logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 4 Apat na yugto

Hindi ko na alam ang aking ikikilos dahil sa mga oras na ito ay hinarangan niya ang aking daraanan.
"Bakit ka narito sa likod?" seryoso nitong tanong. Luminga pa siya upang tingnan ang mga naroroon. Kaunti lamang kami dito at nang makita nila ang isang Heneral na ito ay nagsialisan sila.
Humakbang ako ng isang beses para makalayo sakanya ngunit bigla siyang bumaling sa akin at pinagmasdan ang aking paahan.
"Batid kong hindi ka sanay sa matataong lugar.." panimula niya habang inaayos ang kanyang kasuotan.
"Wala naman na sila, nagsialisan na po ang lahat." mahina kong saad habang pinipilit na iayos ang aking tindig.
Nakita ko pang pinagmasdan niya Ang dalawang magkasintahan na nagmamadaling lumakad palayo.
"Paumanhin Heneral Lopez.. ako po ay babalik na sa aking Mamita." saad ko at yumuko tandang pagbibigay galang.
"Bakit tila pakiramdam ko ay umiiwas ka?" nahimigan ko ang kanyang pagtataka.
Humarap ako sakanya at pinilit na makipag titigan sakanya.
"Nagkakamali po kayo, nais ko lamang na umupo na." palusot ko. Kahit pa ayaw ko munang bumalik doon ay kailangan para hindi na muli akong tanungin ng Heneral.
"Babalik na po ako.." ulit ko at nagmadali nang lumakad papunta sa pwesto ni Mamita.
"Oh bakit bumalik ka agad Señorita?" mabilis akong binalingan nito at huminto muna sa kanyang kausap.
"Nangawit na po ako." Ani ko at tumawa ng mahina.
"Ayos ka lang ba dito Señorita?" tanong nito at hinawakan ang aking kamay.
Ngumiti ako rito at ipinakitang ayos lang ako.
"Nais mo bang kumain? O di kaya ay inumin?" tanong pa nito. Umiling nalang ako at sinabing makipag kwentuhan na siya at ayos lang ako dito.
Habang inilibot ko ang aking paningin ay nahagip na aking mata ng lalaking aking pilit na iwinawaksi sa aking isipan.
Malamig ang kanyang mata na nakatuon sa akin habang ang kanyang kamay ay nakapamulsa lumapit sakanya ang kutserong madalas kong makitang kasama niya.
Hindi ko naman maialis ang tingin ko at pinagmasdan ang kanilang kilos. Nakita ko ang pagbuka ng kanyang labi at tila importante ata ang kanilang usapan dahil mas lumapit pa ang kutsero. Ngunit ng mas tinuon ko ang aking mata sakanila ay doon ko lang napagtanto na hindi niya manlang binalingan ng tingin ang kanyang kutsero at habang nakikipag usap siya ay sakin lang nakapirmi ang kanyang tingin.
Mabilis akong nag iwas at binuksan ang aking abaniko. Pinilit kong alisin ang namumuong kaba at balisa sa aking katawan. Hindi ito maaaring magtuloy. Hindi ko siya lubos na kilala at ni hindi ko siya nakakausap ng ilang minuto, ni matitigan ay hindi umaabot sa kahit isang minuto lamang. Ganon ko iniiwasan na huwag sakanya magkaroon ng kahit anong ugnayan.
Nakakailang kita ko pa lang sakanya at imposibleng ganito na agad kalalim ang aking pagtingin sa Heneral Lopez.
Inaamin kong unang kita ko palamang sakanya ay nagustuhan ko na siya. Sa paraan palang nang kanyang pagtindig at pananalita ay nakuha ko na mahulog sakanya. Sa paraan ng bawat sulyap at pag galaw ng kanyang pilik mata ay sobrang nagbibigay ng kaba sa aking dibdib. Isama ko pa ang kanyang mapupulang labi at ang kutis niyang tila galing siya sa marangyang pamilya.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kung saan sila nakapwesto ngunit wala na sila roon. Inilibot ko pa ang aking paningin at bigo akong mahanap siya.
"Batid kong puno ng galak ang iyong kalooban mahal kong anak." saad ni ama ng sawakas ay nakarating na kami sa aming tahanan.
"Oo naman po ama. Lubos po ang aking kagalakan sa buong araw na ito." sagot ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.
Kami nalang ang nandito sa baba at umakyat na agad sa taas ang aking Ina at Ate. Siguro ay pagod sila sa maghapon. Kita ko rin sakanilang mga mata ang kasiyahan dahil kanina ay pinagmamasdan kong silang makipag kwentuhan sakanilang kakilala.
"Mabuti kung ganoon. Halika na at mamahinga na tayo." aniya at hinatid pa ako sa aking silid.
Pagka'sara palang sa aking pintuan ay sinindihan ko na ang lampara at mabilis na nagliwanag ang aking silid.
Minabuti kong iuwang nang kaunti ang aking bintana para makapasok ang hangin. Ibinalik ko ang aking mga gamit sa tamang lagayan at nagpalit ng isang bistidang gawa rin sa baro't saya. Ito ay isang damit pantulog.
Umayos na akong at nahiga. Matutulog akong may ngiti sa labi.
Kinaumagahan ay puno ng tilaok ang aking narinig. Pasikat na ang araw at marami na rin ang nagsisilakad sa kalye.
Binuksan ko ng maigi ang aking bintana at hinayaan na pumasok ang sariwang hangin sa labas. Pinagmasdan ko ang mga taong nagsisilakad na ngayon at dala ang kanilang mga bayong at ang iba ay kalesa. May iba naman na habang naglalakad na naghaharutan pa.
Ang sarap pagmasdan ng mga taong malaya at masaya sakanilang ginagawa. Hindi man sila marangya at kapos palad sa ibang bagay ay makikita mo naman sakanilang mga mata ang tunay na ligaya.
Nakita ko si Mamita na paalis na rin at tutungo iyon panigurado sa pamilihan.
Halos takbuhin ko ay pababa para lang mahabol siya. Mabuti nalang at palabas palang siya sa kalye kaya akin siyang naabutan.
"Mamita." tawag ko. Mabilis itong humarap sa akin at lumapit.
"Señorita, bakit kayo lumabas ng ganyang kasuotan." aniya at agad akong hinila pabalik sa bahay. Mabuti nalang at umalis ng maaga si Ina at Ate Franches.
"Paumanhin Mamita, nais ko lamang malaman na sa pamilihan ba ang iyong tungo?" tanong ko.
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Opo Señorita, kaya bumalik kana sa iyong silid at ayusan ang sarili." aniya at akmang tatalikod na nang hawakan ko ang kanyang kamay.
"May nais ho ba kayong ipabili?" aniya.
Pinakita ko sakanya ang aking itsura na gusto kong sumama sakanya.
"Señorita hindi maaari.." natumpak niya agad ang kagustuhan.
Lumungkot ang aking mukha at nawalan na ng pag-asa. Binitawan ko na sana siya nang may magsalita sa aking likuran.
"Anong ang problema dito?" tinig ni ama.
Tuluyan ko ng nabitawan ang kamay ni Mamita at napayuko nalang.
Hindi agad nakasagot ni Mamita at mukhang nag-iisip siya ng sasabihin.
"Nais ba ng aking anak na sumama saiyong pamimili? nagulat ako sa aking narinig dahil wala namang nagsasabi sakanya na ganoon nga iyon.
"Pasensya na Señor, sinabi ko na po sakanya na--" Hindi na naituloy ni Mamita ang sunod na sasabihin nang muling sumingit si ama.
"Isama mo na siya Mamita." mahinahon na sabi ng aking ama kaya agad akong napalingon sakanya na may pagtataka.
"Bakit ninyo ako pinapayagan?" kunot noo kong tanong sa aking ama.
Nakita ko ang maliit niyang ngiti dahilan para mas gustuhin ang kanyang dahilan sa pagpayag.
"Ano iyon ama?" kulit ko rito.
"Dapat ba ay may dahilan anak? Gusto mo bang mag bago ang aking isipan?" aniya at mukhang babalik na ulit sa pagiging seryoso ang mukha.
"Lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan, nararapat lang na lahat nang bibigkasin natin mula sa bibig ay may sapat na paliwanag upang malaman natin ang tunay na batid nito. Ngunit hindi ko gustong magbago ang inyong isipan kaya ako'y papanik sandali upang magpalit ng aking susuotin." ngiti kong sabi bago magpaalam sakanila.
Pagbalik ko sa baba ay naabutan ko pa rin sila doon at seryosong nag uusap. Bumalik lang sila sa ayos ng namataan nila ako.
"Ano ama, ayos ba ang aking kasuotan? sa pangatalong pagkakataon na sunod-sunod ang aking labas." maligayang kong saad.
Lumapit ito sa akin at binigay ang isang kulay asul na abaniko bago ako niyakap.
"Ito ang aking nais, makitang may ngiti sa iyong labi. Itong abaniko ang iyong gamitin. Alam mo na aking bilin sa iyong paglabas ng tahanan." aniya at mabilis na naglakad sa may pintuan.
"Kayo'y umalis na upang makabalik agad kayo."
"Alis na kami ama." paalam ko bago tumalikod sakanya at sumabay kay Mamita.
"Kakaiba si ama ngayon, pinayagan niya akong muli lumabas ng tahanan." saad ko habang pinagmamasdan ang daan.
"Nais niya lang na maging masaya ka." sagot ni Mamita.
"Alam ko iyon, kaya nga labis ang pagmamahal ko kay ama dahil hindi niya na akong hinahayaan na magkaroon ng sama ng loob gaya noon." mahaba kong lintanya.
Nakarating kami sa pamilihan at sa tingin ko ay mas nadagdagan sila. Kaya mas lalong masarap mamili kapag ganito kadami ang pamimilian.
Gaya noon ay humiwalay ako sandali sakanya upang mamili ng aking mapupusuan.
Lumapit ako sa isang tindahan na may mga samu't saring baro't saya na may mga makukulay na disenyo.
Hinipo ko pa ang tela noon upang malaman kung mabisa ba ang pagkakagawa o isang simpleng tela o panahi lang ang ginamit.
"Bili kana binibi." Ani ng tindera.
Kinuha ko ang isang kulay dilaw na baro't saya at inilagay sa aking katawan. Sakto lamang ito sa akin at medyo kita pa naman ang aking paa.
"Aking bibilhin ito, magkano ho?" tanong ko.
"20 centavos po binibini." mabilis ko iniabot ang bayad at masayang bumalik kay Mamita.
Tinanong niya ako at hinayaan muli na lumibot sa pamilihan. Hindi ako lumalayo dahil baka mawala ko siya paningin ko.
Nakita ko ang isang sumbrelo na kulay kayumanggi at mukhang paubos na rin sa daming bumibili roon.
"Magkano ito?" tukoy ko sa sumbrelo. Hindi ko alam pero nang makita ko iyon ay pakiramdam ko'y babagay ito sakanya.
"Inyo ho bang bibilhin?" tanong ng tindera.
"Opo kung maaari." saad ko.
Inabot niya sa akin iyon at ganon din ang aking bayad. Pinagmasdan ko ang sumbrelong hawak ko at inisip na ano ang gagawin ko dito, hindi naman ako nagsusuot nito at ang babae mang iba ay tanging balabal lang ang suot.
Nais kong ibigay ito kay Heneral Lopez ngunit paano? batid kong mali ang gumawa ng isang hakbang lalo pa at isa akong babae, dapat lalaki ang gagawa noon at magbibigay ng regalo. Pero ako itong binilhan siya.
Tsaka ni hindi nga niya ako kilala pati sa aking pangalan. Ano nalamang ang kanyang iisipin sa akin kapag ibinigay ko namalang sakanya ito ng walang maayos na paliwanag.
Napabuntong hininga nalang ako at inilagay sa bayong ang napamili ko.
Bumalik ako kay Mamita na ngayon ay may kausap na mga guardia sibil.
"Ayos lamang, maraming salamat sainyong kabutihan." narinig kong saad ni Mamita sakanila bago sila lumakad papalayo doon.
"Ano iyon Mamita?" tanong ko.
Bumaling siya sa akin. "Nais nila akong tulungan sa pagbitbit nito." aniya sabay pakita sa akin ng mga napamili niya. Bigla akong naawa at kinuha ang isa sakanyang bitbit. Nagulat siya sa aking ginawa at akmang kukunin sakin nang may paraan na kalesa sa aming kinatatayuan.
May mga guardia sibil pa palang may busilak ang puso, kung ganoon.
"Magsitabi kayong lahat at dadaan ang Heneral." sigaw ng kutsero. Agad kong nalaman na si Heneral Lopez ang nasa loob non dahil kilala ko na ang kutsero na iyon.
Huminto sila sa dulo ng pamilihan at nakita kong bumaba si Heneral Lopez. Nakita ko kung paano niya inayos ang kasuotan bago bumaling sa mga pamilihan at isa-isang sinuri iyon.
Kahit malayo siya ay ganito nalang ang idinudulot niya sa akin. Akala ko ay kapag malapit lang siya bumibilis ang tibok ng puso ko, kahit pala malayo pa siya at tanaw ko lang siya ay ganito na ang pakiramdam ko.
Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa aking bayong nalaman ng mga napamili ko nang matanaw na papalapit na sila sa aming pwesto.
"Señorita, ako na ang magbitbit niyan." si Mamita na pilit na inaagaw ang bayong na naglalaman ng prutas.
"Ako na rito, masyadong mabigat ito at marami na kayong bitbitin." tukoy ko sa tatlong bayong na nakasabit sakanyang braso.
Sa huli ay hinayaan na niya ako. Binalik ko ulit ang tingin sa pwesto kung saan sila nandon pero laking gulat ko nang nasa likod na siya ni Mamita.
"Magandang Umaga Heneral." mahinahon at banayad na bati ni Mamita.
Naramdaman ko ang pagkalabit ni Mamita sa akin. Tiningnan ko ito at sumenyas sa akin na bumati ako.
"Magandang Umaga po sainyo Heneral." bati ko sabay yuko.
Pag-angat ko ng tingin ay nagtama ang mata namin. Ako ang unang nag-iwas at tumingin sa ibang bagay.
"Kayo ba ay may dalang kalesa?" matigas nitong tanong. Mas lalo akong ginapangan ng kaba nang marinig ang kanyang boses.
"Wala ho, Heneral. Kami ay naglakad lamang." magalang na sagot ni Mamita. Hindi ko alam ang aking ikikilos lalo pa at nasa harap namin ang Heneral na aking nasisimulang ibigin.
"Masyadong malayo ang inyong nilakad, para sainyong dalawa. Lalo pa at kasama mo ang binibing ito." sa bawat bigkas at bawat pagbuka ng kanyang labi ay mas nagpadepina nang kanyang magandang mukha.
Ako ba ang binibining tinutukoy niya. Kaya naman binaling ko na muli sakanya ang aking tingin at sa pagkakataong ito ay ramdam ko ang mariin niyang paninitig sa akin.
"Hindi ba at hindi sanay ang iyong alaga sa ganito karaming tao?" nahimigan ko ang panunuya doon at tila ngayon ay parang pinagdududahan niya ang tungkol doon.
Nakayuko lamang ako pero ramdam ko ang matalim niyang tingin sa akin.
"Ganon na nga ho, Heneral. Mapilit itong aking alaga at gusto niyang lumabas."
Mas lalo kong hinawakan ang bayong na sa aking kamay at pinipilit na huwag tumingin sakanya.
"Gustong lumabas? Pero batid niyang hindi siya sana'y sa lugar na tampulan ng tao." mas lalo akong ginapangan ng kaba at pakiramdam ko ay nililitis niya kami sa gitna ng pamilihan.
"Maaaring nais niyang maranasan na makisalamuha sa iba't-ibang--" halos mapalunok ako nang hindi niya pinatapos si Mamita sa sasabihin.
"Ako'y nagdududa.. Hayaan ninyong siya mismo ang magpaliwanag sakanyang sarili, batid kong nasa hustong edad na siya at kaya naman na niyang ipagtanggol ang sarili." umakyat ang init sa aking ulo at pinilit na labanan ang kaba.
Inangat ko ang aking paningin sakanya at muling nagtama ang aking paningin. Nilabanan ko ang kanyang paninitig bago magsalita.
"Paumanhin, ngunit sinusubukan ko palamang na makisalamuha sa iba.. Kaya sumama ako sakanya sa pamimili." hindi ko alam kung tama ba ang aking paliwanag. Dahil kahit pa alam ko na ang sasabihin ko ay nagugulo ito at nawawala sa ayo.
Hindi na siya sumagot at ibinaling niya ang tingin sa kalesang sinasakyan niya.
"Tapos na ako sa lugar na ito, sumabay na kayo sa akin papunta sa lugar ninyo." saad niya bago nagsimulang maglakad pabalik sa kalesa kasunod ang kanyang kutsero.
"Nakakahiya po Heneral, maglalakad nalamang kami pabalik. Ayaw po namin kayo maabala pa." magalang na saad ni Mamita.
"Walang abala rito, kayo'y sasabay lamang at hindi ko aasikasuhin. Sumakay na kayo." aniya at nagbigay daan para makapasok kami ng maayos.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod kay Mamita. Sayang at balak ko pa naman mamasyal sa simbahan. Kaso naalok pa ni Heneral Lopez na isabay kami pauwi.
Nasa dulo ako ng upuan at nasa gitna si Mamita, si Heneral Lopez ang nasa bandang labasan.
Tahimik lang kami dito sa loob habang marahan ang pagpapatakbo ng kalesa.
"Bakit hindi ninyo gamitin ang kalesa ni Señor Florentino?" malamig na tanong ni Lopez.
Agad akong napabaling sakanya at nakita ko ang seryosong mata niya habang nakatingin lamang sa daan.
Bumilis ang tibok ng puso ko at pinagmasdan ang kanyang mahahabang pilik mata at matangos na ilong.
Ang gwapong Heneral na ito, may asawa na kaya siya o di kaya naman ay mayroon na siyang kasintahan? o nakatakda palang ipakasal?
Alin kaya doon ang tamang sagot, batid kong hindi ko dapat ito naiisip dahil masyado pang maaga para doon. Pero hindi ko mapigilan na hindi mahiwagaan sa isang Heneral na ito.
"Nais kong maglakad kapag ako'y mamimili, masarap maglakad kapag umaga at ayoko rin makaabala sa kahit na sino." malumanay at ramdam mong ito'y galing sakanyang puso.
Hinawakan ko ang kamay ni Mamita at ngumiti sakanya. Gusto kong iparamdam sakanya na higit ang aking malasakit ko sakanya dahil siya ang nagpalaki sa akin kahit pa nandyan ang aking ina.
"Ganon din ba ang iyong nais, binibini?" tanong nito habang seryoso pa din sa mata habang nakatingin sa daan.

Comentário do Livro (88)

  • avatar
    HernandezWheng

    ganda ng kwento

    17/05

      0
  • avatar
    Quillosa Shane

    Good quality at maganda pa ang pagkasunod²

    16/05

      0
  • avatar
    Junrey Decatoria Salsona

    ggyg

    16/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes