logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 48

Avzora.
Nasagot na lahat ng mga katanungan sa utak ko, kung bakit magkatulad kami ni Ate Alfalla ng presensiya, kung bakit parang may koneksiyon kami sa isa't isa, kung bakit parang gano'n ko nalang kagustong makita at makausap si Ate. Dahil pala ay magkambal kami, hindi kami magkamukha pero sabay kaming ipinanganak ni Ina. Kaya pala ayaw na ayaw sa akin ni Ate no'n dahil akala niya ay isa akong impostora, na nagpapanggap ako bilang anak ni Ina. Isa lang kasi alam niya at 'yon ay siya ang tunay na anak, pero nang dahil sa hindi namin alam ang buong kuwento na kami ay siyang isinilang ng sabay ni Ina.
Hindi parin ako makapaniwala na magkapatid kami, hindi ako makapaniwala na may koneksiyon talaga kami sa isa't isa. Na kaya pala masaya at magaan ang loob ko sa kaniya dahil iisa lang ang dugo ang dumadaloy sa aming katawan. Agad kong pinunasan ang luha ko sa mga pisngi gamit ang mga palad ko at tinignan sa mga mata si Ate.
Pagkakalas ko sa yakap sa kaniya kanina ay tulala na siya habang nakatingin sa mga mata ni Brooch. Ginamot ko kaagad si Brooch na siyang ikinawala ng sugat nito pero hindi maibabalik ang raming dugo na nawala sa kaniya kaya agad ko siyang dinala sa Clinic at binalikan ulit si Ama at si Ate.
Hindi ko maipaliwanag sa sarili ang tuwa at saya, na para bang hawak-hawak ko ang mundo dahil sa nalaman ko. Na parang ang daming biyaya na naibigay sa akin na hindi ko alam kung paano ko natanggap na wala naman akong nagawa masiyado na mabuti.
"Hindi ako makapaniwala na magkapatid pala tayo Ate Alfalla." Ngiti kong sabi habang nakatingin kay Ate, tinignan niya ako sa mga mata na para bang sinusuri niya ng mabuti ang buo kong mukha. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa tingin niya. Hindi niya ba ako tanggap? Hindi niya ba ako tanggap bilang kadugo niya at kapatid?
"That's explain why I want to see you everyday and I don't want you to be hurt everytime there is a chaos." Mahinang sambit niya, agad naman akong napangiti ng malapad dahil sa sinabi niya.
"But still I can't accept the things that are happening now, sa tagal kong nabubuhay mag-isa para lang malaman ang kasagutan na siyang matagal ko ng h-hinahanap, ay siyang nalaman ko na din sa wakas sa hindi inaasahang pagkakataon." Niyakap si Alfalla ni Ama mula sa likuran.
Nakatingin ako sa mga mata ni Ama, hindi ko siya nakita kailanman pero ang boses niya ang laging gumagabay sa akin noon. Hindi ko sinabi kay Amang Cylechter na kinakausap ako ng tunay kong Ama. Noon pa man alam ko ng anak ako ng isang Devil Lord, dahil namulat ako sa kapangyarihan na hindi ko inaasahan na magkakaroon ako. Laging bumubulong ang boses ni Ama sa tenga ko na ako ang tunay niyang anak at siya ang tunay kong Ama. Ngayon na nakikita ko na siya sa malapitan, nakikita ko na ang kabuuan niya ay labis na tuwa ang nararamdaman ko ngayon. Ang puso ko na hinahaplos dahil sa saya na nakita ko na siya sa personal at hindi na ang boses niya ang tangi kong naririnig gabi-gabi.
Kamukhang-kamukha niya si Ate Alfalla.
"Ngayon, alam mo na ang katotohanan Alfalla anak. Sana matanggap mo ang tadhana na hindi lahat ng bagay na gusto mo ay makukuha mo agad. Ganiyan din ako noon Alfalla, napakaraming tanong ang bumabagabag sa akin kung paano ako lumaki kasama ang hindi ko tunay na mga magulang, na ang kanilang tunay na anak ay siyang pinaslang ko dahil lang sa maling pagmamahal." Bahagya akong nagulat dahil sa sinabi ni Ama, hmmm— natural na sa kaniya ang pumatay dahil isa siyang demonyong namumuhay sa malalaking apoy sa ilalim ng puno.
"Kaya mga anak, tanggapin niyo ang tadhana. Tanggapin niyo ang katotohanan na nangyari ngayon at kalimutan na ang mga negatibong bagay na matagal ng bumabagabag sa inyong mga utak. Ako, naiintindihan ko rin ang posisyon ng batang 'yon na isang Bampira, gano'n na gano'n din ang nangyari sa akin noon na nangangailangan ng atensiyon at pagmamahal. Kaya kayo, malaki na kayo at lumaki kayong malalakas sa iba't ibang paraan. Masaya ako dahil hindi ako nabigong isakripisyo ang sarili ko sa pagligtas sa Ina ninyo, dahil alam kong tatlong buhay ang maililigtas ko." Agad akong naluha dahil sa sinabi ni Ama, hindi ko alam kung ano ang naramdaman niya no'n no'ng huling sulyap nalang ang kaniyang nagawa kay Ina nang mawala siya sa kalagitnaan ng pagligtas niya sa amin.
"Madali lang bang kalimutan ang mga sakit na pinagdaanan ko Ama? Kung gano'n lang kadali ang lahat, sana ay natutuwa na ako ngayon at masayang-masaya pero bakit gano'n? Mas lalong sumakit dahil akala ko ako lang, ako lang ang tunay niyong anak?" Napatingin ako sa mga mata ni Ate na nakatingin na ngayon sa akin, na para bang sinasabi niyang bakit pa ako nabuhay. Napayuko ako dahil do'n, hindi ko alam na gano'n parin ang nararamdaman niya.
"Anak, hindi din ginusto ni Avzora ang lahat ng nangyari. Masakit din para sa kaniya ang lahat, masakit din para sa kaniya ang mga nalaman ngayon." Sambit ni Ama.
"Hindi kami magkatulad ng nararamdaman Ama, lumaki siyang masaya na may nag-aaruga sa kaniya. Lumaki akong may nag-aaruga pero kasabay ko naman ang lungkot at sakit, galit at poot sa buhay ko. Lumaki siyang mabait, lumaki akong masama. Lumaki siya na ang tanging naiisip ay ang misyon na hanapin ang mga magulang nito habang ako? Lumaki akong hanapin si Ina habang may namumuong paghihiganti sa puso ko kung sino ang puno't dulo ng lahat. Magkakonekta kami sa isa't isa pero hindi kami magkatulad ng iniisip." Mahabang paliwanag nito, napatango nalang ako dahil alam ko ang punto niya. Masakit para sa kaniya na napakalaking naiambag sa mundong 'to para malaman kung sino talaga ang mga magulang niya pero malalaman niya nalang na nasa paligid lang pala nito ang kasagutan.
"Hindi sapat lahat ang bayad na siyang gusto kong makuha, pero bakit gano'n? Habang tumitingin ako sa mga mata niyo ay parang sinasabi ng puso ko na mali ang sinasabi ng utak at bibig ko? Iba ang emosyon sa sinasabi ko at sa nararamdaman ko ngayon? Na magkasalungat ang laman ng utak at puso ko ngayon? Posible ba 'yon?" Iyak niya ng sabi.
"A-Ate." Tawag ko sa pangalan niya kaya napatingin siya sa akin.
"You've been with Mother and you already felt how lovable she is while me? Still seeking for answers why I can't love myself enough and desperately looking for the one who can do it for me! Sawa na akong mahalin ang sarili ko, sawang-sawa na ako sa naiisip kong wala namang nagmamahal sa aking iba." Turan niya, humagulhol siya sa iyak na ikinahikbi ko. Naiiyak akong napatingin kay Ama na ngayo'y may mga malulungkot na mga mata habang nakatingin sa akin. Hinaplos ni Ama ang buhok ni Ate at napasandal naman ang ulo nito sa dibdib ni Ama.
Magkakonekta nga kami sa isa't isa at ngayon ay naiintindihan ko na ang lahat. Naiintindihan ko kung bakit ganiyan ang kaniyang nararamdaman at naiisip. Dahil tama siya, magkakonekta kami pero hindi kami magkatulad ng iniisip, magkakonekta kami pero hindi kami magkatulad ng nararamdaman. Sa akin ay madali lang tanggapin ang lahat at siya naman, kailangan niya pang iproseso kung totoo ba ang lahat o parang kasinungalingan lamang.
"Don't say that, ngayon na alam mo na ang katotohanan ay marami ng magmamahal sa'yo. At huwag mo ngang sabihin na walang nagmamahal sa'yo anak, no'ng hindi ka palang isinisilang at ako ay nasa impyerno pa, minahal na kita na para bang karga-karga kita sa mga bisig ko. Gano'n din ang nararamdaman at naiisip ko kay Avzora, na dapat sana ay lumaki kayo sa mga bisig ko at kahit nagdadalaga kayo ay buhat na buhat ko parin kayo."
"A-Ate, no'ng wala pa ako ay alam kong mahalaga sa'yo ang mga kaibigan mo at mahalaga ka din sa kanila. Sana alam mo 'yo—"
"Don't call me 'Ate' Avzora, segundo lang ang tanda ko sa'yo at tiyaka hindi ako sanay." Napangiti nalang ako sa dahilan niya, tumango nalang ako at tinignan nalang siya sa mga mata. Kumalas siya sa pagkakayakap niya kay Ama, tumayo siya at matapang na hinarap ang madilim na kalangitan.
"Hindi ko pa tanggap lahat pero alam kong mangyayari din 'yon balang-araw. Na matatanggap ko din ang lahat at kapag nangyari 'yon, sana ay maging masaya na ako sa buhay." Tumingin sa akin si At—Alfalla.
"Aalis ako." Agad naman akong nagulat sa sinabi niya, napatayo ako at malungkot siyang hinarap.
"S-Saan ka naman pupunta? Hindi ba puwedeng dito ka na muna? Puwede bang ayusin muna natin ang lahat?" Mga tanong ko sa kaniya, nginitian niya lang ako at napapikit siya.
"Bilib ako sa'yo Avzora dahil natatanggap mo ang lahat kaagad, masaya ako dahil biniyayaan ako ng kaibigan na katulad mo at huwag mong isipin na hindi kita tanggap bilang kapatid. Masaya ako, masayang-masaya ako dahil sa wakas ay alam ko na ang mga sagot sa katanungan ko pero, sana maintindihan mo ako na kailangan ko pang mag-isip at magpahinga sa mga nalaman ko. Naiintindihan mo ba ang punto ko?" Wala akong nagawa kundi ang tumango sa sinabi niya, agad kong tinakbo ang puwesto niya at tinapon ko sarili ko sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit, ni hindi ko mapigilan ang mga luha ko na pumapatak na ngayon sa kaniyang likuran.
"Ama, sasama muna ako sa'yo. Pumunta ako sa Publiko Encantado and I met the oldest Enchantress their na binilan mo. I learned spells on how to live in hell with demons." Gulat akong napakalas at tinignan sa mga mata si Alfalla.
"You're going to hell?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya, ngumiti naman ito ng pilit habang tumango-tango.
"Sigurado ka ba anak?" Napatingin naman ako kay Ama na nangungusap ang mga mata na nakatingin kay Alfalla.
"Oo, sigurado ako. Do'n ko sasanayin ang sarili ko sa mga bagay-bagay, magpapahinga muna ako. Ibabaon ko sa impyerno ang lungkot at pait, sakit at poot na naramdaman ko sa ilang taon ng dumaan." Tumingin sa akin si Alfalla at ginulo ang buhok ko.
"Sasama ako." Biglang naging seryoso ang mukha niya na siyang ikinalunok ko.
"Kailangan mong bantayan si Se—si Ina dito. Kailangan mong tulungan ang mga estudyante dito na mapalayo sa gulo. At diba? Kinukutuban ka sa baging Headmistress? Puwes, gawan mo ng paraan at hanapin mo ang sagot para malaman mo rin kung gaano kasaya ang mga misteryosong bagay na gusto mong malaman. Huwag mo akong intindihin dahil magiging maayos din ako, ako pa?" Sabi nito, unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya.
Humiwalay na sa akin si Alfalla at nakita ko kung paano hinawak ni Ama ang magkabilang-balikat nito. Nag-apoy ng pareho ang kani-kanilang mga katawan at nakita ko din kung paano lumitaw ang Magic Circle sa kanilang paanan na nagliliwanag din ng pula. Isang spell na siyang magdadala sa kanila ng sabay sa impyerno.
"Hell Door." Bulong ni Alfalla, tumingin pa siya kay Ama at ibinaling ulit sa akin.
"Babalik din ako kaagad kaya huwag kang mag-alala. Pagbalik ko, babawi ako sa'yo at magsasama tayo habang may tuwa sa mga labi natin. Ayos ba?" Tumango ako habang ang mga luha ay nag-uunahan sa pagtulo mula sa aking mga mata, nakita ko din na napaluha si Alfalla hanggang sa kinain na sila ng pulang liwanag.
"Mag-iingat ka anak, babantayan ka namin ng Ate Alfalla mo." Huling sabi ni Ama habang nakangiti sa akin kasabay no'n ay ang paglaho ng kani-kanilang mga katawan at presensiya.
Napaluhod ako at hinawakan ang lupa, napangiti ako habang ang mga luha ko ay nag-uunahan parin sa pagtulo.
"Aasahan ko 'yan Alfalla at sa pagbalik mo, 'Ate' na ang itatawag ko sa'yo, sa ayaw at sa gusto mo. Mahal kita, mahal ko kayo ni Ama kaya mag-iingat kayo. Mag-ingat kayo palagi diyan dahil mag-iingat din ako dito." Sabi ko.
Ngayon, kakaharapin ko ang siyang magiging posibleng problema sa mundong ito dahil alam kong kakayanin ko. Dahil alam kong mana ako sa Ina kong matapang, mana ako sa Ama kong malakas at mana ako sa kapatid kong makapangyarihan.

Comentário do Livro (65)

  • avatar
    Meizaa

    Wow na wow talaga author ito talaga ang the best ever na nabasa ko dito sa novelah hayst ang ganda ng pag kakagawa mo 🥰👍

    2d

      0
  • avatar
    Jenny Villareal

    it so good to read I love it

    3d

      0
  • avatar
    Bai Yna Guiandal Alim

    napaka ganda

    5d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes