logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Past IV

PANAY ang sulyap ni Meira sa likuran dahil pakiramdam niya ay may sumusunod sa kanya. Alas-otso na nang gabi pero wala ng katao-tao sa paligid. Bigla siyang nagutom kaya lumabas muna siya sa kanyang condo para pumunta sa pinakamalapit na convenient store. Mayroon namang restaurant sa ibabang palapag ng condominium pero mas pinili niyang magtipid dahil sa ngayon ay walang-wala siya.
Wala siyang trabaho kaya wala rin siyang pera. Sa kanilang dalawa ni Chira, ito ang masigasig kaya nakapagpatayo ng cafe samantalang siya ay wala dahil mailap ata sa kanya ang tadhana o talagang wala siyang kasipag-sipag sa sarili.
Napabuntong hininga siya at muling sumulyap sa likuran ngunit katulad kanina wala namang tao. Sa muling pagharap niya sa harapan saka naman napahinto at nanigas sa kinakatayuan nang may tumakip sa bibig niya na isang panyo. Nanlaban siya ngunit mula sa likuran ay may humawak sa mga braso niya.
Kahit anong pagpumiglas hindi pa rin siya nakawala hanggang sa lamunin ng kadilim ang pagkatao niya.
Napabalikwas si Meira ng bangon sa kama nang mapagtantong hindi mapilyar ang paligid. Pinilit niyang isiksik ang sarili sa gilid.
Nasaan ako? Anong kailangan nila sa akin? Papatayin ba nila ako?
Sa kaisipang iyon, mabilis siyang umalis sa kama at pumunta sa pintuan. Pinihit niya ito pero nakalock kaya kinalampag niya ito.
"B-buksan niyo ito! Pakawalan niyo ako!"
Kahit anong gawin niya pero wala pa rin tumugon sa mga sigaw. Napadausdos ang katawan paupo.
"P-pakawalan niyo ako....." Sa nanghihinang boses naiusal niya ito. Lahat ng parte ng katawan niya ay nanghihina. Napahikbi siya.
Sa hindi inaasahang pangyayari, biglaang bumukas ang pintuan at dahil nakasandal siya sa dito, naitulak siya ng pinto kaya napasubsob siya sa sahig. Napasinghap siya sa lakas nang impact nito.
"FUCK! What the hell are you doing there?" Nagtatakang tanong nito.
Natataranta siyang umayos ng upo sa sahig. Nakaawang ang labi niyang napatitig sa bulto ni Acerlon. Nakakunot ang noo nito sa kanya. Nakita niya pa kung paanong bumaba ang paningin nito mula sa pagtulo ng luha sa kanyang mga mata hanggang sa pagdaloy nito sa kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg at doon namalagi ang titig. Napasinok siya kaya nag-iwas ng tingin ang lalaki at sunod-sunod na napalunok.
Sa nanunuyo niyang lalamunan nagawa niyang magtanong kay Acerlon.
"B-bakit ako nandito?"
Humarap ito sa kanya at nagtiim-bagang. Napahawak siya sa damit nang mag-umpisa itong maglakad papalapit sa kanya at umupo kapantay ng kanyang mukha. Napasinghap siya nang itrace ng daliri ni Acerlon ang luha sa mga mata niya pababa sa pisngi at patungo sa leeg niya. Napalunok siya nang mamalagi ang hintuturo nito doon.
"B-bakit?" Gusto niyang kutusan ang sarili dahil natataranta na naman siya. Para siyang mauubusan ng hininga sa mga titig nito sa kanya. Nakakakilabot, nakakatakot ang talim ng mga mata nitong diretso ang tingin sa mga mata niya. Pakiramdam niya ano mang oras ay bubulagta siya dahil para siyang mahihimatay sa nerbyos.
Napakagat siya ng labi pero mabilis din na napaawang nang bumaba mula sa mga mata niya patungo sa labi ang paningin ni Acerlon. Napatitig ito doon at hindi na muling naalis. She gasped when Acerlon struggled her neck but the strangulation was not gripped.
"We'll get married," He said emphatically.
Hindi siya nakapagsalita.
He wants that? D-did he learn to love me?
May namuong luha sa gilid ng mga mata niya at tuluyang bumagsak kasabay ng pagkawasak ng kanyang puso dahil sa idinugtong na mga salita ni Acerlon.
"Pero huwag kang magpakasaya dahil panandalian lang iyon. Just for a show..." Humigpit ang pagkakasal ni Acerlon sa kanya kaya napahawak na siya sa kamay nitong nasa leeg niya.
"E-erlon,"
"Hindi kita mamahalin. Si Chira lang ang mahal ko. Dumalo ka sa kasal natin bukas kung ayaw mong patayin kita."
Kasabay no'n ang pagtulak sa kanya. Napakuyom siya ng mga kamay at napahikbi.
Alam ko naman na hindi niya ako magagawang mahalin pero,
Napapiyok siya.
Umaasa pa rin siya na balang araw ay mamahalin siya ni Acerlon.
Madaling araw nang makauwi si Meira. Matapos ang pag-uusap nila ni Acerlon pinauwi siya kaagad nito. Ni wala itong pakialam kung mapahamak siya sa disi-oras ng gabi.
Napabuntong hininga siya at nanlalatang humiga sa kama. Inabot niya mula sa bulsa ang cellphone at idinayal ang numero ng isa sa mga taong mahal niya. Napakagat labi siya nang matitigan ang pangalan nito.
Sasagutin kaya nito?
"H-hello?" Parang piniga ang puso niya nang marinig ang garalgal na boses nito.
She wanted to say sorry. She wanted to hug her, to comfort her, but she can't do all of this. She can't do anything but to face the consequences of her action.
"W-we-" Hindi niya nakayanan ang emosyong nagsisimulang lumukob sa kanya. "We're going to married." Pikit matang sabi niya.
Bakit naging ganito ang lahat? Hindi ko din naman ginusto ang lahat ng nangyari. God knows how much I love my sister. God knows how much I want to keep those promises I ought to her. But at the end, hindi ko rin talaga na panindigan.
"I know..."
I'm sorry, Chira.
"You don't know how much it hurts,"
Umiling siya sa sinabi ni Chira.
"Being in love with someone who doesn't love you back... is more painful,"
"Pero ang lokohin ng sarili mong kapatid ang mas masakit sa lahat. We're quits, and I still hate you for ruining my life. I hate you!"
Mariin siyang napapikit nang babaan siya ng tawag. Isinubsob niya ang mukha sa kama at inilabas ang mga sama ng loob niya. Nasasaktan siya pero alam niya na hindi lang siya ang nakakaramdam nito. Pati ang mga taong mahal niya sa buhay.

Comentário do Livro (121)

  • avatar
    Lyn Gonzales

    thank you po sa pag sikat nito

    5d

      0
  • avatar
    Nathaniel Cordero

    thanks

    6d

      0
  • avatar
    Grace Comia

    nice

    13d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes