logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2

Charm POV
Nang maka-uwi kami sa bahay, do'n na guminhawa ang pakiramdam ko. Sobra akong kinakabahan kanina dahil bumalik na si Jake. Dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Baka dumating ang panahon pag nalaman niya na may anak siya sakin, baka, kukunin niya sakin si Chelsea, si Chelsea na naging buhay ko no'ng wala siya.
Sa araw na ito, kailangan ko nang maging matatag para sa anak ko. Ayukong mawala siya sakin, hindi ako papayag. Sasabihin ko kay Chelsea na patay na ang daddy niya, kung 'yun ang nararapat. Lalo na't pakiramdam ko na sabik na sabik siyang makita o makilala ang daddy niya dahil limang taon na niya itong hindi kilala. Kung alam ko lang na ito pala ang mangyari, e'di sana noon ko pa sinabi sakanya na patay na ang daddy niya. Inunahan lang talaga ako ng takot.
Duwag na kung duwag, ayuko lang mawala si Chelsea sakin, baka sa susunod na araw, sasama na siya kay Jake.. Tama... Hindi dapat ako matatakot na harapin siya kung nag-kataon. Beside, he's just my ex, my past, my nothing kaya hindi dapat ako kabahan.
Kahit maging si Nafia pa ang kaharap ko.
"My god! Sino 'yung babaeng kasama ni Jake?" Agad akong napatingin kay Main dahil sa sinabi niya. Wala naman akong napapansin na may kasama siya.
"Bakit ka pa nag-tataka? Eh, malamang si Nafia 'yun! Sino ba ang hindi magkakandarapa kay Jake, eh, siya lang naman!" Sabi ni Chichi. Nandito lang naman kami sa dinning, buti nalang wala dito si Chelsea.
"Wala naman akong napapansin na may kasama siya, ah?" Singit ko sa kanilang dalawa. Agad naman silang lumingon sa gawi ko.
"Paano mo mapapansin, teh? Eh, daig mo pa ang isang machine sa sobrang bilis." Sagot ni Chichi habang nakangiti. Napa-smirk naman ako at nag-iwas ng tingin sakanya.
"Eh, sa natatakot ako na baka makita niya ako, tayo, si Chelsea." Sabi ko habang nakatingin sa kawalan.. totoo naman eh, natatakot talaga ako.
"Cha," Singit ni Darlene na ikinalingon namin sakanya. "Hindi ka dapat matakot sakanya, ex mo na siya. Wala na siya sa buhay mo. Kung mag-kita kayo, umiwas ka nalang o di kaya, harapin mo siya.. kapag handa ka na. Kung lahat nga ng pagsubok niyo ni Chelsea hinarap mo, 'yun pa kaya kay Jake na 'ex' mo na." Pinag-diinan niya talaga ang salitang 'ex'. Nakaka-tameme naman 'yun. Kung sa bagay may point siya.
"Pero hindi ko lang siya ex, Dar. Ama siya ng anak ko,"
"Kaya nga harapin mo, eh." Sabi ni Main sakin. Lumingon naman ang dalawa sakanya. "Alam kong kaya mo 'yan. Pero kapag si Nafia ang kaharap mo, text mo kagad samin, ha? Humanda siya sakin." Pfft. Napangiti at napahalakhak ako ng kunti dahil sa sinabi niya ganun din naman ang dalawa. Ngunit agad ding nawala ang ngiti ko.
Tama, harapin ko dapat siya. At ipatikim kung gaano kabagsik ang pag-iwan niya sakin. Kaya mo 'to Charm, kaya mo 'to.
"Pero nandito na si Jake, Cha. Anong gagawin mo?" Lumingon naman ako kay ChiChi.
"Wala akong pakialam," Seryuso kong sabi.
"'Yun!" Main
"Eh, ano naman ngayon kung bumalik siya? Paki ko ba sa buhay niya? Eh, may Nafia na siya, may anak pa. Pinili niya 'yun kesa samin, eh. Kung ano man ang ikinamalas ko sakanya, 'yun naman ang ikina-swerte ko kay Chelsea." Pinanindigan ko talaga 'yun.
"Oo, alam ko 'yun, gaga! Ang tanong kasi, nandito na 'yung ex mo na ama ng anak mo." Natigilan naman ako sa sinabi niya sakin. Kahit ga'no pa kahirap ang gagawin ko, haharapin ko 'yun.
"Gawin niya kung anong gusto niyang gawin, wala siyang anak na babalikan o kukunin sakin dahil isa 'yun sa pangako ko sa buhay. Isa pa, may anak din siya. Mas lalong kumapal ang mukha niya pag-nagkataon. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya, depende na 'yun sa kung anong balak ko. Lalo na 'yang si Nafia, banat kung banat, sabunut kung sabunut. Ipapatikim ko sakanya kung sino sa likod ni Charm Gomez," Matapang kong sabi. Napansin kong nakangiti silang tatlo kaya ngumiti na din ako..
"Ay! Taray! Cobra vs. Dragon, Pak!" Sabi ni Main nagtawanan naman kami sa sinabi nya. Lalo na at nag-posing din sya.
"Teka lang," Sabi ni Darlene. Lumingon kami uli sakanya. "Sa loob ng limang taon ko na itong tinatanong sa sarili ko. Bakit na buntis si Nafia kay Jake. 'Di ba ang plano natin noon ay palasingin ka at si Jake para may mangyari sa inyo dahil mahal na mahal mo si Jake at gusto niyong mag-karoon ng baby. At may nangyari kay Jake at Nafia at may nangyari din sa inyo ni Jake na kababalaghan. Ano 'yun sabay? At no'ng panahon na nalaman mong buntis ka, 'yun din ang panahon na nalaman ni Nafia na buntis siya. Imposible namang sabay kayong siniping ni Jake?"
Bigla kaming natigilang tatlo dahil sa sinabi ni Darlene. Halos mabingi na ako sa katahimikan naming tatlo. Oo nga, 'no, impossibling sinabay kami. Eh, lasing kami no'n.
Sa araw na 'yun ay kaarawan ni Jake at handa na akong Ibigay sakanya ang kahilingan niyang Ibigay ko sakanya ang katawan ko. Naglasing kami hanggang sa may nangyari. Pero bakit nagkaroon ng anak si Nafia kay Jake.
"Oo nga, 'no? Baka iba ang nakasiping mo," Sabi ni Main. Nagulat naman ako sa sinabi nya.
"Hoy! Anong sa iba? Nakuha ni Chelsea ang mata at ilong ni Jake! Iba ka diyan," Sabi naman ni Chichi.
"Hay, nako! 'Wag niyo nang isipin 'yun. Basta kay Jake 'yang si Chelsea. At 'yung kay Nafia naman.. baka talaga may nangyari sakanila. Pagkatapos no'ng ikaw, pumunta naman siya kay Nafia." Sabi ni Darlene. Nagkibit balikat nalang ako, baka nga 'yun ang nangyari. Grabe talaga ngayon ang mga Lalaki. Tsk, tsk, tsk.
"Baka nga. Isip ka kasi nang isip ng ganun, eh." Reklamo ni Main kay Darlene.
"Well, sorry," Sabi ni Darlene agad naman siyang tumayo sapagkaka-upo at nagtungo sa ref.
"Teka, wala na pala tayong stocks na milk at biscuits para kay Chelsea. Kunti nalang din ang mga gulay natin," Sabi niya habang may kinuha sa loob. Sumilip naman ako ng kunti. Kunti pa nga..
Namasyal nga kami sa mall, ang kaso puro games nalang ang inaatupag namin don at kain. Kaya nawala sa isip ko ang bumili para dito sa bahay.
Kung tutuusin, hindi ko ito bahay. Bahay ito ni Darlene binigay niya sakin. Hindi ko naman dapat ito tatanggapin kasi nahihiya na ako sakanya. Hilingin ko man o hindi, ibibigay niya parin sakin. Ganyan sya kabait.
"Chi," tawag niya kay Chichi. Agad namang lumingon si Chichi sakanya. Pansin kong may dinukot si Darlene sa likod ng pants niya, do'n ko napagtanto na wallet pala 'yun. Inilahad niya ang pera kay Chichi kaya nagtataka naman Ito.
"Ano 'yan?" Tanong ni Chichi habang palipat-lipat ng tingin niya sa pera at kay Darlene.
"Pera, malamang!" ani Darlene.
"Oo, alam ko. Ang ibig kong sabihin, bakit mo 'ko bibigyan ng pera. Anong gagawin ko diyan?"
"Bumili ka ng gulay, milk, at biscuits para kay Chelsea."
"Bakit ako? Maglalaba pa 'ko mamaya. Maglinis pa 'ko ng kwarto ko tapos uuwi pa ako mamaya sa'min." Sabi ni Chichi at nagpatuloy sa pag-kain ng chichirya, kaya Chichi ang pangalan.
Hindi nalang kumibo si Chichi. Habang ako, naka-upo lang . Tumayo nalang ako at nagtungo sa kabinet at kumuha din ng chichirya. Umupo ulit.
"Ikaw nalang, Main. May gagawin din ako mamaya, eh." baling ni Darlene kay Main.
"May gagawin din ako mamaya, eh. Inutusan kasi ako ni Mommy kanina na susunduin ko daw si Nico," Sabi ni Main at tinukoy niya ang kapatid niya na galing America. Pansin kong binaling niya ang tingin sakin. "Si Charm nalang,"
"Dadating si Nico?" Masiglang sabi ni Chichi. Bestfriend niya kasi si Nico.
"Oo, masaya ka na?" Sabi ni Main na halong taray. Ngunit napalitan din ito ng ngiti.
"Cha," tawag ni Darlene agad naman akong lumingon sakanya.
"Gustohin ko mang ako ang bumili, pero may gagawin pa kasi ako mamaya, eh. Pasensya ka na, pwedeng ikaw nalang?" sabi niya. Agad nalang akong tumango at tinanggap ko ang pera. Kapag wala stocks, pera niya talaga ang gagamitin.
"Segi, may bibilhin din kasi ako mamaya." Sabi ko at binulsa ang pera. Agad namang binalik niya ang wallet sa pants.
"Mommy, saan ka pupunta?" Agad naman akong lumingon kay Chelsea nang sumulpot siya sa tabi ko.
Ngumiti naman ako. "Bibili lang ako ng milk para sa 'yo,"
"Mommy, hindi na ako baby. Bakit niyo pa po ako bibigyan ng Milk?" Maktol niya. Nag-pout naman siya kaya lalo akong ngumiti. Ang cute!
"Para rin naman 'yun sa kalusugan mo. Ngayon ka pa rumeklamo, kasama 'yun sa routine mo, 'di ba?" Sabi ko na masinsinan. Agad siyang tumango at ngumiti sakin.. laking pasasalamat ko dahil masunurin siyang bata, mabait, matalino at higit sa lahat marunong rumispeto.
"Segi, go back to your room. Mag-study ka doon dahil bukas ay first day of school mo na," Sabi ko. Nag- 'ok' naman siya at agad tumakbo papunta sa itaas.
At mamaya mag-go-grocery nalang ako.
Jake POV
Agad akong umuwi matapos 'kong mag-mall dahil dadating ang pinsan kong si Mike. Limang taon rin kaming hindi nagkikita.
Hanggang ngayon nasa puso't isipan ko parin ang nangyari, sinubukan kong kalimotan at talikuran. Pero maalala ko talaga. Nakakainis kasi itong isip ko, eh. Kinalimotan ko na si Charm pero 'yung huling araw naming nagkikita ay hindi pa.
"Hon, are you okay?" Agad naman akong lumingon sakanya. Bumungad sa harapan ko si Nafia kaya mabilis akong ngumiti.
"Yeah. Nasa'n si Ford?" Tanong agad siyang umupo sa harapan ko. Nandito kami ngayon sa sala at naka-upo sa couch.
"Ayun, tulog." Sabi nya. "Ikaw, ang lalim ng inisip mo, ah? Pahinga ka nalang."
"I'm fine," Pagsisinungaling ko kahit alam kong pagod na pagod ako biyahe.
"'Nga pala, galing kaming Hope Elementary University kanina. Doon ko paaralin si Ford, 'yun lang kasi ang malapit na paaralang mapapasokan niya dito," Sabi niya. Tumango nalang ako at tumingin sa kawalan. Parang wala akong gana ngayon.
Wala sa sarili akong napalingon kay Nafia na kunot-noong nakatingin sakin. Ewan ko lang kung anong iniisip niya, seryuso siyang tumingin sakin na para bang may sinasabi yung mata nya na hindi ko maintindihan.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Sinasabi ko na nga ba, eh." Sabi nya sabay iwas tingin . Napakonot - noo naman ako. Agad siyang tumingin sakin. Ngayon, halong galit na ang aura niya.
"Kaya ka pala umuwi dito sa pilipinas, nang dahil sa kanya!" Galit nyang sabi sakin. Parang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Agad akong umiwas ng tingin at napa- 'tsk' nalang.
Tumingin naman ako sakanya. "Sa U.S 'yan din ang sinabi mo sakin, umabot talaga dito, 'no? Nafia, Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na kinalimotan ko na si Charm!" Sigaw ko.
"Talaga? Kinalimotan? Eh, sa eroplano ka pa ganyan, ah? Tunganga ka nang tunganga diyan sa kaka-isip sakanya, 'no? Magde-deny ka pa? Eh, halos hindi mo 'ko kinakausap. Ano, sabik ka ng makita siya? Kapag tinatanong naman kita, parang wala kang ganang kausapin ako! Tapos, kanina bigla ka na lang umalis, kararating lang natin dito, ah? Hinanap mo na siya kagad? Sabihin mo lang, mapapatay ko talaga siya!" Galit niyang sabi. Kahit papa'no napaka-selosa niya talaga. Kung ano-ano nalang ang iniisip.
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo?!" Tiim bagang kong tanong. "Nafia, Ilang beses ko bang sabihin sa 'yo na hindi ko siya iniisip. Kinalimotan ko na siya! Matagal na 'yun, kinalimotan ko na! Kaya ko nga siya iniwan, 'di ba, dahil ikaw ang pinili ko kasi mahal kita, kayo ng anak natin. Hindi pa ba 'yun sapat para malaman mo kung gaano ko kayo kamahal? At walang sigundong hindi ko kayo inisip ni Ford! Halos atensyon ko, na sa inyong dalawa, kulang pa ba 'yun sa 'yo?!" Sabi ko na ikinatahimik niya.
"Umalis lang ako kanina dahil nandoon si Welly sa mall. 'Yun lang!" Dagdag ko pa. Ilang sigundong naging tahimik siya.. Lumingon naman ako sakanya, at naka-tungo lang siya. Agad nalang akong umiwas ng tingin.
Ilang minuto kaming tahimik, muling binasag niya sa ang takahimikan. "I'm sorry, natatakot lang ako na baka iwan mo kami." agad naman akong lumingon sakanya.
"Never. Mas mabuti pang magpahinga ka nalang," Sabi ko. Agad ko siyang hinalikan at tumayo. Hahakbang sana ako ng pigilan niya ako gamit ang kamay.
"Saan ka pupunta?" Tanong nya at agad naman siyang tumayo.
"Mag-grocery lang ako, bibili lang ako ng mga gulay at para kay Ford. Tsaka, Inutusan ko si Gerald na mag-hahanap siya ng maids at guards para kahit wala tayo dito, may magbabantay." Sabi ko tatalikuran ko sana siya ngunit pinigilan ulit ako.
"Sasama nalang ako,"
"'Wag na. Tsaka, nandito si Ford. Sinong magbabantay?" Sabi ko. Agad siyang tumango at binitawan ako.
"Hehe. Oo nga, segi, bilisan mo ang pag-go-grocery, ha?" Sabi nya. Ngumiti nalang ako at tumango.
Agad akong lumabas ng bahay at nagtungo sa sasakyan ko. Wala pa nga ako sa grocery mall, pina-bibilisan na niya ako. Tsk!
©Itsme_kwenny

Comentário do Livro (176)

  • avatar
    Jay Ann Dagdag

    This is so great

    25d

      0
  • avatar
    Weverton Eduardo

    kkkkkkkkkkkk

    25d

      0
  • avatar
    Roma Balmores

    The story is good

    15/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes