logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

My Fairy Lover

My Fairy Lover

LunaticPessimist


Chapter 1

Tahimik at payapa ang buhay sa Alynthia Kingdom. Ang kaharian ng mga diwata kung saan matatagpuan ang susunod na tagapagmana ng trono.
"Bakit ba napakakulit niyo mahal na prinsesa? Hindi po dapat kayo lumalabas," sermon ng isa sa mga mababang uri kay Titania⁠— ang prinsesa ng Alynthia.
Bagaman at ipinanganak na lalaki ay tinuring na prinsesa ang diwata dahil sa angking kagandahan nito.
Ang natatangi nitong mga pakpak at nakabibighaning karikitan ay mga tanda. Dahil ayon sa propesiya, ang diwata na magkaroroon ng ganitong katangian ang magliligtas sa Alynthia.
"Gusto ko lang naman makakita ng tao," malungkot na tugon ng prinsesa.
"Ngunit lubhang mapanganib ito mahal na prinsesa," ang sagot ng mababang uri.
Dahil dito ay nakaramdam ng labis na lungkot si Titania. Matagal na kasi siyang humahanga sa paraan ng pamumuhay ng mga tao.
Tahimik niyang pinagmamasdan ang mga ito sa malayo. Ginagaya ang bawat salita at kilos na nakikita niya mula sa mga ito.
Ngunit ipinagbabawal silang makisalamuha sa mga tao dahil sila ay kakaiba.
Hindi gaya ng mga tao ay mas maliit sila kumpara sa mga ito. Nakalilipad at may kapangyarihan.
Dahil dito ay pinili nilang lumayo at magtago sa mga tao. Ngunit para sa kanya ay hindi ito patas. Labis kasi siyang namamangha sa mga bagay na gawa ng tao.
Sa tingin niya ay walang masama kung makikipagkaibigan siya sa mga ito. Marami kasing naniniwala sa mga kagaya nila. Ilang tao na ang nakita niyang may Fairy House sa bakuran nila at gustong makakita ng kagaya niya.
Ngunit dahil lubos itong ipinagbabawal ay hindi siya nagpapakita sa mga ito sa takot na maparusahan.
Hindi nagtagal ay nakaramdam ng antok ang tagapagmana kung kaya't iniwan na siya ng mga naninilbihan upang matulog.
Sa kabilang banda
Nagtipon ang buong angkan ng mga bampira. May mahalagang balita ang kanilang pinuno⁠— si Valentina.
"Alam ko na ang solusyon para magkaroon tayo ng kakayahang maiagpang ang sarili natin sa sikat ng araw," ang nakangising saad ng pinuno ng mga bampira.
"Ang dugo ng mga diwata ang magbibigay sa atin ng pagkakataong mabuhay ng normal sa mundo ng mga tao," dagdag nito. Sumang ayon ang mga bampira.
Matagal nang problema ng mga bampira ang sakit na dulot ng sikat ng araw. Kapag kasi nasisikatan sila ay nasusunog sila at namamatay. Dahil dito ay naghanap sila ng solusyon.
Naniniwala silang hindi sila mabubuhay ng normal kung tuwing gabi lamang sila makalalabas.
Kaya ngayong may sagot na ay pinagplanuhan na nila ang paglusob sa Alynthia Kingdom.
"Ina kailangan po ba talaga natin itong gawin?" tanong ng prinsipe ng mga bampira. Ngumiti ang pinuno at hinawakan ang mukha ng kaniyang anak.
"Ang buhay ay laro anak."
Lumapit si Valentina sa kanyang anak at hinaplos ang mukha nito. Naghahanda na sila sa paglusob ngunit may bumabagabag sa loob ng prinsipe.
"Dalawang klase ng nilalang ang nabubuhay sa mundo. Ang mandaragit at ang biktima."
"May kakayahan kang pumili kung ano ka sa dalawa. Kung gusto mong manalo sa larong ito ay kailangan mong maging isang mandaragit dahil kung hindi, ikaw ang magiging kaawa-awang biktima."
'Yun ang mga katagang binitawan ng kanyang Ina bago nila lusubin ang kaharian ng mga diwata. Labag man sa kalooban ay pinanood niyang ikulong at patayin ng mga kagaya niya ang mga ito.
Nang hindi kayanin ng prinsipe ang nakikita ay nagtago siya sa mga bulaklak kung saan nakita niyang tahimik na nahihimlay ang isang magandang diwata.
Labis ang pagtataka nito dahil sa kabila ng kaguluhan sa kanilang kaharian ay wala itong kaalam-alam at mahimbing na natutulog sa isang mabangong bulaklak.
Pinagmasdan niya ang maliit na diwata at nabighani siya sa angking kagandahan nito. Ngunit nabura ang ngiti sa labi niya ng maalala niyang nasa panganib ang buhay nito.
Sa labis na konsensya na naramdaman ng prinsipe ay maingat niyang binuhat ang diwata at parang kidlat sa bilis na nilayo ito sa kapahamakan.
Niligtas niya ang prinsesa at iniwan sa isang tangkay ng malaking puno.
"Sana ay magkita tayo muli magandang diwata. Mag-iingat ka," ang sabi ng prinsipe at mabilis na nawala na parang bula.
Nang magising ang prinsesa ay napuno ng pagtataka ang kanyang mukha. Huling naaalala niya ay umidlip siya sa isang bulaklak hindi sa tangkay ng puno.
Lumipad ang maliit na prinsesa gamit ang kanyang mga makukulay na pakpak.
Hindi pamilyar sa kanya ang lugar.
Sinubukan ng prinsesa maglibot ngunit sa tingin niya ay nasa ibang lugar siya.
Marami ring mga puno ngunit hindi niya ito kilala kung kaya't sa tingin niya ay nadala siya sa ibang lokasyon.
"Posible kayang nilipad ako ng hangin?" bulong ng prinsesa sa sarili.
Nagpatuloy siya sa paglipad hanggang sa kumagat ang dilim. Umiilaw ang prinsesa sa dilim dahil isa ito sa mga katangian nilang mga diwata.
Nanlaki ang mata ng prinsesa ng makakita siya ng isang malaking tirahan. Kung hindi siya nagkakamali ay tirahan ito ng isang tao. Sa sobrang kursuyodad ay pasimpleng lumapit ang prinsesa sa malaking gusali.
"Oo p're! Hahaha. Bukas aalis rin tayo kaagad. Chill ka nga lang!"
Nagpanting ang tenga ng prinsesa nang makarinig siya ng boses sa loob.
"Mga tao!" nanlalaking matang saad ng prinsesa.
Sumilip ang s'ya sa loob at nakita niyang nakaupo ang mga ito at tila masayang nag-uusap. Pinanood niya ang ginagawa nilang pagsalin ng inumin sa isang maliit na baso.
"Bakit sila gagamit ng maliit na baso kung may malaki naman?" nagtataka nitong kausap sa sarili. Matagal na nag-obserba ang prinsesa hanggang sa hindi inaasahang nakalalasong insekto ang dumating.
Agad naalarma ang prinsesa sa nakitang kalaban na gusto siyang kainin. Marahil ay naakit ito sa pagliwanag niya. Sa sobrang taranta ng prinsesa ay pumasok siya sa loob ng gusali at nagtago. Agad siyang sinundan ng insekto ngunit sa tingin niya ay naligaw niya ito.
Pinagmasdan niya ang pinagtataguan niyang bagay. May lupa sa loob at may nakatanim dito na bulaklak. Sa pagkakaalam niya ay paso ang tawag dito.
Agad na nagtago ulit ang prinsesa nang may biglang pumasok sa silid na pinagtataguan niya.
Sumilip ang prinsesa at labis siyang namangha sa napakakisig na binatang bumungad sa kanya.
"Smells like strawberries," ani ng binata. Nagsumiksik ang prinsesa sa paso ng lumapit ito sa pinagtataguan niya.
"Now I'm craving for a cupcake," sabi ng binata at kumuha ng pagkain. Hindi naiintindihan ng diwata ang sinasabi ng binata. Marahil ay ibang wika ang ginagamit nito.
Namilog ang mata ng prinsesa at tumaas ang pakpak sa sobrang saya nang makaamoy siya ng matamis na pagkain. Sisilip sana siya pero agad s'yang napatago ulit nang makarinig ng malakas na sigaw.
"BUGS!!!" naghihisterikal na sigaw ng lalaki sa kabilang silid.
Mukhang nagulat ang makisig na binata at dali-daling umalis.
Ngunit agad din siyang napangiti ng maamoy ang matamis na pagkain. Sumilip siya at nakita niya ang tinatawag na cupcake ng binata sa harap ng pinagtataguan niya.
"Iniwan niya ba ito para sa'kin!" masayang sabi ng prinsesa.
"Napakabuti niya," nabighaning saad ng diwata.

Comentário do Livro (12)

  • avatar
    Maria Jereil Agus Jonson

    nice story waiting sa next chapter nakakabitin eh

    19/07

      0
  • avatar
    Kerly Espaol

    I love dis story I love it

    09/07

      0
  • avatar
    Jem Ma

    Ang ganda sana kaso bitin

    04/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes