logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5

Schzna’s POV
Bakit ba kahit basa at putikan ang mga damit nila ay mukha pa rin itong magagara at mamahalin.
May ilan kaming nakitang mga tagapagsilbi na dumaraan. Sa tingin ko ay umaga na o mag-uumaga dahil pawang mga kagigigising lang ng mga ito.
"Come with me," baling ng seonsaeng sa amin ni Rad.
Napatingin ako kay Reina na nakangiti sa akin habang hawak ang laylayan ng damit niya saka siya tumango.
Nagtaka ako nang bahagya dahil hindi man lang binalingan ng seonsaeng si Reina.
Bumuntong-hininga ako bago nagsimulang ihakbang ang mga paa. Ngumiti sa akin si Via at Sibal at sabay na tumango.
Binuksan ng seonsaeng ang pinto at tuluyang pumasok. Nanindig ang mga balahibo ko nang humampas sa akin ang lamig pagkapasok ko palang.
Tumambad sa amin ang hindi katandaang lalaki, mahahalatang strikto siya dahil sa maawtoridad na tindig at porma.
Napababa ang tingin ko sa nakaupong babae. Napakaamo ng mukha niya at matatanya mong napakakinis. Her hair was long and wavy.
Kakaiba rin ang kulay ng mga mata niya, batid kong hindi siya basta-bastang babae. Her beauty was almost surreal. Mukha siyang anghel na ibinaba ng langit.
"Mom? You should sleep," malumanay na saad ng seonsaeng sa babaeng may maamong mukha.
She shook her head. "I'm worried about you and your division." she said softly.
Seonsaeng shook his head too. "I can take care of myself, Mom. Now, sleep-"
Nabaling sa akin ang tingin ng ina ng seonsaeng na siya namang ikinabigla ko, biglang kumunot ang noo niya sa pagtataka.
Napalunok ako at agad na nagbaba ng tingin dahil sa kahihiyan. Unti-unting isinara ni Radleigh ang pintuan saka marahang hinawakan ang braso ko.
"Sit down," utos ng headmaster.
Ano bang ginagawa ko rito? May iba pa ba silang kailangan sa akin? Hindi pa ba ako makakauwi?
Umupo ang seonsaeng at ang seonjang pero nananatili akong nakatayo. Nagtataka ang mga tingin ang itinapon nila sa akin.
Inosente akong napaupo nang hilahin ako ni Rad pababa para umupo sa tabi nito. Awtomatiko akong napalayo kay Rad dahil sa hiya.
Nangunot naman ang noo niya sa ginawa ko pero hindi ko na siya pinagtuonan ng pansin at ngumuso nalang.
"So, she's the Medical Wonhwa you've said." interesadong anang headmaster.
Batid kong nasa seonsaeng ang paningin niya habang sinasabi iyon. I swallowed hard and looked down, trying to avoid their gazes.
"What's your name?" tanong ng headmaster sa akin.
Itinaas ko ang tingin sa kan'ya saka ikinalma ang sarili. Kahit sa mga simpleng tanong ay kinakabahan ako.
"Schzna Ara Shevria," I answered.
Napatingin ang ina ng seonsaeng sa akin, mula sa nagkikinangang sahig ay itinaas nito ang tingin sa akin.
Pinaningkitan niya ako ng mga mata na para bang kainteres-interesante ang sinambit kong pangalan.
"What special ability do you have?"
Umiling ako. "I have the ability to manipulate others ability perspective freely. I can heal even the most fatal of injuries."
Umawang ang labi ng ina ng seonsaeng. "And?"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. And? What the hell. Inaakala niya bang may alam ako sa abilidad ko.
"I can also cure those who have been poisoned by extracting the poison from their bodies."
Tumango siya. "A healing ability." tatango-tangong aniya.
Huminga ako nang malalim saka binaba ang tingin. "Is is true that you can make the presence and power of someone to be hidden?"
Umawang ang labi ko saka dahan-dahang tumango. "Y-Yes,"
She nodded and smiled. "How old are you?"
"Seventeen," I choked out.
Nagngitngit ako. Natahimik ang kwarto, tahimik lang ding nakikinig ang seonsaengnim at seonjang sa amin.
"How come that you're a Medical Wonhwa? Hemera killed them all." anang matandang babae.
Umiling ako nang umiling. Bakit ba ako ang tinatanong nila? Hindi ko rin naman alam. Wala akong alam sa abilidad ko.
"Unless the legendary Hiraya, reincarnated on you," seryosong dagdag niya.
Natigilan ang headmaster at gan'on din ang dalawang lalaking katabi ko dahil sa sinabi ng matandang babae.
Seryoso siya at hindi kababakasan ng pagbibiro. Ang kaninang malambing na babae ay naging seryoso na ngayon.
Wala akong mahitang dahilan para mabuhay sa akin si Hiraya. Hindi naman p'wede 'yon. Imposible.
She stood up. "Hiraya pressumed dead, seventeen years ago. Labinpitong taon nang isilang ka, Ara."
Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman siya sa likuran ko. Para siyang hanging nawala at biglang lumitaw sa likuran namin.
Gan'on siya kabilis, gan'on din kabilis gumulo ang takbo ng utak ko.
"Maraming posibilidad kaya ka naging isang Medical Wonhwa, Ara." dagdag niya at ngayon ay nakaupo na ito.
"Una, nabubuhay sa 'yo si Hiraya, kaya hindi mo pa mas'yadong batid ang iyong abilidad. Pangalawa, isang Montierra ang iyong ina."
Natahimik ang buong silid, but you can practically cut the tension with a knife.
Mas natahimik ako sa sinabi niya. "Pero isang Shevria si Mama, kaya imposible iyang sinasabi mo." giit ko.
"Shevria nga ba?" puno ng sarkasmo niyang aniya.
Nanlamig ako sa sinabi niya. Marami ba siyang alam tungkol sa pamilya namin? Kinalma ko ang aking sarili.
"Ang mga Montierra, angkan ng mga Medical Wonhwa, may kakayahang i-seal ang mga kalaban kaya naging banta sila sa iba pang nasyon. Nagawa silang patayin, isa-isa at tiniyak na walang matitira. Kaya imposibleng may makaligtas, Mom," giit ng seonsaeng.
Matunog na ngumisi ang ina ng seonsaeng. "But all of them don't know that this is an anger power from a past, and how is retribution of each a person happen?"
Bakit ba ako naiipit sa ganitong sitwasyon? Hindi nila ako p'wedeng tanungin nang ganito dahil wala rin akong alam.
"Mom..." nakikiusap na sambit ng seonsaengnim.
Bumuntong-hininga ako at pinangiliran nang luha. Sa mga simpleng bagay ay naiiyak ako, para bang pinagkakaisahan ako ng mundo sa mga simpleng tanong niya.
"Miss Shevria, right?" anang headmaster.
I nodded. "Yes," sagot ko.
He nodded and stood firmly. "I am the Gyojang of this Academy. And I'm interested in your ability," walang paligoy-ligoy na sabi nito. "Kailangan namin ang gaya mo,"
Umawang ang labi ko saka nagtatakang tumingin sa kan'ya. Napuno ng pagkagulat at pagtataka ang mukha ng mga tao sa loob.
Bakit nila kailangan ng gaya ko?
"Since you are a Medical Wonhwa, umpisa ngayon ay manganganib na ang buhay mo,"
Sa tingin ko ay ginagamit niya iyong dahilan para kumbinsihin ako sa isang bagay na hindi pa nito deretsong sinasambit.
"Quit it, Sir. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin," deretsahang sabi ko.
A small smile flashed on his face. "I want you to be a new member of Jeon-seonsaeng's division."
Umawang ang labi ko saka umiling. "Paano kung pumayag ako? Hindi ko pa nahahasa ang abilidad ko, matutulungan mo ba ako?"
Manganganib ang buhay ko at gan'on din ang pamilya ko, kaya ko bang protektahan sila gayong wala pa akong alam sa abilidad ko?
"I will ensure the safety of your family. But of course, it will come at a price." anang headmaster. "And for your condition, Rad will help you mastered it."
***
Gyojang - Headmaster

Comentário do Livro (187)

  • avatar
    Loriza Cardino

    love it

    24/04

      0
  • avatar
    Mylene Noble

    cuteees

    11/04

      1
  • avatar
    Clarkson Arcayna

    it's great

    04/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes