logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

Charm POV
Pagka-dating kong grocery mall, bigla akong kinakabahan. Ewan ko kung bakit. Parang may pumipigil sakin na 'wag nalang pumasok. Bahala na nga. Lintek na dibdib na 'to, napaka- OA. 
'maka-pasok na nga,'
Agad kong kumuha ng cart. Una kong pinuntahan ang Vegetable Area (V.R), kung ano-anong gulay ang kinuha ko at sinilid sa cart. Pero syempre, kasama na do'n ang paboritong gulay ni Chelsea. Buti nalang talaga na sina-sanay ko siyang kumain nito at hindi puro nalang junkfood.
Kumuha din ako ng kung ano-anong pweding e-sangkap sa mga lulutuin. Pero mas dinami ko ang mga kamatis, dahil kapag walang uulamin sa bahay, ito ang gawing ulam ni Darlene.. at Chelsea. 
Mararami din ang binili ko dito sa V.R. Habang tinulak ko ang cart ay pasimply akong tumingin sa mga gulay na hindi ko pa nabili. Kumuha ako ng patatas at iba pa gulay na meron dito.
Napag-isapan kong pumunta sa Meat Food Area (MFA) . Bumili ako ng parte ng manok at baboy dahil favorite nilang tatlo ng mga kaibigan ko.. lalo na si Chelsea kung adobo ang ulam. Kahit ano-ano basta adobo.
Agad akong natigilan sa pagtutulak. Pupunta na sana ako sa kung saan naka-display ang milk at biscuits para kay Chelsea. Kaso nga lang, may nakita akong lalaki. Kaso nakatalikod siya sakin. 
Nakatalikod kasi siya sakin kaya pamilyar sakin. Wala namang sumagi sa isipan ko ang mga lalaking kakilala ko. 
Isang hakbang pagkalipas ng limang sigundo akong naglalakad kasabay ng paglingon sa lalaki. Ewan ko lang kung saan babaling ang ulo ko kaka-silip sakanya. Nakatalikod talaga siya.
'Wala talagang pumasok sa  isipan ko kung sino sa tingin ko ang lalaking ito,'
Bigla akong huminto at tumayo ng maayos. Nang bigla siyang naglalakad at biglang lumiko hanggang sa nawala sa paningin ko..
'Parang si ano... si... si Jake ba 'yun? Hanggang dito pa naman.'
Napailing nalang ako dahil sa iniisip ko at lumakad ulit ng maayos. Kung siya man 'yun wala na akong paki-alam do'n. Hindi na ako magtataka kung bakit nandito siya. Malamang, dahil sa mag-ina niya. At pakiramdam ko kararating lang nila dito sa pinas. 
'Napaka-updated ko naman 'ata sakanya. TSK! Bahala siya!'
Umiling nalang ulit ako. Kumuha ako ng paboritong milk ni Chelsea, 'yung yakult. At juice na Fit in Right, tsaka beer na sinilid sa can. Paborito kasi naming apat 'yun eh. Dapat nga lima kami ngayon, kung hindi lang tumingin 'yung isa sa buhay ko. 
Sobrang dami na yata itong binili ko. Sobrang dami rin kasing binigay ni Darlene na pera, eh. 10 thousand yata ito, hindi ko na binilang. Ganyan talaga si Darlene bumigay ng pera kapag para sa bahay. Nakaka-ingit tuloy. 
Binili ko na rin kung anong gusto kong bilhin. Hindi ko na sasabihin sa inyo, sakin lang 'yun. Damit lang naman 'yun, oh, ayan sinabi ko na.
Agad akong pumunta sa cashier at pina-total kung mag-kano lahat. Ewan ko lang kung kaya ko itong buhatin. Basta kaya ko, kaya ko talaga. Nang matapos, ay kagad kong nilagay sa likod ng kotse. Syempre nag-patulong ako sa bagger, no. Ang kapal ng mukha ko, 'di ba? Bakit sa tingin niyo ba kaya ko itong buhatin? Kunting bitbit ko lang sa supot, feeling ko, tatanggal ang braso ko.
Nang matapos ay nasa-tatlong hakbang ko palang papuntang driver seat's ay biglang may nabangga ako. Hindi ko napansin 'yun dahil naka-yuko ako.
'Arrrgh! Lampa mode!'
"Nako! Diyos ko, sorry talaga! Hindi ko sinasadya, nako!" Paumanhin ko sakanya habang pinulot 'yung mga nahulog niyang gamit.
"Hehe! Okay lang, hindi rin kasi ako naka-tingin sa dinadaanan ko, eh." Pakiramdam ko nakangiti siya habang sinabi 'yun at pinulot din ang mga gamit niya.
Ngunit, kumot ang noo ko dahil pamilyar sakin ang boses niya. Bigla naman akong kinabahan. Agad naman akong umangat ng tingin sakanya. Pansin kong natigilan siya at umangat ng tingin sakin.
Lumaki naman 'yung mata ko.
"Mike?"
"Charm?"
Isa siya sa mga dahilan kung bakit kami nagkaka-kilala ni Jake.
~Fastforward~
Nandito kami sa isang restaurant ngayon, nagyaya kasi si Mike, eh. Gusto niya daw mag- kwentohan muna kasama ako. Ako naman 'tong si gaga na pumayag kaagad. Kaharap ko siya ngayon. Hindi naman ito malayo, eh, malapit lang ito sa GM.
"So, kamusta ka na?" Tanong niya habang nakangiti. Yumuko naman ako saglit at muling tumingin sa sakanya.
"Okay naman. Ito, tuloy parin ang buhay." mahinhin kong sagot. 
Tumango sya. "Hmm.. Eh, kamusta ang pagiging nurse mo?"
'Yun ang kursong kinuha ko, kaso na-udlot dahil sa pagiging buntis ko. Kung -ekwento ko kaya sakanya ang nangyari. Tsk, 'wag na, baka sasabihin niya sa pinsin niyang si Jake ang naging buhay ko dati.
"Uhm.." sasabihin ko ba? "Hindi na tuloy ang pagiging nurse ko, eh." Malungkot kong sabi. Natigilan naman siya. 
"Ahh, talaga? Isa na ba do'n ang dahilan, ang paghihiwalay niyo ni Jake? Kaya huminto ka?" Tanong niya. Ang kapal ng mukha ni Jake kung 'yun ang dahilan.
Mabilis naman akong umiling. "Hindi, hindi naman siya ang humawak sa kinabukasan ko, eh. Tsaka, ayukong isugal ang pangarap ko para sakanya. Sadyang.." Sinadya kong bitinin ang sinabi ko.. sasabihin ko ba? "Basta, mahabang kwento."
Sana hindi pa siya mag-tanong, tsismoso pa naman 'to.
"Mas mabuti na 'yung ikwento mo, eh, para mas mahaba-haba din  ang pagku-kwentohan natin." Sinasabi ko na nga bang tsismoso ito, eh.
"Pasensya na, pero.. para sa sarili ko nalang 'yun. Ayuko nang maalala ang nangyari dati. Baka mang-gigil pa ako, masuntok pa kita." Sabi ko.
Andami niya kasing tanong, eh. Sa dinami-dami ng pwede niyang itanong, 'yun pa talaga.
"Oh, easy lang. Grabe naman. So, anong trabaho mo ngayon?" Tanong niya. Bumuntong hininga nalang ako. Sasagot sana ako ng biglang nag-vibrate ang phone ko.
Kinuha ko naman kagad 'yun, at binasa ang text.
From: Darlene
~ Hoy! Antagal mo naman 'ata diyan. Bilisan mo dahil ayaw kumain ang anak mo kapag wala ka pa.
Napa-mura nalang ako sa hangin at binulsa nalang ulit ang phone. Hindi talaga siya kakain kapag wala ako. 'Tong batang 'to.
"Okay ka lang, Charm?" Tanong ni Mike sakin. Agad naman akong tumango nang napatingin ako sakanya. Kailangan ko na palang umalis.
"Ah, Mike. Kailangan ko na palang umalis."  Paalam ko sakanya. 
"Teka lang!" pigil niya sakin nang aakmang tatayo sana ako. Senenyasan niya naman akong umupo. "'Wag Kang mag-alala, hindi ko naman kasama si Jake, eh."
Umiwas naman ako ng tingin at pabagsak na umupo. Seryusong tumingin sakanya. "Una sa lahat, hindi si Jake ang dahilan kung bakit kailangan ko ng umalis. Wala akong paki kung mag-kita kami. Pangalawa, may importanteng tao na naghihintay sakin sa bahay. Kaya kailangan ko ng umalis dahil nagmamadali ako." Tiim bagang kong sabi sakanya. Tatayo sana ako nang muli syang nag-sasalita.
"'Wag mo kong lulukohin, Cha. Mahal mo pa si Jake, 'no?" Tanong niya. Agad akong napatawa ng nakakaloko habang nakatingin sa kisame. "Anong nakakatawa?" Seryuso niyang tanong.
"Haha! Saang payapang lugar napadpad ang utak mo at nag-iisip ka pa talaga ng ganyan?" Taray kong sabi. "'Wag mong ibahin ang usapan dito, Mike. Una, nangangamusta ka lang sakin. Kung 'yan lang din pala ang itatanong mo, pasensya na hindi ko masagot. Mauna na ako sa 'yo." Aakmang tatayo uli sana ako nang nagsalita siya ulit.
"Bakit hindi mo nalang aminin sa sarili mo na hanggang ngayon, mahal mo pa talaga si Jake."
"Pa'no mo nasabi?"
"Dahil nakikita ko sa mga mata mo,"
Lakas ng apog nito, ah? "Bakit? Mata lang ba ang basehan para malaman mo sa sarili mo na mahal mo pa ang isang tao, kesa sa puso? Para sabihin ko sa 'yo, Mike. Iba na ang pananaw ko ngayon, may sariling mundo na ako... Oo, mahal ko si Jake, pero dati 'yun. Bakit ko pa mamahalinang isang taong nanakit at nagwasak sakin? Hindi naman ako tanga, eh, hindi ako katulad ni Nafia na gagawin ang lahat, makuha lang ang isang taong alam niyang may nagmamay-ari na. At isa pa, may anak na sila.. kaya sabihin mo nga sakin, bakit ko pa siya mamahalin?" Sabi ko sakanya. Bigla naman siyang natahimik habang nakatingin parin sakin
"'Wag ka lang sa mata ko tumingin, Mike. Matutu ka sanang tumingin sa katotohanan, bago mo sabihin sakin 'yan. Dahil hindi mo alam kung gaano ako nasaktan at nadurog sa ginawang pag-iwan ni Jake sakin." Tiim bagang kong sabi. Seryuso naman kaming nag-tinginan.
"Alangan namang hahayaan niya nalang ang nabutis niya, para makasama ka lang," Sabi niya. Buti nalang at nagising ka.
"Buti nalang at nagising ka, dahil isa 'yan sa mga dahilan kung bakit ko siya hinayaan at hindi na mahalin. May pa tanong-tanong ka pa na mahal ko pa si Jake. Bakit? Alam ko na ang nararamdaman ko? Hawak mo ba ang puso ko?" Sarcastic kong sabi sakanya. "Pag-isipan mo muna ang sasabihin mo, Mike. Dahan-dahan lang, baka mapipi ka pa." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at nilisan nalang ang lugar na 'yun at nagtungo sa kotse.
'Kung alam mo lang talaga ang lahat, Mike. Kung alam mo lang talaga.'
Jake POV
Paandarin ko sana ang kotse papuntang mall. Kaso biglang nag-ring ang phone ko. Agad ko itong kinuha sa gilid ko.
*Gerald calling..*
"Hello, Rald? May nahanap ka na?" Tanong ko matapos sagutin ang tawag.
"Oo, sinabihan ko na sila na bukas mag-sisimula."
"Wow. Bilis, ah? Binigyan mo ba sila ng address namin?"
"Oo, malamang! Hindi ko naman 'yun ibibigay kung hindi mo sinabi,"
Napangiti nalang ako. "Segi, salamat." ibaba ko sana ang tawag kaso muli siyang nag-salita.
"Teka lang, Jake! Punta ka naman dito sa bar mamaya. Tsaka, isama mo si Mike... isasama ko na rin 'yung dalawa."
Tukoy niya kay Paul at Mark. "Segi," Tsaka ko binaba ang tawag.
Agad akong nagtungo sa GM at bumili ng kung ano-ano. Bumili ako ng gulay at prutas para sa bahay, lalo na kay Ford.
Habang nagtutulak ako ng Cart ay biglang nahagip sa paningin ko ang isang babae na pasimpling tumingin sa mga gulay habang dahan-dahang tinulak ang Cart niya.
Hindi ko alam kung bakit parang gusto ko siyang lapitan. Hindi ko masyadong kita ang mukha niya kasi habang nakayukong tumingin sa mga gulay ay nakaharang ang mataas na buhok niya sa mukha.
'Naging babaero na ba ako ngayon?'
Pina-lakas ko ang loob ko upang lapitan siya. Pinulot niya pa ang patatas at iba pa hanggang sa matapos siya ay bigla siyang nag-tungo sa MFA. Susundan ko sana, kaso biglang nag-ring ang phone ko.
*Mike's calling..*
Agad ko itong sinagot habang hinanap sa paningin ko 'yung babae. Parang pamilyar siya sakin.
"Hello, Mike?" Sagot ko, binalewala ko nalandiun at nagpatuloy sa ginawa ko.
"Pinsan!" Agad kong inilayo ang telepono sa tenga ko... at muling binalik.
"Tsk! Ano ba 'yun?"
"Bakit hindi mo 'ko sinundo sa Airport kanina? Sabi mo kagabi, susundo-in mo 'ko?"
"Pasensya ka na. Pagod ako, eh."
Sabi ko habang pumili ng mga sangkap sa ulam.
"Ahh.. nasan ka? Pupuntahan kita,"
"Ah, nasa Grocery Mall ako, bumili ng mga kailanganin sa bahay. Tsaka, 'wag mo na akong puntahan dito. Marami kasi akong binili, eh. Mauna ka nalang sa bahay, do'n nalang tayo mag-kita."
"Ahh, segi."
"Teka, kung kanina ka pa naka-landing, eh, nasa'n ka ngayon?"
"May binili rin kasi ako, eh. Segi na, magkita nalang tayo sa bahay mo."
Hindi na ako sumagot pa at en-end ko nalang ang tawag. Pinag-patuloy ko nalang ang ginawa ko. Pumunta ako sa pagkain para kay Ford.
Pumunta pa ako sa MFA pagkatapos no'n, ay liliko sana ako ngunit, may napansin akong cookies. Tiningnan ko pa ito ng mabuti bago sinilid sa cart. Favorite kasi ni Ford ang mga cookies, eh. Agad nalang akong lumiko.
Bumili din ako para sa sarili ko at para kay Nafia. Hanggang sa matapos ay nagpunta kagad ako sa Cashier. Medyo marami na rin ang binili ko. Pakiramdam ko sakto na ito saming tatlo.
Agad nalang akong nagtungo sa kotse. At nilagay 'yun sa likod ng sasakyan. Ewan ko lang pero gumagaan ng kunti ang pakiramdam ko matapos kong nakita ang babaeng 'yun.
Parang may tumulak sakin na pumasok uli at hanapin siya... Sino ba 'yun? Kung si Charm 'yun, imposible naman. Kasi, mataba ng kunti si Charm, tapos 'yung babae, payat at mataas ang buhok na straight. Kay Charm, hanggang balikat lang at medyo maalon-alon ang ibaba.
'Naging babaero na talaga ako. Hayst! Jake, may asawa ka na. Doon ka lang dapat ma-attrack.'
"At bakit naman ako ma-attrack sa babae na 'yun? Hindi ko man lang nakita ang mukha niya. I'm sure pangit 'yun. Kung nagkataon lang na nakita ko ang mukha niya, maganda parin si Nafia. Tsk!"
Parang isa na akong gagong lalaki dito. Kinakausap ang sarili. Napailing nalang ako at nilisan ang lugar na 'yun. 
Nang makarating ako sa bahay ay agad akong pumasok dala dala ang pinamimili ko. Pansin kong walang anino sa mga mag-ina ko. Agad kong nilapag ang supot na binili ko.
"Dad!"
Agad akong napalingon kay Ford nang tawagin niya ako. Mukhang kakagising niya lang, ah? Ngumiti nalang ako. 
"Nakita mo ba tito Mike mo?"Ang sabi niya kasi pupunta siya dito, eh. Baka na-traffic.
"No, I didn't see him. Why?" Tanong niya. Umiwas nalang ako ng tingin. O baka maraming binili 'yun.
"Nothing. Where's your mom?"
"She's in your room. I think, she arrange your clothes in the cabinet." Tumango nalang ako. 
"Anong binili mo, Dad?"  Takang tanong niya matapos tumingin sa mga binili ko. Sasagot na sana ako kaso biglang..
"Jake!" May tumawag sa pangalan ko. Agad naman akong lumingon at bumungad sa paningin ko si Mike.
Ngunit nangunot ang noo ko dahil sa aura nya. Natawa naman ako ng kunti... iba kasi ang aura sa mukha niya. Hindi ko maintindihan.
"Anong nangyari sa mukha mo? Bakit parang hindi ka naman 'ata masayang dumating dito?" Tanong ko sakanya. Tinignan ko ang kabuuan ng mukha niya.
"Wala." Walang emosyon nyang sabi habang nakatingin sa malayo. "May sumira lang sa araw ko." Sabay lingon sakin.
'Ako ba? Dahil ba hindi ko siya sinundo?'
"Dahil ba hindi kita sinundo, kaya sira ang araw mo?" Tanong ko.
Umiling sya. "Hindi," Kumunot ang noo ko. "Babae, tol! Alam mo ba kung sino?"
"Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw ang may kasamang babae. Tsaka, mag-tataka pa ba ako kung alam ko na?" Pilosopo kung sabi.
"Si Charm lang naman!"Pagkatapos niyang sabihin yun ay umiba kagad ang aura ko. Biglang nawala ang ngiti ko at yumuko.
"'Kala mo kung sino mag-salita!" Nag- angat kagad ako ng tingin sakanya. "Pero alam mo,"  Humarap siya sakin. "Gumanda siya lalo. Pumayat tapos mataas at stra--" Hindi na natapos ang sasabihin niya ng pinutol ko kagad.
"Hayaan mo siya! 'Wag nalang natin siya isipin." Walang gana kung sabi sakanya. Agad ko siyang nilagpasan at nagtungo sa kusina.
'Tsk! Bahala siya sa buhay niya!'

Comentário do Livro (176)

  • avatar
    Jay Ann Dagdag

    This is so great

    25d

      0
  • avatar
    Weverton Eduardo

    kkkkkkkkkkkk

    25d

      0
  • avatar
    Roma Balmores

    The story is good

    15/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes