logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter Six

Panibagong araw, bagong kamalasan na naman. Hindi ko nakita si Jemimah sa gate or dito sa classroom. Kanina ko pa sya hinahanap. Wala din ang mga gamit nya. Imposible naman na um- absent ang babaeng iyon dahil ayaw nya na may nakakaligtaan syang mga lectures. Hindi ko din kasabay si Papa o si Ella kanina. Nauna na silang dalawang pumasok. Talaga daw kasing maaga ang schedule nina Papa, sinabi nya sa amin kagabi. Pabor naman iyon sa akin dahil hindi kami nagkakasabay. Iwas issue.
"Nag- iisa ka yata ngayon, bitch."
Who the hell is that? Sino pa nga ba? The higad queen, Rina.
"Please lang, Rina. H'wag muna ngayon." Ani ko.
Tinaasan nya ako ng kilay. "Hindi mo ako mapapakiusapan, bitch. Ako ang reyna dito. Ako ang masusunod." Anas nya.
"Ano ba gusto mo?" Tanong ko.
"Gusto kong sumama ka sa akin. Patunayan mo na wala kang ginagawang mali." May paghahamon sa boses nya.
"Wala akong panahon sa mga ganyan, Rina. Tumigil ka na. Wala akong ginagawang masama." Dipensa ko.
Mapakla syang tumawa. "No. Sa ayaw mo man o gusto, ako ang masusunod. See you later, bitch."
Kasunod nya namang umalis ang dalawa nyang alalay. Ito talagang higad na ito, ang aga- aga manira ng araw. Tss. Dahil sa maaga pa, nagpunta muna ako sa cr. Pagkatapos kong umihi ay nag- ayos muna ako ng sarili ko. Nang matapos ako ay naglakad na ako palabas. Medyo matagal pa bago tumunog ang bell. May kaunting oras pa ako para mag review at hintayin si Jem. Nang makabalik ako sa classroom ay isang ngiti ang kumawala sa mga labi ko. Nandito na sya. Nasa katabing upuan ko na ang mga gamit nya. Pero wala sya dito. Malapit na magsimula ang unang klase kaya naman, naupo na ako sa pwesto ko.
"Good morning." Bati ni Mrs. Himala. "Ituloy nyo ang mga sinasagutan nyo kahapon."
Bakit ang aga naman nya? Hindi pa nga tumutunog ang bell, ehh. Excited sya masyado. Nako. Nako. Nako. Katulad ng kahapon, isa- isa nya muling ipinamigay ang mga booklets. And as usual, masama na naman ang tingin nya pagdating sa akin. Teka nga. Bakit hindi nya iniwan ang booklet ni Jem?
"Ma'am, excuse po." Pagtawag ko sa atensyon nya.
"Bakit?" Taas kilay nyang tanong.
"Iyong kay Jemimah po." Tugon ko.
Tinitigan nya ako. "She is excuse. May inuutos ako sa kanya."
Napatango ako. "T-thank you po." Nahihiya kong saad.
Inismidan nya pa ako bago sya magpatuloy sa pamimigay. Kung ganun, si Jem pala ang napagtripan nitong balyenang ito. Tamad kasi si Mrs. Himala. Palagi nyang inuutos sa amin ang mga bagay na dapat ay siya ang gagawa. Ginagawa nya kami ng secretary dahil sa mga pinapasulat nyang mga reports, pinapa check-an na mga test papers at pagta- type ng mga lesson plan. Minsan na nya akong nautusan. Nakasalubong ko sya sa hallway noon, tapos bigla na lang sya akong tinawag at pinasunod sa office nya. Pinagsulat nya ako ng madaming mga reports at modules. Sa sobrang dami nito, inabot ako ng maghapon.
Hindi ako sanay na wala si Jemimah sa tabi ko. Wala kasing nadaldal at nangungulit sa akin. Nasanay na ako sa presensya nya. Boring ang school life ko kapag wala sya. Naks naman. Ma- touch ka sana, please. Well, mahal ko talaga sya. Best friend ko, ehh.
Payapa ang mundo ko. Medyo nakakapagtaka nga dahil hindi umeeksena ang higad sa harap ko hanggang matapos ang klase ni Sir. Bayer. Bigla tuloy natahimik ang mundo ko. Hay nako. Wala pa din si Jem. Klase na ng tamad na balyena kaya naman, lahat kami ay nasa labas na ngayon. Medyo makulimlim ang kalangitan. Lumalamig din ang simoy ng hangin. Any moment ay posibleng bumuhos ang malakas na ulan.
"Pag- aralan nyong mabuti ang mga kagamitan na gagamitin sa pagtatayo ng gusaling ito." Malakas na bitaw ni Ma'am. "Alamin nyo ang mga pinakamatitibay na uri ng mga kahoy, cement, furniture, and etc pero affordable pa din."
Yep. Noted, Mrs. Himala.
"Kapag kayo na ang haharap sa mga clients nyo, bigyan nyo sila ng mga magagandang choices. Kapain nyo din kung may pera sila o wala. Doon na lalabas ang pagka- madiskarte nyo." Pagpapatuloy nya.
Naghimala ang langit at lupa dahil humaba ang mga sinasabi nya. Mukhang biniyayaan sya ng dyosa ng kasipagan para mag lecture sa amin ngayon. Madalas kasi na pinapabayaan na lang nya kami. Natatapos ang oras namin sa kanya ng walang natututunan. Pero ngayon, iba. Nagdi- discuss na sya habang nililibot namin ang site. May pagkakataon pa nga na hihila sya sa isa sa mga trabahador at dito magtatanong.
Nakakapanibago talaga sya ngayon. Ohh, dyosa ng kasipagan, sana naman po ay araw arawin nyo na ang pag- gabay sa guro namin. Amen.
Lahat kami ay nag- enjoy sa pagtuturo ni Mrs. Himala dahilan kung bakit hindi na namin namalayan ang oras. Natapos ang klase namin ng madami kaming napulot na kaalaman. Para tuloy biglang gumanda ang subject nya. Bakas pa nga sa mga mukha ng mga kaklase ko ang pagkabitin, ehh. Pero ako, kahit maganda pa yan, hindi mawawala sa akin ang pagkain. Kaya naman, malalaki ang hakbang kong tinungo ang cafeteria. Itong dyosa kasi ng matatakaw, masyado akong minamahal. Well, I love foods naman, ehh, so, no worries. Magkakasundo kaming dalawa.
"Shan!." Humahangos na tawag ni Jem.
Pawisan syang naupo sa katapat kong upuan at walang sabi- sabing nakikain sa mga binili kong pagkain. Aba, matindi.
"S-sorry.." Nguya- nguya. "Tumakas lang ako kay Ma'am..." Subo ng fries. "Hin....hindi tuloy a.." Subo ulit. "..ko nakapag.." Lunok. "..paalam sayo."
"Halata nga." Ani ko.
Sa awa ko sa kaibigan ko, hinayaan ko na lang syang ubusin ang pagkain ko. Mukha nga syang gutom na gutom, ehh. Nakakaawa naman. Tsk. Tsk. Tsk. Pinanood ko na lang syang kumain hanggang sa matapos.
"Hooh!." Saad nya sabay burp.
"Satisfied?" Puno ng sarkastimo kong tanong.
"Kulang pa nga, ehh. BTW, kailangan ko ng umalis, Shan." Natutuliro nyang sagot.
"Go." Tipid kong sambit.
"Sige. Ba- bye muna. Love you." Paalam nya.
Tumayo na nga sya at nagmamadali ng tumakbo. Kawawa naman. Naiiling na lang akong tumayo at naglakad palabas ng cafeteria.Pero ng lumiko ako sa isang pasilyo ay tumambad sa akin ang tatlong mga kalalakihan.
"Ikaw ba si Miss. Delfin?" Tanong ng lalaking may suot na sumbrero.
"They're right. She's gorgeous." Rinig kong bulong ng isa na naka eyeglass.
Mauulit na naman ba? No. No, please. Dyosa ng mga manyak, maawa ka. Dahil sa kaba at takot, minabuti ko ng humakbang palikod. Bibilang ako ng tatlo. Tatalikod ako sabay takbo. Isa.... Dalawa....Tat-...
"Ahhhh!" Sigaw ko.
Hindi na ako nakaabot sa tatlo. Biglang nagdilim ang paligid ko. May nakahawak na din sa magkabila kong kamay. May nagtakip sa mga mata ko kanina. Hindi lang pala sila tatlo. May mga kasama pa sila na nag- aabang sa may likod ko.
"Bitawan nyo ako! Ano ba?!" Angil ko.
"Pasensya na, Miss. Napag- utusan lang."
"Hindi mo kasi kilala kung sino ang binangga mo."
Hindi ko na alam kung sino- sino ang may- ari ng mga boses na iyon. Hindi ko naman sila kilala. Napapitlag ako ng may humawak sa mukha ko at pilit na pinapanganga ako. Nang maibuka na nila ang bibig ko ay binusalan na nila ako. Itinali din nila ang mga kamay ko sa may likod ko. Jusko po mahabaging mga dyosa. Have mercy on me. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o ano. Naghalo- halo na ang mga nararamdaman ko. Naguguluhan ako kung bakit nila ito ginagawa at the same time, natatakot at kinakabahan ako. Sisigaw na sana ako ng maramdaman kong may nagbuhat sa akin. No. Nasigaw na talaga ako. Pero dahil may busal ang bibig ko, puro ungol at impit na mga boses lang ang nagagawa ko.
"Ohh... What a nice view." Sabi ng isa sa kanila.
Nasundan ito ng mga tawanan at pagsipol. I was carried in a way na parang nagbubuhat lang sila ng sako. Isinampay lang nila ako sa balikat ng kung sino. And with that position, kitang-  kita ng kung sino man ang puti kong short. Manipis ang mga pang- ilalim kong mga shorts. So, I'm sure na may babakat doon.
WAAAAAAAA!!!!!!
Someone spank my precious ass!. Hwag ang pwet ko mga manyak! No! No! No! Mahabaging mga dyosa. Parang awa nyo na. Bulagin nyo ang mga mata ng mga lalaking ito. Nakakahiya. Kahit hindi ko nakikita ang mukha ko, alam kong kasing pula na ako ng kamatis. Kainis! Ano ba naman buhay ito? Jusko.
May mga pinag- uusapan sila na hindi ko masyadong madinig. Halos mga bulong na ang mga ito sa sobrang hina. Wala din akong kahit anong ideya kung saan nila ako dadalhin. Kanina pa sila naglalakad kaya naman, alam kong malayo ang destinasyon namin. Nako po. H'wag nyo naman akong itatapon sa ilog or ililibing ng buhay. Mahal ko pa ang buhay ko. Gusto ko pang makapagtapos. Ayan. Naiiyak na ako.
"We're here." Sabi ng lalaking may buhat sa akin.
Nakadinig ako ng tawanan at bulungan. Nakadating na kami.
"Very good, boys. Now, iharap nyo ang malandi sa akin."
Nanginig ang buong kalamnan ko sa galit. Bakit ba hindi ko naisip na ang babaeng ito ang posibleng may kagagawan ng mga ito? Kagaya nga ng sabi nya, ibinaba na ako ng lalaking may buhat sa akin. May nagtanggal na din ng mga tali ko sa kamay. At ng wala na akong maramdamang presensya sa likod at gilid ko, ako na mismo ang nag- alis ng busal at takip ko sa mata.
"Shellarina..." Sambit ko.
Nasa harapan ko sya ngayon kasama ang mga alalay nya. Napapalibutan din sya ng mga kalalakihan na syang dumakip sa akin kanina.
Nginitian nya ako. "Just like what I've said.... I'm the queen."
"Anong gusto mo?" Pasigaw kong tanong dito.
"Gusto kong mawala ka sa landas ko." Mataray na sagot nya.
"Bakit ba galit na galit na sa akin? Sa pagkakaalala ko, wala naman akong kasalanan sayo." Balik ko dito.
Yes. Kahit isang beses, hindi ako humarang sa dadaanan nila. Kabilang nga kami ni Jem sa mga tumatabi kapag nadating na sila, ehh.
"Bakit? Dahil malandi ka. Paano mo ba nakukuha ang atensyon ng mga perpektong lalaki, huh?" Angil nya.
Nababaliw na sya. Bakit ba ganyan ang mindset nya? Ano naman kung ako ang napapansin ng mga gusto nila? Eh, di magpapansin din sila. Gamitin nila ang kapangyarihan na ibinigay ng dyosa ng mga malalandi. Magpaka higad pa sila hangga't gusto nila. Wala akong pakialam. Bakit, ginusto ko ba ito? Hell, no!
"Ilabas ang itlog!" Natatawang utos ni Rina sa mga taga- sunod nya.
Mula sa kung saan ay may kinuha silang isang basket na punung- puno ng itlog. Medyo kinabahan pa naman ako. Akala ko, mag- aalis ng mga shorts ang mga lalaking ito at iwawagayway sa akin ang mga balls nila. Mabuti na lang at hindi ganoon ang nangyari. May awa pa pala ang mga dyosa. Dahil kung iyon ang ipinakita nila sa akin, baka mahimatay ako sa takot.
"Ready....Get.... Set... Go!.." Sigaw pa nito.
Okay. Nagliparan na ang mga itlog. Tentenenen... Tenenenenen.. Tenten.. Ten.. Tenenenen... Here comes the egg! Sa dami ng mga ito, hindi ko na alam kung paano pa ako iiwas. Yuko, salag, iwas pakanan, pakaliwa at talikod lang ang paulit- ulit kong ginagawa. Masakit palang matamaan ng itlog. Siguro, fresh at bagong deliver pa ang mga ito. Hindi na sila nanghinayang. Isang buwan na naming ulam ang mga ito, ohh. Tsk. Tsk. Tsk. Kawawang mga itlog. Hindi man lang nila naranasang mapisa at maging sisiw. Sumalangit nawa ang inyong mga egg yolk. Amen.
Isip bata sila. Mamamatay na kasi sila sa katatawa, ehh. Ako naman, basang basa na mula ulo hanggang paa. Wala pa naman akong spare clothes. Nang- lalagkit na ang buo kong katawan. Grabe, ang babaw ng kaligayahan nila.
"Tapos na kayo?" Tanong ko sa mga ito.
"Nope.. May kasunod pa yan." Nakangising tugon ni Rina.
Sumenyas sya sa dalawang babaeng alalay nya na lapitan ako. Ganoon din naman ang ginawa ng mga lalaki. May mga malalaki silang ngiti sa labi na nagpakaba sa akin. Ano na naman ba ito? Uurong na sana ako palikod ng mapagtanto ko na may hukay dito. Kaunting maling hakbang ko palikod ay mahuhulog ako. Hindi naman ito kalaliman pero tiyak kong mababalian pa din ako kung sakaling malaglag ako dito.
"Alam mo ba kung nasaan ka?" Tanong ni Rina. "Nasa likod ka ng campus. Kaya naman, kahit anong gawin namin sayo dito, walang makakakita at makakadinig sa iyo."
Naloko na. Luminga- linga ako sa palagid. Tama nga sya. Nasa likod na bahagi nga kami ng campus. Nandito kami sa bagong ginagawang building. Dito nagtatrabaho si Papa. Pero bakit walang tao dito?
"Attack!" Muling utos ng higad.
Ang mga uto- uto at bobo nyang alalay ay kaagad namang sumunod. Hinawakan ako ng dalawang lalaki sa magkabila kong braso. Pagkatapos ay magka- sunod na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Naramdaman ko ding may sumuntok sa may likod at sumipa sa hita ko. Nanlalambot na ang aking mga tuhod kaya naman, para na akong lantang gulay na bitbit- bitbit ng dalawang lalaki. Hindi ko magawang magsalita o humagulgol. Pero hindi tumitigil ang mga luha ko sa pag- agos. Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa mga ito upang tratuhin nila ako ng ganito? Hanggang sa likod ng mga luha ko ay nakita kong lumapit sa amin si Rina.
"Para ito sa mga pagpapahiya mo sa akin." Sabi nya sabay ngiti.
Ipinakita nya ang kamao nya sa akin at ikinuyom ito sa harapan ko. Pagkatapos ay bumwelo sya at pinakawalan ang isang malakas na suntok. Tumama ito sa sikmura ko dahilan ng pag- hahabol ko ng hininga. Binitawan na din ako ng mga lalaking nakahawak sa akin kaya naman, napasalampak ako sa lupa. Gamit ang mga kamay at braso ko, inipit ko ang sikmura ko. Nagbabaka- sakaling maiibsan nito ang sakit.
This is too much.
Wala bang magliligtas sa akin ngayon? Nasaan na ang sinabi mong you're going to protect me and you'll make them pay?
Hindi ka ba dadating?
I need you...
I can feel the severe pain sa braso at likod ko. Gumulong ako at bumagsak sa hukay.
Mga dyosa, bakit nyo ako pinabayaan?
"Good bye, bitch!"
Boses iyon ni Shellarina. Hinding hindi ko makakalimutan ang tinig na yan. Narinig ko pa silang nagtawanan kasabay ng pagpatak ng ulan.
Ang malas ko.
Sinubukan kong igalaw ang katawan ko. Kailangan kong makaalis dito. Dahil kapag lumakas ang ulan, may posibilidad na mapuno ito ng tubig at putik. Ayaw ko pang mamatay dito. Kung madededo na ako, h'wag naman sa ganitong paraan. Ang pangit naman kung malunod ako sa tubig at putik. Mas gusto ko iyong may twist. Nakakahiya naman kapag ginawang pelikula ang buhay ko. Napaka- simple naman ng pagkakamatay ko. Dyosa ng kamatayan, mag- effort naman kayo. Gusto ko iyong mahirap na way.
Kahit masakit ang buong katawan ko, pinilit kong kumilos. Dahan, dahan, bumangon ako at umupo. Ramdam ko ang sakit at kirot na nagmumula sa likod at braso ko. May sumuntok nga pala ng malakas sa akin kanina. Tapos isang malaking bato naman ang bumaon sa likod ko noong bumagsak ako. Grabe, nagkabali- bali na yata ang aking mga buto. Pero, need mong tumayo, Lexshawna. So, here I am, pinipilit na itayo ang sarili. Nag- uumpisa ng maging putik ang lupang kinalulugmukan ko. Kaunti pang lakas ng ulan ay magkakaroon na ito ng tubig. Ohh, dyosa ng ulan, please, have mercy on me. Tumigil ka naman. Pero sa halip na tumigil, mas lumakas pa ito. May galit ang dyosa sa akin.
Basang- basa na ako ng tuluyan na akong makatayo. Naglakad ako papuntang gilid upang akyatin ang hukay. Malagkit at madulas na ang palibot nito dahil sa ulan. May nabubuo na ding tubig sa may paanan ko. Kailangan ko na talagang makaalis dito. So, step by step, humawak ako sa mga nakausling mga bato at pinilit na makahakbang pataas. May pagkakataon na nadudulas ang paa ko, pero nababawi ko din naman ulit. Maputik na ang mukha ko. No, buong katawan. Idagdag nyo pa ang mga itlog na ibinato nila sa akin kanina. Sobrang sama na sa pakiramdam. Nakakausad na ako. Mga ilang ruler na din ang naakyat ko. Not until, ang nahawakan kong bato ay nabuwal at kasama ako nitong nahulog pababa. Plakda na naman si ako. Nadagdagan pa lalo ang sakit ng katawan ko. Great.
"Tulong!" Sigaw ko.
Ano ba naman kung mag- try di, ba? Baka may mapadaan dito at marinig ako.
"Tulong! Please.." Sigaw ko sa mas malakas na boses.
Still no response. Nilalamig na ako.
"Tulungan nyo ako!!" Sigaw kong muli.
"Tulong!."
"Nandito ako sa hukay!.."
"May tao ba dyan?. Parang awa nyo na, tulungan nyo ako!."
"Tulong!."
Paulit- ulit. Walang tigil. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses akong umatungal at humingi ng saklolo. Still, wala pa ding nadating. Nanginginig na ang buong katawan ko sa lamig. Nagsusumigaw na din ang mga buto ko sa sakit. Hindi na din ako halos maka- kilos. Nakaupo na lang ako dito sa sulok na parang kawawang pusa. Nagsimula na ding tumulo ang mga luha ko. Hindi ko naman deserve ang mga paghihirap na ito. Wala akong inapakang tao. Wala akong inagrabyado. Wala kahit isa. Kaya naman, bakit ganito? Mga makapangyarihan na dyosa, talaga bang may galit kayo sa akin? Bakit nyo ako pinagkakaisahan?
Nanghihina na ako. Nilalamig na ako ng sobra. Nasaan ka na ba? Teka, bakit ba ikaw ang nasa isip ko? Pero, nangako ka, ehh. Sabi mo poprotektahan mo ako? Hindi mo ako iiwan. Sabi mo wala ng makakapanakit sa akin. Sabi mo pagbabayarin mo sila. Nasaan ka na?!
Kailangan kita...
Ikaw lang ang tagapagligtas ko di, ba? Bakit ngayong kailangan kita, wala ka dito sa tabi ko?
"Edson.." Sambit ko.
Sabi mo...sabi mo...
"Edson, nasaan ka na?!." Muling tawag ko.
Hindi ko na kaya. Please, dumating ka na. I need you.
Naghalo na ang luha at tubig ulan sa mukha ko. Desperada na ako. Bakit ba, ehh, gusto ko pang mabuhay. Tss. Napangiti na lang ako ng mapakla bago ko tuluyang ipikit ang aking mga mata.

Comentário do Livro (149)

  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice

    10d

      0
  • avatar
    MartinezRenzzee

    verrygoods

    15d

      0
  • avatar
    Mariafe Ilao

    hi kamosta ayos lang ba ikaw

    22d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes