logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 4 An Unexpected Meeting

Chapter 4 
ROE
Dumaan ang mga araw na hindi ko namamalayan. Nagkaayos kami ni Sean sa hindi ko matandaang paraan. It was just a swift conversation but then fixed the torn tied between us. 
I was comfotable again with his company. He learnt to ask me from everything that he is wondering about me. But, he’s more open to me than I am to him. It’s okay to me, in fact I like to listen to him. 
As long as we changed the way we want to work this friendship, we will be as fine as we are now. 
“Oh! May nauna na pala!” I said as I walked towards the seat I usually sat. 
I smiled as he flinched when he heard my voice. He turned his gaze on me with wide eyes and opened mouth. 
“This is no longer my secret place." I said in a pout. 
Sean shook his head and smiled when he regained his consciousness, looks like he’s in deep thoughts. He then moved to the side of the tree and tapped the space beside him. 
Umupo ako roon at saka inilahad sa kaniya ang dala. 
“You really like this place, ‘no?” he asked and roamed around the place. He took the can of soda that I offered and quickly opened it to drink. 
“This place is more decent than the chaotic classroom that we have. I’d rather be here.” I chuckled. 
I heard him chuckle, too, making me glance at him. “I didn’t know this place, until I saw you walking towards here.” he also looked at me. 
“You’ll surely don’t know this place, because you are one of the people of the chaotic place I don’t want to be in.” I teased and looked away. 
“Oh! That’s frank.” his voice cracked. I was worried and gazed at him but I saw the way he looks, I am at ease and playfully smiled. 
Umarte itong nasaktan at hawak-hawak pa ang dibdib habang nakangiwi na kunwari’y nasasaktan. 
“But, on a serious note. This place is not bad. Mahangin, tahimik, maraming halamang nakapalibot. Sa totoo lang, hindi ko malalaman ang lugar na ‘to kung hindi dahil sa ‘yo.” saad niya habang malikot na inililibot ang lugar. 
“Oo nga, e. Kahit ako, hindi ko rin naman malalaman ‘tong lugar na ‘to, if I wasn’t desperate to find a place to cry.” I nodded. 
“So, you’re telling me, every time you come here, you cry?!” he asked in a high pitched voice. He was so surprised that even his voice changed, he even flinched and moved a little away from me. Looking at me so worriedly. 
“No!” I said. “This place became precious to me that’s why I like being here. But, yeah, the first time I came here was the time I was so frustrated and anxious of being alone. I can’t just weep inside the classroom. Mas gusto ko pang audience sa pag-iyak ko ang mga halaman na nandito kaysa pagtinginan ng mga kaklase natin.” paliwanag ko at saka ngumuso. 
Matapos kong sabihin iyon ay muli akong lumingon sa kaniya. He stared at me with an unknown expression in his eyes. That made my smile fade away. 
Does he pity me or he finds me shallow? 
“Did it ever happen to again?” he suddenly asked. 
I looked at him puzzled. My eyes were looking at his left and right. Trying to find answers with those expressive eyes but I cannot understand its emotion. I am confused. 
“T-The feeling of being alone, anxious, or anything that makes you cry? D-Did they ever consume you—” 
Mabilis ko na siyang pinutol sa pagsasalita nang maunawaan ang gusto niyang iparating. To be honest, I felt my heart flutter as he really is sensitive and gentle when he asked these kind of questions to me. 
I can tell that Sean is being careful. This is one thing I will always admire about him. He wasn’t shy nor embarassed to be corrected but is willing to change for the betterment of everything between us. 
“I’m okay now, Sean. Healing is getting faster and better.” I said, my eyes are still looking at his while he listens. “I have to thank you for being there even though I have never told you the whole thing.” I added and smiled. 
Napatitig na lang ako sa mga mata niya. Noong una balak ko na sanang kumaway sa harap niya dahil hindi talaga siya gumagalaw at hindi nagsasalita pero pagkaraan ng ilang segundo ay yumuko siya at saka ikinulong ang mga pisngi sa mga kamay niya. 
Itinabingi ko ang ulo ko para sana silipin siya pero hindi ko pa rin maaninag nang buo ang mukha niya dahil nga nakatakip ito. 
Ngunit unti-unti, matapos bumuntong-hininga nang malalim ay nilingon niya rin ako. Nakakabit na ang napakatamis na ngiti sa kaniyang labi. Nahawa naman tuloy ako kaya kahit hindi ko alam kung bakit gan’yan na lang katamis ang ngiti niya ay napangiti na rin ako. 
“You’re weird,” I said and chuckled. 
I shook my head in disbelief. I am smiling because he is smiling without me knowing why. 
Is it because of what I said? 
“You’re weird, too.” he responded. 
Napailing na lang ako at napaiwas ng tingin sa kaniya. 
We ended up having another moment of silence but I am not complaining. A cold wind brushed through my my skin and it gives me chills. 
Makalipas ang ilang minuto, malakas na tumunog ang bell. Sabay kaming bumalik ni Sean. At hindi na talaga bago na pagtinginan kami. 
I just tapped his arm and quickly went to my seat without even looking to anyone. My eyes were fixed on my way to the corner of the fourth row. 
“Roe!” Sean called and he was rushingly walked towards my direction.
“Hm?” 
“I brought my bike. Want to go home together?” 
“Wala na ba kayong meeting?” kunot-noong tanong ko nang maalalang naghahanda na nga pala sila para sa Intramurals na malapit nang ganapin. 
“Wala naman.” pag-iling niya. 
“Sure.” I replied. 
“Talaga?” tanong niya. “I’ll just get my bag.” he excitedly said before turning his back at me. 
Bumalik naman ako sa pag-aayos ng gamit ko. Saktong pagtapos ko nga ay ang paglapit niya sa akin. Halatang nagmadaling ayusin ang gamit. 
“Tara na.” aya niya pa. 
Tumango ako sa kaniya at saka sinukbit ang bag ko. 
Sabay kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa pinto. “Hoy, Perez! Bukas, a!” wika ni Estrella.
Sean nodded as a respond and gave them high-fives before we finally left the classroom. 
“Dito na lang, Sean!” wika ko nang makarating kami sa terminal. 
“Huh? Bakit naman?” tanong niya sa ‘kin. 
“Wala, maglalakad na lang ako. Baka mamaya salungat ang daan mo, e.” 
Nangunot naman ang noo niya at humaba ang nguso dahil tila nadismaya sa nangyayari. “Sa Walter's ako, ikaw ba?” 
“Sige, diretso mo na lang. Parehas lang pala. Akala ko kasi iba daan mo, e. Louisville ako.” 
“Oh! Malapit lang naman pala, e. Halos magkatabi lang.” mabilis na nagbago ang mood niya at saka nag-umpisa nang mag-pedal. 
Habang nasa daan ay nag-uusap kami kahit pa halos sumisigaw na kami sa isa’t-isa. Madaldal si Sean kaya hindi ko nararamdaman ang ilang. Walang palya rin ang pagpapatawa niya habang nasa daan kami. 
“Dito na, Sean!” usal ko. 
Huminto naman siya sa tapat ng bahay namin at saka tinignan iyon. “Your house is simple yet beautiful.” he commented with his eyes stilled in front of our house. 
“It is.” I agreed. 
Louisville is exclusive but our house is not as big or glamorous as the houses built here but it always catches attention the way it was simply designed by my architect mother. 
She really is fascinated with a wide yard that’s why our yard was broader than our actual house. She also has her garden beside it and a roofed-metal swing. She collects and plants different types of flowers and herbs she also uses in her cookings, sometimes Papa helps her every time he has free time.
The gates was painted in black. She also personally crafted the silver plate in the side where our family name was written. 
Dalawang palapag lang naman ang bahay namin. Malawak pero hindi hamak na mas malawak ang bakuran at hardin ni Mama. 
Malaki rin ang kusina nito dahil mahilig si Mama magluto. Our living room was full of our portrait she personally painted. Hindi marami ang nakalagay na display sa bahay. Pero halos lahat doon ay gawa nila ni Papa. They once made a 12-inch wooden sculpture of a murder of crows that is currently displayed in their self-made shelf. 
Mahilig si Mama sa pagbuo at paggawa ng mga gano’ng bagay. Mahusay si Mama sa gano’n, kulang na nga lang ay siya at si Papa na lang ang gumawa ng bahay dahil kahit noong binubuo pa lang ito ay halos present siya. 
“Those flowers are growing beautifully,” he commented. Tinuro niya rin ang mga nagtutubuang gumamela sa hardin ni Mama. 
“Tara, pasok na muna tayo. I’ll let you meet the people behind that.” I proudly said. 
He just nodded like a child and looked at me with a sweet smile. 
Mabilis siyang sumunod sa akin nang pumasok ako sa gate. Ipinasok na rin niya ang bike niya at itinabi sa naka-park na sasakyan ni Papa. 
“Oh! Nand’yan ka na pala. Sakto, may dala akong—oh, may kasama ka pala!” masayang bati niya pero naputol nang mapabaling sa bisita. “Kaibigan mo, Anak?” tanong niya. 
“Hm, my classmate, too.” I nodded.
Nagmano ako sa kaniya at humalik bilang pagbati. 
Nang mag-angat ako ng tingin at balingan si Sean ay nakita kong titig na titig siya sa harapan niya na walang iba kun’di si Papa. 
Para siyang gulat sa kung sino ang nasa harapan niya. Bakas din ang unti-unti pagsilay ng pagkinang ng mga mata niya habang halos mapanganga na sa nakikita. 
Kumunot ang noo ko at saka sinipat si Papa ng tingin. May ngiti pa rin sa labi ni Papa pero halatang hinihintay niyang bumati si Sean. 
Kaya kahit hindi ko naman ugaling basta-basta na lang kumuha ng atensyon ay pasimple at mahina kong siniko si Sean. 
Mukhang bumalik naman ang wisyo niya matapos kong gawin iyon. Pumeke siya ng ubo at saka naglahad ng kamay sa harap. 
“A-Ako po si Sean, Sir. K-Kaklase po ni Roe.” pormal at magalang niyang sabi. 
“Nako, hijo. Hindi mo kailangang maging pormal. Ako nga pala si—”
“Ricardo, Ricardo Caldoga. Opo, kilala ko po kayo.” singit ni Sean. Impit ang saya sa boses niya. 
“Oh! Kilala mo pala ako. Paano mo ako nakilala?” nahihimigan ko ang saya at interes ni Papa habang kausap si Sean. 
Habang ako ay tahimik, nakakunot-noong nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa habang nagpapalitan ng mga salita. 
“‘Tsaka ‘wag mo na ako i-Sir. Just call me Tito Rio.” he said. 
“Tito Rio,” sobrang sayang sabi ni Sean. He even shook my Papa’s hand like he finally met his idol. 
“So, paano mo ako nakilala?” Papa asked. “Tara, pumasok ka na muna, hijo.”
Inilahad ni Papa sa kaniya ang sala. Naglakad naman ako sa tabi nila habang nakikinig sa kanila. 
“Fan n’yo po ako.” manghang sagot niya. “Palagi ko po kayong pinanonood sa Dew’s. Ninong ko po kasi ang may-ari no’n tapos no’ng pumunta po ako ro’n ay napanood ko po kayo.” hindi natutunaw ang pagkamangha at saya ni Sean habang ang mga mata ay nakatingin kay Papa. 
“Nako, talaga?! Maraming salamat sa suporta kung gano’n.” saad niya. 
“Nag-aral nga rin po akong mag-gitara dahil po sa inyo, e.” usal niya pa. “Simula po no’ng napanood ko po kayo roon, palagi na po akong pumupunta. Tinatanong ko po palagi si Ninong William kung kailan ang schedule n’yo. Pero ni-minsan po hindi ako makalapit kasi kinakabahan ako at nahihiya. Hindi ko po akalain na kayo rin po pala ang Papa ni Roe. Kaya po pala pamilyar ang mukha niya pati na rin ang apelyido niya.” mahabang dagdag niya. 
Tuluyan na kaming umupo sa mahabang sofa habang malalim silang nag-uusap. Sa totoo lang, parang hindi na nga nila ako kasama dahil nakatuon lang ang atensyon nilang dalawa sa isa’t-isa. 
“Natutuwa naman akong makilala ka, hijo. Masaya ako na nagdala na rin si Roe Celline ng kaibigan dito.” ani Papa. 
“Oh! Nakarating ka na pala.” lumapit ako kay Mama na kararating lang at saka nagmano at humalik sa kaniya. “May bisita ka rin pala.” sipat niya sa lalaking katabi ni Papa. 
Bumati si Sean sa kaniya katulad na katulad kung paano niya binati si Papa. Hindi tuloy mapigilan ni Mama ang mapatawa at mapahagikhik kay Sean. 
“Tawagin mo na lang akong Tita Lynn, hijo. Kiabigan ka ba ni Roe?” tanong niya sa binata. 
“Opo,” 
“Kung gano’n masaya akong makilala ka. Dito ka na rin mag-dinner.” 
“Salamat po.” magalang at masayang sabi ni Sean. 
Tumango naman si Mama at saka masayang bumaling sa akin. Mukhang parehas masaya ang mga magulang ko sa pagdating ni Sean. 
“Magbihis ka na muna, Anak.” wika ni Mama at saka muling bumaling sa akin. 
Tumango ako sa kaniya at saka nagpaalam na aakyat lang muna sa saglit. Dala-dala ang bag ko. Nagmamadali akong pumunta sa kwarto ko dahil ayaw ko naman paghintayin si Sean. 
Nang makababa nga ako ay nagulat pa ako nang makitang nandoon pa rin sila. Pero sa oras na ‘to hindi na lang sila nag-uusap. Nakasandal ang mga braso si Sean ang isa sa mga gitara ni Papa. Mukhang nag-ja-jam sila kanina. 
May kung ano silang pinanood sa cellphone ni Papa. Nalaman kong kay Papa iyon dahil may wallet-sized family picture namin iyon. 
Ang kaninang masaya at halos hindi mapanis na ngiti ni Sean ay napalitan ng kaseryosohan. 
Napakunot tuloy ang noo ko. Hindi pa ako tuluyang lumalapit dahil mukhang may importante pa silang tinitignan sa cellphone at talagang tutok na tutok sila. May suot din silang earphone kaya siguradong mahalaga iyon. 
Pero nang sipatin ko naman ang Ama ko ay nakita kong may matamis at malapad siyang ngiti. Salungat sa kung ano ang itsura ni Sean ngayon. 
Ano kaya iyon? Bakit parang magkaiba naman sila ng reaksyon? 
Nang pakiramdam ko na pwede na akong lumapit ay naglakad na ako papunta sa kanila. 
“Papa, ano pinanood n’yo?” tanong ko at saka umupo sa tabi ni Sean. 
Mukhang nagulat naman si Papa kaya mabilis niyang pinatay ang cellphone at saka ako nilingon. “Ah, ito ba, ‘Nak?” para siyang nataranta. 
Nagulat ko siguro talaga. 
“Pinakikita ko lang kay Sean ‘yong clips ng gig namin. ‘Yong mga naunang gig sa Dew’s na hindi niya napanood.” paliwanag niya. 
“Ah, kaya pala.” 
Marahan ko namang siniko si Sean. Bumalik lang siya sa wisyo niya at saka ako nilingon na parang tuliro sa napanood. 
“Ang seryoso mo naman,” komento ko pa. 
He just scratched his nape but did not say any word. However, there is a genuine smile slowly forming into his lips. I don’t understand it but I just ignored it. 
“Hindi mo sinabi na marunong ka palang mag-gitara,” komento ko habang nandito kami sa mahabang duyan na nandito sa gilid ng bakuran namin. Dito namin napiling manatili habang hinihintay na maghapunan. 
Mahangin dito kaya paborito ko ring lugar na pagtambayan. 
Narinig ko ang pagtawa niya kaya nangunot ang noo ko. 
“Ikaw nga, hindi mo sinabi na Papa mo si Ricardo, e.” usal niya. 
Napangiti naman tuloy ako dahil doon. “Tingin mo, paano ko sasabihin iyon?” natatawa kong tanong.
“Oo nga naman pero I was still surprise. Meeting your idol in an unexpected time was really a priceless thing, ano? I felt my heart stopped by just being in front of him.” he replied. 
Napangiti naman ako dahil doon. “Madalas naman ako sa Dew’s pero hindi naman kita nakikita roon.” tukoy ko sa Resto bar na pag-aari ng kabanda at kaibigan ni Papa na si Tito William. 
“Palagi akong nasa harap, halos nga lumapit na ako sa stage, e.” saad niya at saka muling nag-strum. 
“Hm, kaya pala. Palagi kasi akong nasa likod.” tukoy ko sa likod at medyo madilimm na parte ng Dew’s.”
“We didn’t meet there, but at least we were here. I am glad, we are friends.” he said. “Tito Rio was really amazing every time he sings! Tanda ko pa kung paano niya bitawan ang mga salita na parang kumot na binabalot ako. Tapos ngayon nakita ko an siya, nakausap ko pa.” he expressively added. 
Mababakasan talaga siya ng saya at sigla kahit boses niya lang. Sapat na iyon para malamang masaya siya sa interaksyon na naganap kanina. At kung makikita ko pa ang mga mata niya ay baka masilaw pa ako sa kinang na taglay ng mga ito. 
“And he even, let me borrow his guitar.” he happily strummed again. 
Lalo tuloy lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. 
“Ricardo na ng Quatro iyon. Ricardo Caldoga.” kulang na lang talaga tumalon na siya sa tuwa habang nagkukwento. 
“I’m glad that you are this happy to meet him.” 
“Who wouldn’t?” he turned his eyes on me. And I swear, I was right. His eyes are sparkling with such joy and spirit. “Thank you!” 
“Wala akong ginawa, Sean.” saad ko at napailing na rin. Hindi pa rin nabubura ang matamis na ngiti sa labi. 
“Anong wala? Pinapasok mo kaya ako sa bahay n’yo. Kung hindi mo ginawa ‘yon hindi ko siya makikilala.” sagot niya. “Payagan mo kaya ako, Roe?” 
“Saan?” 
“Na palaging pumunta rito. Tapos bisitahin ka?” 
Hindi ko alam pero kahit nakangiti ako at masaya sa nakikita kay Sean ngayon ay nagawa ko pa ring mapairap sa hangin. “Si Papa ang bibisitahin mo, hindi naman ako.” 
“Yeah, he’s partly involve but will you allow?” he confessed. 
“Sure, just tell it to me beforehand. I can also tell you whenever Papa is free so you can talk to him." 
“That’s great.” saad niya at saka nagpasalamat. 
“Sean,” I called him when we were silent for a while. 
“Hm?” he responded but his eyes were on his fingers on the guitar. 
“Turuan mo kaya ako mag-gitara?” ngumiti ako kahit na hindi siya nakatingin. 
“Sure,” 
“Really? Payag ka?” parang biglang nagliwanag ang mga mata ko. 
Papa is a musician, singer, but he is also a businessman. No matter how much I want to ask his time, I couldn’t, but I understand that he is always exhausted. I am already contented with him and his presence. I already find it fulfilling having him at times, I always want someone beside me, I can no longer ask for more. I am beyond thankful to him. 
He chuckled and lifted his gaze on me. In a blink of an eye. His eyes turned serious. 
“But, do me a favor,” 
I felt my heart trembles as I felt nervous with his expressive eyes. “W-What... W-What favor?” 
“Sing a song,” after he said that he turned his eyes back on the guitar and strummed on it. 
I was surprised that I can’t even open my mouth. I was left silent after he uttered those words. I don’t know what to say, it was so sudden that it makes me silent and nervous at the same time. 
Was he joking? 
Hindi na rin siya namilit o nagsalita pa matapos niyabg sabihin iyon. Nabalot tuloy ng katahamikan ang hapon na min sa bakal na duyan. 
Sa huli, matapos naming kumain ng hapunan ay nagpaalam na rin si Sean sa amin. Hinatid namin siya hanggang sa tuluyan siyang makaalis at mawala sa paningin namin. 
“I didn’t know, Anak, na you have a new friend now.” Papa commented. 
Napatingin naman ako sa kaniya. “I didn’t know, too, Papa.” I said happily. 
Papa smiled at me genuinely and patted my head. “I’m glad, it was Sean. Mabait ang batang iyon, I can tell.” 
“Makulit din iyon, ‘di pa lang lumalabas.” naiiling na sabi ko pa pero hindi pa rin napapanis ang ngiti. 
“Alam ko, halata naman sa kaniya.” masayang sagot din ni Papa. 
“So, you can tell, too?” I playfully asked. 
“Certainly,” he responded playfully, too. 
After than talk, we entered the house and talk about everything about me and Sean. He keeps on asking and I kept on answering him. 

Comentário do Livro (4)

  • avatar
    TVsarcilla

    Ang Ganda nya

    26/04

      0
  • avatar
    MaeShaina Kean

    Isn’t good story and sỗ beautiful

    04/07/2023

      0
  • avatar
    Precious Briana Sanico

    so I know what limits and boundaries 😁👀

    31/07/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes