logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 3 Curiosity

Chapter 3 
ROE
Mabilis na lumipas ang mga araw. Nanatili akong tahimik katulad ng palagi kong ginagawa. Hindi pa rin humuhupa ang mga makahulugang tingin sa ‘kin ng mga kaklase ko pero parang unti-unti na rin akong nasanay na hindi na iyon pansinin. 
Kahit si Sean na madalas ko kausap ay dama pa rin ang distansya na inilalagay ko sa pagitan naming dalawa. 
He might be able to talk and erase the awkwardness between us, but for me, there was still a gap that separates us. 
Lumanghap ako ng malamig na hangin nang tumama iyon sa akin pagdaan. Kumulumbaba ako habang tahimik na nakatambay sa likod ng stage kung saan ako tumatambay. 
Mukhang wala si Ms. Gallardo dahil kanina pa siya late sa oras ng klase niya. It was a one and a half class and waiting for her in a noisy classroom is a place I don’t want to be in. 
Kaya tumambay na rin lang ako rito. 
“You really love this place, don’t you?” a voice from my behind took the silence I enjoyed away from me. 
It happened again. He, managing to find me in this place where I find peace. The peace was still there but the atmosphere changed. It’s more of a calm yet not quiet kind of atmosphere. 
“Can I sit with you, again?” he asked after he walked towards me. 
A smile never leaves his lips and eyes are still sparkling. 
I know, I said that eyes are never been my thing, but it happened to change when Sean’s around. He has this calm and welcoming eyes that melt the unconsciousness and uneasiness in me, making me comfortable with his company. 
“Hm,” I nodded and looked away from him. 
Nanatili na ulit akong tahimik at hindi na muling nagbuka ng bibig. Napatitig na lang ako sa halaman na nasa gilid. Tumama roon ang hangin at bahagya iyong sumayaw. 
Napangiti ako sa nakita at wala sa sariling inalabas ang cellphone para kuhanan iyon ng retrato. 
A clicked from my phone occupied the place we are in. 
After I took several shots, I slid it back to my pocket and I rested my chin on my palm and then took a deep sigh. 
“I found you really interesting,”
Hindi ko namalayan na nakabuo ako ng sarili kong mundo nang hindi napapansin ang taong nasa tabi ko. 
Napalingon ako at napakunot-noo kay Sean nang sabihin niya iyon. 
Nanatili pa rin tikom ang bibig ko pero bakas na sa mukha ako ang pagtataka sa mga sinabi niya. 
He shrugged his shoulders as if it was just something that can be easily said. 
“It’s true.” he defensively said. 
Maybe a doubtful look was evidently showing in my face. 
“I always want to find you, kahit pa ang ilap-ilap mo. Weird, right?” he chuckled. He played with his hands in front of him. “I want to know you more. Ever since you told me about your friend who left, I want to know more about you. I feel like you are always been this sad, and I want to help you.” he added. 
I twitched my lips as I heard him say those words. “So, you’re telling me that you are curious?” 
Not because you want to know me better just like how every friendship starts? 
Naramdaman siguro ni Sean ang pag-disgusto ko sa kaniyang sinabi dahil mabilis niya akong nilingon. Nagbago rin ang emosyon niya. 
Nabura ang ngiti niya at napalitan iyon ng pagkaputla. 
Matunog akong napangisi. Nakadi-disappoint namang marinig ito mula sa sa kaniya. 
“I-I’m sorry, Roe.” he freightendly said. His face is pale and his eyes are fidgeting and scanning my whole face. “I didn’t mean to...” he cannot even complete his sentence. 
I just scowled as I felt the irritation in me. Suddenly the comfortable feeling I have with him fell to the ground into pieces. 
A little while ago, I told myself that I consider him as a person who makes me comfortable despite always feeling uneasy. 
But, now that I heard him utter things like that, I felt aggravated. 
I know I am vulnerable but things are just hard for me. It’s been a challenge for me to open up, and when I found a reason for me to finally speak up about my feelings and trusting him, I never hesistate and I did. But why is this happening right now? 
I thought it’ll be different with Sean’s company. Maybe I thought everything wrong. 
And why do people think things are effortlessly manageable after having an idea of it? 
It really annoys me to the core. 
Muli na naman kaming kinain ng katahimikan. Hindi na rin nawala sa akin ang pagkunot ng noo ko, pagkairita, at pagkadismayang naramdaman kay Sean. 
Walang salita akong tumayo sa putol na puno kung saan kami nakaupo at saka akmang maglalakad na nang hindi siya tinitignan pero napahinto ako nang tawagin niya ako. 
“Roe!” naramdaman ko ang pag-aalinlangan sa boses niya. 
Alam kong masusundan pa iyon pero tahimik akong nagpasalamat nang malakas na tumunog ang bell. Tanda na tapos na ang klase. 
Makaaalis na ako sa tensyon na namamagitan sa aming dalawa. Ayaw ko na rin munang kausapin siya. 
Pumeke ako ng ubo bago nagsalita. “Una na ako,” sabi ko at saka walang lingon-lingon siyang iniwan sa lugar na iyon. 
Nagmamadali akong umalis doon at nang makarating sa classroom ay mabilis at walang kaabog-abog kong niligpit ang gamit ko. Basta ko na lang iyong tinambak sa bag ko at saka nagmamadaling umalis. 
Nasipat ko pa ang mga mata ng mga kaibigan ni Sean pero wala akong panahon sa kanila. 
Mukhang nagulat naman sila nang balingan ko sila ng tingin ng nakakunot-noo dahil bahagya silang napaatras. Umiwas na lang ako ng tingin at saka tuluyang lumabas ng classroom. 
“Oh! Kuya! Ang aga mo. Wala kang training?” tanong ko sa kapatid nang maabutan siyang nakatagilid ng higa sa mahaba naming sofa habang nanonood ng TV. 
Mabilis kong inensayo ang itsura ko sa labas pa lang ng bahay namin. Pinakalma ko muna ang sarili at nang maisgurong ayos na ay ‘tsaka lang ako pumasok ng bahay. 
“Wala, bukas pa. M-W-F schedule namin.” sagot nito nang hindi ako binabalingan. “Oh, saan ka?” tanong niya nang lagpasan ko siya at pumunta sa hagdanan. 
“Magbibihis, saan pa ba?” pamimilosopo ko. 
“Bilisan mo. Gusto mo merienda?” 
“Hm, ano ba gusto mong kainin?” tanong ko. 
“Makatanong ka akala mo ikaw gagawa!” 
Umirap naman ako sa hangin at saka bumaling sa kaniya. “Kaya nga, kung anong naiisip mong merienda iyon na rin kakainin ko.”
“Sayang lang pala oras ko sa pagtatanong. Sige, hintayin kita bago ako gumawa." saad niya at saka nagpipindot-pindot sa remote. 
Tumango na lang ako at saka tumalikod na sa kaniya. 
Mabilis akong kumuha ng gamit sa closet ko at saka lumabas para maligo nang makarating ako ng kwarto. 
Hinayaan kong lumagaslas sa katawan ko ang malamig na tubig habang malalim ang iniisip. 
Patuloy na nag-fa-flashback sa isip ko ang nangyari kanina. It was not really my intention to pull that attitude to Sean but him meddling about things I’ve been working on is really a no for me. He might know some part of it, but that does not give him enough privilege to fix it. 
“I am not a feed in your curiosity.” naiinis kong sabi at saka tinapos na ang pagligo. 
Kinabukasan, maaga akong gumising para sumabay kay Kuya. Pero maaga na naman siyang umalis. Kahit alas otso pa ang pasok niya ay wala na siya sa bahay kahit 6:30 am palang.
“Dala na naman niya gym bag niya?” tanong ko kay Mama habang kumakain ng almusal. Sabay kaming kumakain ng mga magulang ko dahil sila lang naman ang naabutan ko. 
“Uhm... Oo.” sagot ni Mama. 
Nangunot naman ang noo ko sa kaniya at napahinto sa pagsubo ng pagkain dahil nahimigan ko ang pag-aalinlangan sa boses niya. 
“Oh, bakit gan’yan ka makatingin?” masungit niyang sabi. 
“Wala lang,” pinagsawalang bahala ko na lang iyon at bumalik na sa pagkain. 
“Anak, kumain nang maayos.” saway ni Papa nang makita niyang nagmamadali na ako. “Gusto mo ba ihatid na kita?” tanong niya. 
Mabilis akong umiling at nilunok ang pagkain. “Hindi na, Papa. I can go there naman.” sagot ko. 
Iba ang ruta ng biyahe ni Papa papunta sa trabaho niya. Kakain ng oras kung ihahatid niya pa kami ng kapatid ko sa eskwelahan. Hindi rin naman kami mapagmaneho ni Mama dahil nagkaroon na ito ng disgrasya na nagdulot ng trauma sa kaniya. 
Kaya naman namin mag-hire ng driver pero mas pinili naming magkapatid na mag-commute na lang dahil hindi naman gaanong malayo ang terminal mula sa amin. Limang minutong lakaran lang naman iyon at kapag nakasakay ka naman ng jeep ay diretso lang sa eskwelahan namin. 
“Hm, sige na nga. Mag-iingat palagi, a. ‘Wag kalimutan sabihan si Mama at si Papa kapag nakarating ng eskwelahan.” wika niya. 
Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti nang matamis. 
“Sige na, tapusin mo na iyan. Pero maghinay-hinay ka, mabubulunan ka sa ginagawa mo, e." aniya at saka uminom ng kape niya. 
Bumalik sila sa pag-uusap ni Mama at ako naman ay tinapos na ang pagkain. 
Saktong 6:50 am nang makarating ako sa terminal ng jeep. 
Akma na sana akong maglalakad patungo sa dulo ng pila nang makita ang isang pamilyar na pigura. 
Nang balingan ko nang tuluyan ang mukha nito ay nakita ako ang seryosong mukha ni Sean. Nakasandal siya sa isa sa mga poste sa gilid ng pila at diretsong nakatingin sa akin. 
Pero pinagsawalang-bahala ko na lang iyon at nagpakawala ng hangin sa ilong. Dumiretso ako sa pila at hindi na ulit siya binalingan ng tingin. 
“Roe!” tawag niya sa akin. 
Sumunod siya sa akin at pumila rin sa likod ko. 
Nanatili akong tahimik at saka napahigpit ng hawak sa magkabilang strap ng backpack ko. 
“Hijo, sa susunod na jeep ka na lang. Sakto na ito hanggang kay Miss.” saad ng konduktor nang makasakay na ako sa jeep. 
Laking pasalamat ko na lang dahil hindi ko siya makauusap sa biyahe. Nilingon ko siya at nakita ko ang pagsinghap niya ng hangin at saka humalukipkip at hinintay ang susunod na jeep. 
Mabilis na umusad ang biyahe, kaya mabilis lang din akong nakarating sa eskwelahan. At dahil masyado akong maaga, saglit na muna akong tumambay sa cafeteria at bumili ng kape. 
Umiiwas din ako na magkatagpo kami ng landas ni Sean. Panigurado makikita niya ako sa likod ng stage kaya iniba ko ang lugar na pagtatambayan ko. 
Noong mag-bell lang ako tuluyang pumasok sa classroom namin at doon nga nagtagpo ang mga mata namin. 
Mabils akong umiwas ng tingin at saka umupo sa upuan ko at nag-focus na lang sa klase. 
Nang mag-lunchbreak, nagmamadali akong lumakad paalis, hindi na binalingan pa ang mga matang hindi na napagod sa kasisipat sa akin. Nakapapagod na silang balingan at pakiramdaman. Bahala na kung ano’ng gusto nilang gawin at isipin. 
Sa huli, tumambay akong muli sa tambayan ko. 
Alam kong makikita at matatagpuan ako rito ni Sean pero bukod sa cafeteria ay wala na akong mapuntahan. Puno na ng mga estudyante ang cafeteria and this place is my last resort. 
I sighed and drank from the water bottle I bought. 
Simula kaninang recess ay wala na akong ganang kumain. Ni-hindi ko na nga nagawa pang lumabas at kumain. Ngayong lunchbreak ko lang napag-desisyunan na umalis at bumili ng tubig dahil nararamdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko. 
“Maganda pala rito!” wika ng isang boses. 
Mabilis akong napalingon doon pero kaagad ding napahinto nang makilala iyon. “G-Gomez,” mahina kong sabi. 
He looked around the place before he glanced at me. “Disappointed? Am I not the one you are expecting?” he asked with a smile. 
I just sighed and looked away from him. Muli akong uminom ng tubig at hindi na ulit nagsalita. 
“Sean isn’t in his usual self.” he started. 
Naramdaman ko ang paglapit niya pero hindi ko siya nilingon. Hindi rin ako tumugon ng kahit anong salita. 
“And I know, the reason.” he said. “I’m sure, it’s about you.” 
I frowned but remained in my position. People really is enjoying meddling on someone’s matter, ‘no? 
“Sean was never this interested to someone. He wasn’t this invested to something surprisingly new—” 
I quickly cut his words off. “And you are saying, I am an exception?” I sarcastically asked. I couldn’t contain myself from this confrontation. “Ano ba’ng alam mo?” 
Hindi ko siya nililingon pero batid kong ramdam niya kung anong nararamdaman ko sa paraan ng pagsagot ko. 
Why do people love to meddle with other’s business? And Allen Gomez is a perfect example at this moment. He stands on behalf of his beloved friend. How amazing! 
“It’s not about how I know the things about you two—” 
“But it’s an unnecessary to meddle with things you only have knew a side. It’s pretty unfair.” I cut him off again. 
I don’t really want to be rude with anyone but I couldn’t help myself to be one. 
Kunot-noo akong tumayo sa pagkauupo ko. Who would’ve thought that another person found me in this place. 
I’m starting to want to feel different ambiance. Mukhang ito na ang huling punta ko rito. 
“And if you’re doing this on behalf of your friend, you truly are a thoughtful one.” I said and started walking towards the way to our building. 
“You really won’t listen to me, will you?” he asked. 
“Not until you know everything which is impossible.” I responded. 
Nang tuluyan akong makalayo roon ay isang malakas at marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Parang bigla akong naupos matapos ng pag-uusap na iyon. 
It was not my intention but being driven to the corner where you were pressed to say something and do something really frustrates me. 
Think of everything they want, no matter how unpleasant it is, no matter how good it is, I don’t care. 
“You are something that is easy to flick away, huh?” Tolentino whispered when I reached the door. 
Hindi tulad noong nakaraan, nasa gilid lang siya ng hamba nito at nakahalukipkip. May pang-uuyam sa tono ng boses niya pero hindi ko na lang iyon pinansin at saka nagdire-diretso ng lakad papunta sa upuan ko. 
If only I could reason out something to be out in this place, I’ve done it. As fast as I could. 
Hindi ko namalayan ang oras at natapos na ang isa’t-kalahating oras ng huling subject namin sa araw na ito. 
Buong atensyon ko kasi ay nakalaan lang sa pagsusulat at pakikinig sa lectures kaya nang mag-bell ay halos nagulat pa ako. 
“The assigned group, maiwan na at mag-umpisa nang maglinis.” sigaw ni Tolentino. 
Nag-ayos ako ng gamit ko at saka inilagay iyon sa bag bago tumayo para maglinis na rin. 
Nang libutin ko ang paligid ay nakita kong kami na lang ni Sean ang natira. 
Napataas ako ng kilay nang balingan ko siya. Sa pagkatatanda ko hindi kami magka-grupo sa paglilinis ng classroom sa araw na ito. Kaya bakit nandito siya? 
Sinipat ko ng tingin ang labas ng room at nakita kong may mga kaklase natira at naghihintay sa amin. Partikular sina Zafra, Estrella katabi ang seryosong sina Tolentino at Gomez. 
“Roe!” halos pabulong niyang pagtawag sa akin. 
Mabilis akong bumaling sa paglilinis at hindi tumugon sa kaniya. 
“I’m sorry.” he said. 
Nasa kabilang dulo siya ng row na inaayos namin pero sapat na ang lakas ng boses niya para marinig. “Hindi ka naman ngayon naka-assign, a? Bakit nandito ka?” paglilihis ko ng usapan. 
“I asked them to leave para sana makausap ka. Halata kasi na iniiwasan mo ako, e.” 
“So, you did this to make the task more difficult for both of us?” I asked sarcastically. 
“Hindi naman sa gano’n—” 
Mabilis ko siyang pinutol. “Ano ba’ng gusto mong pag-usapan?” tanong ko ‘tsaka siya tuluyang binalingan ng tingin. 
Mukhang nagulat pa siya sa pagbaling ko dahil bahagya siyang napaatras pero kalaunan di’y umayos ng tayo. “About yesterday,” he started. “I’m really sorry. If what I told you yesterday offended you, I’m sorry. I uttered words without thinking beforehand.” he sincerely said. “It wasn’t my intention to make you feel pitiful. I just thought...” he stopped and heaved a deep sigh. “I just thought that I could be more open to you since we already have built interaction. I just hoped that we c-could start something, a friendship or what.” he explained. 
I sighed and glanced at him again. “Sean, the reason why I opened up with you about the things no one knows about me is because I want to. No one ever forced me to do so. Tama ka, we could start something like friendship but it doesn’t always mean that I, the person involved need help to be fixed. You might see that side of me, missing a piece but that doesn’t mean I need to be whole again immediately. I still believe in process, Sean. At sa tagal ng panahon naniwala ako na ako lang ang nasa proseso na iyon. Hindi ko pa kailangan ng tulong. Mahaba para sa akin iyon, Sean. At kung sa tingin mo makatutulong ka sa akin, sige, pero may sarili ring proseso iyon. You must know that. Things don’t just align in a blink of an eye, in a spur of word, it takes its long way and you must be patient about it.” mahabang paliwanag ko. 
Bumalik ako sa aking upuan para kuhain ang bag ko. Dahil tapos na kaming maglinis, oras na rin ng uwi namin. 
Narinig ko ang takong ng sapatos niya. Kaya nilingon ko siya, napahinto naman siya sa pagsunod sa akin. 
“Learn to look at every angle, leave no cr
umbs with patience and willingness. In a short span of time, you will just see yourself learning and growing from the matters you were wrong. Time isn’t stopping so as learning.” I said and left him alone. 
Nadaan ko pa ang mga kaibigan niya pero nilampasan ko lang sila. 

Comentário do Livro (4)

  • avatar
    TVsarcilla

    Ang Ganda nya

    26/04

      0
  • avatar
    MaeShaina Kean

    Isn’t good story and sỗ beautiful

    04/07/2023

      0
  • avatar
    Precious Briana Sanico

    so I know what limits and boundaries 😁👀

    31/07/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes