logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4.

Ace’s POV
         It was 5:00 in the afternoon and Bryx, Ross and I were walking. We were silent. It’s a good thing Bryx didn’t find out about me kissing Ayra because he will punch me for sure.
“Kasama ko po sila, manong,” magalang na paalam ni Bryxwell sa bantay ng universidad namin.
Ngumiti at tumango lang ang guwardiya bilang tugon. We went to the parking lot and I noticed a car, Crian’s car was here. Ayra’s second name.
Dapat ay kanina pa siya nakauwi. Patakip-silim na. Ano pang ginagawa niya rito?
“Hey, Ace! Ikaw na raw magdrive sabi ni Bryx!” Ross said to me and handed me the car key.
Ako pa talaga? Sana ay hindi na lang nila ako sinama.
“Ace,” biglang lumapit sa akin si Bryxwell so I faced him. “Why don’t you tell me the truth?” What would he ask? He’s too serious.
“Why?” I asked. Trying to calm down even though I was a little nervous.
Tinitigan niya ako sa mga mata. “Are you related to Ayra?”
Nagulat ako sa tanong pero hindi ko pinahalata. Iyon naman dapat ang gawin. Pero ano naman kung malaman niya? Pft, p’wedeng masira ang aming pagkakaibigan? Maraming p’wedeng mangyari dahil walang lihim na hindi nabubunyag.
“Wala, hindi ko nga kilala ang asawa mo. Anong magiging related ko sa kaniya? Ito lang. Kilala ko siya because we’re friends,” I answered simply.
“Mahal ko ’yon,” he said and wiped his face in frustration. “Argh! Bwisit!” I heard his shout.
Kapag ganito ang lalaking ’to, he’s serious.
“Mahal mo siya? Why don’t you let her know? Hindi sulosyon ang galit. Para naman kayong hindi matatanda,” bakas ang inis sa boses ko.
“How?!” Anger was in his voice.
See? He forgot what I said earlier.
“Kalimutan mo ang nakaraan, gumising ka sa reyalidad,” I looked at him and shook my head. Muli kong binalik ang tingin ko sa kotse. “Walang kasalanan si Ayra kung naghiwalay kayo ng ex-girlfriend mo. Pareho lang kayong biktima. Alam mo naman na may ex-boyfriend din siya, ’di ba? Apat ang nasaktan dahil sa kasal na ’yan kaya huwag kang makasarili, Bryx. Kung ano man ang nararamdaman mo, nararamdaman din ng iba. Hindi lang ikaw ang kawawa,” mahaba kong lintaya at iniwas ang tingin.
“Do you know her ex-boyfriend? Mahal pa rin siya ni Ayra!”
“Hindi ko kilala. Napapakwento sa akin ang asawa mo pero wala siyang nabanggit tungkol diyan.”
Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili. “Until now gulong-gulong pa rin ako.”
“If you’re confused about her, ibalik mo sa akin,” I whispered softly that I knew he couldn’t hear.
Sumakay na ako sa driver seat. Si Ross naman ay sa passenger seat. Si Bryx ay sa back seat. Ginawa talaga akong driver ng dalawang ’to. Nagmaneho na ako at katahimikan ang namamalagi sa amin pero binasag iyon ni Ross.
“Birthday ng asawa ni Bryx, ’di ba?” basag niya.
Bryx looked at him so he asked, takang-taka. “How did you know?”
“Bakit? Crush ko si Ayra, e. For me she’s cool. Alam ko lahat tungkol sa kaniya,” pagmamayabang nito. “Kung ayaw mo na sa kaniya, ibigay mo na lang sa akin. Hanggang sulyap lang kasi ako hanggang ngayon, e.” Ross dramatized with a hand holding his chest. Nagpapanggap na nasasaktan. “Joke. Baka masapak ako,” he laughed awkwardly.
“Corny mo, Ross!” bulaslas ko habang nasa daan ang tingin.
“Pakialam mo ba, driver?!” balik niyang bulyaw.
Napailing-iling na lang ako at hindi na dinugtungan ang pagiging siraulo niya. Tiningnan ko si Bryx na nakatingin sa bintana, malalim ang iniisip at malamig ang emosyon. Ano na naman kayang nangyari dito?
While I was driving, I saw Crian walking with earphones in her ears. Baliw talaga itong ex-girlfriend ko. Nakapikit siya habang naglalakad kaya ang ginawa ko ay binusinahan ko siya. She opened his eyes and looked at us without emotion.
Kahit kailan talaga!
Nasa school ang sasakyan niya tapos mas piniling maglakad?
“Uy, bigla akong ginanahan, ah!” rinig kong sabik na sabi ni Ross. “Puro kasi mukha nina Bryxwell at Ace ang nakikita ko sa araw-araw, buti na lang nasa harap ko ngayon ang paborito kong makita.”
Gusto kong matawa sa mga sinabi niya. Ewan ko kung nananadya ba ito. Parang pinagseselos ang aming kaibigan pero base sa kilos niya, parang may paghanga nga siya kay Ayra.
“Hoy, Bryx!” tumingin si Ross sa backseat. “Isabay na natin si Ayra. Umuuwing mag-isa, oh. Hindi mo man lang isinabay.”
“Bahala kayo,” Bryx replied even though he really wanted to.
I opened the window and faced this woman. Her forehead furrowed.
“Sumabay ka na sa amin,” I said without emotion. I want to accompany her insignificant emotions. She looked at the car. Alam niyang kotse ito ng asawa niya kaya muli akong nagsalita. “Bryxwell is in the back kung hinahanap mo siya.”
Hindi niya ako sinagot. Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Halatang hindi nagustuhan ang tinuran ko kaya muli siyang nagpatuloy sa paglalakad.
“Kahit ngayon lang, Ayra. Birthday mo naman bukas. Regalo mo na ’to sa akin, oh!” walang hiyang pagmamakaawa ng isip bata.
Pinakatitigan ni Ayra si Ross, sinuri ang mukha nito. Maya-maya lang ay naglakad siya papalapit sa pintuan ng backseat. Woah, kapag kay Ross payag agad? Angas, ah.
I followed her with my gaze. She opened the car’s door. Bryx and Ayra stared at each other and I can feel the tension in them. Anger and pain. Pero kung hindi mo kilala si Ayra, you won’t read her easily.
Ayra just ignored Bryx so she rode on. I just turned the car on and focused on driving. Sumilip ako sa front mirror para malaman kung anong ginagawa ng dalawa sa likod. I was surprised dahil nakasandal ang ulo ni Ayra sa balikat ng asawa niya. Sumakay ba siya para matulog? Mukha naman siyang hindi antok kanina o baka nakikiramdam lang ito?
Pero sanaol.
“Mangalay sana leeg mo riyan,” bulong ni Bryx na sapat na aming maririnig.
“P’wede akong magpresinta!” nakangiti ng wagas si Ross. Nakuha pang itaas ang isa niyang kamay.
“Manahimik ka na nga, Ross,” iritang sita niya rito. Halatang nababanas na sa kakulitin ng kaibigan namin.
Napanguso na lang si Ross at nananahimik.
I will admit Ayra Crian is beautiful and smart. When we first met she was really cold and lifeless to talk to but she managed how to smile when we became. Hindi ko lang alam sa ngayon. She intensified because she didn’t care about her surroundings.
I stopped the car when Crian spoke. We all looked at her.
“J-Jeedler. . .” nahihirapan siyang magsalita at hindi maipinta ang kaniyang mukha. Parang bangungot ’to sa kaniya.
“Anong nangyayari diyan?” lingon ko sa likuran, asking Bryxwell.
“Hindi ko alam,” his simple answer. Nakatitig din siya sa asawa niya at naghihintay ng sunod na sasabihin.
“Who’s Jeedler? Tao ba ’yon? Baka alagang aso niya rati? O bagong pangalan ng pagkain? Pagkagising tanong niyo kung gutom.”
Sinamaan namin ng tingin si Ross pero siya ay walang reaksyon. Seryoso siya sa kaniyang pinagsasabi.
“J-Jeedler. . .” may tumulong kaunting luha sa kaniyang mga mata.
Ngayon, alam kong hindi siya nakikiramdam. Nakatulog talaga siya sa braso ng kaniyang asawa.
Bryx was supposed to wake her up pero hindi natuloy nang umaliwalas ang mukha nito.
“Bagong lalaki na naman? Sino ’yon?” Bryx was confused.
We didn’t even know. Baka naman nananaginip lang siya o banggit nang banggit ng kung ano-anong pangalan, pero hindi. Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata at alam kong importante sa kaniya ang Jeedler na ’yon.
“Hindi ko kilala. Just ask Ayra when she’s awake, hehe,” suhestiyon ni Ross.
Matagal niya na iyang binabanggit noong kami pa. Nang tanongin ko siya kung sino si Jeedler ay umiwas siya sa usapan. Sa mga mata niya ay makikita mo ang sakit.
Gaano ba kalahaga sa kaniya ’yon?
Pinaandar ko na muli ang sasakyan. Walang umimik sa amin dahil iniisip rin nila ang binanggit na salita ng babae. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa daan.
“Narinig ko na ang pangalang Jeedler kay Ayra noong natutulog siya sa sofa. Wala naman akong pakialam kaya hindi ko pinansin,” pahayag ni Bryx. Napaikot pa ng mga mata.
“Same as you,” I agreed. Wala naman akong pakialam kung makahalata si Bryx.
“Ako?” Ross pointed at himself. “I saw the name Jeedler in her notebook when I borrowed it.”
“Malalaman—fuck!” malakas kong mura at biglang napapreno. “Anong trip nila?”
“Why?” inosenteng tanong ni Bryx. Hindi niya makita ang nasa harapan dahil kay Crian na ayaw niyang mahulog ang ulo nito.
“May anim na lalaking humarang sa atin,” si Ross na may pasingkit-singkit pa ng mga mata at pakagat-kagat ng labi. Tsk, abnormal.
Maingat na tinaggal ng aking kaibigan ang ulo ng kaniyang asawa saka isinandal iyon. Bumaba si Bryx kaya bumaba rin kami.
“May problema ba tayo?” harap niya sa mga ’to.
“Mahabaging diyos! Ingatan niyo po ang ubod kong kagwapuhang mukha!” I heard Ross shout behind us.
“Shut up, Ross,” suyaw ko rin.
Nagsalita ang parang leader nila. Marami itong tattoo sa katawan at maangas ang dating. “Kailangan muna namin kayong patumbahin para makuha ang gusto namin.”
“Simple lang naman ang kailangan namin sa inyo pero mukhang hindi niyo kayang ibigay,” sabi ng isa na may hawak na four finger.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"
Nagulat kami nang bigla silang mga nagtawanan. Natutuwa ba silang pinaglalaruan kami? Para silang mga may sapak sa utak dahil walang nakatatawa roon.
Nakuha ko nang magtanong. “Ano bang kailangan niyo para matapos na ’to, boss?”
“Kaya niyong ibigay?” ngumisi siya.
Malamig na sumagot si Bryx. “Hindi.”
Mukhang nakuha niya ang tinutukoy ng pinuno nila kaya humindi siya sa kagustuhan nito. Ano bang kailangan nila kay Ayra?
“Kayo mismo ang nagdesisyon.” Napailing-iling siya. Tila nanghihinayang. “Sugurin niyo na!”
Susugod sana sila sa amin pero mabilis silang napahinto. Nanlaki ang kanilang mga mata. Gulat na gulat sila sa nakita. May tinitingnan ang mga ‘to kaya tiningnan namin kung ano. Nakita namin si Crian na kabababa lang ng sasakyan at nagkukuskos pa ng mga mata.
“Ingay, ah” aniya. May halong kairitahan sa boses niya, animong nabitin ang tulog. Natigilan siya sa ginagawa nang mapasin kung ano ang nangyari. Kinabahan ako dahil bigla siyang napangisi. Parang natutuwa siya sa nakikita niya ngayon. “Ano na namang kailangan mo, Uling?”
Dahil sa pagtawag niya ng uling. Napatingin ako sa leader, nababagay ang pangalang iyon.
“Wala ka pa ring pinagbago, aming mahal na reyna,” may pagkasarkastikong sabi nito.
Dahan-dahang lumapit si Crian, ang ibang tauhan ay napaatras. Nagulat kaming lahat nang kwelyuhan niya si Uling nang makalapit. Inilapit niya pa ang kaniyang mukha.
“Ayra!” mabilis na reaksyon ni Bryxwell. Nagulat sa ginawa ng asawa.
“Ano bang kailangan niyo?! Babae ang kaharap niyo! Huwag niyong sasaktan!” inis kong sigaw dahil nag-aalala ako kay Crian na baka ano pang mangyari sa kaniya.
Babae ang hinahanap nila. May magagawa ba si Crian sa nangyayari ngayon?!
“Pakawalan mo ako, Hell,” nakangising utos ng leader.
Pinapahalata niyang matapang siya pero halata naman ang takot sa mga mata. Sa binti niya pa lang ay nanginginig na.
Hell ang tawag sa ka—
“What?!” sabay-sabay nagsalubong ang kilay naming tatlo nang marealize iyon.
“Ikaw si Hell?” tinuro ni Ross ng hintuturo si Ayra. “What the. . . hell?”
“HAHAHAHAH! Iba ka talaga!” Uling teasing her. “Gulat sila? Ang galing mo talagang manloko ng tao para makuha ang gusto mo. Gawain mo ’yon, ’di ba? HAHAHAHAHAHAHAHA!”
“Daldal mo naman,” tamad na komento niya rito.
Hindi pa rin niya binababa ang lalaki. Hawak-hawak niya pa rin ’to sa collar ng damit.
Last year Bryx and I ran out of members because the gangster named Hell attacked us. She wearing a mask so you can’t recognize her. What the fuck?! Siya ang naglagas ng aming gang!
Binaba niya na ang lalaki.
”Napakasinungaling mo talaga,” imik na naman ng lalaking ’to.
Iniinis niya si Ayra pero nakatitig lamang ito sa kaniya at sinusuri ang kaniyang katawan.
“Bakit rainbow ang belt mo?” tanong ng babae, ngayong nakatingin sa baywang ni Uling.
“Fuc—”
Uling couldn’t continue what he was going to say when Ayra punched him in the jaw.
“Whoa! Astig!” Ross’ feedback. “Go, Ayra! Go! Go! Go! Nandito ako para sa ’yo! Iyong paglagas mo sa gang namin noong nakaraang taon, kinalimutan ko na kani-kanina lang! Go!”
Para talaga siyang baliw.
“Why did you punch him?!”
I looked at Bryx because he was shocked. Hindi siya makapaniwala sa ginawang kilos ni Ayra, kahit naman ako ay nagulat.
“Walang problema sa pagsapak ko, Falcon,” maayos niyang sagot. Parang normal lang sa kaniya na gawin ang ganoon.
Susugurin sana ng mga tauhan ni Uling si Ayra nang pigilan niya ang mga ‘to. Nagmamatapang.
“Huwag na kayong mangialam, sa akin siya.”
Wow, huh. You’re still bragging. Nang suntukin ka nga ay umabot muna ng ilang minuto bago ka maka-recover. Iba talaga ang leader. Kahit dehado na ay nagpupumilit pa rin para ipakita sa kagrupo niyang kaya at malakas pa siya.
“Masusunod, Boss Norius,” his members answered.
Norius talaga ang pangalan ni Uling. Iba kasi talaga itong si Ayra. Judgemental at kung ano ang first impression niya, iyon na ang kaniyang paniniwalaan. Tumatawag siya sa apelyido kapag hindi niya gusto ang presensya ng tao. Ginagawan ka ng kung ano-anong pangalan kung gusto ka niyang paglaruan.
Kaya minsan ay nang-iinsulto siya ng tao. Mahirap kabisaduhin si Ayra, iyan ang aking pagkakaoobserba. Nakikita naman ngayon, itong pangyayari ngayon ay isang patunay na hindi namin siya kilala, mabasa at mahalata.
Tumayo si Uling at nagpunas ng dugo. “Kinakalaban mo talaga kami. Isa ka lang babae pero ang lakas ng loob mo. Tandaan mo, lalaki pa rin ang kinakaharap mo, Hell. Ibang-iba ang lakas kumpara sa ’yo.”
Napataas agad ng kilay si Ayra sa sinabi nito. “Ang dami kong atraso sa inyo. Saan kayo naniningil?”
Kung magtanong siya ay napakainosente! Animong walang ginawang kasalanan! Hindi man lang siya nababahala! Anong klaseng babae ba itong nasa harapan ko? Ibang-iba sa kakilala ko!
“Kalimutan mo na ’yon. Ang gusto namin ngayon ay sumama ka.”
“Kung iyan ang way para manahimik kayo, sasama ako.”
Siya ang unang naglakad, sumunod si Uling na hawak-hawak ang kaniyang panga. Pipigilan sana namin siya kaso. . .
Fuck! What is this?! A dagger?!
Mabilis siyang nagtapon ng dagger nang tumalikod siya. Nagulat kaming lahat.
“Fuck!” mura ni Bryxwell nang muntik na siyang matamaan. Nanonood lamang siya at hindi alam na may darating na dagger sa kaniyang puwesto kaya grabe ang gulat.
“Tangina,” I avoid it too.
“Wow, sobrang dami! Astig!” puri ni Ross na akala mo ay hindi umiwas.
Sa kaniyang naging pagkilos, masasabi kong handang-handa talaga siya. Siguro kaya niya hindi ginamit ang kaniyang sasakyan at piniling maglakad dahil alam niyang may grupong haharang sa kaniya. Matalino siya mag-isip.
Dalawa na lang ang tauhan ni Uling. Natamaan ang tatlo kaya hindi na makatayo ang mga ’to. Napangiwi pa nga ako nang makitang sa noo natamaan ang isa.
I saw Ayra smiled. “Let’s just make a deal. If you beat me, I’ll come. If I beat you, sasama ka sa akin sa hotel. Deal?”
“Pinagsasabi mo?” tanong naming tatlo.
Uling smirked. “Kailan pa ako umatras? Deal.”
“Good,” aniya. “Kaarawan ko bukas kaya sana ay matuwa ako ngayon sa ’yo.”
Natawa ang kausap niya. “Lahat naman sa ’yo ay maganda, walang tapon. Ikaw ang may kaarawan pero ako ang may regalo? Nakatatawa.”
“Mukha mo lang naman ang pangit.”
Gusto kong matawa sa tinuran niya pero napigilan ko.
“Sugurin niyo na mga gunggong!” utos niya sa dalawa niyang tauhan.
Sumugod sila kay Crian pero walang mga naging laban ito. Pinagsusuntok niya lang lahat. Mano-mano, taob. Hindi nga siya nahirapan. Mabilis din siya kung umilag. Siya nga talaga si Hell, hindi niya na kami kailangan dahil iba ang lakas ng kaaway namin noong nakaraang taon.
“Ikaw na, hoy! Hanggang ngayon ba naman, makupad ka pa rin! Kaya inuto-uto lang kita, e!” bulyaw niya kay Uling.
Hays, bakit ba uling na rin ako nang uling?
“Tara na,” nakangising kumilos ito.
Naglabas ng balisong ang lalaki kaya nagulat kaming tatlo. Si Crian ay kalmado lamang.
Sumugod sa kaniya si Uling na nakatapat sa kaniya ang balisong, gustong-gusto siyang saksakin pero hindi ito nagtagumpay. Nahawakan ni Crian ang balisong, imbis na gamitin niya ito pangsaksak. Ang ginawa niya ay itinapon at pinilipit ang braso ng kalaban kaya napahiyaw ’to sa sakit. Sinipa ’to ni Ayra sa pisngi kaya napahiga sa semento.
Nagpagpag ng kamay si Crian at tumingin ng diretso sa kalaban. “Game over. You may now go to the hell or else. . .” Hell’s line. Walang emosyon ang kayumanggi niyang mga mata. Hindi mababakas ang takot sa kaniyang mukha. Ibang-iba ang awra niya ngayon. “Panalo ako. Sasama ka ba? Bigla akong tinamad, siguro ay mauna ka na lang.”
“Pinagsasabi mo?!” galit na tanong nito. Hindi makatayo dahil namimilipit sa sakit.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Mauna ka.” Huminto siya upang mag-isip. “Talon ka sa building kung nararamdaman mong nag-iisa ka. Iwas depression kung tawagin. HAHAHAHA!”
Bigla siyang tumawa ng malakas. This is the first time na makita siyang tumawa ng ganiyan. Ang kaninang nakangising si Uling ay namutla.
“Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan!”
“Nakipagdeal ka sa alam mong madaya? Bobo ka talaga!” aniya. Sineryoso ang mukha. “You know what’s human immunodeficiency viruses?   Alam mo kung paano nakukuha ’yon so do it. Nasa sa ’yo ang choice kaya maghihintay ako.”
Hindi na nakaimik si Uling sa mga pinagsasabi niya. Bumaling na sa amin ’to at naglakad patungo sa sasakyan kaya sumunod kaming tatlo.
“Utos mo ba talaga iyon? He’s going to die,” Ross said incredulously. Hindi makalimutan ang pangyayari.
“I’m not a murderer,” walang kwenta niyang sagot.
“Hindi ka magiging murderer dahil hindi naman ikaw ang mismong papatay sa kanila,” inis na sabat ni Bryx. Nasa bintana ang tingin.
“His life depends on him. Labas na ako roon,” she explained.
“Paano ka nakasisigurado?” sabat ko na rin.
“Kasasabi ko lang na nasa kaniya ang choice, maghihintay ako. Kung hindi iyon naintindihan ng makitid niyang utak, sa kaniya na ang problema. Pero dahil nga tanga siya, he will die.”
“Paano kung hindi niya gawin ang mga sinabi mo?”
“Kapag ba hindi niya ginawa ’yon, may mangyayari pa rin ba sa kaniya?”
Napatango-tango kami nang maintindihan. Naubusan na rin siguro siya ng pasensya kaya pasungit na kung sumagot.
Ayra’s POV
          Napailing-iling ako. Wala naman akong pakialam kung malaman nilang ako si Hell. Oo, sinugod ko ang gang nila noong nakaraang taon. Ano naman? Trip ko manakop. Dagdag din kaya ’yon sa pag-eensayo ko. Wala na rin namang problema ro’n. Nangyari na at tanggapin na lang nila ang pagkatalo.
“Kapag ba hindi niya ginawa ’yon, may mangyayari pa rin ba sa kaniya?”
Naubos na ang pasensya ko sa pagtatanong nila. Nilingon ko si Falcon, nasa bintana lang ang kaniyang tingin. Hindi ko siya pinansin at kinuha na lang ang phone para tawagan si Nicol.
“Hello!” sagot niya.
Ngayon niya lang sinagot!
“Jusko naman, Nicol,” reklamo ko.
Napatingin sa akin si Bryx na nakakunot ang noo. Tinaas ko ang kilay ko pero nginisihan lang ako nito. Anong trip nito?
“Oh?” I asked him.
“Nothing. May naisip lang. . .”
“Hoy, Ayra!” tawag muli ni Nicol sa kabilang linya.
”Nasaan ka?” tanong ko.
“Nasa dorm, bakit?”
“We? Hanap ako nang hanap sa ’yo kanina, nandiyan ka lang pala. Sabihin mo lang kung tinataguan mo ako,” I joked.
“HAHAHAHAHA, abnormal. Kasalanan ko bang bulag ka?” bawi niya.
“Ewan ko sa ’yo, bahala ka nga riyan,” I hanged up the call.
Tiningnan ko si Ross dahil nakatitig siya sa akin.
“Bakit na naman?”
“Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganiyang mukha,” nababaliw niyang sagot.
“Kadiri ka, Ross!” natatawang komento ni Ace.
“May sapak, ampota,” I heard Bryxwell said.
I ignored them until we got home. Binuksan ng guwardiya ang gate kaya pinasok na ni Ace ang sasakyan sa garahe. I immediately went down.
I went straight to my room. Nagpahinga lang ako saglit bago magshower. After kong maligo ay nag-asikaso ako ng sarili.
Binuksan ko ang pinto at nakita kong may pabukas din ng pintuan ko.
“Anong kailang—”
Nagtatanong ako kung anong kailangan niya pero hindi natuloy. Nagulat ako nang maglapat ang mga labi namin. Hindi ko intensyon ’yon! Kasalanan ng lalaking nasa labas dahil hindi marunong kumatok!
Ross. Si Ross ang lalaki. Ross was the only one who wearing black t-shirt. I want to apologize to him so I opened the door but it wasn’t Ross, it was Falcon who just changed his clothes.
Hindi rin siya makapaniwala. Hindi niya alam ang unang sasabihin. Parang ayoko na tuloy magpaliwanag dahil sa sobrang kahihiyan.
“A-Ano ’yon?” utal kong tanong.
My god, Ayra. Calm down.
Ilang minuto muna bago siya sumagot. “I-I’m sorry,” he apologized.
Wala akong pasintabing sinara muli ang pinto. Hindi ako tumugon doon. Sunod-sunod ang kaba ng puso ko. Ito, ito ang first time na maglapat ang aming mga labi sa hindi pa inaasahan. Naiinis ako. Nakaiinis. Gusto ko siyang suntukin o gusto kong sisihin at pagalitan ang aking sarili.
Nakakapangsisi!
Itutuloy...

Comentário do Livro (148)

  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Napaka ganda po ng story 🥰 Sana my kwento din yung sa panganay . Thanks and congrats author 🥰🥰🥰

    3d

      0
  • avatar
    Gerlyn Faye Gloria Caballero

    thank

    13/07

      0
  • avatar
    MillaJinnefer

    good

    12/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes