logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5

Jake POV
Gabi na kaming naka-punta ni Mike sa Bar in Gerald. Gaya ng kanina, tumawag siya sakin at yayaan kaming mag-barkada. Agad kong pi-nark ang kotse sumunod naman sakin ang kotse ni Mike at magka-tabi ang aming sasakyan.
Pagka-labas ko ng kotse ay tinignan ko ang kabuo-an ng Bar. May kunting pag-babago ng mga disenyo sa labas.. Mas dumami ang mga halaman na nakalagay sa labas. Hindi na ako nag-tataka kung bakit nilagyan ni Gerald ng mga halaman sa magkabilang side ng pinto. Paborito kasi niya kasi ang mga halaman, eh.
May mga kakaunting tao na pumasok sa loob. Pinamana ng papa niya itong bar sakanya. May sarili na rin silang companya. Wine Company.
"Oh, hanggang titig lang ba tayo dito Jake? Baka mamaya ipagpalit mo na si Nafia sa Bar na 'yan." Biro ni Mike. Hindi ko na Malayan ang pag-tabi niya sakin at ginaya ang position ko sa pag-tayo.
Natawa akong lumingon sakanya. "Ulol! Syempre, ngayon lang ulit ako naka-pasok dito, 'no!" Maktol ko sakanya.
"Nasa labas pa nga tayo, naka-pasok na?" Pilosopo niyang sabi. Bigla naman akong nainis sakanya.
"Tsk! Bahala ka nga diyan!" Sabi ko tsaka siya tinalikuran. Rinig ko naman ang mahinang bungisngis niya. Hindi ko nalang siya pinansin at tuluyan ng pumasok at umakyat sa itaas. Mula dito palang ay rinig na rinig mo na ang tugtug sa loob.
Pag-pasok mo pa lang kasi dito ay hagdan na kaagad ang bubungad sa 'yo. Kailangan mo pang umakyat dahil nandon ang main area.
Agad kong hinawi ang pulang kurtina sa dinadaanan namin ni Mike. Bumungad kagad samin ang nagkukumpulang tao habang sumasayaw habang pa-suntok ang kamay sa ere.
Nangingibabaw na ang music dito. Agad kong hinanap sina Gerald. Kaso wala, eh. May mga lamesa naman dito na may dalang couch kaso wala talaga sila don.
"Mike! Jake!" Sabay kami napalingon ng may tumawag samin. Nakita ko naman si Paul.
"Paul," Tawag ko sakanya. Agad naming sinalo ang kamay sa ere at dinikit ang kabila naming dibdib kasabay na ang pagtapik sa likod gamit ang isa pang kamay. Bago kami humiwalay.
"Mike, pare kamusta?" Sabi ni Paul nang napatingin siya sa tabi ko. Bago sumagot si Mike at ganun din ang ginawa nila bago kumalas.
"Hali kayo, nasa itaas sina Mark at Gerald," Sabi niya. Nauna siyang umakyat papuntang second floor kaya sumunod naman kami.
Umaaliwalas na ang tugtug dito kesa sa baba. Kulang nalang sasabog ang ear drums ko sa sobrang lakas.
Nang tuluyan na kaming nasa second floor. Nakita ko kagad sina Gerald at Mark na nasa di kalayuan na nagtatawanan. Agad silang lumingon samin nang napansin nilang papalapit kami.
"Jake! I miss you, tol!" Bungad sakin ni Mark sabay yakap sakin. Kumalas siya at bumaling kay Mike.
"Mike, grabe." Sabi niya. Agad naman kaming umupo. "Kailan nga tayo huling nag-kita?" Tanong niya matapos binaling saming dalawa ang tingin niya.
"No'ng nalaman nating buntis si Nafia," Sagot ko. 'Yun ang huling pag-kikita namin dahil kinabukasan no'n ay agad kaming pumuntang U.S
"Siya ' nga pala, kamusta naman ang mag-ina mo?" Tanong sakin ni Paul. "May kasunod na ba si Ford?"
Nagulat naman ako. "Tsk! Pa'no kami makakagawa, eh, halos araw-araw ako sa companya."
"Ganun ba? Sayang! Chance pa naman namin 'yun para maging ninong."
Napangiti nalang ako. Gustohin ko man pero pamilya ko ang masusunod. Lalo na't nandito sila sa pinas habang kami nasa U.S. Sinubukan kong pigilan ng mga magulang kaso huli na.
Nakapili na sila para maging ninong at ninang ni Ford do'n. Huli nang nalaman ko na nandoon na kami U.S.
Muli kong nilibot ang paningin ko dito sa loob. Ngayon, marami na talagang pagbabago. Wala pang second floor ito dati, eh.
"Gumanda 'ata 'tong Bar mo, Rald." Puri ko habang naka-libot parin ng tingin.
"Ah, yes, opkorz. 'Yang nasa palibot natin, 'yung mga disenyo na 'yan. Gawang interior designer 'yan. 'Yung mga pader, ding-ding 'yan ni Daddy. Ngayon, naging akin na talaga." Sabi niya. Tumango nalang ako.
"Nga pala, Jake." Napalingon naman ako kay Mark. "Total, nagkataon ng mag-asawa kayo ni Nafia. Tanggap na ba siya ng pamilya mo?"
Nagilan naman ako dahil sa tanong niya. Nakatingin din sakin si Mike, Gerald at Paul.
"Pakiramdam ko, tol, parang hindi parin. Ang tanggap lang nila ay si Ford, hindi si Nafia." Sabi ni Mike. Sakanya naman nabaling ang tingin saming apat.
"Huh? 'Di ba, dapat tanggapin nalang nila 'yun. Hanggang ngayon ba naman." Gerald
"Oo nga," Singit ni Paul. "Pasensya na sa sasabihin ko, ah?" Paumanhin niya sakin.
"Hindi ba marunong tumanggap 'yang pamilya mo? Kahit balik tarin pa ang mundo, anak mo parin si Ford, 'di ba?"
"Anak nga, wala naman siyang nakuhang kahawig kahit sa mukha." Sabi ni Mike na ikinalingon ko sakanya. Tinignan ko naman siya ng masama.
"Meron kaya,"
"Ano? Ilong? Eh, mas matangos pa nga ang ilong niya kesa sayo. Kung mata naman may pag-black kay Ford. Sa'yo, brown. Halos kay Nafia ang nakuhang hawig niya."
"Baka hindi ikaw ang ama? Hahaha!" Natatawang baling ni Paul sakin.
Siniko naman sya sa tagiliran ni Mark. "Hoy!manahimik ka nga diyan!"
Wala ba talagang nahawigan sakin si Ford?. Napapansin ko din 'yun paminsan-minsan sa tuwing titigan ko siya. Pero binalewala ko nalang 'yun.
Bakit? Dapat ba may kahawig ang anak mo sayo para malaman mo na anak mo talaga?" Sarcastiko kong sabi.
"Hindi naman sa ganun. Binibiro ka lang, eh." Sabi ni Paul.
"Siguro. Kasi kapag may nakita akong bata kasama ang mga magulang niya ay kahawig niya ang mga ilong, mata, hugis ng mukha nito." Mark. Umiwas nalang ako ng tingin sakanila habang umiling.
Ano bang gusto nilang palabasin? Na Hindi ko anak si Ford? Hindi pa ba malinaw sakanila na may nangyari samin ni Nafia? Tsk, porket walang nakuha sakin si Ford, sasabihin na nila sakin 'yan.
"Mga walang kwenta naman yang mga sinasabi niyo, eh." Lumingon naman ako kay Gerald. Alam kong tinukoy niya si Mike, Mark at Paul. "Tsk, Wala na tayong magagawa do'n. Ano naman ngayon kung walang nakuhang kahawig si Ford sakanya. Eh, bigay ng diyos 'yun. Palibhasa kasi wala kayong anak."
"Wow! Look who's talking. Bakit may anak ka? Eh, baog ka naman." Palabirong sabi ni Paul sakanya. Natawa naman ako. Ganyan na talaga silang dalawa. No'ng highschool pa kami, wala silang ginawa kundi mag-asaran.
"Oo sa ngayon wala pa akong anak, pero hindi ako baog."
"Ahh.. talaga? Patingin?"
Mabilis namang umilag si Gerald kaya mas lalo kaming nagtawanan.
"Paul! Ano ba!" Sigaw niya kay Paul agad naman itong huminto. Umayos naman siya sa kakaupo.
Umiwas nalang ako ng tingin at salin ng Wine.
"Okay, ibahin nalang natin ang topic." Sabi ni Mark kaya sabay kaming napatingin sakanya.
"Nag-kita na ba kayo ni Charm?" Baling niya sakin. Agad akong nagulat dahil sa tanong niya.
Umiwas naman ako. "Ano namang klasing topic 'yan?" At ininom ko ang Wine.
"Umuwi ka na kasi dito. Baka nag-kita na kayo, hindi mo lang sinabi." Ngiting sabi niya sakin.
Binigyan ko naman syang blankong tingin. "Wala pa, pero kung mag-kita man kami, wala akong paki-alam."
"Correct!" Singit ni Gerald samin. "Baka nga may asawa na 'yun ngayon, eh."
Agad ko namang tiningnan si Gerald. "May asawa na siya?"
"Baka—oh! Affected ka 'ata?" Agad ko namang iniba ang reaksyon ko.
'Affected? Tsk! Bakit naman ako maa-apektohan do'n? May asawa naman ako, ah?'
Kahit hindi naman talaga.
"Tsk, bakit naman ako maa-apektohan do'n? Eh, ano naman ngayon kung may asawa na siya? May asawa din naman ako, ah? Kung may anak siya, e'di... " Ano bang sinasabi ko?
"E'di ano?" Paul. Naubusan ako ng salita. "E'di, affected ka nga? Hahaha!"
Agad ko siyang binigyan ng masamang tingin. "Hindi ako apektado. Sadyang nagulat lang talaga ako. Wala naman akong paki kung may anak o asawa na siya, eh. Mas maganda 'yun dahil may sariling pamilya na siya. Saka, may asawa na din ako, may anak pa. Wala akong karapatang maapektohan dahil hindi ko na siya mahal."
Agad naman silang natahimik. Pansin kong Nagtinginan silang apat sabay pumalakpak.
"Grabe! I salute you ma' bro, I salute you." Sabi ni Paul habang pumalakpak ganun din naman si Mike, Mark at Gerald.
Umiwas nalang ako ng tingin sakanila at ininom ang Wine. Ewan ko lang kung bakit ako kinakabahan.
Chichi POV
Hanggang ngayon hindi parin ako makatulog. Sinubukan kong hindi alalahanin ang sinabi ni Nico kanina. Pero hindi talaga, eh, sumasagi parin sa isipan ko.
'May mga bagay pa kasi akong itama dito eh. 'Yung mga bagay na dapat mong ibalik sa tamang ayus at mga bagay na dapat mong panindigan sa taong iyong iniwan.'
Naintindihan ko ang sinasabi niya pero hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin.
Ano? Anong dapat panindigan? Anong dapat ayusin? Bakit hindi niya lang ako deritsohin? Magkaibagan naman kami, ah? Bestfriend pa.
"Tsk! Hindi talaga," Maktol ko matapos tinignan ng mukha ni Nico at Chelsea.
Nasa kwarto ako ngayon, habang naka-upo at tinignan ang dalawang picture ni Nico at Chelsea na nakalapag sa harapan ko.
Hindi niya naman kamukha, ah?
Ang punto ko kasi sa sinabi niya. May anak siya. Nakatingin kasi siya kay Chelsea no'n, eh. Kaya 'yun ang nasa isip ko. Hay, Tsk!
Tinignan ko ulit ng palipat-lipat na tingin ang picture nilang dalawa.. sa ilong.. sa mata.. bibig.. pisngi.. mukha..
.. hindi talaga.
"Hay! Ano ba kasing ibig sabihin sa sinabi mo, Nico? Bakit hindi mo nalang ako deritsohin? Ha? Nakakainis na, ah? OA na kung OA, desperada na kung desperada, eh, mahal kita! Ayukong.." Humina naman ang boses ko. "..mapunta ka sa iba."
Sana kahit kunti may nararamdaman ka sakin. Hindi 'yung kay Nafia nakatuon 'yang nararamdaman mo na dapat para sakin. Kasi may mahal na siya. Ako, nandito naman ako. Ako 'yung kasama mo no'ng highschool pa tayo, pero iba naman ang laman ng puso't isipan mo.. ako nalang kasi!
Agad na lang akong humiga at natulog.
[Kinabukasan]
Charm POV
Agad akong nag-hain ng breakfast para kay Chelsea. Ngayon kasi ang first day of school niya at nasa kwarto siya ngayon, inayus ni Darlene at Main.
Hanggang naghanda ako ay nahagip sa paningin ko si ChiChi na mukhang ngayon lang nagising dahil kinusot pa niya ang kanan niyang mata.
"Good morning," Ngiting bati ko sakanya nang napatingin siya sakin.
Tumango nalang siya habang nakangiti. Agad naman nyang nilibot ng tingin ang boung mesa. Napangiti naman ako dahil nakatingin siya sa hinanda ko sakanya.
"Sana palagi mo itong ginagawa," Ngiting sabi niya at umupo. Hinandaan ko naman siya ng kape at pandesal dahil 'yan ang morning routine niya talaga.
"Hehe. Basta ikaw, Chi." Ngiting sabi ko sakanya.
Sabay kaming napalingon sa kwarto ni Chelsea dahil bigla silang lumabas. Mabilis naman syang bumaba at umupo. Sumunod naman sakanya ang dalawa.
Tumabi naman ako sa anak ko. "Oh! Are you ready?"
"Yes, Mommy." Ngiting sabi niya sakin. Lumapad naman ulit 'yung ngiti ko.
Hindi ko akalain na nag-karoon ako ng anak na katulad niya. Tsk! Hindi rin ako nag-tataka kung bakit napaka-bait nyan. Tsk! Kagaya nga siya ni Jake. Mabait, marunong rumispeto, matalino.
Kaso iniwan kami. Sumama lang naman siya sa bestfriend ko. Ewan ko nga kung bakit sila nagkaroon ng anak, eh.
[FASTFORWARD]
Nang makarating kaming Hope Elementary University, ay agad kaming lumabas sa sasakyan. Hindi ko kasama ngayon ang tatlo.
Agad naman kaming pumasok sa loob habang magka-hawak ang kamay.
"Wow!" Sabi ni Chelsea na halong pag-kamangha. Napangiti nalang ako. Dito ko piniling paaralin siya dahil alam kong matutuwa at magugustohan niya ito, maraming playgrounds.
"Mommy! Look, oh!" Turo niya sa isang playground. "Mommy, punta tayo diyan mamaya, ah" Agad naman akong tumango.
Nag patuloy kami sa pag-lalakad hanggang sa makarating kami sa mismong room niya. Sumilip naman ako sa loob at may mga nata nang naka-upo. May ilan ding upuan na bakanti.
"Nandito lang si Mommy, okay?" Sabi ko matapos pumantay sakanya. Nakangiti siyang tumango. "Segi na, pumasok ka na."
Tumango naman sya. "Hmm."
Sinundan ko naman siya nang tingin. Agad naman siyang pumasok at umupo sa upuan kung saan mismong kaharap ang pisara.
"Pupunta muna ako sa kotse, babalikan lang kita pagkatapos, okay?" Sabi ko at nag-thumbs up sakanya.
"Okay," Sabi niya habang nakangiti. Buti nalang hindi siya kabado.. Binigyan ko muna siya ng matamis na ngiti bago ko siya tinalikuran.
Habang naglalakad ako papuntang parking lot ay nahagip sa paningin ko si... Nafia? Nakatalikod ito sakin habang kaharap at kapantay niya ang isang batang lalaki.. mukhang kinausap niya.
"Kailangan mong maging good boy sa loob, okay? Hindi pweding mang-asar do'n, because it's your first day of school." Hindi nga ako nag-kakamali.
Mabilis akong nagtago nang biglang may lumabas sa Driver seat sa kotseng itim na katabi nila. Sumilip naman ako at nakita ko si Jake..
Kasing gulong ang pagkalaki ng mata ko nang nakita ko siya.. Tumabi naman ito sa batang Lalaki.
"Mom, thank you for your concern but I can handle myself. Beside, I'm a big boy now." Ay, may pagka-yabang pala 'to. Sana hindi ito maging kaklase ni Chelsea. Mukhang bad boy, tsk.
"Yeah, I know." Sabay halik sa pisngi ng anak niya. Saka, ito tumayo. "let's go,"
Agad akong nagtago muli at napansin ko namang nilagpasan nila ako. Sinundan ko naman sila ng tingin at hindi ko maiwasang hindi ma-iingit
"Tsk, tsk, tsk, your so lucky to have him. Sobrang swerty mo dahil siya ang ama ng anak mo. Pero hindi naman ako nag-sisi do'n, dahil kahit anong gawin ko, anak parin yan ni Jake... Anak niya ba talaga 'yan? At Sobrang galing mo ding umakting. Galing mong maki-pag plastikan. Sana hindi kana rumi-cycle." Sabi ko habang sinundan parin sila ng tingin hanggang sa mawala ito..
Agad akong nagtungo sa kotse at pumasok.
Ngayon, hindi ko na maiwasang hindi kabahan. Sa dinami-dami ng paaralan sa pilipinas dito pa nila naisipang paaaralin ang anak nila. Tsk!
Palalakasin ko na ang loob ko. Pag nagkita kami, iiwasan ko nalang siya na parang hindi kami mag-kakilala.. Siguro 'yun muna ang dapat kung gawin bago ko siya harapin. Lalo na 'yang si Nafia.
[FASTFORWARD]
Jake POV
Matapos ang unang klase ay agad silang pinalabas upang mag-recess. Nandito ako ngayon sa playground ng mga bata.
Nagpaalam din sakin si Nafia na pupunta muna siyang canteen dahil may bibilhin siya para kay Ford.
Nakangiting pinanood ko ang mga batang nag-lalaro habang nakangiti. Napatingin naman ako kay Ford na naka-upo lang sa tabi ko. Habang naka-cross arm at masamang tumingin sa mga bata.
"Ayaw mo bang mag-laro, Ford?" Tanong ko sakanya. Mabilis naman siyang lumingon sakin.
"Seriously, dad? I'm not a baby anymore!" Masungit niyang sabi at umiwas kagad.
"Hindi 'yan tinayo dito para lang mga baby. Tinayo iyan para sa mga batang katulad mo."
"Tsk! I don't care," Sabi niya habang hindi nakatingin sakin. Umiwas nalang din ako ng tingin habang umiling.
Ewan ko ba, hindi ko naman siya pinalaki ng ganyan, eh. Kung tutuusin, kay Nafia lang 'yan palaging pakikinig.
"Oh!" Daing ko nang may biglang may nadapang batang babae sa di kalayuan ko. Agad akong tumayo at lumapit sakanya.
"Dad!" Tawag ni Ford sakin. Hindi ko nalang siya nilingon at tuluyang lumapit sa Bata.
"Hey, are you okay?" Pag-alalang tanong ko sakanya. Nilalayan ko naman siyang tumayo at pinagpag ang nadumihan niyang tuhod.
Agad akong nag-angat ng tingin sakanya at Ewan ko ba kung bakit napa-ngiti ako..
"Okay ka lang ba?" Tanong ko ulit sakanya.
Tumango naman sya. "Opo" Magalang niyang sabi.
"Bakit ba kasi ang lampa-lampa mo?" Biglang tumabi sakin si Ford..
"Ford!!" Saway ko sakanya. Umiwas kagad siya ng tingin at bumalik ulit sa bench.
"Sino ang kasama mo?" Tanong ko habang nilibot ang paningin ko kung may kasama ba sya.
"May binili lang po 'yung mommy ko." Sabi nya. Tumango nalang ako.
Napatingin naman ako sa I.D niya.
Chelsea Charlene Gomez
Gomez??

Comentário do Livro (176)

  • avatar
    Jay Ann Dagdag

    This is so great

    24d

      0
  • avatar
    Weverton Eduardo

    kkkkkkkkkkkk

    25d

      0
  • avatar
    Roma Balmores

    The story is good

    15/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes