logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2: The Twilight

A normal day for Aparri's family.
"Papa!" Sigaw ng bunsong anak ni Ymarry.
"Ria, bakit?" Ymarry asked.
"Nakita mo po ba si Lolo? Kanina ko pa po siya hinahanap and I couldn't find him." Sabay pagkamot sa batok ni Ria.
Inilibot ni Ymarry ang kanyang paningin at pansin nga nito na wala ang kanyang Ama.
"Here we go again, that old man giving too much headache to me. Sinabihan na nga huwag lalabas dahil maaaring mawala siya because of his situation." Dali-dali siyang umalis ng bahay para hanapin ang kanyang Ama.
Kung kani-kanino na siya nagtanong at kung saan-saan na rin siya nagpunta ngunit hindi niya ito makita.
"Dad, where are you? Alam mong hindi ko kakayanin na mawala sa buhay ko. Ngayon nalaman kong may taning na ang buhay mo. I don't even see my Mom but you fullfilled all the responsibilities and duties." Inaaway niya ang kaniyang sarili dahil baka mawala ng maaga ang kanyang Ama sa kanyang buhay.
Tinawagan siya ng kanyang asawa na nasa kuwarto pala ito at magkasama sila. Pagkadating niya ay agaran niya itong niyakap kahit tumutulo ang mga pawis nito.
"Pa, kung wala man ako sa bahay huwag na huwag kang aalis, ah!" Panambit nitong mga salita.
"Ymarry, bakit parang tulirong-tuliro ka?" Kinuha niya ang kamay ng kanyang asawa at lumabas ng kuwarto para masabi sa kanya ang tunay na kalagayan ng kanyang Ama. Napahawak na lamang sa kamay ang dalawa dahil posible na silang iwanan nito sa anumang oras o araw.
"No! It can't be, Ymarry!" Malaking boses na may hagulgol na ang tanging nagawa ng kanyang asawa.
"Kaya dapat alagaan at huwag natin pabayaan si Papa. Ayaw ko rin siyang mawala sa buong buhay ko siya lang ang na kasama ko sa hirap at ginhawang tinatamo ko ngayon." He said while in tears.
Nakita sila ni Ria na magkayakap habang tumutulo ang mga luha.
"I won't ask for the situation we're experiencing right now but I swear I'll try to be good and nice grandchild." Ria said and leave.
Ngayong araw mismo nalaman ni Ymarry that his Dad is suffering in Alzheimer's Disease at ngayon lang din niya nalaman na matagal na itong alam ng kanyang Ama dahil sa records na nakita niya sa isang kahon sa ilalim ng papag nito at sa resulta ng diagnosis na ipinagawa niya. Dahil kapansin-pansin na rin ang pagiging makakalimutan ng kanyang Ama.
Tanghali nang akala niya ay nawawala ang kanyang Ama. Mahimbing at payapang natutulog ito nang silipin ni Ymarry sa kuwarto.
"Dad, hindi man ako ang anak na ninanais pero ikaw lang ang Amang gugustuhin ko makasama kahit sa ikalawang pagkakataon ng mga buhay natin. Alam kong puro problema at sakit ng ulo ang idinulot ko sa 'yo but still you kept guiding me in the right path should I follow. Thank you!" Salitang hindi niya mabitawan kaya idinaan na lang niya sa kanyang isipan.
Hindi niya alam na ang Ama ay may tumutulo na ang luha marahio sa alam na nitong alam na ng anak niya ang nangyayari sa kanya. Pumasok sa kuwarto si Ria upang kausapin ang kanyang Lolo.
"Lolo, gising ka po ba?" He asked calmly.
"Ria, nandiyaan ka pala!" He replied.
"Lolo, itatanong ko lang po kung bakit mahalaga sa 'yo na makita ang takipsilim kahit sa bintana lang. Pansin ko po kasi na lately you're staring at the sky while the sun lowering it's light to us." Ngumiti siya at tinignan ang labas ng bintana.
"Apo, alam mo masaya ako na gan'yan ka na kung magtanong nagmana ka talaga sa Ama mo." Nakangiti ito at tila tuwang-tuwa sa apo.
"Hindi naman po siguro, Lolo!" Pabirong sagot ng bata.
Sabay silang napangisi. "Tignan mo ang kalangitan, Ria! Hindi ba sobrang maaliwalas at payapang mapagmasdan. Pansinin mo ang kulay ng ulap at ang hugis ng mga ito, hindi ba sobrang ganda?" Ngumisi ito habang nakatingin sa mga ulap.
Tumango si Ria. "Lolo, hindi ba gan'yan din minsan ang pagsikat ng araw?"
"Tama ka, Apo! Alam mo ba na tuwing sisikat ang araw ang ibig sabihin ay buhay at pag-asa samantalang ang takipsilim ay pamamahinga at kawalang pagod. Dahil sa araw nagtratrabaho tayo at sa pagdilim naman ay ang hangad natin ay magpahinga." Nakita ni Ria kung papaano damhin ng kanyang Lolo ang nakikita nito sa labas.
"Lo, is it important to have a break in our time?" Tinitigan siya ng kanyang Lolo sa mga mata.
"Hindi ko alam kung bakit sa murang edad mong 'yan ang lalalim na ng mga katanungang ibinabato mo." He said while thinking his own younger self.
He slightly laughed. "Oo, sobrang importante ng pahinga sa buhay natin dahil minsan kahit sabihin natin kaya pa at kakayanin pa natin kusa ring bumibigay ang katawan, isipan, at kalooban natin. Hindi naman masamang mamahinga ng panandalian basta sa pamamahinga natin iniisip natin yung mga bagay na dapat nagpapasaya sa atin para mas mabawasan yung pagod, pag-aalinlangan, at mga expectation natin sa buhay." Umupo ang Lolo ni Ria at hinawakan siya nang mahigpit sa mga kamay.
"Kaya ikaw ugaliin mong isipin na ang araw ay ginawa para magbigay liwanag sa buhay pero ginawa rin ito para ipaalala na kahit gaano pa katagal, kahaba, at kahirap ito'y lilipas at dapat kang mamahinga. Huwga mong sasagarin ang sarili mo sa araw-araw may gabi para magnilay at mag-relax. Kaya nga ginawang bentequatro ang oras sa isang araw dahil pantay ang hilang ng oras ng trabaho at nang pamamahinga." Niyakap nito ang kanyang Apo at dahan-dahang hinaplos ang mukha nito animo'y batang Ymarry ang kanyang hinahanaplos-haplos.
Halos maghahapunan na nang matapos ang maglolo sa kanilang pag-uusap. Inihahanda na rin ang kanilang makakain at ang dalawa pang anak ni Ymarry na sina Dimitri at Dimaria ay nagtatalo pa sa platong kakainan. Parehas kasing maarte sa mga bagay-bagay. Lumabas na si Ria sa kuwarto at nakita siya ng Ama niya.
"Nasa loob ka pala ng kuwarto ng Lolo mo, gising na ba siya aking bunsong anak?" Pabirong sabi nito sa kanyang anak.
Tumango si Ria. "I saw you, Dad! Kung papaano mo lokohin ang sarili mo na ayos at okay ka lang. It doesn't mean na bata pa lang ako hindi ko mapapansin ang pagbabago sa mga kilos mo." Dumiretso sa kuwarto niya si Ria at may isinulat sa kanyang journal na nagtatala ng mga importanteng bagay sa araw-araw.
Habang sa kuwarto naman ng matanda sa huling sandali ng liwanag ng araw, "Hindi ko na halos matandaan ang mukha aking Fierre. Sana tulad ka pa rin ng dati na halos katulad ng tanging bukang-liwayway na nagbibigay liwanag sa iba. Kailan ba kita muling makikita at makakasama?" Boses nitong may pagnanais.

Comentário do Livro (79)

  • avatar
    JeyDdy

    daming life lessons. worth it basahin.

    14/08/2022

      0
  • avatar

    the story way amazing bravo!!🫰🏻🫰🏻🫰🏻

    26/07

      0
  • avatar
    ForioPrincesnicole

    nice so very good ang gandaa

    07/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes