logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

"OKAY NA kaya ito?" tanong ni Katya kay Cassy na pinapanood ang ginagawa niyang kape.
Pinatikim niya pa ito rito dahil hindi naman niya kinahiligan ang kape. Madalas sa umaga ay maligamgam na tubig ang iniinom niya.
"Okay na siguro iyan, Anna. Hindi gaanong matamis pero hindi rin gaanong katapang. Sigurado kang hindi mo lalagyan ng cream iyang kape? Sa pagkakaalam ko ay nilalagyan ng cream ang kape ni Señorito."
Umiling ako at ipinatong sa platito ang tasa. "Hindi na. Sabi kasi ni Señorito ay gumawa ako ng kape na magugustuhan niya. Kaya hindi ko hiningi kay Manang Rosa ang recipe niya ng kape."
"Medyo weird si Señorito ano? Tapos ang sungit-sungit pa. Hindi ko pa siya kailanman nakita na ngumiti," hindi niya mapigilan ang tawa sa sinabi nito.
"Sinabi mo pa! Kaya mukha siya laging nagising sa kabilang side ng kama. What I mean is, mukha siyang kulang sa hulog ang pagtulog," naghagikgikan sila matapos ang sinabi niya.
Natigil lang ang tawanan nila ng may padabog na nagbukas ng pintuan ng banyo sa kusina at lumabas si Maria na titig na titig sa kanila. Hindi man ito magsalita ay bakas na bakas naman sa mata nito ang disgusto lalo na sa kanya. Umalis ito ng kusina ng walang kibo at halos siringan sila na ikinibit balikat lang ni Katya.
"Mukhang may mga problema sayo ang dalawang iyon, Anna," tukoy ni Cassy kina Maria at Hanna.
"Hayaan mo sila. Problema naman nila iyon at hindi sa akin. Hindi ko para isipin ang problema ng iba dahil marami na ako niyan."
"Alam mo Anna? Natutuwa talaga ako sayo kasi pakiramdam ko ang taas-taas mo dahil diyan sa mga sinasabi mo. Alam mo iyon? Halatang halata na may class ka kaya nga hindi talaga maniniwala ang kahit na sino kapag nalaman nilang katulong ka," napangiti siya sa sinabi nito.
Speaking of classiness. Ang akala niya dati ay ang pagiging class ang tutulong sa kanya sa mga problema. Ang mga classy friends niya ay tinalikuran siya nang malaman na sila ay naghihirap na. Ngayon napagtanto niya na totoong kaibigan lamang ang makakatulong sa kanya. Isang pamilya at tanging sarili lamang niya.
"Kung mangyayari iyon ay wala naman silang magagawa pa," pagtatapos niya at tumayo dala ang platitong may tasa ng kape. "Sige maiwan muna kita at ihahatid ko muna ang kape sa ating 'maginoong' Señorito," ibinulong niya dito ang maginoo dahilan ng kanilang mahinang pagtawa. 
Malayo kasi sa pagiging maginoo ang personalidad ng kanyang Señorito. Ang mahihinuha sa persona nito ay ang pagiging malakas, marahas, matigas at tila hindi napapagod. Matapang din ang hilatsa ng mukha at kung makikita niya itong nakangiti ay baka masabi niya itong maginoo.
Nang marating ang opisina ng kanyang Señorito ay kumatok muna siya ng tatlong beses bilang pagbigay presensya niya bago tuluyang pumasok. Agad itong nag-angat ng tingin at nakakunot ang noong tinitigan ang kabuuan niya. Hindi niya maiwasang mailang pero hindi niya ito ipinahalata. Kung makatingin kasi ito ay parang bago ng bago kung makita siya.
"Señorito, ito na ang kape ninyo." Agad na lumapit si Katya sa table at doon ipinatong ang kape. 
Napansin niya ang pagsandal ng kanyang Señorito sa inuupuan nito. Itinigil rin nito ang ginagawa at nakatagilid ang ulong pinagmasdan siya. Kung hindi lang matino ang isip niya ay baka pinaghinalaan na niya itong may gusto sa kanya dahil sa mga kakaibang titig nito.
"Bakit hindi ka pa natutulog? Anong oras na ah," mahinang singhal nito.
Sumulyap naman siya sa orasan na nasa ibabaw ng mesa nito. 11 pm na pala. Napakamot siya sa pisngi bago ngumiti ng malaki sa kanyang Señorito.
"Hindi ko na napansin. Sabi mo kasi gusto mong matikman ang ginawa kong kape kaya naman gumawa ako," nakangusong paliwanag niya habang iwas ang tingin dito.
Saglit siyang sumulyap dito at nang makita ang mariin nitong titig ay agad niyang dinagdagan ang naunang sinabi.
"Oo na! Hindi ka uulitin." She smiled shyly. 
"It was Manang whom I asked to make coffee. You can make me one in the morning," seryoso na namang sabi nito.
Hindi na niya naiwasang pangunutan ng noo dahil Imbes na tinitikman na nito ang ginawa niyang kape ay sinisermonan pa siya. "How about tasting the coffee that I made instead of scolding me?" seryoso niya ring sabi na agad niyang binawi at agad binigyan ito ng piece sign sabay ngiti ng malaki.
"Are you really sure na katulong ka?" tanong nito habang humihigop ng kape. Saglit pa siyang natulala at natigilan dahil mukhang namalikmata siya ng makita ang ngiti nitong itinago sa tasa ng kape.
Napailing na lang siya dahil mukhang namalikmata nga siya ng ibaba na nito ang tasa. Mukhang inaagiw na ang kanyang utak sa katititig dito. 
"Katulong talaga ako Señorito dahil kung hindi ay wala ako sa harapan ninyo," nakangiting sagot niya. Maaari rin namang nakakandong siya sa harapan nito, hehe. Kidding aside. "Kumusta ang kape ko Señorito? Nakapasa ba?" excited niyang tanong.
"I want to give you an F but because you're beautiful and you made an effort, I'll give you an E." He then smirk. Yes! A smirk.
"Wow, sobrang ganda naman ng score ko. Hindi ka na sana nagdalawang isip Señorito. Effort and beauty is priceless." May lakip na sarkasmo ang kanyang boses na sa pamamaraang pabiro.
"Yeah, it's true. That's why the price of the effort and beauty is more than priceless."
Napasimangot na lang siya dahil hindi siya nakapasa sa kanyang pagsusulit. Pero wala sa plano niya ang sumuko dahil isang kahilingan ang kapalit nito. Hinarap niya ang kanyang Señorito at binigyan ito ng hindi sumusukong ngiti.
"Gagawa ulit ako ng coffee bukas at sisiguraduhin kong lalagpas ako ng E," tila nangangakong pahayag niya even though she did not made a promise.
"I'll look onto that then. You may leave now and sleep. Its really late." Balik na naman sa pagiging masungit at seryoso ang anyo nito.
Pero hindi non napigilan ang masaya niyang personality. 
Sumaludo siya rito at saka kinuha ang kape. "Good night Señorito. Happy sweet dreams. Sana dalawin ka ng tooth fairy," natatawa niyang sabi bago lumabas ng opisina. Narinig pa niya ang anas nitong "What?" Bago siya lumabas.
What she said is a joke. Mukhang mahilig kasi sa matamis ang kanyang Señorito dahil kinaayawan nito ang kape niyang hindi na nga katamisan ay wala pang cream kung saan pinakagusto nito. And she know that too much sweets means cavity to a teeth. That's why she said of dreaming a tooth fairy. Even though he's not a kid, hehe.
NAPAPANGITING humilig si Katya sa kanyang kama. Aminin man niya sa sarili o hindi ay talaga namang natutuwa siya sa kanyang Señorito. Kahit na kailan ay hindi pa siya nagkaroon ng anumang interes sa mga kalalakihan at mas gugustuhin pa niyang makisaya sa dating mga kaibigan. Hindi pumasok sa isip niya na gugustuhin niyang mapangiti ang isang lalaki dahil sa isang beses na makita itong malungkot. She doesn't really understand herself.
What's good in that mansion is their servants quarter has many beds. Sa isang kwarto ay may tatlong kama kaya tig-iisa sila. Ang kasama niya sa sa isang kwarto ay si Cassy at Manang. Nasa katabing kwarto naman ang iba. Natutulog na si Manang nang pumasok siya. Si Cassy ay nasa banyo at naliligo. Siya naman ay kanina pa nakaligo kaya matutulog na lang.
Kinuha niya ang cellphone at kinamusta si Anna. Sinabi nitong mabuti ang lagay nito. Nakahinga naman siya ng maluwag. Hindi na niya kinuwento ang nangyayari sa kanya sa mansyon bagkus ay pinaalalahanan na lamang niya ito sa mga mangyayari kapag ito na ang pumalit sa kanya. Matapos noon ay nakatulugan niya na ang pag-iisip.
"CAN YOU please get me a glass of water?" 
"Sige po Señorito," agad na tugon ni Katya sa Señorito.
Maaliwalas ang mukha na pumasok ng bahay si Katya para ikuha ng tubig ang kanyang Señorito. Kahit na hindi niya makikita na tikman ng Señorito ang gawa niyang kape ay ayos lang dahil babalik naman siya para sa tubig na hinihingi nito.
"Ano kumusta ang kape? Nagustuhan ba?" Salubong sa kanya ni Manang Rosa ng makapasok siya ng kusina.
Umiling siya at nakangiting kumuha ng baso at nilagyan ng tubig. "Hindi ko pa po alam kasi inutusan niya akong kumuha ng tubig." 
"Aysus, kung hindi ko lang kilala ang batang iyon ay iisipin kong nahihiya na siya sa pinaguutos sayo. Pero dahil kilala ko siya at alam ko ang ugali niyang hindi ko mawari ay hindi ko na alam kung anong sagot sa ginagawa niya," umiiling na sabi ni Manang Rosa.
"Huwag na lang nating pag-isipan ng kung ano si Señorito, Manang. Sige po ihahatid ko lang ang kape sa kanya," nakangiting paalam niya.
Paglabas ng kusina ni Katya ay nagulat siya ng may biglang sumalubong na sampal sa mukha niya. Dahil sa gulat ay hindi niya nasundan ang pangyayari. Nakita na lamang niya ang sarili na nakasalampak sa sahig habang nakatitig sa basag na baso.

Comentário do Livro (22)

  • avatar
    Jay MarkDinawanao

    Very very nice

    13/07

      0
  • avatar
    Jasmine Garcia Demillo

    💞💞

    30/05

      0
  • avatar
    Angelo Sumalinog Divinagracia

    ajaxbxbwjxbw

    10/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes