logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 2

"Omg! Kinilig ako kanina." Impit na tili ni Anica pagkalabas namin ng classroom, breaktime na kasi namin.
Kunot noo ko siyang nilingon, I know exactly what she's talking about.
"Tss. Tigilan mo nga ako, Anica. It's not funny." Taas kilay kong singhal sa kanya ngunit tinawanan niya lang ako. Kaya nauna na akong maglakad at iniwan siyang natatawa parin.
"Oh! Saan ka pupunta?" Agad niyang tanong nang makitang sa ibang direksyon ang tungo ko, hindi sa cafeteria.
"Library!" Tipid kong sagot.
"Teka lang! Hintayin mo ako." Aniya at saka hinabol ako.
Agad siyang kumapit sa braso ko nang maabutin niya ako.
"Kakasimula pa lang ng pasukan, library na agad ang tungo mo." Komento niya, may bahid ng panunukso ang boses. "Hmm! Ano to? Ibig sabihin ba nito nati-thrill ka na sa kalaban?" Pinasingkit niya pa ang natural niyang singkit na mata.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi na sumagot pa.
"Excited ako sa academic competition this year, girl." patuloy niya nang mapagtantong wala akong balak sagutin yung tanong niya.
"Ako rin." Nakangiting sagot ko.
Nang makarating kami sa library, kapansin-pansin ang katahimikan sa lugar na ito, konti lang din ang estudyanteng naroon. This is one of the reason why I love staying in this place during breaktime, dahil bukod sa iba't-ibang libro ang maari kong mabasa dito, nabibigyan din nito ng kapayapaan ang pag-iisip ko.
"Ano nga pala ang gagawin mo dito?" Tanong ni Anica habang naghahanap ako ng librong babasahin, nakasunod lang siya sa akin.
"Wala. Gusto ko lang sanang makalanghap ng katahimikan kahit panandilian lang pero since nandito ka," Nagkibit balikat ako."mukhang malabong mangyari 'yong nais ko."
"Ouch! You're so harsh." Hinawakan pa niya ang kanyang dibdib, as if nasasaktan talaga.
"Sshh! Quiet, please." Saway ng librarian sa amin.
"Oh! Tingnan mo na. Wala pa tayong isang minuto dito, nasaway na agad tayo ng librarian dahil sa ingay ng bibig mo." Bulong ko sa kanya.
"Ikaw kasi, eh! Yung mga chosen words mo. Masyadong mapanakit." Bulong niya sa akin pabalik, still acting hurts.
I pouted, trying to control myself from laughing because of her kaartehan... Well, that's Ariela Nicole Davies, my bestfriend since elementary. Bukod sa pamilya ko,
Siya lang ang nag-iisang taong kilalang-kilala ako, ang nag-iisang taong kaya akong patawanin nang walang kahirap-hirap.
Dala ang librong napili ko, umupo kami sa lamesang nakapwesto sa tabi ng bintana. I chose to read a novel habang wala pang pinaparesearch sa amin ang mga teachers. Si Anica naman panay lang ang daldal sa tabi ko, kahit pabulong na lang ito. Hays! Anica being Anica. Wala tuloy akong naintindihan sa binabasa ko.
"Look, who's coming." She said.
Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakanguso siya sa pintuan. Sinundan ng mata ko ang direksyong nginuso niya at agad na nagtama ang paningin namin ng taong itinuro niya, si Rayne La Questa. Ngunit saglit lang ito at siya ang unang nagbitaw ng tingin dahil kinailangan niyang lingunin ang taong kanina pa yatang tumatawag sa kanya.
"Kanina pa ako tawag nang tawag sayo, 'di mo man lang ako pinansin." Hinihingal na saad ni Apple.
"Oh! Sorry, hindi ko narinig." Kalmadong sagot ni Rayner.
Apple smiled then scratched her forehead.
"It's okay. Ahm... Itatanong ko lang sana kung pupunta ka ba mamaya?"
Hindi ko na narinig ang sagot ni Rayne dahil lumabas na ulit sila ng library. Kaya sinubukan kong ituon ulit ang aking atensyon sa pagbabasa. But few minutes later, hindi parin ako makapagconcentrate sa binabasa ko dahil ginugulo ako ni Anica, kung anu-anong post ang pinapakita niya sa akin habang nag-i-scroll siya sa facebook. So, I decided to closed the book that I'm reading and put it back to the right place.
"We still have 15 minutes, tara cafeteria." Yaya ko sa kanya.
"Tara. Libre mo ako, ah!" Tila excited niyang saad.
Basta talaga usapang libre, nabubuhay ang buong kaluluwa niya. Minsan nga hindi ko siya magets, ang dami niyang pera pero ang hilig niya paring magpalibre. Tsk.
Konti lang ang tao pagkarating namin sa cafeteria. Siguro dahil patapos na ang breaktime namin, baka tapos na ring kumain ang karamihan.
Pagkakuha namin sa pagkaing binili, dumiretso kami sa parehong table na inuupuan namin the other day at saka tahimik na nagsimulang kumain.
Maya-maya lang, biglang umingay ang paligid dahil sa tilian ng mga junior high school's students, isa lang kasi ang cafeteria sa campus namin kaya both junior and senior high school's students ay dito kumakain.
"Shet! Ang gwapo niya talaga." Saad ng isa.
"Sino?" Tanong naman ng isa.
"Yung grade 11 student na galing sa floraisan high."
"Oo nga."
"Teka! Bakit sila magkasama?"
"Sila ba?"
Nagkatinginan kami ni Anica, umikot ang mata niya at saka lumapit sa akin ng konti. "Mas boto pa rin ako sa inyo, girl." bulong niya sakin.
"Stop it, Anica. Walang botohan dito at saka ano bang pakialam ko kung sila nga?"
"Oh kalma! Bakit defensive ka?"
Sinamaan ko siya ng tingin kaya mas lalo siyang natawa.
"Okay! I'll zip my mouth." She gestured zipping her mouth as if it is really a zipper.
"Mga tsismosa! Magsitigil nga kayo. Ang sakit sa tenga ng mga boses niyo." Russel shouted, kasama rin pala siya nina Apple.
"The devils, Nagsasanib pwersa. Pati si Rayne kasama na rin nila." Komento ni Anica.
"Don't mind them." I said then continued eating.
Russel, Kenneth, Tobby, Grace, Lyka, Apple and Rayner occupied the seats in a long table na nasa pinakagitna ng cafeteria. At ang pinag-uusapan ng mga student's ay sina Rayner at Apple, I guess. Sila kasi ang magkatabi.
"Bilisan mo, Anica. Malapit na mag-end ang breaktime natin."
"Wait lang girl, baka mabulunan ako." Biro niya. "Ba't kasi ang bilis mo kumain?"
"Well, sa ganun ako kumain, eh." Natatawang saad ko, "Bilisan mo na lang."
"Oo na. Eto na, tapos na ako."
Dahil sa pagmamadali, nilunok niya ang pagkaing nasa bibig gamit ang tubig kaya natawa ako.
"Oh, EJ! Kakarating ko lang. Aalis na agad kayo?" I heard Russel's voice nang mapadaan kami sa gilid nila. Hindi ko na sana ito papansin pero mukhang hindi na naman nakapagpigil ang kaibigan ko.
"Devil, back off." Pagtataray ni Anica.
"Hey, I was talking to EJ. Bakit ikaw ang nagagalit?" Tanong ni Russel sa pinakakalmadong paraan pero nakangisi ito, halatang nang-iinis na naman.
Anica rolled her eyes. "Not my bestfriend, Russel."
"Teka! Galit ka kasi si EJ ang kinausap ko at hindi ikaw?" Mas lalong lumaki ang ngisi ni Russel, mukhang nag-eenjoy siya sa pangyayari. "Sana sinabi mo agad para ikaw na lang ang papansinin at kakausapin ko, Baby." Nilambingan niya pa ang pagbigkas sa huling salita at saka kumindat.
Nagsitawanan silang lahat, except for Rayne. Seryoso lang itong nanonood sa amin na animo'y nasa isang pelikula kami at siya ang viewer na ayaw magpa-istorbo dahil takot na may makaligtaang scenario.
I looked at Anica who is now burning red, I'm not sure tho if it is because of anger she felt or she's just blushing. Parang gusto kong tumawa sa huling naisip ko. I can't imagined Anica blushing over Russ, baka kotongan niya ako pag nalaman niyang kung anu-ano ang pinag-iisip ko tungkol sa kanya.
"Geez! Ang bababaw ng mga common sense niyo. Anong nakakatawa doon?" Pagputol ko sa tawanan nila. Sa itsura kasi ni Anica ngayon, alam kong hindi na siya makakasagot. Ganun siya kapag galit. Sa sobrang tindi ng emosyon niya, walang lalabas na salita sa bibig niya.
Nagsitahimik silang lahat. Tiningnan ko sila isa-isa, mata sa mata. From laughing, I saw how the boys' faces turned into amusement. Rayne bit his lower lip as if pinipigilan niya ang pagngiti. Habang ang mga babae naman ay nakatingin sa akin na tila nanggigilaiti na sa galit.
I grinned. Ngising tagumpay.
Bago pa sila makasagot, hinila ko na si Anica palayo sa kanila. Sumabog naman ang tawa ng kaibigan ko nang makalabas na kami sa lugar na 'yon.
"Girl, grabe ang pigil ko ng tawa kanina. Nakita mo yung mukha nina Apple? Sabog!" Aniya na nakahawak pa sa tiyan dahil sa kakatawa.
"Tss. Ba't ba kasi pinatulan mo pa yung ugok na Russel na yun?" Inis kong saad sa kanya.
"Nainis ako sa inasal niya, eh. Akala mo kung sinong gwapo." She crossed her arm.
"Kahit na. Sana hinayaan mo na lang. Tingnan mo, nabaliktad ka pa tuloy."
"Thanks to you nga pala, alam kong hindi sila mananalo sayo. Kaya ako sumagot." She hugged me and even kissed my cheek.
Wala talagang pakialam si Anica. Pag gusto niya akong yakapin, gagawin niya talaga kahit saang lugar pa kami naroon (home, school or even a crowded places). Katulad nalang ngayon, we are here at the corridor and any moment dadagsa ang mga estudyate papunta sa kani-kanilang klase.
"Nasasakal ako, Anica." Reklamo ko.
"I know you're not, you are just not comfortable." She stated.
Tumawa ako. "Buti alam mo."
Our classes went well, so far. Some teachers assigned us a topic to be reported individually and some just discussed a random topics.
"That's all for today. Class dismissed!" Mr. Guererro, our Literature teacher exclaimed. Siya kasi ang last period namin tuwing TTH.
Nagsiunahan sa paglabas ang mga kaklase namin. Nagpahuli na lang kami ni Anica sa paglabas, hindi naman kasi namin kailangan magmadali dahil maaga pa. At saka mahirap din makisiksik, baka maipit pa kami.
Hindi ako matangkad, pero sapat na ang height kong 5'2" para hindi ako matawag na pandak. Kaya lang, petite ako. At kahit anong lakas kong kumain, hindi ako tumataba. Kaya pag nakisiksik ako sa kanila, posible talagang maipit ako.
Nasa labas na ang sundo ni Anica pagkalabas namin, inalok pa niya ako na sila na raw ang maghahatid sa akin pero tinanggihan ko ito.
I checked the time on my wrist watch, fourty minutes passed four pm my watch says. Maaga pa naman, kaya napagdesisyunan kong maglakad na lang pauwi. Approximately, twenty minutes lang naman kung lalakirin papuntang bahay. So by 5:00 pm nasa bahay na ako. Saka dagdag steps rin yun para sa akin, who knows baka maabot ko pa ang 10 thousand steps a day.
Sa sobrang bored ko habang naglalakad, binibilang ko ang mga dumadaang sasakyan sa paligid ko. Ngunit natigilan ako nang bigla dumaan sa gilid ko ang isang itim na motorsiklo, muntik pa ako nitong masagasaan.
Teka! Familiar sa akin ang motorsiklo na yun, ah. Nag-isip ako kung saan ko ba nakita ito. And then, bling! Pumasok sa isipan ko ang eksena kaninang umaga. 'Yon din ang may kasalanan kung bakit natalsikan ng putik ang uniporme ko kanina.
Sisigawan ko sana ito, ngunit nahuli ako. Ang bilis kasi ng pagpapatakbo niya kaya bago pa man ako makapagreact, hindi na ito maabot ng tanaw ko.
Walang hiya! Nakadalawa na siya sakin ngayong araw. Kaya humanda talaga sa akin kung sinuman ang lalaking nasa likod ng helmet na 'yon. Aabangan talaga ko siya bukas.
"Ate! I've missed you." salubong sa akin ni Aj pagkarating ko sa bahay.
Aj or Julian is my younger brother, he's 11 years old.
"Hi, baby. How was your vacation?" I kissed him on his cheek.
"Well, it was good and exciting, ate. Tita brought me in to different places."
Yes, he went on a vacation with my tita. At kakarating lang nila ngayon.
"Oh! It seems you enjoyed a lot, baby." Saad ko.
"Of course, but it would be more fun if you were there. And by the way ate, please stop calling me baby. Can't you see? I'm a bigboy na." Tinuro niya pa ang sarili.
I smiled. Ang cute talaga ng kapatid ko.
"Whatever. You will forever be my baby, either you like it or not." Kinurot ko ang pisngi niya.
"Geez, ate." Inis niyang iniwas ang kanyang mukha. "My future girlfriend will be jealous if she hears you calling me baby."
"Hey! Where did you learned that? You're still too young for that girlfriend thingy."
Instead of answering, he just sticked out his tounge in a childish way and ran upstairs.
"See? Even your actions tell that your still a baby." Pahabol kong sigaw pero hindi na siya sumagot.
"Oh! Nandiyan ka na pala." ani mama na kakalabas lang galing kusina.
"Hi, mom."
Lumapit ako dito saka nagmano at hinalikan siya sa pisngi.
"Si daddy, po?"
"Wala pa, busy sa trabaho. Si Tita Leanne mo, andun sa living room."
"Sige po, ma. Puntahan ko lang."
Naabutan ko si Tita Leanne nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV.
"Hi, tita." Bati ko sa kanya sabag halik sa pisngi.
Nakangiti siyang lumingon sa akin, "Hello, EJ. Nandun na sa kwarto mo yung pasalabong mo."
"Wow! Thanks tita. Akyat muna po ako para makapagbihis." Paalam ko na ikinatango niya.
Pagkapasok ko sa kwarto, nakita ko agad ang tinutukoy na pasalubong ni Tita. Excitement runs through my body.
Dali-dali akong tumakbo para mahawakan agad ito. It's a white sneaker with EXO's logo printed on it. And I'm telling you... I so love it. Tita knows that I'm obsessed with EXO. Kaya siguro ito ang pinili niyang pampasalubong sakin this time. Dati kasi puro branded things ang binibigay niya. Not that I don't like it, of course naappreciate ko ang lahat ng bigay niya sa akin.. It's just that, EXO brings different feelings and excitement to me.
Nang sumapit ang gabi, bumaba ako para makapag-dinner. Sabay-sabay kaming kumain. Kumpleto ang lahat, si papa ang nasa kabisera, sina mama at tita naman ang magkaharap sa tabi niya. Kami naman ni AJ ang magkaharap, katabi ko si tita habang si AJ naman katabi ni mama.
We talked about random things while eating, kinamusta nila ang pag-aaral ko. Sina AJ kasi next week pa ang pasukan nila.
Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Ginawa ko talaga ang best ko para makapasok ng maaga sa araw na 'yon, and thankfully nagawa ko nga.
Konti pa lang ang tao nang dumating ako sa school campus. Pagkababa ng tricycle, dumiretso ako sa parking lot kung saan nakaparada ang mga motorsiklo.
And speaking of right timing, hindi pa ako nakarating sa patutunguhan ko nang makita kong dumaan ang motorsiklong inaabangan ko.
"Hey!" sigaw ko dito habang tumatakbo para mahabol siya.
Bumaba siya nang motor at dahan-dahang tinanggal ang kanyang helmet. Nakatungo pa siya kaya hindi ko agad nakita ang mukha niya. Ginulo niya ang kanyang buhok bago nagtaas ng tingin sakin. Napamura ako nang makilala kung sino siya.
"Are you talking to me?" tanong niya nang magsalubong ang paningin namin.
"Yes! You, Mr. La Questa!" bulyaw ko dito.
"Why? Miss me? Mukhang inaabangan mo pa yata ako ngayon." Mayabang niyang saad, nakangisi pa ito.
Muntik akong mapanganga sa sinabi niya. Ang hangin niya. Grabe!
"Tarantado! Nakadalawa ka sa'kin kahapon kaya malamang aabangan talaga kita. Lintek lang ang walang ganti." I shouted habang tinuturo-turo pa siya.
"Ano bang ginawa ko sa'yo?" Painosenteng tanong niya.
"Stop playing innocent. I know that was you. Ikaw yung dahilan kung bakit natalsikan ako ng putik kahapon. At ikaw rin yung muntik nang makasagasa sakin nung pauwi na ako." Nanggigilaiting usal ko.
Medyo naninibago rin ako sa sarili ko ngayon. I don't usually act this way. No matter how irritating the situation is, I always act calm and cool. But this guy is really different. Pinapainit niya talaga ang ulo ko.
"I don't know what you're talking about, Ms Samoza."
"I said stop playing innocent, because YOU ARE NOT." I said, emphasizing the last three words.
"Okay! If that was really me, what do you want me to do, then?" he asked calmly.
Nakakairita ang kakalmahan ng boses niya. How can he act this way when I am nearly exploding?
"Apologize to me." Pinilit kong pakalmahin ang boses ko as much as I could, para hindi magmukhang talunan sa harapan niya.
"Okay. I'm sorry." He said without sincerity then walked out.
Urgh! That's it? He's so arrogant. I HATE HIM!

Comentário do Livro (11)

  • avatar
    ces moh

    hhhhhhhhh

    5h

      0
  • avatar
    Alyza Jenine

    this story is so beautiful

    05/07

      1
  • avatar
    Shahanna Javier

    thanks

    11/06

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes