logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 1

“Welcome to Dewford Academy!” buong siglang sigaw ng kaibigan kong si Chel, habang nakataas pa ang dalawang braso, sinasalubong ang hangin.
Ngayon ang unang araw ng eskwela, ngayon din ang unang araw ko sa Dewford Academy. Inilibot ko ang paningin ko. Namamangha kong pinanood ang bawat building na nadadaanan ng mga mata ko. Ang laki at kayganda ng eskwelahang ito. Napakaswerte ko, at nakaapak ako sa lupang kinatitirikan nito.
“Magkaklase ba ta’yo?” excited kong tanong kay Chel, na nakangiti at nakatulala, habang pinapanood ang mga estudyanteng naglalaro ng basketball sa open field ng school.
Parehong Bachelor of Science in Tourism Management ang kursong kinuha namin nitong kaibigan ko, pero dahil malaki ang Dewford Academy at sobrang daming estudyanteng nag enroll dito ay nahati ang first year sa anim na sections.
“Sinong tinitingnan mo?” pang-uusisa ko.
Napabuntonghininga siya bago niya nagawang ibaling ang paningin sa akin.
“Si Diego,” sagot niya, bago muling ipinako ang tingin sa field.
Napakunot ang noo ko, hindi ako interesado sa kung anumang may kinalaman sa Diego niya. Kaya nang hindi na niya dinugtungan ang naunang sinabi, ay ‘di na ako nang-usisa pa tungkol do’n.
“Ano nga? Magkaklase ba tayo?" tanong ko ulit.
Kagagaling ko lang ng probinsya namin sa Davao, nagkulang ako sa panahon para alamin kung anong section ko at saan ang magiging dormitoryo ko. Si Chel ang nakakaalam n’yon dahil nakisuyo ako sa kanya na alamin ang magiging section ko. Dahil siya rin naman ang nag enroll sa ‘kin dito.
Magkaibigan na kami ni Chel simula pa lang noong mga bata pa kami, at naglalaro pa lang ng tumbang preso sa maliit na eskinita sa lugar namin sa Davao. Magkapit-bahay kami noon. Nagkaroon ng malaking break dito sa Maynila ang tatay niya nang mag sampung taon kami kaya lumipat sila. Pero dahil nga ang tunay na magkaibigan ay di nagkakalimutan, palagi kaming nakakahanap ng paraan para kumustahin ang isa’t-isa.
Nakaaangat na sa buhay ang pamilya ni Chel ngayon. Kaya nang mabalitaan nilang naaksidente kami nina lolo’t-lola at pareho silang nasawi ay kinuha ako ng pamilya ni Chel at ito na nga, pinag-aaral ako dito sa Dewford Academy.
“Oo, magkaklase tayo,” sagot nito sa tanong ko pero ang tingin ay nasa Diego niya pa rin.
I’ve no choice but to look at the view she’s looking at. Walong lalake ang naglalaro ng basketball, pawisan na ang mga ito. May mga babae ring nanonood at panay ang pag chi-cheer sa kanila.
May lalaking tumingin sa gawi namin na siyang ikinagulat ni Chel. Nanlaki ang mga mata niya, at bigla nalang niyugyog ang balikat ko gamit ang isang kamay. Kilig na kilig ang babaita. Iyon marahil ang Diego niya.
“Kelsi! Tiningnan niya ako!” Kilig na kilig na bulong niya sa akin. Mukhang malakas ang tama nitong babaeng ito.
“Iyon ba si Diego?” paniniguro ko.
“Oo. Ang gwapo no?” Nilingon niya ako nang may malaking ngisi sa labi. Bago niya muling ibinalik ang paningin sa Diego niya.
“Tara na nga Kelsi, kumpleto na naman ang umaga ko,” kanta niya sabay hila sa ‘kin papunta sa kulay berde na building.
Ang Dewford Academy ay binubuo ng pitong building na may iba’t-ibang kulay na nagsisilbing palatandaan ng bawat kurso o departamento. Kulay berde ang building ng kurso ko. May nakalagay na pangalan sa pinakatuktok ng building na Tourism Department.
Habang naglalakad ay aliw na aliw sa pag gala ang mga mata ko. Sa kulay asul na building may nakasulat sa pinakatuktok nito na Education Department. Sa pulang building naman ay, Criminology Department. Sa building na may kayumangging kulay ay, Engineering Department ang nakalagay. Hindi ko na nakita ang iba pa, dahil sa bilis maglakad ni Chel ay nakarating na kami sa paroroonan.
Bago makapasok sa entrada ng tourism building ay nagawi pa ang paningin ko sa kulay silver na building, mukhang hotel ito. Natigil ako sa paglalakad at itinuro iyon kay Chel.
“Ano ‘yon, Chel?”
“Ah... Iyon ang dormitory natin. Do’n tayo tutuloy,” malaki ang ngiti sa labi na tugon niya.
Ang ganda naman ng Dormitory.
Pumasok kami ni Chel sa isang classroom na puno na ng estudyante. Tahimik kaming umupo sa bakanteng upuan na nakita namin sa bandang likuran.
Kakaupo ko pa lang ay may sumalubong na agad sa amin.
“Siya na ba si Kelsi na sinasabi mo, Chel?” tanong ng isang babaeng estudyante, na bigla na lang naupo sa harapan namin. Maganda siya. Medyo payat, morena ang kutis pero makinis. At may hanggang balikat at kulot na buhok. As-in sobrang kulot talaga.
Nginitian siya ni Chel at tumango rito. “Oo. Siya nga.”
Hindi ko maintindihan kong anong ibig sabihin ng mga sinasabi nila. Mukhang chini-chismis ako ni Chel sa mga kaibigan niya. Napaismid ako. Chismosa talaga! Hindi ko na dapat ipinagtataka iyon, since ganyan naman talaga ang ugali ni Chel.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang itong ngumiti ng pagkalaki-laki. She giggled na parang kinikilig. Iyong tipong nakita niya ang crush niya. Parehas sila ng reaksyon ni Chel kanina no’ng tiningnan ito ng lalakeng sinasabi niya na Diego ang pangalan.
Lumapit sa ‘kin ang babaeng may kulot na buhok at niyapos ako bigla.
“It’s so nice to finally meet you, Kelsi. I’m Curly, your new friend.” Napangiti ako sa kanya. Iyong hilaw na ngiti. Curly ang pangalan niya. Nice name, bagay sa kulot niyang buhok. Kakaalis lang ng yakap ni Curly sa akin, nang may biglang nagsalita ulit.
“And I'm Chubby, your new friend too. Kapatid ako ni Curly. ” singit naman ng isang babae na lumapit rin sa ‘min. Pero hindi gaya ni Curly, tuwid at lampas balikat ang buhok niya. Mas maputi rin siya kay Curly. Mataba siya. Saktong-sakto sa pangalan niyang Chubby.
Mahaba ang naging pagbuntonghininga ni Curly.
“Haaaaay! Umepal agad,” bulong pa niya na narinig din naman ni Chubby.
“At bakit? Ikaw lang ba ang pwedeng umeksena, ha!?” ani Chubby.
“Hinayaan mo pa sana akong i-feel ang moment ko ‘di ba? Ako ‘yong nasa spotlight, eh. Pero dahil inggitera kang mataba ka, umeksena ka agad.”
Napakurap-kurap ako. Nag aaway sila sa harapan namin. May kinuha si Chubby sa loob ng bag niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang makapal na binder na bigla na lang niyang inihampas sa ulo ni Curly.
“Aray! Namimisikal ka na!” bulyaw ni Curly sa kapatid.
Hinablot ni Curly ang binder mula sa kamay ng kapatid, saka ito gumanti ng isang hampas.
“Guys, college na tayo pero ‘di pa rin pala kayo nagbabago,” singit ni Chel. Nang tingnan ko siya ay hinihimas-himas na niya ang sintido niya.
“So anyway, Kelsi. Ipinagmamalaki ni Chel ang katalinuhan mo, valedictorian ka raw sa paaralan niyo doon sa Davao?” bigla ay sabi ni Chubby.
Napatingin ako kay Chel. Nakangiti lang ito habang nakikinig sa ‘min.
“Naku! Hindi naman ako matalino. Masipag lang ako mag-aral,” tugon ko.
“Suus! Maniwala kami sa ‘yo, masipag rin naman kaming mag-aral, pero hindi pa rin namin matalo-talo ang pinakamayabang na estudyante dito sa Dewford Academy,” ani Chubby.
“Yeah! Si Sidney, rinig ko’y Education ang kinuha niyang kurso ngayon. Ipinanganak na math genius, kaya sobrang yabang. Feeling niya, siya na ang pinakamatalinong estudyante, na parang wala ng makakatalo sa kanya,” sabat ni Chel.
“Alam mo ba, Kelsi, ‘yang si Sidney, kaya sobrang yabang? Kasi, aside for being a math genius, milyon-milyon din ang laman ng bank account," singit din naman ni Curly.
"May pagmamay-ari silang mga Isla sa Palawan, hotels in different places here in the Philippines, and hospitals in New york. Doon naka-based sa New York ang mga magulang niya, doctor din ang mga ito. Iyong isang kuya niya naman doctor din pero nandito lang sa Pilipinas, at ang isang kuya niya? Propesor lang naman dito sa Dewford Academy," mahabang litanya ni Chubby.
"Woah!" Dala siguro ng pagkamangha ay iyon nalang ang nabanggit ko.
Isang estudyante pa lang ang nababangit nila'y napakayaman na. Ano nalang kaya ang iba pa? Sana lahat pinanganak na may gintong kutsara sa bibig.
Napaisip tuloy ako kung anong klase kayang buhay meron ako kung di lang sana ako iniwan ng mga magulang ko kina lolo't lola.
May ichi-chismis pa sana ang magkapatid na Chubby at Curly, pero wala na silang nagawa nang may pumasok na propesor.
"Okay everyone! As what our dean had instructed. There will be no class for today..." hindi pa man siya natatapos sa sinasabi ay naghiyawan na ang buong klase. Iyong iba'y napapatayo pa mula sa pagkakaupo.
"But," pagpapatuloy niya. "You are all recquired to join on our welcome party tonight. Kailangan lahat kayo ngayon ay nasa dormitoryo niyo at maglinis. Walang lalabas hangga't walang instructions mula sa 'min. Okay? Now you may go," saad nito bago tinalikuran ang lahat at lumabas.
Tumayo na si Chel kaya gano'n din ang ginawa ko. Lumapit naman sa 'min ang magkapatid.
"Iyon ang isang kuya ni Sidney. Ang gwapo no?" Si Chubby na kinikilig pa, ganoon rin si Chel at Curly. Napangiti nalang ako.
Muli kong inalala ang mukha ng propesor na pumasok kanina. Matangkad, nakasuot ito ng kulay asul na polo shirt at black pants, magulo ang buhok pero bumagay sa mukha nito. Makapal ang kilay, medyo brown ang kulay ng mga mata, matangos ang ilong, manipis at mapula ang labi.
Sobrang gwapo nga.

Comentário do Livro (44)

  • avatar
    mirafuentesmaguerleefe

    its very interesting story

    20/04/2022

      0
  • avatar
    Daniel Tanduyan

    wow

    12h

      0
  • avatar
    IV AN

    nicee

    18d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes