logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 5 Embarrassed

Chapter 5
ROE
Kinabukasan ng hapon, araw ng sabado, saktong pagkababa ko galing sa kwarto ko ay naabutan ko si Sean kasama si Papa na nasa sala. 
“Sean!” gulat na usal ko at kaagad na lumapit sa kaniya. 
Tumabi ako sa kaniya at saka siya sinipat ng tingin.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya. 
Mukhang tinotoo nito ang kaniyang sinabi na pupunta siya rito palagi.
Mukhang nagiging close na rin sila ni Papa dahil pinahiram ulit niya ito ng gitara habang nag-ja-jam sila. May hawak din itong gitara at napatigil lang nang makalapit na ako. 
“Anak, magbihis ka kaya muna?” baling ni Papa sa ‘kin. 
“Oo nga, Roe Celline. May lakad pala kayo ni Sean tapos gan’yan pa rin ang suot mo!” singit naman ni Mama na hindi ko namalayang nasa gilid ko na pala. 
Napalingon ako kay Mama at saka napakunot-noong ibinalik ang tingin kay Sean. “Lakad?” litong tanong ko. 
Bumaling din si Sean sa akin at saka sumilay ang nahihiyang ngiti. “G-Gusto sana kita sama, e.” kamot-kamot ang kaniyang batok na sabi nito. 
“Ngayon na?” 
“Hindi naman. I can still wait for you to get ready. Pasensya na hindi ko nasabi sa ‘yo kaagad. Hindi ko alam kung saan kita ko-contact-in, e.” 
“Akin na nga phone mo.” sabi ko at naglahad ng kamay. Marahas din akong napabuntong-hininga dahil naramdaman ko ang hiya na nararamdaman ni Sean. 
Ibinigay naman niya iyon sa akin kaya mabikia kong hinanap ang Phone at saka inilagay ang number ko roon. 
He can contact me through my social media accounts but I doubt I will immediately reply as I know myself who tends to just open the app but doesn’t really read any out of it. 
I registered my name and gave it back to him. 
“Hintayin mo na lang ako rito. Mag-aayos lang ako. Mabilis lang.” ani ko at saka bumangon sa pagkauupo at saka mabilis na umakyat muli sa kwarto ko para maghanda. 
Sa sobrang bilis kong naghanda, wala pang kalahating oras ay tapos na ako at bumaba na sa sala para balikan sila. 
“Mama, nasaan si Kuya?” luminga-linga ako sa paligid ng kusina. 
Sinadya kong pumunta muna saglit dito para itanong kung nasaan ang kapatid. Kadalasan kasi’y kapag wala siyang ginagawa ay palagi iyong nakatambay sa sala ng bahay at nakahiga sa mahaba naming sofa. Pero sa mga oras na ito’y hindi ko nakikita maski anino niya.
“Si Rei? U-Umalis daraanan niya raw saglit ‘yong k-kaklase niya.” 
What’s with the stutter? 
Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko makita ang itsura ni Mama dahil nakatalikod ito sa akin habang nagluluto. Hindi ko tuloy mapigilang magduda dahil sa biglaan niyang pag-utal. 
Nagtanong lang naman ako. 
“Kaya pala hindi ko siya nakikita. Punta na ako kay Sean, ‘Ma.” saad ko na lang at saka akmang pupunta na ng sala nang biglang mapahinto dahil sa pagtawag ni Mama. 
“Uhm... Roe, Anak.” 
“Hm?” nilingon ko ang pwesto biya at bumangad sa akin ng kaniyang nag-aalinlangan na tingin. 
I am starting to sense something. Why is she having this hesitation in her eyes? 
“Ano po iyon?” tanong ko ulit. 
Hindi naman siya kaagad nagsalita. Inilapag niya ang sandok sa plato at saka lumapit sa akin. Hindi nagbabago ang emosyon sa nga mata niya. 
Nag-uumpisa tuloy umusbong ang kakaibang aura sa loob ng kusina. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok. Parang bigla akong kinabahan. 
“May sinasabi ba sa ‘yo ang Kuya mo?” tanong niya nang makalapit. 
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga mata ni Mama. Nahihiwagaan sa mga salitang sinabi niya. 
Nangunot ang noo ko habang pilit na iniintindi ang mga mata niya. 
“Wala naman po. Bakit? May dapat ba siyang sabihin sa akin?” puno ng pagtataka kong tanong. 
Naputol na ang pagtitig ko sa mga mata ni Mama nang iiwas niya ang tingin niya sa akin. Malalim siyang napabuntong-hininga. 
I kept on tilting my head to see her eyes but they were focused on the floor. 
“W-Wala naman. K-Kalimutan mo na.” aniya at saka muling nagpakawala ng buntong-hininga. 
Tinalikuran niya ako at saka bumalik sa pagluluto. Nakatanaw lang ako sa kaniya habang muli na naman niyang inabala ang sarili sa paghahanda ng pagkain namin. 
Gusto ko pa siyang tanungin kung ano iyon pero mukhang kahit pigain ko si Mama ng tanong ay hindi na rin niya iyon sasagutin. 
Tila may iniiwasan si Mama na sabihin sa akin na gusto niyang manggaling kay Kuya. Halata iyon dahil bibihira naman si Mama sa mga komprontasyon. Kailangan ko na lang malaman kung ano iyon. 
Tuluyan na akong pumunta sa sala kahit na puno ng pagtataka ang aking isipan. Doon ko nga naabutan sina Papa at Sean na may kung ano na namang pinanonood sa cellphone ni Papa. 
Tulad kahapon, habang parehas na nakatingin sa cellphone. Magkaiba ang reaksyon nila. Papa is at bliss while Sean is serious. 
I just heaved a deep sigh before walking towards Sean’s direction and sat beside him. 
I furrowed my eyebrows when Papa quickly turned off his phone when he saw me. He has this hesitant  smile plastered in his lips while he looks at me with narrowed eyes. 
I am starting to feel something. My parents are getting weird and I don’t understand it. 
They seemed to have a secret they don’t want to tell me about. 
“Tara na, Sean.” aya ko na lang sa kaibigan. 
Gusto ko nalang makaalis dito. Baka kung hindi pa ako umalis dito ay baka mapuno alng ako nang pagdududa sa nga magulang kong may kakaibang kilos. 
Tumango naman ito sa akin at saka muling hinarap si Papa. 
Hindi ko na halos maintindihan ang sinasabi nila. Basta ang alam ko nagpapaalam si Sean sa kanila. 
Habang nag-uusap sila, maraming tanong na ang pumapasok sa isip ko. Tulad ng, bakit gano’n na lang ang reaksyon ng mga magulang ko? May kung ano ba dapat akong malaman na si Kuya lang ang makapagsasabi? Kung gano’n, bakit gano’n na lang ang reaksyon ni Sean habang nakatingin sa cellphone? 
“Roe!” 
Bumalik lamang ako sa wisyo mula sa malalim na pag-iisip nang kalabitin ni Sean at ayain nang umalis. 
Nagpaalam na rin ako sa mga magulang ko bago kami tuluyang umalis. 
“May dala kang gym bag. Saan ba ang 
punta natin?” takang tanong ko. 
Palabas na kami ngayon ng Louisville nang mapansin ko ang bag na sukbit-sukbit niya. 
Masyado yata talaga akong okyupado dahil hindi ko nagawang mapansin iyon. Maging ang damit niya ay nawala na rin sa isip ko. Nakasuot siya nang manipis na loose shirt at sweat short. 
“Sa Seres.”
“Anong gagawin natin roon?” tanong ko sa kaniya. 
“May laro kasi kami nina Estrella at ng mga pinsan ko ‘tsaka ng kapatid ko kaya naisip kong puntahan ka para yayaain manood.” kumamot siya ng batok niya at saka nakangiwing tumingin sa akin. 
“Liga ba iyon?” 
“Hindi, friendly game lang. 3x3 game.”  
Patuloy ang pag-uusap namin ni Sean habang naglalakad kami papunta sa malapit na parke rito sa amin. Marami na siyang ikinwento tungkol sa kung paano naging malapit ang mga kaibigan niya sa mga pinsan niya maging sa Kuya niya. 
Nahinto lang kami nang tuluyan kaming makarating sa mataas na gate ng Seres. 
Kaagad na bumungad sa amin ang bakal ngunit nangangalawang na matayog na gate nito. At naglalakihang mga puno. 
Nang makapasok kami. Kaagad akong naglibot ng tingin sa paligid. 
Malawak ang kabuuan ng Seres. Sa kaliwang bahagi ilang metro lang ang layo sa gate ay ang playground na dinudmog ngayon ng mga bata. Sa kabilang bahagi, katapat naman nito ay ang malawak na damuhan kung saan naglalatad ang mga namamasyal dito ng kani-kanilang mga tela para maglibang. 
Sa gilid naman ng mga ito nakapalibot ang mga nagtataasang puno. Kaya ang hangin na daraan ay sariwa at nagsasayaw sa mga dahon. 
Kinuhanan ko ang retrato ang mga dahon at puno habang naglalakad kami papunta sa gitnang bahagi ng parke kung nasaan ang basketball court. 
“You really like to capture them, ‘no?” Sean suddenly asked. 
I stopped from taking pictures and looked at him with a smile plastered in my lips. I averted my eyes back to my phone to check the photos that I took. 
I sighed in contentment as I browsed through it. 
“I just love places where I’ve been to. I tend to forget some of them but I find capturing them a mark to always remember it, no matter how good or bad I experienced there.” I looked at him and smiled. 
Unti-unti naman sumilay ang ngiti niya matapos kong sabihin sa kaniya. Para pa nga siyang nahiya dahil yumuko siya at nag-iwas ng tingin sa akin. Umiling-iling pero ang ngiti ay nakakabit pa rin. 
“Tara na,” aya niya matapos nang isang malalim na buntong-hininga. 
Tumango naman ako sa kaniya at saka tuluyan nang sumabay ng lakad papunta sa court. 
“Roe, hintayin mo na lang ako rito. I was told that they are on their way. Magbibihis lang ako sandali.” paalam niya. 
Tumango ako sa kaniya at saka umupo sa unahan sa bleachers at tinabihan ang nilapag niyang gym bag. 
“Babalik ako kaagad,” 
Tumango ako muli sa kaniya. Naging senyas naman iyon sa kaniya para tuluyang umalis at pumunta sa CR at magbihis. 
Habang naghihintay, inilibot ko ang mga mata sa kabuuan ng court. 
Typical court. Rusty basketball ring, fading floor paints and high ceiling. I heard that this place is renovated every year but as it is a place where almost all leagues and sports were being held, changes and fades of color are occuring. 
Nang wala na halos magawa ay yumuko na lang ako at saka dinukot ang cellphone sa bulsa. 
Ni-hindi ko pa nga halos nabubuksan ang cellphone ko nang mapaigtad ako sa isang hindi pamilyar na boses. 
“Oh! May nauna na sa unahan. Miss, we’re playing.” naiirita niyang ani. 
I was so shocked that I couldn’t even say a word. I gulped to remove the lump in my throat and held my phone tightly. 
From the way he talks, he seems to be arrogant and sarcastic with people he doesn’t want to be surrounded by. 
Inangat ko ang tingin sa kaniya at nakita ang pagkakukunot ng noo niya. 
"As I said, we are players and we need this place. Can you move to the other seats?” he asked. 
He was on his basketball jersey, on his side he was holding the ball. 
The way he looks at me makes me feel uneasy. I quickly lowered my eyes when our eyes met. 
I started to feel panic and my chest is burning with shame and uncomfortableness. 
I just want to just get out of here without saying a ny word. Because right now, I feel like people around this court are looking at me with this disbelief and annoyance. 
“We just want to put our things here, and you being here cannot give us any space.” he said again with so much rudeness in his voice. 
My tongue was tied in a knot leaving me unspoken with the way he keeps on dragging me to the ground of shame. I swear I want to talk back but courage wasn’t really friends with me. 
“Hindi ka ba nagsasalita? Kanina pa—” 
He was cut off with a raspy voice of a guy. 
“Dude, stop. Place your things on the seats with no one’s sitting. Don’t be rude to anyone just because you want the place just for yourself.” he said. 
Unlike the one he called ‘Dude’, his voice is hoarse but calm. 
Nanatili ako sa pagkayuyuko. 
“But this place is for those who play—” 
“Come on, Dude. Build your own basketball court kung gusto mo sa ‘yo lang ‘tong lugar na ‘to.” ramdam ko ang inis ng kausap noong bastos na lalaki. “Miss, I’m sorry. Bastos ang taong ito and I have no excuse. I sincerely apologize on behalf of this asshole!” 
I can feel his eyes averted on me but I refuse to look at them. I don’t want to see their eyes and see how much they express their annoyance or any deeling. 
“Nasaan na ba si Sean? Para mabilis tayong makapag-umpisa?” aniya at tumakla. 
Gusto ko nang masalita ngunit napangungunahan ako ng kaba at pakiramdam ko ay kahit buksan ko ang bibig ko para magsalita ay uurong lamang ang dila ko.
“Look, I can't take much time for an argument, so, please. Go somewhere—” napahinto siya sa pagsasalita nang biglang lumapit si Sean.
Doon lamang ako tuluyang napaangat ng tingin. Inilahad niya ang isang transparent na plastic na may lamang ice cream na nasa bun. Tinanggap ko iyon at sa ibinaling nang buo ang mga mata sa kaniya. 
My eyes are on Sean’s back. Staring at it blankly. I suddenly felt numb. I can’t heave a sigh of relief but at least Sean is with me. 
Bahagya niyang itinulak ang lalaki at seryosong nagsalita. "She's with me, Es." 
“Damn, Dude! Is it necessary to push me?” the guy he called ‘Es’ joked.
“Yes, it is. Especially when you are acting like a jerk, as always.” Sean replied. He glanced at me with worried eyes. “You, okay?”
Mabilis akong tumango ngunit hindi nag-abalang magsalita.
”I came here to play with you, guys. I just want to let my friend watch us play! And yet you treated her like this!” he exclaimed. 
I can feel how pissed Sean is right now. Kahit ako biglang natakot dahil kilala ko si Sean bilang isang kalmado at palangiting tao. 
“She’s with me when we arrived and she,” he paused and showed his hand in front of me. 
I don’t know if I am right for doing this, there is nothing in my mind, but I accepted his hand and he held it tightly. 
He heaved a harsh sigh before speaking. “Will leave with me.” Sean didn’t wait for any reply. 
He turned his back from them and walked towards the way we took a while ago while he was holding my hand. I gripped on to plastic of the ice cream he gave and bit my lower lip to prevent myself from crying after that scene. 
Tahimik lang naming tinatahak ang daan palabas sa parke. Pero nang makaaalis kami at makalyo sa lugar na iyon ay roon na nag-unahan s apag-agos ang mga luhang halos hirap akong pigilan habang naglalakad kami. 
Habang tahimik na umiiyak ay hawak pa rin ang kamay ko. Nanginginig ako dahil sa engkwentrong iyon. 
Alam kong may mga tao pa rin sa labas ng Seres pero hindi ko na talaga kinaya pa.
Napahigpit ang hawak ni Sean sa kamay ko. Ramdam ko rin ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Pero pinagsawalang-bahala ko na iyon at hinyaan ang sariling umiyak. 
I know I said that I want to remember the experience in a place no matter how good or bad it is, but this day will mark something in me real big. 

Comentário do Livro (4)

  • avatar
    TVsarcilla

    Ang Ganda nya

    26/04

      0
  • avatar
    MaeShaina Kean

    Isn’t good story and sỗ beautiful

    04/07/2023

      0
  • avatar
    Precious Briana Sanico

    so I know what limits and boundaries 😁👀

    31/07/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes