logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2

"ITO NGA pala si Julianna. Anna ang tawag namin sa kanya. Isa rin siyang kasambahay at isa sa pinag-aaral ni Senyora at Senyor. Malapit na siyang matapos at kumukuha ng kursong education," pakilala ni Manang Rosa kay Katya sa dalawang bagong kasambahay. Ito rin ay pagaaralin ng mga amo sa susunod na pasukan.
Ngumiti si Katya sa dalawang kasambahay na gumanti rin ng ngiti. "Anna, sila ay bagong kasambahay at ang kumuha sa kanila ay si señorito Valister. Ito rin ang magpapa-aral sa dalawa. Nagmula sa Maynila ang dalawa. Hangad ko ang pagkakasundo ninyo para sa ikatatahimik ng ating pagta-trabaho," ani Manang Rosa.
Hindi siya kumibo at ngumiti lang sa lahat. Nang magtagpo ang mga mata nila ni Manang Rosa ay nandoon ang lihim nilang paguusap. Mabait ang ginang na siya ring mayordoma ng pamilya. Ito pala ang unang tumutol sa plano ni Anna ngunit dahil malambot ang loob nito at napalapit na rin kay Anna at naiintindihan ang pinagdadaanan nito ay agad rin itong sumang-ayon dito. 
Matapos ang pagpapakilala ay bumalik na sila sa pagta-trabaho. At dahil hindi naman siya lumaki na marunong sa gawain bahay, ay lagi lang siyang nasa tabi ni Manang Rosa at tumutulong dito. Lalo na sa pagluluto. Marunong naman siya sa pagluluto dahil kailangan niya itong matutunan kaya naman pinag-aralan niya. Ang paglilinis nga lang ng malaking bahay ang hindi niya napag-aralan dahil hindi naman ito katulad ng apartment na tinutuluyan niya na magwalis lang ay ayos na.
"Kumusta na pala si Jully? Nagtuloy na ba siya sa pag-aaral?" tanong sa kanya ni Manong Rosa ng maiwan silang dalawa sa kusina.
Ang tinutukoy nito ay si Anna rin na iniba ang pangalan para hindi paghinalaan ng iba kung kanilang pag-uusapan.
"Ayos naman po siya. Pumapasok na rin pagkatapos niyang magpa-check up at nagkaroon ng go signal mula sa ob-gyne." Huminga ng malalim ang ginang bago nakangiting nilingon siya. 
"Mabuti naman kung ganoon. Nag-aalala talaga ako sa batang iyon. Kung bakit naman kasi..." Bumuntong hininga ito habang naghihiwa ng gulay.
Si Katya naman ay hinuhugasan ang ibang gulay na hinihiwa ni Manang Rosa.
"Hayaan niyo na po at wala naman tayong magagawa. Ahm, ano po pala ang lulutuin natin?" pag-iiba niya ng usapan. 
Ngumiti ang ginang bago bumalik sa dating sigla ang mukha nito. "Ngayon nga pala uuwi si Señorito Valister. Lulutuin ko ang lahat ng paborito niya kaya kailangan ko ang tulong mo," natutuwa at tila excited na sabi ni Manang Rosa.
Hindi niya maiwasang ma-curious sa kung ano ang ugali ng señorito at ano ang dahilan kung bakit ito ngayon titira dito. Kaya naman nagtanong na siya kay Manang Rosa.
"Gusto ko lang pong malaman kung bakit ngayon lang umuwi ang Señorito. Nasabi sa akin ni Jully na ngayon pa lamang ito titira sa mansyon." 
"Totoo ang sinabi ni Jully, ija. Si Señorito kasi ay ipinanganak sa Maynila. Doon na siya lumaki at nag-aral. May bahay sina Señor at Señora sa Maynila at itong bahay ay kanila lamang bakasyunan. Nang lumaki na ang kanilang mga anak ay lumipat na sila rito at dito na sila nanirahan. Ang mga anak naman nila ay naiwan at piniling manirahan sa Maynila," mahabang kwento ni Manang Rosa.
"Kung ganoon, bakit naman pinili ngayon ni Señorito na tumira dito?" 
Umiling iling si manang sa tanong niya. "May mga bagay talaga na hindi mo inaasahang mangyari. Wala ako sa posisyon para sabihin sayo ang dahilan pero isipin na lang natin na makakabuti ang pananatili rito ni Señorito. Gawin na lang natin ang makakaya para pagsilbihan siya." Anito.
Hindi na siya kumibo dahil mukhang may nangyari sa Señorito dahilan ng pag-tira nito rito. Gaya niya na dahil sa mga pangyayari ay piniling lumayo at tumakas sa kinikilalang Ina at kinalakihang lugar para sa ikakaayos ng buhay niya.
Hindi alam ni Manang Rosa ang buhay niya. Ang alam lamang nito ay isa siyang dating kaibigan ni Anna. Ayaw niyang magsinungaling ngunit mas mabuting kakaunti lang ang nakakaalam ng tunay na pagkatao niya. May nalalaman si Anna ngunit hindi ang buo niyang kwento. Sa ngayon ay wala siyang pinagkakatiwalaan maliban sa sarili. Hinihiling niya lang na dumating ang araw na magiging maayos ang lahat kung saan hindi na niya kailangan pang magpanggap at magsinungaling sa lahat.
BAGO PA man dumating ang tanghalian ay may pumarada ng sasakyan sa labas ng bahay. Lahat silang katulong, suot ang kanilang mga uniporme ay tumayo sa magkabilang gilid ng pintuan para salubungin si Señorito. Si Katya ay nasa hulihang parte katabi ang mga bagong katulong na si Hanna at Maria. Hindi siya kumikibo at nanatili ang mata sa lapag hindi katulad ng dalawang kasamabahay na halos magkanda haba ang leeg sa kalilingon sa sasakyan. Sobrang laki ng ngiti at tila pa kinikilig.
Napabuntong hininga si Katya. Hindi pa man siya nagtatagal sa mansyon ay pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari sa pananatili niya. Pilit niya iwinawaksi ang pangamba sa isip lalo na ang takot dahil alam niyang wala itong maidudulot na maganda sa kanya.
May sumiko sa tagiliran ni Katya kaya naman agad niya iyong nilingon. Ganoon na lang ang kanyang hiya ng mapansin na siya na lamang ang nakatayo ng tuwid at lahat ay nakayuko. Taranta siyang yumuko lalo na ng makitang nakatingin sa kanya ang Señorito. Nakagat niya ang labi at ramdam niya ang pamumula ng pisngi.
Mayaman naman ang pamilyang pinagmulan niya pero hindi dumating sa punto na kailangan ay yukuan siya ng sabay sabay ng mga katulong. At mas lalong hindi niya kinasanayang yumuko sa nakakataas na tao dahil noon pa man ay siya na ang niyuyukuan. Mukhang totoo talaga na bilog ang mundo dahil ang dating nasa tuktok ay nasa putikan na.
"Ijo, kamusta ang naging byahe mo? Halina at pinaghanda kita ng mga paborito mo. Alam kong nagugutom ka na." Nasa boses ni Manang Rosa ang tuwa.
"Maayos naman ang naging byahe ko manang. Natutuwa ako sa paligid lalo na ng makita ko ang mga punong hitik na hitik sa bunga," sagot ng isang malalim at seryosong boses. 
Hindi maiwasan ni Katya na magtaka dahil sa sagot nitong natutuwa ngunit hindi naman maririnig sa boses ang pagkatuwa. Hindi niya napagmasdan ang hitsura at anyo nito dahil sa pagkabigla nang mahuli siyang hindi yumuyuko kaya naman mas lalo siyang naging kuryoso sa hitsura nito. Mas lalong gusto niyang marinig muli ang malalim nitong boses na tila bagong gising. Lihim siyang nag-asam.
Dahil sa pag-iisip ay huli na nang mapansin niyang may mga paang tumigil sa harap niya. Nakita niya ito dahil siya ay nakayuko kagaya ng iba pang katulong. Hindi nakaharap sa kanya ang mga paa pero ito ay nakahinto.
Litong nagtaas ng paningin si Katya at tumambad sa kanya ang itim na suit case. Napatitig siya roon at takang nagtaas pa uli ng mata. Tumambad sa kanya ang malalalim na itim na mga mata, mahahabang pilik mata, makakapal ng kilay at matatangos na ilong. May mapupulang labi at kung hindi siya nagkakamali ay cleft chin ang nakikita niya sa baba nito. 
Tila natigalgal si Katya mula sa kinatatayuan. Nakalahad sa kanya ang suit case na hawak ni Señorito. Kung hindi pa siya baliw ay bakit ang nasa isip niya ay kamay nito ang nakalahad sa kanya at parang niyaya siyang sumayaw. Lihim siyang napangiwi sa naisip at napasulyap sa katabi nitong si Manang Rosa na sinisenyasan siyang kunin ang iniaabot na suit case ni Señorito.
Taranta niyang kinuha ang suit case ni Señorito ng mapansin niyang kumunot ang mga noo nito dahil sa tagal niyang kunin ang suit case. Nakagat niya ang labi at yumuko ulit ng bahagya. 
Nang maglakad ito kasabay ni Manang Rosa ay napasunod ang ibang mga katulong dito. Nanatili siya sa kinatatayuan at iniisip kung saan ilalagay ang suit case ng kanyang Señorito. Malay ba niya kung isusunod sa amo ang suit case o ihahatid sa kwarto. Ang problema ay hindi rin niya alam kung saan ang kwartong tutuluyan nito. 
Nang makapasok na ang lahat sa loob at naiwan siya sa labas ay akma na siyang papasok din ng mapansin niya si Hanna na masama ang tingin sa kanya. Taka niya itong tinitigan at hindi man lang ito nagbawi ng tingin sa halip ay nilapitan pa siya. Hindi siya nagsalita at nakiramdam dito.
"Paalala lang Anna, hindi porket tinitigan ka ni Valister ay may gusto na siya sa iyo. Huwag kang makakalimot sa kinalakhan mo." Bakas ang inis sa seryosong boses nito. "At ako na ang bahala sa suit case ni Valister." 
Wala na siyang nagawa ng kunin nito ang suit case sa kanya. Gusto man niyang sagutin ito para sa pagtawag nito sa pangalan ng kanilang Señorito at sa naging asal nito ay hindi na niya ginawa. Hindi naman niya ugali ang pumatol sa mga ganoong tao. Huwag lang talaga nitong sasagarin ang pasensya niya.
Napabuntong hininga na lang si Katya at bumalik na sa kusina para tumulong sa pagaasikaso sa loob. Hindi na siya nagulat na may nagkakagusto sa kanyang Señorito dahil sadya namang gwapo ito, matipuno ang pangangatawan at mabango. Kahit nga siya ay saglit na nabighani rito kaya hindi na siya nagtaka. Hindi naman masamang magkaroon ng crush. Basta hanggang crush lang.

Comentário do Livro (23)

  • avatar
    Elsa Viesca

    💞💞💞

    2h

      0
  • avatar
    Jay MarkDinawanao

    Very very nice

    13/07

      0
  • avatar
    Jasmine Garcia Demillo

    💞💞

    30/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes