logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

05

Chapter 5
“D-dad?” 
Hindi nag bago ang ekspresyon niya at napopoot pa rin ang kaniyang tingin sa akin. 
“Hindi ko mapapalampas itong pambabastos mo sa Tita Teresa mo!” 
Gulat naman akong tumingin sa kaniya bago tumingin kay Teresa. 
“What do you mean?” tanong ko. 
“What do I mean!? Really Aicelle?” 
Galit itong lumapit sa akin at marahas na hinablot ang aking braso.
“Dad, masakit! Bitawan mo po ako...” nagmamakaawang saad ko.
Hindi naman ito nakinig at nag patuloy lang sa paghila sa akin papunta sa aking kwarto. Nang kami ay makarating ay marahas niya itong binuksan at malakas na itinulak ako paloob at muling isinara ang pinto. 
Nanghihina man dahil sa malakas na pagkakatama ko sa lapag ay pinilit ko pa rin ang aking sarili na pumunta sa pintuan para sundan si Dad at mag paliwanag. “Dad! Open the door!” sigaw ko habang patuloy sa paghila ng sedura ng pinto.
Ilang minuto pa ang tinagal nang pagpipilit ko na buksan ang pinto pero sa huli ay sumuko lang ako. Dahan dahan akong humiga sa aking kama at niyakap ang aking unan at nag simula na tumulo ang aking mga luha. 
Hindi ako sanay na ganito. Prinsesa ang turing sa akin at kailan man ay hindi ‘ko naranasan ang mga nararanasan ko ngayon. He changed. 
I never expect that he will treat me in this way. 
Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga at kinuha ang aking telepono para tawagan si Mommy at mag makaawang kunin na ako sa pangangalaga ni Daddy. 
Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses ko paulit ulit na tinawagan si Mommy pero ni-isa sa mga tawag kong ‘yon ay wala siyang sinagot. 
Napabuntong hininga nalang ako at muling sumuko. Binuksan ko ang aking messages dahil napagpasyahan ko na lang na mag iwan ng mensahe sa kaniya. Siguro a tulog na ‘yon ngayonn kay hindi niya sinasagot ang aking mga tawag. 
To: Mommy
Mom, hindi ko na po kaya… Please balikan niyo na po ako rito, nasasaktan na po ako… ang sakit-sakit po. Mommy, kinulong ako ni Dad sa kwarto ko…ayaw ko na po rito. 
Agad ko iyong pinadala sa kaniya at nag intay ng reply mula rito ngunit wala akong natanggap na reply galing dito. 
Muli akong humiga sa aking kama at ipinahinga ang sarili. Ilang minuto ang itinagal ng aking pag iyak hanggang sa tuluyan akong makatulog. 
“Dad! Palabasin mo na po ako!” sigaw ko habang kinakalampag ang pinto. 
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapalabas sa aking silid at nakalock pa rin ang aking pintuan. May pasok ako ngayon kaya nakaready na ako ngunit hindi ako makalabas dahil walang pumapansin sa akin, kahit anong pagmamakaawa ko at pagkalampag ko ng pinto ay parang mga bingi ang kasama ko rito dahil hindi nila ako pinapansin. 
Napaatraas naman ako nang marinig ko ang pag bukas ng pinto. Agad akong tumayo muula sa pagkakaupo ko at may ngiting sinalubong ang papasok sa aking pinto.
Ngunit agad din ‘yong napawi nang makita ko si Manang na may dala dalang tray na may lamang mga pagkain.
“Bakit niyo po ako hinatiran ng pagkain?” tanong ko. 
“Ma’am, sabi po kasi ni Sir ay dito ka lang daw muna at hahatiran ka lang muna namin  ng pagkain,” paliwanag nito. 
“What do you mean?” Hindi makapaniwala na tanong ko. 
Hindi naman ito sumagot at nag patuloy lang sa pag aayos ng pagkain. 
“Are you guys going to lock me in this room?” Muling tanong ko.
Naawa naman niya akong tinignan at malungkot na ngumiti sa akin. 
“No! You can’t do this to me!” sigaw ko. 
Alam kong hindi nakalock ang pinto ngayon dahil nga dumaan si Manang dito kaya ginamit ko itong pagkakataong ito para lumabas. Marahas kong naitulak si Manag pahiga sa kama at binuksan ang pinto at nag mamadali na lumabas do’n. 
Rinig ko ang pagtawag sa akin ni Manang ngunit hindi ko ito pinansin at nag patuloy lang sa pag takbo pababa. Pag baba na pag baba ko ay bumungad sa akin ang dalawang tao na nag tatawanan. Natigil ang pagtatawanan nila nang makita nila ako. Galit na tumayo si Daddy at lumakad patungo sa akin.  
Isang malutong na sampal na naman ang tumama sa aking pisngi. “Hindi ka ba talaga makikinig sa akin!?” sigaw nito.
Tinitigan ko naman ang mga mata niyang nag aappoy sa galit at hindi na ako nag abalang pigilan pa ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata. 
“Dad… bakit gan’to? Bakit ka nag ka-ganito?” 
Hindi naman ito sumagot at pinagmasdan lang ang susunod na gagawin ko. Nakipagtitiggan lang ako sa kaniya hanggang sa lumapit si Teresa kay Daddy at hinawakan ang kaniyang braso. 
“Alejandro, hayaan mo na ‘yang bata. Intindihin muna natin siya. She’s still shocked because of what happened to her family,” sabi ni Teresa kay Daddy.
“And that's because of you!” sigaw ko naman sa kaniya na ikina-gulat nilang dalawa. 
“Aicelle Ann!” sigaw ni Daddy at akmang lalapit muli sa akin ngunit pinigilan siya ni Teresa.
“Hayaan mo muna ang bata Alejandro, kailangan muna niyang makapag isip-isip.” 
Tinignan ko naman nang masama ang dalawang taong nasa harap ko bago ako tumalikod sa kanilang dalawa at bumalik sa kwarto ko. 
My life is a mess. Ito lang ang masasabi ko ngayon dahil napaka gulo na nang buhay ko at hindi ko na talaga alam ang susunod na hakbang na gagawin ko. 
“Pagod na talaga ako,” wika ko sa gitna nang aking mga hikbi. 
Napapabayaan ko na ang pag aaral ko dahil dito sa problema na ito. Marami na akong napapabayaan na mga importanteng bagay at dahil ‘yon kay Daddy sa kabit niya. Kasalanan nila ‘to, kasalanan ni Daddy ito!
Gano’n ba talaga dapat ‘yon? Hindi ba pwedeng sila na lang iyong mag dusa sa mga maling desisyon nila? Bakit ako pa? Bakit ‘yong anak pa? 
Tumayo ako mula sa aking pag kakahiga para palitan ang uniform na suot ko. 
Mag dadrop na siguro ako. Hindi ko na kayang pagsabayin ang problema at ang pag aaral ko. Sa problema na ‘to meron at meron talaga akong mapapabayaan na mahalagang bagay. 
Hindi ako kumain at mas pinili ko na lang matulog. Nagising ako dahil sa katok na nag mula sa labas ng aking kwarto, “Ma’am, pinapatawag na po kayo ni Sir sa baba kakain na raw po nang dinner.” 
Nag unat-unat muna ako at tumingin sa orasan. 7:22 PM na rin pala at halos isang araw akong natulog kaya medyo maga rin ang mga mata ko. 
“Ma’am?”  muling tawag sa akin ng tao na kumakatok sa labas ng pinto ko. 
“Yes po, wait lang po mag ayos lang ako,” sagot ko rito.  
Nag ayos muna ako nang aking sarili at nang matapos ako ay agad akong bumaba at nag tungo sa hapag. Tahimik lang akong umupo sa harap nila habang silang dalawa ay nag uusap.
“Aicelle!” 
Inangat ko naman ang aking ulo at malamig na tumingin kay Dad na tinatawag ako. 
“Kanina pa kita tinatawag at hindi ka sumasagot!” Inis na wika ni Dad. 
“Sorry po,” sagot ko at muling pinagpatuloy ang aking pag kain. 
“I’m asking you, what is your plan?” tanong nito.  
Pinag patuloy ko naman ang pagkain ko at hindi siya kinibo. “Aicelle,” tawag muli nito sa akin. 
“Dad, can you please respect my space for awhile… you know, I’m eating.”
Hindi naman ito kumibo na ipinag pasalamat ko at ipinag patuloy niya na ang pagkain at pakikipag kwentuhan kay Teresa. 
Nang matapos kaming lahat kumain ay hindi niya muna kami pinaalis dahil may pag uusapan pa raw kami. 
“So, what is your plan?” tanong niyang muli. 
Nag kibit balikat naman ako dahilan para mangunot ang kaniyang noo. “What do you mean? Nag dadrop out ka na ba? Hindi ka na pumapasok Aicelle, ano na bang gagawin mo!?” Inis na wika niya. 
“I really don’t know Dad, after what happened in this family. Just a blink of eye, my life is already mess and that’s because of you,” wika ko na ikina-galit niya.
“Don’t talk your Father like that Ann!” sabat ni Teresa dahilan para tignan ko siya nang masama. 
“Wow second name basis Teresa? Are we close to call me by my second name?” 
“Stop! kung magiging ganiyan lang ang pakikitungo mo sa amin lumayas ka na lang!” 
Hindi makapaniwalang tumingin kay Dad dahil sa desisyon nito.
“D-dad? Are you serious!? Papalisin mo talaga ako sa bahay dahil sa babaeng ‘yan!?” 
Hindi naman niya ako kinibo at uminom lang ng tubig habang tinititigan ako.
“Dad, I am your child! Your Flesh and blood tapos… tapos pag papalit mo lang ako sa babaeng sumira ng pamilya natin-” 
Napatigil naman ako sa pag sasalita nang maramdaman ko ang tubig na sumasakop sa aking buong mukha.  
“Bakit ka naging ganyan Aicelle!? You become rude!” 
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at tuluyan na akong napaluha sa harap nila. 
“Dad— hindi po ba pwedeng nasaktan ako kaya ako nagkaganito? I’m tired of seeing the both of you laughing and happy—while me… I'm suffering because of your selfishness!” 
Pinunasan ko naman ang tubig na tumutulo sa aking mukha bago mmuling tumingin sa kanilang dalawa. 
Awa, ‘yon ang nakikita ko sa mga mata nila. “ Dad, hindi ko po ba pwedeng iparamdam sa inyo na galit na galit ako sa ginawa niyo? Wala naman kaming ginawang masama ni Mommy kun’di mahalin ka! Pero… pero bakit naman ganito sinuskli mo sa akin! Gan’yan ka mag mahal Dad? Kung ganiyan ka mag mahal wag na lang! sa iyo na ‘yang pagmamahal mo kasi ang sakit. Bilang anak mo hindi ko hiniling na maging ganito ‘yong pamilya ko! sino bang Anak ang hihilingin na maging gan’to kagulo ang pamillya nila?” 
Bumuntong hininga naman ako bago ngumiti sa kanila na para bang ayos lang ang lahat. 
“Yeah you’re right Dad, I should leave this freaking house for the sake of my mental health.” 
Tumalikod ako sa kanila at dali-daling pumanik sa aking kwarto. Nang makarating ako sa kwarto ay agad kong hinanap ang aking telepono para tawagan si Mommy at nag babaka sakaling sagutin niya ito. Ngunit katulad pa rin nang dati ay hindi ito sumasagot hanggang sa mapagod ako kakacontact sa kaniya.
Binato ko ang aking telepono sa kama at nag tungo sa cabinet at nagsimula nang mag ayos ng gamit. Tinupi ko ang aking mga damit at inilagay ito sa aking maleta, kinuha ko rin ang kahon na nakatago sa ilalim nang aking mga damit na nag lalaman ng aking ipon na magagamit ko sa mga panahon na kailangang kailangan talaga. Binilang ko ang nasa loob nito at nadismaya ako nang 10,500 lang ang laman nito, hindi ako mabubuhay na ganito lang ang pera sa labas. 
Ipinag sa walang bahala ko muna iyon at ipinag patuloy ko ang aking pag iimpake. Sana hindi icut ni Daddy ang mga card ko para makapag withdraw ako.
Agad akong napatakbo patungo sa aking telepono nang marinig ko na nag ring iyon, umaasa na si Mommy ang tumatawag ngunit nabigo ako nang makita ko na si Isla ang pala ang tumatawag. Umupo ako sa kama bago ko ‘yon sagutin. 
“Hello?” sabi ko pag kasagot na pagkasagot pa lang nang tawag. 
“Anong hello? hoy babae nag aalala na ako sa iyo bakit hindi ka ba pumapasok? Ayos ka lang ba? Hindi ka sumasagot sa mga text at tawag ko buti naman ngayon sumagot ka na! Ano ayos ka lang ba? Gusto mo rito ka muna sa bahay namin para maiwasan mo ‘yong impaktang ‘yon?” Sunod sunod na sabi nito.
“Hoy ano sumagot ka! Ayos ka lang ba?” sigaw pa nito sa kabilang linya.
Bumuntong hininga naman ako at tumingin sa maletang inaayos ko bago ako sumagot. 
“O-oo, ayos lang ako Isla. Wag mo akong alalahanin… papasok rin ako pero hindi pa sa ngayon kasi aayusin ko muna ‘yong problema rito.”
“Basta pag kailangan mo ako ah, wag kang mag dalawang isip na tawagan ako. Promise ‘yan ah.” 
Tumango naman ako na para bang nakikita niya ang mga ginagawa ko.
“Promise,” mahinang saad ko. 
“Sige na Aicelle, alam kong pagod ka na dahil sa mga problema mo. Mag pahinga ka na ah, ako na bahala sa mga subject na mamimiss mo. kakausapin ko ‘yong mga Professor mo para maexcuse ka,” masayang sabi nito. 
“Salamat talaga Isla pero no need to do that, makakaabala pa ako sa iyo,” pag tanggi ko sa gagawin niya.
“Hay naku Aicelle, what friends for diba. Don’t worry, you’ll never be abala to me.”
Napangiti naman ako at umiling iling.
“Sige sige, salamat talaga Isla.”
“Sure,Good night Aicelle!”
“Good night Isla…” 
Nang mamatay ang tawag ay muli akong tumingin sa mga inaayos kong gamit habang umaagos ang mga luha ko. 
“Kakayanin ko na ba talagang mag isa?” tanong ko sa aking sarili at tuluyan nang napahagulgol.
Sana kayanin ko...
~

Comentário do Livro (8)

  • avatar
    BragaFranz kai

    it's good author

    08/08

      0
  • avatar
    Nelbert Gabayno

    thanks

    14/06

      0
  • avatar
    Sharmin Lee Barcelona

    🤩🤩

    01/08/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes