"Deve its you....It's been a while," lumapit siya sa akin at inabot ang kamay niya. Alam ko naman pina-plastik niya lang ako kaya sinabayan ko na lang siya. "Nice meeting you again Heraya," hindi ko maitatangging kumirot ang puso ko ng makita ang singsing sa daliri niya. Simbolo kasi 'yun ng panloloko nila sa akin. Simbolo ng pagkasira ng buhay ko. "You've change a lot, and do you have a boyfriend," baling niya kay Ford na ngayon ay nakatingin lang sa'min. He's not my boyfriend. 'Yun naman ang totoo, walang kami ni Ford. "Babe, bakit hindi mo batiin ang ex wife mo?" saglit akong napatigil ng hilain siya ni Heraya papalapit sa pwesto ko. Ngayon ay subrang lapit na namin sa isa't-isa. Hindi pa rin siya nagbabago, ang mga tingin niya sa akin ay blangko pa rin, titignan niya ako gaya ng tingin niya sa akin dati. "You're back, should I welcome you?" Lumayo ako ng kaunti sa kanya. "No need, Hindi ko naman kailangan 'yon. And yes I'm back, how are you doing Stone?" lumipat ang tingin ko sa batang babae na nasa gilid niya. "She's your daughter? Oh....nice to meet you--" "Step back Deve, don't touch my daugther," mabilis na hinila ni Stone ang braso ko para ilayo sa bata. Nagulat pa ako ng biglang agawin ni Ford ang braso kung hawak niya at mabilis na hinapit ang bewang ko. "Watch your actions, I won't tolerate it," mariing sabi ni Ford, for the first time nakita ko kung paano siya magalit. Minsan nakikita kung naiinis siya, but iba 'to dahil galit siya. "Ford, its okay-" "No that's not okay, I won't let anyone harm my woman," hindi ko magawang magsalita dahil sa huling sinabi niya. My woman? "And who are you? I can't believe it, may pumatol pa sa'yo Deve," napatakip ako sa bibig ko ng biglang suntokin ni Ford si Stone, subrang bilis ng pangyayari at namalayan ko nalang bumagsak si Stone sa sahig. "What the hell! You freak! Babe, are you okay?" he deserves it right? Kung malapit ako sa kanya ay sinampal ko na rin siya. "Let's go." Hinila niya ang kamay ko at mabilis na nag lakad papalayo sa kanila. Gusto kung lumingon pero pinigilan ko ang sarili ko. "Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko ng makarating kami sa parking lot. Nasa loob na rin ng kotse si Leah, alam kung nagtatampo siya dahil hindi natuloy ang pasyal namin. "What?" "Bakit mo ginawa 'yon? Hindi mo na dapat siya sinuntok," umiwas siya ng tingin sa akin. "Are you still inlove with him?" hindi ko magawang sumagot, hindi naman 'yun ang ibig kung sabihin. Ayoko lang na madamay pa siya, ayokong mandamay ng ibang tao. Lalong lalo na si Ford, isa siya sa mga tumulong sa akin para maka-ahon ako. Ayokong basta-basta nalang siyang masali sa gulo namin. "Silent means 'yes?" tinalikuran niya ako at naglakad papasok sa kotse niya. Habang ako'y naiwan sa labas. No, i'm not inlove with him. Not anymore. *** Tahimik ang naging byahe namin hanggang sa makarating kami sa condo niya. Pinili kung ihatid si Leah sa magiging kwarto niya, at mamaya ay kakausapin ko si Ford. Bigla nalang kasi siyang lumamig sa akin, at kahit na tapunan ako ng tingin ay hindi niya magawa. Siguro dissapointed siya? Dahil hindi ako sumagot kanina? Pero bakit parang subra naman ata siya mag react? "Go change Leah, lalabas na muna ako 'ah?" Mabuti nalang at naintindihan niya ang paliwanag kung sa susunod nalang kami mamasyal. Nang makalabas ako sa kwarto niya ay pumunta ako sa may kusina, magluluto nalang ako ng hapunan namin. Hindi ko rin maiwasang maisip ang nangyari kanina, that was fast. Napakabilis ng pangyayari. Pero kabilang banda ay naiinis ako, ang lakas pa rin ng loob niyang husgahan ako. "You're not in yourself, Let me cook," napaigtad ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko, nakatulala nanaman ako kaya hindi ko napansin na umaapaw na pala ang tubig na hinahanda ko. "S-Sorry," tinanaw ko lang siya habang busy siya sa kusina. He's a good cook, ang sabi niya ay nag aral 'raw siya ng cooking nang malaman niyang buntis ang girlfriend niya noon. Nakakatuwa lang dahil hinahanda niya ang sarili niya, gusto niya rin daw kasing ipagluto araw-araw ang mag-ina niya. But suddenly his girlfriend died. Napakalaking katanungan tuloy sa akin kung bakit nagpakamatay ang girlfriend niya kung maayos naman ang relasyon nilang dalawa? "Get out." Napatingin ako sa kanya. "Ha?" "Deve, I'm calling you 3 times already. Pero mukang malayo ang iniisip mo, so please get out," pasimple kung kinakagat ang pangibabang labi ko bago tumalikod, pero nagsalita siya ulit, "and please, don't do it again. Don't bite your lips infront of me," Binilisan ko nalang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa sala. Ang sungit niya ngayon ah, parang kanina lang napaka-amo ng mukha niya. ** "Ford," nakita kung bukas ang pinto ng office room niya kaya pumasok ako. "Your not sleeping? Anong oras na," napatingin ako sa malaking orasan na nasa gilid niya. Alas 10. "Hindi pa kasi ako inaantok," umupo ako sa likuran niya, naka focus lang din siya sa laptop na nasa harapan niya. "Can we talk?" I asked. "What for?" "About earlier," dahan-dahan siyang lumingon sa akin. "Oh, what about earlier? It was already clear. You're still inlove with your ex-husband who hurt you," walang emosyon niyang sabi. "Alam mo? Ang tungkol sa nangyari sa akin noon?" Hindi siya sumagot at pinag krus ang braso niya. "Does it matter? I have my ways, And yes I know everything. But after what happened to the both of you, you're still into him," hindi ako makasagot, masyado akong napapako dahil sa matatalim niyang tingin sa akin. "Ford-" "It's okay, I have nothing to do about it. That's your choice, if you want to hurt yourself again then I'll let you," binaba niya ang anti rad niyang salamin at tumayo, kaya mabilis akong sumunod sa kanya. "Teka," hinila ko ng kaunti ang damit niya. "What?" "I want to be honest, siguro nga hindi pa ako naka recover sa lahat ng mga nangyari sa'kin," ngumiti ako ng tipid, "pero masasabi kung hindi na ako ganun kahulog sa kanya. At wala akong balak saktan ulit ang sarili ko, I will never let it happened again," bumitiw ako sa pagkakahawak ko sa kanya. "In short?" "In short, I'm not deeply inlove with him anymore." **** "By next month magsisimula na ako sa Cheweils Kindergarten." Saad ko at nilagyan ng tubig ang baso niya. "That's nice, I think this is for good?" tumingin ako sa kanya na may halong pagtatanong. "What do you mean?" "We're staying here in Manila for good," tango nalang ang sagot ko. Ngayong araw na to ako pupunta kay Steve. Bibisitahin ko ang puntod niya, at sabik na sabik akong makadalaw sa kanya. "Are you sure, you will go alone?" May halong pag aalala niyang tanong. Mabuti nalang din at nabawasan ang kasungitan niya sa'kin simula ng mag usap kami. "Yes, ayos lang ako Ford," mag inabot siya sa aking papel. "It's an invatation, Friday. Isa sa mga investors ko ang may birthday, I want you to come with me," "Okay." *** "Steve, kumusta kana?" Hinaplos ko ang lapida niya kasabay 'nun ang pag patak ng luha ko. Sariwa pa rin sa'kin ang sakit na naramdaman ko ng makita kung paano siya nasagasaan. Pamilyar pa rin sa akin ang huling ngiti na binigay niya. Ang ngiting hindi ko inaakalang huli na pala. "I'm sorry ngayon lang nakadalaw si mommy, pero h'wag kang mag alala, dadalawin na kita palagi. Babawi ako, babawi si mommy Steve." Muli kung hinaplos ang lapida niya at binaba ang dala kung bulaklak. "What the hell are you doing here?" Mabilis kung pinunasan ang luha sa pisnge ko bago siya hinarap. "Binibisita ko ang anak ko, bawal ba 'yon?" Ramdam ko ang galit niya habang nakatingin sa akin. Hindi pa naman ako handa sa pag kikita naming 'to. "After so many years? You have the confidence to visit my son?" Hinablot niya ang braso ko at nilayo ako sa puntod ni Steve. "Tanga anak ko rin siya! Ano ba! Nasasaktan ako!" Isang malakas na sampal ang natanggap niya sa akin. "Fvck." "Oo Stone binibisita ko ang anak natin, at oo ngayon lang ulit ako nakabisita sa puntod niya. At dahil 'yun sayo! Dahil sa ginawa mo sa akin!" inis akong tumingin sa kanya. "Nang dahil sayo nasira ang buhay ko! Dinurog mo ako ng subra-subra, sinaktan mo ako ng paulit-ulit," "Pero sa huli pinili kung lumayo! Pinili kung layuan kayo! At ngayon na bumalik ako ay wala kang karapatan para pagbawalan ako! Dahil anak ko rin ang batang naka libing 'dyan," bahagya akong lumayo sa kanya. "You're blaming me? Did you forget? You're the reason of his death! Dahil pinili mo ang kalandian mo at pinabayaan-" malakas na sampal ulit ang natanggap niya sa akin. "Anong kalandian ba ang sinasabi mo? Kahit kailan hindi ako lumandi! Aksidente ang nangyari!" hindi ko siya maintindihan, saan niya naman nakuha ang salitang lumandi ako? "I don't believe you...And I will never listen to you," hindi ako sumagot at mabilis siyang tinalikuran. "Deve, you'll regret this. You shouldn't be here, bakit kapa bumalik? Now i'm planning to make your life miserable again," Napahinto ako dahil sa sinabi niya. "No, not this time Stone. Dahil pinapangako kung magiging bato pa ako kaysa sayo," kung noon palagi akong tumatakas at nagpapakumbaba, ngayon hindi na. Inuulit ko, ayokong mag higante sa ginawa nila. Pero gusto kung magsisi sila at huminge mismo ng tawad sa'kin. "I will fight you this time, remember that."
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
nice story
01/02/2025
0thank you for your blessings
28/11/2024
0nice!!
18/11/2024
0Ver Todos