logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 7 Someone Familiar

Chapter 7
ROE 
Malakas na ring ng bell ang umalingawngaw. Tuluyan nang natapos ang klase. Nang makapagpaalam kay Ms. Gallardo ay mabilis na akong tumayo sa upuan ko. 
“Bakit ka ba nagmamadali, Roe?” tanong ni Sean habang dinarampot ang gamit ko. 
Nakatanggap ako ng text kay Kuya na ngayon daw ang umpisa ng laban nila. Kaya halos hindi na ako magkamayaw sa paglilinis ng desk ko.
Basta ko na nga lang inilalagay ang gamit ko sa bag ko. 
”May laro sina Kuya ngayon.” sagot ko kay Sean nang hindi siya nililingon. Sinukbit ko ang bag ko at saka umalis sa kinauupuan ko. 
“Ah, oo nga pala umpisa na rin ng intrams nila. Tara, sabay na tayo.” aniya ‘tsaka tumayo sa upuan niya. 
Tumango naman ako sa kaniya at saka nag-umpisa nang maglakad. Dinig ko ang pagpapaalam ni Sean sa mga kaibigan niya pero hindi na ako nag-abala pang lumingon. 
Habang naglalakad kami, naisip kong dumaan muna sa cafeteria para bumili ng Gatorade. 
“Manonood ka rin?” tanong ko sa kaniya nang makalabas cafeteria. 
Tumango si Sean at ngumiti. “Oo, kalaban nina Rei sina Es.” sagot niya na nagpahinto sa akin. 
Gulat kong tinitigan si Sean. Napahinto rin siya at bumaling ng tingin sa akin. “Ibig sabihin cluster 7 sina Es?”
“Oo, hindi ba nasabi sa ‘yo ni Rei na sila ang makalalaban nila?” nagtatakang tanong ni Sean, bahagya pa ngang ngumiwi. “Kung gusto mo huwag na tayong manood kung hindi mo gusto makita si Es.” suhest’yon niya. 
“Ay, hindi! Gusto kong mapanood ang gagawing panlalampaso ni Kuya sa team nila. Isa pa si Kuya naman ang pinangakuan ko hindi naman siya.” mataray na sabi ko ‘tsaka nauna nang maglakad. 
“Sigurado ka?” ani Sean na mabilis akong hinabol at pumantay sa akin. 
“Oo, si Kuya naman talaga, e.” 
Pero sa isip ko gustong-gusto ko talagang mapanood si Es na matalo nina Kuya. Isa na yata iyon sa magandang bagay para maghiganti sa arogante at masamang ugaling lalaking iyon. 
While we take our way on Senior Dept. I gritted my teeth and clenched my jaw. I am so eager and excited that I couldn’t contain my anger for that bastard. 
I wanna see your defeat, Es. I surely won’t let the chance slid onto my palms. 
Nang makarating kami sa gymnasium, kaagad kong nilibot ang tingin para hanapin ang kapatid.
“Roe! Rei’s there!” Sean pointed and yelled as the crowd goes wild with their cheers. 
I just nodded to him. Luckily, Sean’s tall that he can see where my brother is. The whole gymnasium was field with students, cheering, jumping, and screaming at the top of their lung. 
Halos hindi ko nga marinig ang iilan pang sinasabi ni Sean. Hindi rin kami gaanong makaraan dahil nga marami ang tao. 
“Hold my hand, Roe! We’ll go there.” Sean extended hos hand on me. 
Without a doubt, I grabbed his hand and let him pull me towards the wild crowd. 
Sumiksik kaming dalawa roon habang mahigpit siyang nakahawak sa akin. 
Nakahinga lang kami nang maluwag nang makarating kami nang tuluyan sa kabilang parte ng court kung nasaan ang bleachers nina Kuya. 
“I thought you won’t come.” Kuya patted my head as his greetings. 
“That’s impossible,” I replied and handed him the bottle of Gatorade I bought at the cafeteria. 
Matapos kong maibigay iyon, kaagad kaming umupo ni Sean sa upuan na ni-reserve ni Kuya sa amin. Sa likod lang ng upuan ng mga players. 
I texted him that I’ll be with Sean. Suprisingly, these two knew about each other. 
“Talunin mo si Es, Kuya!” saad ko kay Kuya habang umiinom siya. 
Halos mailuwa niya naman ang iniinom niya nang sabihin ko iyon. I think I caught him off guard. He looked at me with wide eyes. 
“Lampasuhin mo ang lalaking ‘yon!” saad ko ng may determinasyon at galit. 
After what he did at Seres, I never went to that place anymore. 
Dahil pakiramdam ko sa tuwing pupunta ako roon ay maaalala ng bawat tao sa parke na iyon kung paano ako napahiya. At si Es ang sinisi ko sa pangyayaring iyon. 
Mabilis na inanunsyo ang pag-uumpisa ng laro. Hindi na nga nakasagot pa si Kuya sa sinabi ko. 
Wala tuloy akong nagawa kun‘di pakinggan na lang si Mr. Uluarte, ang coach nila na kaagad nang nagturo ng mga gagawin. 
Mabilis ang naging palitan ng puntos laban sa Cluster 7 at Cluster 3. Halos dikit lang ang laban sa nagdaang tatlong sets, 25-23 sina Kuya ang nakakuha ng Set 1. 22-25 at 24-26 naman sa dalawang sumunod na set ang kanila Es. Lamang na ng isang set ang Cluster 7. 2-1 ang kasalukuyang set score. Ramdam na ramdam na ang init ng laban dahil sa mga hiyawan at cheers ng mga estudyanteng nanonood. 
Humihingal na tumakbo si Kuya sa amin. Mabilis kong inabot sa kaniya ang tubig, nasalo naman niya ito ‘tsaka mabilis na ininuman. Nakinig siya kay Mr. Uluarte habang abala pa rin sa pag-inom. 
Tumawag ng time-out ang Cluster 7. Lamang na sila sa score na 15-8. 
Napalunok ako nang balingan ko ang gawi nina Es. Wala pa rin namang pinagbago sa itsura niya simula kanina. Maangas, arogante, at seryoso pa rin siyang nakikinig sa coach nila. 
I never thought he would be this good. His high jumps and his strong attacks are incredibly amazing. Masyado ko yatang minaliit ang kakayahan ni Es. Masyado ko yata siyang minaliit dahil sa galit na mayroon ako sa kaniya. 
“Es is really good at sports,” biglaang sabi ni Sean. 
Nanatili ang tingin ko kay Es pero tumango sa itinuran ni Sean. Mukhang napansin niya ang tingin ko sa pinsan niya. “It’s evident.” pag-amin ko. 
“He initially joined basketball varsity team but changed his mind and quickly shifted in volleyball.” pag-kwento niya pa. 
Tuluyan na akong napalingon sa kaniya dahil doon. Ang mga mata nito ay nasa malayo habang abala siya sa paglalaro sa kaniyang labi. 
Muli kong binalingan ng tingin si Es, napatango-tango na lang ako nang wala sa sarili habang nanatili ang mga mata ko sa lalaki. Pumito nang muli ang referee at malakas na tumunog ang buzzer. 
Bumalik na ang ibang kakampi ni Kuya, samantalang ang kapatid ko naman ay lumapit sa akin at basta na lang ibinato ang kaniyang tuwalya. 
Inis man sa kaniyang ginawa ay hindi na lang ako nagsalita. 
Malakas na namang dumagundong ang ingay sa gymnasium. Muli na naman nagsipag-tilian at nagsipag-cheer-an ang magkabilang panig. 
Nanatili akong tahimik. Habang matamang nakatingin sa kakampi ni Kuya na magse-serve ng bola. Nang makapito para sa kaniyang hudyat, kunot-noo ko na muling ibinaling ang aking atensyon. 
Mabilis nakuha itong libero ng kalaban. Pumorma naman kaagad ang mga ito, mabilis na i-s-in-et iyon papunta kay Es. Napatingin ako at napalunok nang mabilis na bumwelo si Es. Alam ko na ito, makailang ulit ko nang nakita ito pero kakaiba pa rin ang dala nitong epekto sa akin. 
Literal na nakapaninidig ng balahibo ang mataas na talon ni Es at ang malakas nitong pagpalo sa bola. Maski ako na nanonood lang ay kinakabahan sa tuwing ginagawa niya ito, dahil pakiramdam ko makapupuntos kaagad sila dahil kay Es. 
Hindi nga ako nagkamali, masyadong basag ang depensa nina Kuya at basta na lang lumusot sa gilid ng kapatid ko ang mabilis na bola, sinubukan iyong saluhin ng libero at dumausdos ngunit masyadong mabilis ang pangyayari at kinapos ang libero, muli na naman naka-score ang kalaban. 
“Caldoga! Sa bola ang tingin! Anak ng!” malakas na komento ni Coach. Bahagya pa nitong inihampas ang kaniyang mga hita nang mag-bend ito ng tuhod. 
Sa frustration na nararamdaman ay narinig ko pa ang kaniyang marahas na pagbuntong-hininga kasabay nito ay ang paghilamos sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga kamay. 
Napabaling ako rito nang tumayo ito. Nakahalukipkip ito at nakunot ang noo habang pabalik-balik ang lakad. 
Palapit nang palapit sa pagkapanalo ang cluster 7. Humihingal nang kumakapit sa mga tuhod at yumuyuko ang team nina Kuya. 
Mas lalo pang naging seryoso ang laban, makailang ulit nang sinubukan nina Kuya na habulin sina Es, makailang ulit na rin silang nagkaroon nang magandang set ngunit nabibigo pa rin silang makapuntos dahil sa angking husay ay bilis ng kalaban. Samahan pa ng galing ni Es. 
“MVP si Es no’ng lumaban sila sa isang liga noong junior high siya.” iyon ang kwento ni Sean sa akin kanina sa kasagsagan ng laro. 
22-16 na ang score. Tatlong puntos na lang. 
Tumawag ulit ng time-out, sa pagkakataong ito ang team naman nina Kuya ang tumawag. 
“Kung kailan crucial, Caldoga, ‘tsaka nawawala.” Kaagad na bungad ni Mr. Uluarte sa kalalapit lang na si Kuya. 
“I’m sorry, Coach.” 
“Nasabihan ko na kayo na Es will be really a pain in the ass, I’ve warned you. Kita n’yo, he changed his play dahil kilala na natin siya.” humalukipkip ito ‘tsaka ipinatong ang kanang siko roon, pinaglaruan nito ang kaniyang humahabang balbas.
“Why did he choose volleyball instead of basketball, Sean?” baling ko sa kaibigan na nakikinig din pala sa coach nina Kuya. 
“Uh..., yes.” mabilis niya akong nilingon. “You heard what Mr. Uluarte said? Es is really good in volleyball, kahit sa basketball, he can ace it, pero mas gusto niya talaga ang volleyball, e. I d-don’t know the further reasons why.” dagdag niya ‘tsaka nagkibit-balikat. 
Muling umugong ang mahabang pagpito ng referee. Muli na namang bumalik sina Kuya. Bakas sa mukha ni Kuya ang pagsimangot dahil nga napagalitan siya ni Mr. Uluarte. 
Hindi ko tuloy maiwasang isipin na I am also giving Kuya a hard time and pressure sa kagustuhan kong matalo si Es. I understand that this is their first game since the Intramurals has started but they seem to be taking this game seriously. And I am adding a fuel to the fire making my brother burn himself with the pressure I am giving. Nanghihina akong sumandal sa upuan ko ‘tsaka nanonood muli.
Sinubukan muling pumuntos nina Kuya sa mga s-in-et na play pero lagi silang bigo dahil mabilis ang depensa ng kalaban. Lalo tuloy umiingay at dumadagundong ang mga dalang pampaingay ng mga estudyante sa tuwing magkakaroon ng rally. 
Napalunok ako nang mabilis na s-in-et ni Es sa kaniyang kakampi ang bola. Tumalon ito ngunit hindi naman ganon kataas at saka mahinang ipinalo ang bola papunta sa team nina Kuya dahil nga katulad nang sabi ko kanina ay basag na ang depensa nina Kuya. Mabilis at walang kahirap-hirap na lumusot ang bola sa pagitan ng dalawang blocker at bumagsak sa floor ng gymnasium. Muli na namang pumito ang referee, nakapuntos na naman ang kalaban. 
“Ramirez, Espedante, focus! Focus!” malakas na sabi ni Mr. Uluarte at saka malakas na pumalakpak upang kuhain ang atensyon ng dalawang nabanggit. 
Binalingan ko ang gawi ni Kuya. Natanaw kong nakasandal na sa kaniyang mga tuhod ang kaniyang mga palad at humihingal nang nakayuko. Hindi ko kita ang kaniyang mukha pero bigla akong nakaramdam ng lungkot at guilt. 
I made him feel like this, didn’t I?
Muli na namang nakapuntos ang panig nina Es. Isang puntos na lang ay malalagyan na nila ng unang tantos sa pagkapanalo ang cluster nila. 
Napalunok ako nang makita kong si Es ang mag-se-serve. Seryoso ang mukha niyang idini-dribble ang bola habang titig na titig sa kaniyang harapan. Naghihintay ng hudyat para tuluyan nang maiuwi ang unang panalo. 
Hindi ko napigilan ang sarili na mapasinghap nang tuluyan nang pumito ang referee at ilang saglit lang din ay mabilis nang inihagis ni Es ang bola sa hangin at mabilis na i-s-in-erve iyon. Segundo lamang din ang pagitan nang sa huling pagkakataon ay pumito nang mahaba ang referee. 
Malakas na tumunog din ang buzzer. Mabilis lang din ang nangyari. Halos hindi nga ako nakakurap sa ginawa niya. Nagsipag-sigawan ang mga estudyante sa kanilang cluster sinabayan pa ito nang malalakas na pagpalo nila sa kanilang hawak. 
Dahil sa service ace ni Es ay tuluyan na nilang na angkin ang unang panalo. Mabilis lang ang pangyayari, maski ako ay hindi makapaniwalng matapos niya lamang paluin ang bola ay mabilis itong dumapo sa gitnang bahagi ng team nina Kuya at bumagsak nang walang kahirap-hirap sa floor. Basag na basag ang kanilang depensa na hindi na nila nagawa pang maidepensa pa ang kanilang team. 
Dinig ko ang pagpalakpak ni Sean sa aking tabi. Dahil doon wala sa sarili ko siyang binalingan. Mukhang naramdaman niya naman ang tingin ko ‘tsaka niya ako binalingan ng tingin. 
Nang magkatinginan kami sa mga mata, mabilis niyang inihinto ang pagpalakpak. 
“Didn’t know he’s really that good.” komento ‘tsaka nauubusan ng lakas na napasandal sa aking upuan. 
“He’s a monster.” Segunda ni Sean. 
Hindi na ako muling sumagot pa at saka napapikit na lang na hinilot ang mga pagitan ng mata. 
Napaangat lang ako ng tingin nang may palad na biglaang dumampi sa aking ulo. Nakita kong si Kuya ang may-ari no’n. maliit ang kaniyang ngiti, malungkot. Kita rin sa kaniyang mga mata ang pagod. “Hindi natalo, bunso, e. Sorry.” Aniya na kaagad na nagpalungkot sa akin. 
Pinigilan ko ang sariling bigyan si Kuya ng malungkot na reaksyon sa kaniyang sinabi at saka malapad na ngumiti. “Manonood ulit ako ng ibang laban ninyo, a. Sabihan mo ulit ako kung kailan.” ani ko. “Galingan mo ulit, a!”
Hindi makatakas sa isip ko ang nangyari ngayong araw. Ang mukha ni Kuya at ang nakangiting si Es matapos ang laban. 
Unang laro pa lamang marami pang susunod pero masyado ko yatang binigyan ng bigat ang kapatid sa galit na mayroon ako kay Es. 
Nang makauwi ako sa bahay, sakay ng city bike ni Sean ay napabagsak na lang akong higa sa sofa namin. 
I can still see the sadness in Kuya’s eyes. It was evidently showing his feeling about himself. I am guilty. 
Kinabukasan, saktong pagbaba ko at pagpunta ko sa dining area namin. Naabutan ko si Kuya na abala sa pagkain ng almusal. 
“Kuya! May laro ka ulit mamaya?" tanong ko at saka tumabi sa kaniya. 
Mabilis naman niya akong nilingon at kagaad na inayos ang plato ko at naglagay ng pagkain doon. 
Nang matapos siya ay ‘tsaka lang siya sumagot. 
“Mayro’n bago mag-lunchbreak,” bumalik siyang muli sa pagkain. 
“Aw, hindi ako makanonood,” bumaling ako sa pagkain ko at napasimangot. 
I felt Kuya’s hand on my head. “Ayos lang ‘yon. Sunod na laban na lang.” 
He slightly patted my head and I became more at ease and my face brightened up. 
Sabay kaming pumasok ni Kuya. Hinatid niya muna ako sa building namin bago siya tuluyang umalis para pumunta naman sa Senior High Dept. 
I sent Sean a message dahil panigurado maghihintay na naman iyon sa akin sa labas ng Louisville. 
Nang makarating kaagad akong binati ng katabi ko. 
“I heard Rei has a game before lunchbreak.” he stated. 
“Hm, sayang hindi ako makanonood.” sagot ko naman at napasimangot. 
“It’s okay, may laban pa naman sila sa susunod.” 
“Hm, gan’yan din sinabi niya sa ‘kin, e.” ani ko at natawa. 
“Gano’n ba?” kahit hindi ko lingunin si Sean sigurado ako na napakakamot ito ng kaniyang batok dahil bakas sa boses niya ang pagkapahiya.
“Wala bang laban si Es?” nilingon ko siya matapos maayos ang gamit ko para sa unang subject namin. 
Dahan-dahan naman siayng umiling. “Wala pero manonood ako ng laban after class.” bumaling din siya s aakin. “Gusto mo bang sumama?” 
“Sige, para mapuntahan ko naman si Kuya.” 
Matapos nang pag-uusap na iyon ay pumasok na ang guro namin. Umayos na kaming dalawa ng upo at saka nag-focus na lang sa klase. 
While in the class before the lunchbreak, I secretly texted my brother for a good luck to his game. 
“Kailan pala gig ni Tito Rio sa Dew’s, Roe?” tanong niya habang nag-la-lunch kami rito sa cafeteria. 
Sumabay siya sa akin kumain at iniwan ang mga kaibigan niya sa classroom. Balak ko na nga sanang tanggihan siya kaso lang ay tinulak niya na ako palabas matapos niyang magpaalam sa mga ito. 
Hindi na malamig ang tingin sa akin ng mga kaibigan niya. Pero hindi na lang talaga kami nag-usap pa. Dahil na rin hinatak na ako paalis ni Sean, hindi ko na rin halos nasagot pa ang mga ito na sabayan na lang ang lalaking ito. 
“Sa sunday. Manonood ka?” ani ko at saka kumain ng biniling sandwich. “Hindi ba nasabi sa ‘yo ni Tito William?” 
Umiling siya. “In fact, I’ve never talked to him this quite some time. Busy raw ito sabi ni Daddy, e. Pero kung ga‘yong may gig sila, pupunta ako. Will you go?” 
“Hm, let’s meet there!” I nodded and smiled at him. 
That made his face shine. Even his face brightened up after I said that. 
Mas lalo ring gumana ang pagkain niya ng biniling weiner. 
Nang matapos ang klase. Matyaga akong hinintay ni Sean matapos sa pagliligpit. Kaya halos magmadali na rin ako dahil ayaw ko siyang paghintayin pa nang mas matagal. 
“Dude!” dinig kong tawag ng kaibigan ni Sean. 
Tulad noong kanina. Ang mga mata nila ay na kay Sean lang. “Hm, bakit?” bumaling naman siya sa mga ito. 
“Meeting after class," Zafra said. 
“Oh! Balitaan n‘yo na lang ako kung anong nangyari. Manonood ako ngayon ng laban ni Kuya, e.” saad niya na nagpalungon sa akin. 
I was a bit surprise to hear that. Alam ko na may kapatid si Sean pero hindi ko naman ito kailanman nakilala. Surpresa ko lang din naman nakilala si Es, e. 
I don’t know who his cousins and brother were. 
“Okay lang bang hindi ka um-attend doon?” tanong ko nang papunta na kami sa Senior High Dept. 
“Oo naman, pilit lang nila akong sinasama sa meeting pero hindi naman dapat ako nandoon.” 
Mabilis akong napakumot-noong bumaling s aakniya. “Ha? Bakit naman?” 
Gusto kong batukan si Sean ngayon dahil nagkibit-balikat lang ito bilang sagot sa tanong ko. Hindi na rin niya muling ibinuka ang bibig tanda na wala na siyang planong sumagot pa. 
Tinatanong nang maayos, e! 
Nang makarating sa gymnasium. Nakababasag na tiliian at malalakas na paghampas ng mga boteng may bato kaagad ang bumungad sa amin. 
Mukhang alam at inaasahan naman na ito ni Sean dahil mabilis na lang niya akong hinawakan sa kamay at iginiya papunta sa maraming estudyante. 
Tulad kahapon, sumiksik kami para makasingit at makapunta sa kabilang bahagi ng court. 
“Dito tayo! Malapit nang mag-umpisa ang laban.” aniya at naglibotbng tingin. 
Maging ako ay napalibot na rin ng tingin sa mga players na naghahanda at nag-sho-shoot bago mag-umpisa ang laban. 
Pilit kong hinahagilap ang tingin para mahanap ang kapatid ni Sean, pero hindi ko makita kung sino rito. Wala rin akong nakikitang ‘Perez’ kada may nakatalikod na player. 
“R-Roe Celline!” napalingon ako bigla nang may marinig akong tumawag sa buong pangalan ko. 
Pamilyar iyon sa akin kaya mabilis akong bumaling sa pinagmulan n’yon. 
They are only few people who calls me by that. I am used to be called Roe or Caldoga. 
Bumungad nga sa akin ang kapatid na gulat na gulat na makita ako rito. “A-Anong ginagawa mo rito?” tanong niya pa at mabilis na tumabi ng upo sa akin. 
“Manonood ng laban ng Kuya ni Sean, ikaw?” takang tanong ko naman sa kaniya. 
Pero bago pa man siya tuluyang makasagot ay nawala na ang atensyon ko sa kaniya nang may maaninag na pamilyar na tao sa likuran niya. 
Mukhang hindi rin nito inaasahan ang pagkikita namin dahil babagyang nanlaki rin ang mga mata niya. Napahinto rin siya sa kalagitnaan ng paglalakad niya. 
Mabilis akong napakuyom ng kamao at galit na napatingin sa lalaking dahilan ng galit at pame-pressure ko sa kapatid ko. 
“Hey, cous!” dinig kong bati ni Sean. 
Umiwas naman ang mokong sa akin ng tingin at mabilis na umamba ng handshake. Sa sobrang focus nga ng mga mata ko sa kaniya ay hindi ko namalayan na nakalapit na si Sean sa kaniya at bumati. 
“P-Pawis ka, oh! Wala ka bang dalang panyo!” biglaang komento ni Kuya. 
Naramdaman ko rin ang pagdampi nang malambot niyang panyo sa noo ko. Bumalik tuloy ang atensyon ko sa kaniya. 
Lumambot ang ekspresyon ko at napanguso. “Naiwan ko, e.” sagot ko naman sa kaniya. 
Marahan akong pinunasan ni Kuya ng pawis sa noo. 
“Kuya?” tawag ko sa kapatid na abala pa rin sa pagpupunas ng pawis. 
“Hm?” 
“Magkasama ba kayong pumunta ni Es dito?” diretsahan kong tanong. 
Mukhang nabigla ko yata ang kapatid ko sa tanong ko dahil napahinto ito sa pagpupunas ng noo ko. Dahan-dahan niyang ibinaba ang panyo at saka ako binalingan. May kung anong lungkot sa mga mata niya. 
Para saan naman iyon? 
Pero sa kabila ng lungkot na iyon ay mababakasan din siya nang pag-aalinlangan. 
“H-Hindi. Ba-k-kit mo naman naisip iyan?” tanong niya. “Punasan mo ang leeg mo, pawis na pawis ka." aniya at saka mabilis na kinuha ang kamay ko para ilagay ang panyo roon. 
“Okay,” tugon ko sa kaniya. 
Muli akong bumaling kay Es at nakita kong umupo siya sa tabi ng kapatid ko. Masama ko siyang tinignan at saka seryosong maglibot ng tingin sa bleacher. 
Tinignan ang mga available na upuan para lumipat. Dahil kapag malapit ang lalaking ito sa akin ay pakiramdam ko saaabog ako sa galit. At pakiramdam ko ay makagagawa ako nang hindi maganda, tulad ng ipahiya siya tulad nang ginawa niya sa akin. 
Pero bigo akong makahanap ng upuan para sa amin ng kapatid ko. Dahil nga puno na ang lugar. Reserved pala ang lugar na ito sa amin, nasabi nga pala ni Sean iyon sa akin habang nasa daan kami papunta rito. Kaya kung aalis kallmi ay wala na kaming lulugaran. 
Napabalik ulit tuloy ako ng tingin kay Es at binigyan ito nang masamang tingin. Kasalanan niya ito, e. 
Kung hindi lang siya pinsan ng kaibigan ko ay baka hindi ko na napigilan ang sarili ko. 
Mukha namang nararamdaman niya ang tingin ko sa kaniya dahil umiiwas siya ng tingin. Bakas na nga sa kaniya ang pagkabalisa dahil malikot niya nang inililibot ang tingin sa court pero iwas na iwas na mapadako ang tingin sa akin. 
“Oh, Sean! Kanina ka pa? I was with Coach earlier.” dinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. 
Doon lang yata nawala ang tingin ko kay Es. Mabilis akong napabaling sa pinagmulan n‘yon, halos mabali na ang leeg ko sa pwersahan at agresibo kong paglingon. Nakita ko ang isang mestizong lalaking nakatayo sa harap ni Sean.
Napatitig ako sa kaniya dahil pamilyar talaga ang boses. Hindi ko lang maisip kung saan ko iyon huling narinig. 
Mukhang naramdaman ng lalaki ang tingin ko sa kaniya dahil napabaling na rin siya sa akin. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatingin pero pilit ko pa ring inaalala kong saan ko iyon narinig. 
That raspy voice coming from a guy. It was familiar. 
He arched his right eyebrow. Looks like I’ve been looking at him for a while now. I tried to look away from him as I was intimated with his eyes. 
Nang makaiwas muli kong binalikan ang alaala kung saan ko narinig ang boses na iyon. 
“Miss, I’m sorry. Bastos ang taong ito and I have no excuse. I sincerely apologize on behalf of this asshole!” 
Nanlaki ang mga mata ko nang rumehistro nang unti-unti sa akin ang alaalang iyon. 
He was the raspy-voiced guy who stopped Es at Seres. I never knew he was the brother of Sean. I only heard him speak but I’ve never seen his face as I was really frightened and anxious that time. 
I tried to look at him again, by simply lifting my gaze at him. 
Pero mabilis din akong napabawi at napaiwas ng tingin nang makita kong nakatingin din siya sa akin. 
I felt my heart skipped for that split second! I didn’t know he was also looking at me! 
Nakita ko pa nga ang pagsilay ng ngisi sa kaniyang labi. 
This guy is handsome! Sean’s brother is freaking handsome!
Lalo na nang ngumisi ito. Saglit ko lang siyang nabalingan pero mabilis ko ring nakita ang mukha niya. 
Fair skin, thick eyebrows, sharp nose and jaws, and soft and tender eyes and playful thin lips, tall figure, broad shoulder even though they are probably around 18 years old. His features are really screaming nothing but I don’t even know the right word to describe it. 
They are much alike, Sean and him almost the same with their features but his aura screams coldness and arrogance.
If I don’t know him earlier, I would think that Es and him are the same. Arrogant and rude. 
Maybe the reason why I am reacting like this is because of him helping and apologizing to me that day?
And now that I have finally met the owner of t
hat familiar voice, I was shocked, and I don’t know what to do. 
Now that he’s near, I am confuse whether to thank him for that day or be mad at Es being here and sitting beside my brother. 
I never knew and wasn’t expecting that I will see familiar people with whom I shared different experience.
One was made me embarrassed and one who was there to stop the scene. 

Comentário do Livro (4)

  • avatar
    TVsarcilla

    Ang Ganda nya

    26/04

      0
  • avatar
    MaeShaina Kean

    Isn’t good story and sỗ beautiful

    04/07/2023

      0
  • avatar
    Precious Briana Sanico

    so I know what limits and boundaries 😁👀

    31/07/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes