.
Nang tumayo siya’y inilahad niya ang kaliwang kamay sa akin. Inaanyayahan na niya ako para makapasok na kami sa loob.
Walang pagdadalawang isip na tinanggap ko ang kamay niya.
“Ako nga pala si Kelsi Guttierez,” pagpapakilala ko habang naglalakad kami papasok.
Hawak-hawak niya pa rin ang kanang kamay ko. Nanlalamig at namamasa na nga ito.
Tiningnan niya ako. “Aldrin Torres.”
Malayo-layo pa ang lalakarin namin bago makapasok sa loob ng gymnasium. Marami pa kasing nagkalat na estudyante na hanggang ngayo’y di pa natatagpuan ang magiging kapareha.
Habang naglalakad ay walang paglagyan ang sayang nararamdaman ko, ewan ko ba, na love at first sight yata ako sa kanya.
“May panyo ka?” tanong niya sa ‘kin na ikinagulat ko. Bakit naghahanap siya ng panyo? Siguro ay hihiram.
“H-ha? Ah, wala eh. Bakit? Anong gagawin mo sa panyo?” tanong ko pabalik sa kanya.
Napahinto siya sa paglalakad kaya gano’n din ako, since nakahawak siya sa kamay ko. Nanghinayang ako ng bitawan niya ito. Sayang, feel na feel ko pa naman ang moment.
May kinuha siya sa bulsa niya at nakita kong panyo ito. May panyo naman pala siya, naghahanap pa siya sa akin.
Nagulat ako nang iabot niya ang panyo sa akin na agad ko namang tinanggap. “Anong gawin ko rito?”
“Ipunas mo sa kamay mo. Basa eh,” saad niya saka ipinunas sa gilid ng suot niyang black pants ang kamay niyang inihawak niya sa kamay ko.
“S-sorry,” nahihiya kong paghingi ng paumanhin. Pinunasan ko na rin ang kamay ko. Iniabot ko pabalik sa kanya ang panyo niya pero di niya ito tinanggap.
“Labhan mo muna.”
Ohmayghad! Where’s my manners? Ginamit ko na ito, dapat malinis na kung ibabalik ko. Ang tanga mo talaga Kelsi!
Mahina kong pinukpok ang ulo ko dahil sa katangahan. Napatingin naman ako sa kanya nang bigla siyang natawa.
“Let's go?” Anyaya niya sa akin, inabot niya rin ang kamay ko at hinila na ako para makapagpatuloy sa paglalakad.
“Uhm... Tourism ang kurso ko,” panimula ko. Wala akong maisip na topic, medyo ilang metro pa ang layo namin sa gym.
“Ikaw anong kurso mo?” tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya sa ‘kin. Natulala ako.
‘Oh my gosh! Bakit pati pagngiti niya, nakakakilig na?’
Nang makarating kami sa bukana ng gym ay nagsalita siya.
“Isa ako sa mga professor niyo.”
Teka, sandali! Naupos yata ang apoy ng pag-asa ko.

Comentário do Livro (44)

  • avatar
    mirafuentesmaguerleefe

    its very interesting story

    20/04/2022

      0
  • avatar
    Daniel Tanduyan

    wow

    10h

      0
  • avatar
    IV AN

    nicee

    18d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes