logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter Five

Halos mahigit ko ang hininga ko nang sumulpot na lang din bigla sina Timothy at Zion sa likod ko. Pakiramdam ko, magiging laman na ako ng current issue ng school paper namin o baka may administrator dito ng page ng Alpas at gumawa ng kung ano-anong kalokohan. Sa panahon pa naman ngayon, isang kibot mo lang, may issue agad.
Mga tao ngayon ang hihilig sa issue, kung makasawsaw akala mo naman kasi alam ang buong pangyayari.
“M-Meg...” bulong ko at unti-unting binitiwan ang pagkakahawak sa braso niya. Napayuko na lang siya at mabilis na naglakad papalayo sa ‘min.
Tinignan ko naman nang masama si Enrico. Nagkibit-balikat lang siya habang nakatingin sa ‘kin. Iiwan ko na sana sila pero bigla na lang niyang hinawakan ang balikat ko.
“Ano ba?” I hissed. Napakunot naman siya ng noo. Tinignan ko naman sila Zion pero tumawa lang sila nang bahagya.
Grabe, thank you.
“Bakit ang init ng ulo mo?”
Napairap naman ako. Tinanong pa talaga ako nito? Eh, kung maging siya ako at maramdaman niya kung paano niya ginulo ang sistema ko kagabi? ‘Tapos ngayon eeksena pa?
Enrico Salvador, napakasarap mong kutusan.
“Excuse me, Enrico Salvador, makikipag-ayos sana ako sa kaibigan ko pero bigla kang sumulpot.”
Natawa naman siya sa sinabi ko at ibinend nang kaunti ang tuhod para magpantay kami ng taas. Nakangiti niya akong tinignan sa mga mata. Pakiramdam ko tuloy biglang nangatog ang mga tuhod ko dahil sa ginawa niya.
“Huwag mong pilitin ang taong ayaw,” sambit niya at casual na naglakad papalayo habang nakalagay ang mga kamay sa loob ng bulsa ng pantalon.
Nagpaalam na rin sa ‘kin si Zion at sumunod kay Enrico. Ang daming nagbubulungan kaya hinila na ako nina Aisha papalayo sa classroom. Kanina pa pala sila nakarating sa classroom namin, ni hindi ko man lang napansin dahil kay Enrico.
Enrico! Enrico! Enrico! Pangalan pa lang sira na araw ko, nakakaasar.
“Uy, grabe! Ano’ng mayroon kay Enrico, Cass, bakit siya nandito?” tanong ni Rinoa.
Napanguso na lang ako. Hindi na nila ako pinilit magsalita habang naglalakad kami papalabas ng building at iniba na lang ang topic. Pakiramdam ko tuloy, imbes na maging maganda ang outcome ng pagiging close ko kina Zion, nagiging masama pa yata.
Inis na napaupo na lang ako pagkapasok namin ng McDo. Laging ganito ang setup namin tuwing pagkatapos ng klase. ‘Buti na nga lang at hindi na umuulan.
“Okay ka lang?” tanong ni Aisha.
Pinilit kong ngumiti. “Okay lang,” sambit ko. “Medyo pahamak pala sa buhay si Enrico, pero okay lang,” dagdag ko na may halong sarcasm.
Natawa sina Aisha.
“Dapat masanay ka na sa presence no’ng tatlo. Dahil sa school din natin sila nag-aaral,” sabi ni Carissa.
I pouted. May mas lalala pa ba sa nangyayari sa ‘kin? Pakiramdam ko bukas ay kukuyugin na ako ng mga die-hard fans ni Enrico. Nakakainis.
The moment our food arrived, my friends tried their best to avoid anything related to Enrico or even Meg. Kaso hindi rin namin naiwasan dahil nga kailangan din naming magplano para sa upcoming gig ng Alpas na pupuntahan namin.
“Makakasama pa kaya si Meg?” malungkot na tanong ni Andrea.
Napabuntong-hininga na lang ako. “Baka kailangan pa niya ng space,” I uttered.
Inirapan naman ako ni Andrea habang naglalagay ng ketchup sa tissue.
“Cass, ikaw ang nasaktan dito. Bakit siya ang may kailangan ng space? Given naman na kasi na guilty siya, saka tama rin naman si Enrico, huwag mong pilitin ang ayaw. Siyempre mahihirapan din naman siguro siyang maki-fit in sa atin dahil may nagawa siyang mali,” Mika said at kumuha ng fries sa tray.
I sighed for the nth time at uminom na lang sa float ko. Tama sila. Ang insensitive ko na rin siguro kung pipilitin ko si Meg na ayusin ang nangyari sa aming tatlo ni Dane. Kailangan din siguro naming makahinga. In any way, the wounds are still fresh for me. Siguro ayaw ko lang talagang masira nang gano’n-gano’n na lang ang friendship namin.
Siguro nga, kailangan lang namin munang huminga. Bigyan ng space ang isa’t isa. Sobrang tanga rin siguro talaga na gusto kong i-patch up agad 'yung nasira when I literally almost died after learning what happened. Siguro defense mechanism ko na rin 'to... na baka ayaw ko na lang isipin na may gano'ng nangyari sa'ming tatlo kasi kaibigan ko sila, tsaka minahal ko naman talaga si Dane.
Ang weird na ako pa 'tong nag-iisip na sana maging okay kami kahit hindi naman ako 'yung may kasalanan.
Ang unrealistic siguro. Kaso baka 'yun 'yung way para makapag-cope up ako.
Napangiti na lang ako.
**
Alas-sais na nang gabi nang mapagpasyahan naming umalis na ng McDo. Dumaan muna kami sa National Bookstore na malapit sa kinainan naming. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na silang lahat. Nagpaiwan muna ako dahil may kinailangan pa akong bilhin na mga gamit.
Pagkatapos kong mamili ng gamit ay dumeretso ako sa grocery. Babalik na rin kasi ako sa condo ko, siguro bukas o sa susunod na araw. Hindi naman sa naiilang ako sa presence ni Mama, okay nga rin dahil kasama ko si Ashton, pero siguro dahil nasanay na lang talaga akong mag-isa. Hindi rin kasi ako makakapag-focus sa pag-aaral kung nando’n si Ashton dahil makulit din.
Nilibot ko lang ang buong grocery hanggang sa makuha ko na lahat ng dapat kong bilhin. Gumawa na rin kasi ako ng listahan bago ako pumasok kanina. Medyo mahaba ang pila kaya naghintay pa ako ng ilang minute. Habang naghihintay ay kinuha ko ang cell phone at earphones ko at nagpatugtog ng mga kanta ng Alpas.
Tanong ako nang tanong noon kung ano ang nagustuhan nila sa Alpas, without even trying to listen to their songs. Pakiramdam ko kasi, ang pangit kapag nakikisabay ka sa mainstream o sa uso. Para mo na ring sinabing lagi kang nakiki-bandwagon.
Pero tama rin ‘yong iba, depende iyan sa nauuso. May mga nauusong hindi dapat talaga mauso, pero may mga nauuso rin na deserve talagang mabigyan ng spotlight—katulad na nga lang ng Alpas. Maybe may mga tao pa rin talagang hindi mapi-please ng apat through their music. One time nga ay may ipinabasa sa ‘kin sina Aisha. Below the belt na way of bashing ng ibang anti-fans. Mga feeling mananalo sa argument. Ad hominem lang naman ang panlaban.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nabayaran ko na rin ‘yong mga pinamili ko. Pumunta pa ako saglit sa isang pop-up ice cream store at bumili, at saka dumeretso sa baggage counter para kunin ang mga gamit ko.
Nang makalabas ng grocery story ay nagulat ako dahil biglang umulan. “Anak ng…” bulong ko habang pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan sa kalsada at ang unti-unti n’ong pagkabasa. Malayo pa naman ang sakayan mula rito.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi rin ako puwedeng tumakbo dahil lahat ng bitbit ko ay naka-paper bag. Pero wala rin namang choice.
“Bahala na nga,” naiinis kong sambit. Tatakbo na sana ako pero bigla kong naramdamang may nagpatong sa ‘kin ng kung ano mang tela.
Ang bango, jusko.
“Masamang magpaulan, may sugat pa iyang ulo mo,” sambit niya.
Pagkatingala ko ay ngumiti siya. “Enrico…”

Comentário do Livro (46)

  • avatar
    Janna May Bellen

    nicee grrr

    25d

      0
  • avatar
    Zhyra Odevilas

    iloveit

    01/08

      0
  • avatar
    Ashley Camille Guiriba Mangahas

    Good!!

    16/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes