logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter Four

Tulala akong nakaupo sa dulong bahagi ng kama ko. Kanina pa ako nakauwi. Hinatid nya ako dito sa bahay at sinabing nagsimba lang kami at may ginawang biglaang activity sa mga magulang ko. Naniwala naman ang mga ito na ikinaikot ng mata ko. Hanggang ngayon kasi ay naguguluhan pa din ako. Nagagalit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko iyong mangyari. At ang mas ikinalilito ko ay kung bakit nya ginagawa ito sa akin.
"Hoy, Ate!" Sigaw ni Ella na nasa harapan ko na pala.
"B-bakit?" Maang kong tanong.
"Kanina pa akong kumakatok pero hindi ka sumasagot." Ani nya. "May problema ba?"
Napailing ako. "W-wala! Wala naman. Bakit? May kailangan ka ba, Ella?"
Sumimangot ito. "Sabi ko, sorry. Ako kasi ang nagbigay ng number mo kay Kuya Edson."
Napangiwi ako. "O- okay lang. Sige na. Magpahinga ka na. Tutulog na ako. May pasok pa tayo bukas."
Nag- aalangan syang ngumiti sa akin. Pagkatapos ay lumabas na sya ng kwarto ko. Napa- hinga naman ako ng malalim. Wala ng sense kung sisisihin ko pa si Ella. Kasalanan ko to. Hayst. Nasabunutan ko ang sarili kong buhok dahil sa inis. Nahiga ako sa kama ko at nagkakawag. Para na akong isda dito na nawalan ng tubig.
"Naka- kainis!." Singhal ko sa hangin.
Gulong dito, gulong doon, gulong everywhere. Padyak sa kanan, padyak sa kaliwa. Suntok sa hangin, sabunot sa buhok at sigaw sa unan ang paulit- ulit kong ginagawa. Hindi din ako dalawin ng antok dahil sa mga paulit- ulit na pagpasok ng eksenang iyon sa aking isipan. Para tuloy ayaw kong pumasok bukas. First subject pa naman namin sya. Naka- kainis!.
Kagaya ng inaasahan, hindi nga ako nakatulog. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, ay ang gwapo nyang mukha ang aking nakikita. Hindi ko na itatanggi na pogi sya dahil totoo naman. Pero ako, ang panget ko na. Nangingitim ang ilalim ng aking mga mata. Mukha na akong panda. Jusko, halatang- halata na wala akong maayos na tulog. Tss. Naka- ayos na ako at naka- uniporme na. Nag- lagay ako ng kaunting make- up para takpan ang eyebags ko. Nakakahiya kasi. Baka kung ano pa ang isipin nila.
"Good morning, Ate." Bati ni Ella ng makababa ako.
"Nasaan sina Mama?" Tanong ko.
Tanging sya lang kasi ang nandito sa kusina. Wala si Papa para batiin ako at si Mama para sa almusal namin.
"Maaga silang umalis. May bagong papasukan si Papa. Si Mama naman, may pupuntahan daw na important client." Sagot nya.
Tumango lang ako dahil wala ako sa mood. Naupo ako sa pwesto ko at kumuha ng pagkain. Nakahain na kasi ang almusal ng dumating ako. And I'm sure na si Mama din ang nagluto nito. Ininit lang ni Ella, hindi naman kasi sya marunong magluto.
"Ate, ayos ka lang?" Biglang tanong nito.
Tumango ako. "Oo."
Dahil sa kawalan ng tulog, pakiramdam ko nawala na lahat ng energy ko sa katawan. Kumain na lang ako ng walang imik- imik. Nakatapos at nakapasok kami ni Ella ng walang nagsasalita. Bakit kasi ganito ang epekto kapag walang tulog? Parang lagi kang galit at naiinis.
"May relasyon ba sila ni Sir?"
"May nakakita daw sa kanila na magkasama."
"Iba talaga kapag malandi."
"Bitch."
Iyan lang naman ang mga salitang bumungad sa akin pagtapak na pagtapak ko pa lang sa loob ng campus. Sinalubong kaagad ako ng mga mapanuri, mapanghusga at matatalim na mga tingin. Gumagawa na naman sila ng mga kwento. Pero wala akong pakialam sa kanila. Sanay na ako. At wala ako sa mood para patulan ang mga kalokohan nila. Tss. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Mabagal, pwede na nga akong pumalit sa mga gumaganap na zombie sa mga pelikula, ehh. Tinalo ko pa ang lasing sa sakit ng ulo ko. Nakakainis talaga.
"Shan!" Sigaw ng nag- iisang best friend ko.
Nakangiti syang lumapit sa akin. Pero kaagad na nawala ang mga iyon at napalitan ng pag- aalala. Tiningnan nya ako na animo'y sinusuri. Pagkatapos ay umarko ang kilay nya.
"Ayos ka lang?" Tanong nya.
Bakit kaya ang mga tao, halata at alam na nilang hindi okay ang kaharap nila pero, magtatanong pa din kung ayos ka lang? Obvious naman ang sagot na hindi. Tapos kapag sinabing 'oo, ayos lang', hindi maniniwala. Aba, matindi.
"Ano ba sa tingin mo?" Puno ng sarkastimong balik ko sa kanya.
Inangkla nya ang kamay nya sa braso ko. "Hindi. Halata naman kasi."
"Ehh, bakit nagtanong ka pa?" Pagtataray ko dito.
Hinila na nya ako upang magpatuloy sa paglalakad. "Baka kasi mag- explain ka kung bakit ka mukang lasing ngayon."
Hindi ko na sya sinagot. Baka kung ano pa ang masabi ko dala ng pagkainis, mag- away pa kami ng wala sa oras. Nakadating kami sa classroom ng walang nangyayaring gulo. Pero may gusto yatang mabalian ng buto ngayon. Dahil ang Queen wanna be at ang kanyang mga alipores ay nandito sa harapan namin.
"Good morning, Miss. Gold digger." Bati nya ng may nakakauyam na ngiti.
"Shellarina, ang aga mong mang- bwesit." Puna naman ni Jem.
"Nag- enjoy ka ba na kasama si Sir. Bayer? Ano, nagtagumpay ka ba sa plano mong akitin sya?" Dagdag pa nito na nakangisi sa akin.
"Siguro, pati katawan mo inihain mo na, ano? Tumalab ba naman?." Natawa sya. "I'm sure, hindi." Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. "Wala naman kasing maganda sayo."
Kumulo ang dugo ko. Kusa ng kumilos ang mga kamay ko at sinunggaban ang mahaba nyang buhok. Kung dala man ito ng kawalan ko ng tulog, hindi ko to pagsisisihan.
"Ahh! Bitch, ano ba?!" Singhal nya. "Let go of me!"
Pero hindi ko sya binitawan. Mas hinigpitan ko pa ang pagkaka- sabunot sa buhok nya. Lahat na ng galit at inis ko sa kanya ay ibinuhos ko na. Iyong dalawa naman nyang alipores ay pinipigilan ni Jem. Wala na akong pakialam sa paligid. Basta ang goal ko ngayon, bunutin ang buhok nya sa anit nito.
"Ahh! Hands off, bitch!" Sigaw nya.
"Gulo hanap mo di,ba? Pwes ito, lasapin mo!" Angil ko dito pabalik.
Hila doon, hila dito ang ginawa ko sa buhok nya. Naririnig ko ang sigawan ng mga kaklase ko na tiyak kong pinagpupustahan kami. Dapat pala araw- araw na akong walang tulog upang mapag- bigyan ko ang bruha na ito. Noon pa kasi ako nagtitimpi sa babaeng ito. At hindi ako nagsisisi na ginawa ko to.
"STOP!"
Natigilan ako. Pakiramdam ko, biglang nanglambot ang mga tuhod ko. Biglang kumabog ang dibdib ko. Naging dahil ito upang makabawi si Rina. Dahil isang malakas na sampal ang dumampi sa kanang pisnge ko.
"I said. Enough."
Hindi ko alam kung dala ito ng sampal ng bruha o ng hiya. Hindi ako makatingin sa lalaking kasama ko lang kahapon. Nakikita ko ang paa nya up to his waist. Pero hanggang doon lang ang kaya kong tingnan.
"This girl, started it!" Ani ni Rina. "Bigla na lang nya akong sinabunutan, Sir. Bayer."
"Anong sabi mo?" Dipensa ni Jem. "Sinabihan mo kaya syang gold digger."
"Enough." Matabang at seryosong saway ni Mr. Bayer. "Go back to your respective seats. Mamaya tayo mag- uusap."
Iba ang impact ng sinabi nya sa katawan ko. Pakiramdam ko, sa akin nya lang sinasabi ang mga salitang iyon. Pero syempre, nag- a- assume lang ako. Bago pa ako makapag transform bilang si San Goku, nagmadali na akong pumunta sa pwesto ko at naupo. Naramdaman ko naman na may nag- aayos ng buhok ko. Hindi ko na nga alam kung anong itsura ko.
"Ang bangis mo kanina, ahh." Natatawang bulong ni Jem.
Hindi ko magawang magbiro pabalik sa kanya. Wala talaga ako sa mood.
Ewan ko kung paano ko nagawang tumulala sa notebook ko ng walang ibang naririnig kun'di ang sarili ko. Dahil napabalikwas na lang ako ng kalabitin ng katabi ko at sinabing tapos na ang klase. Pinapaiwan daw kami ni Rina upang makausap ni Sir. Kaya naman, heto ako ngayon, nakatayo katabi ang bruha. Nasa harapan namin ang lalaking manyak.
"Gusto nyo bang hindi na makapasok sa klase ko?" Tanong nito.
"Hindi po." Tipid na sagot ni Rina.
"I will give you both a warning. Kapag naulit pa ito, sa guidance na ang diretso nyo." Ani pa nya.
"Pero, Sir. She started it!"Bwelta ng higad.
"Kung sino man ang nanguna sa inyong dalawa, wala na akong pakialam. Now, go."
Padabog naman na umalis si Rina. Ako, kinuha ko pa ang bag ko sa upuan ko. At ng akmang bubuksan ko na ang pinto ay isang kamay ang humawak sa braso ko. Hinila ako nito and in an instant, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakakulong sa dalawang bisig nya.
"Are you hurt?" Nag- aalala nyang tanong.
Umiling ako. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot.
"Good." Ani nya. "Don't worry. I will make her pay."
Hindi ko alam kung ano bang mayroon sa aming dalawa. Ang alam ko lang, feeling ko ay ligtas ako kapag kasama ko sya. Pero, hindi pa din mawawala sa isip ko na mali ang lahat ng ito.
Magkasama kami ni Jemimah dito sa cafeteria. Wala kasi ang balyena naming guro ngayon. May pinuntahan daw na appointments sa ibang school. Kaya naman, free kami ngayon na magpunta dito.
"Ano ba nangyayari sa'yo, shan- shan, huh?" Tanong nya habang nagbabalat ng saging.
"Hindi lang ako nakatulog kagabi." Sagot ko.
"Bakit?"
Sinamaan ko na sya ng tingin. "Ang dami mong tanong."
Gumanti naman sya ng titig. "May katotohanan ba ang lahat ng chismis about sa'yo? Umamin ka sa akin." Seryosong bitaw nya.
Hindi ako makasagot. Ano ba ang sasabin ko?
"Kung totoo man yon, ngayon pa lang, itigil mo na. Malayo ang agwat nyo sa isat- isa. Mayaman sya, mahirap ka." Ani nya. "Hindi kita dina- down or what. Oo nga at nag- click tayo although, mayaman ako at mahirap ka. Pero iba na kasi yan, Shan. Teacher pa natin."
Tama naman sya. Madaming mga bagay ang nagsasabing hindi kami pwede. Isa sa batas ng mga guro ang bawal magkaroon ng relasyon sa kanilang mga estudyante, romantically. Super duper yaman nya while me, isang kahig, isang tuka lang. Sa mata ng madami, kapag isa kang dukha, hindi ka bagay sa mga mayaman na kagaya nya. That's how bad our society is. Pero, may gusto nga ba ako sa kanya? Gusto ko bang may humigit pa sa namamagitan sa amin? Sa totoo lang, hindi ko alam. Naguguluhan pa din ako.
Natapos ang buong klase ko sa maghapon ng wala akong natutunan. As in wala akong na- pick- up kahit isa. Uwian na at nauna na sa akin si Jem dahil may emergency daw. Kaya naman, lutang akong naglalakad ngayon sa hallway ng mag- isa. Hindi pa din mawala sa isip ko ang mga nangyari kahapon. Nakakahiya. Sobrang kinain ako ng kahihiyan at takot. Natatakot ako na baka magpatuloy pa ang kung anong nararamdaman ko sa kanya. Takot na baka hindi lang iyon ang mangyari sa aming dalawa. Higit sa lahat, takot na baka ma- in love ako sa taong hindi ko kailan man maaabot.
Napahinga ako ng malalim ng maka- labas na ako ng school. Medyo madilim na dahil natagalan ako sa paglilinis. Idagdag nyo pa ang pag- e- emote ko, mabagal na paglalakad at lutang na kaisipan. Wala akong choice kun'di ang maglakad. Kapag kasi nag- abang ako ng masasakyan, kakapusin ako sa pera. Nagtitipid nga ako di, ba? Hindi naman ako nakapasok sa work ko noong weekends dahil humingi ng pabor yong isang cashier na kung pwede ay mag- straight sya ng pasok. Mabait ako kaya naman, pumayag ako.
Malayo pa ang lalakadin ko. And dahil pagabi na, madami ng tambay sa mga kanto na aking madadaanan. Ito pa naman ang pinaka- ayaw ko. Hayst. May limang lalaki na nakatayo sa may streetlight at nagku- kwentuhan. Pinabilis ko na lang ang lakad ko upang hindi nila ako mapansin. Pero mali ang akala ko. Narinig ko silang sumipol at nagtawanan. Bigla tuloy nagtaasan ang aking mga balahibo sa katawan.
"Miss, turuan mo naman kami kung paano magbilang, ohh." Rinig kong sabi nila.
Sa takot ko na baka sundan nila ako ay lakad - takbo na ang ginawa ko hanggang sa may biglang humila sa akin. Sisigaw na sana ako kung hindi ko kaagad nakilala ang pabango na gamit nya. Hinapit pa ako nito at ikinulong sa mga bisig nya.
"Starting tom, hihintayin mo na ako pagkatapos ng klase. Ihahatid kita pauwi." Ani nya.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng parang maiihi at natatae at the same time. Sya lang ang nakakapag paramdam ng ganito sa akin. Mukha kasi syang kubeta.
"Tara na." Sambit nya.
Kinalas na nya ang pagkaka- yakap nya sa akin at inalalayan ako papunta sa passenger seat. Pinagbuksan nya ako ng pinto at maingat na pinasakay. Pagkatapos ay kaagad syang umikot at sumakay sa driver's seat. Napalunok naman ako at napailing. Hindi naman kasi tama ito. Tsk. Tsk. Tsk.
"Itigil mo na." Matabang kong ani.
Bagamat nasa harap ang kanyang tingin dahil sa pagmamaneho ay nakita kong kumunot ang kanyang noo.
"Tumigil ka na." Ani kong muli.
"No. I'll drive you home." Sabi nya.
"Tumigil ka na sa kung anong ginagawa mo sa akin." Diretsong bitaw ko.
Lumingon sya sa akin kaya naman, nag- iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong dahilan nya kung bakit nya ginagawa ito. Dahil ba sa mayaman sya at bored? Pinaglalaruan nya lang ba ako - kaming mahihirap? Napaka hambog.
Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya hanggang sa makadating na kami sa tapat ng bahay namin. Inunahan ko na din sya at ako na ang kusang bumaba sa sasakyan. Hindi ko din sya tinapunan ng tingin o kahit lumingon man lang. Dumiretso lang ako sa paglalakad at pumasok sa loob ng bahay. Mabuti na lang at wala akong nadatnan na tao sa sala. Mabilis akong umakyat sa taas papunta sa kwarto ko.
Edson Santiago Bayer. Isang matagumpay na inhenyero. Itinaas nya ang bandila ng bansa dahil sa kanyang angking talino at galing. Ginawaran sya ng ibat ibang mga parangal, kasama ng kanyang kompanya, sa mahusay na pagpapatupad ng mga proyekto. Ang kanyang mga magulang ay mga kilalang tanyag na businessman at doktor. May dalawa itong nakababatang kapatid na babae at lalaki na kapwa matatalino din. Kaya naman, napaka imposibleng mangyari ang lahat ng ito. Naglalaro lang sya. Pinaglalaruan lang nya ako. Tss.
"Ate! Kakain na!" Sigaw na nagmumula sa baba.
Inayos ko ang sarili ko at naglagay ng pekeng ngiti sa mga labi. I need to be okay. Wala lang ang nangyari kahapon. Kalimutan mo na iyon, Lexshawna Ariella. Past is past.
Pagbaba ko, masasayang mga mukha ng mga mahal ko ang naabutan ko. Nakaupo na sila sa mga pwesto nila at ako na lang ang kulang. So, ginawa ko na din ang parte ko. Hindi ko naman maiwasang hindi mapa- wow dahil sa mga nakahain. Mayroong kanin, sinigang na baboy, pansit at ang paborito kong sisig na madaming sili. Mukhang mapapadami ang kain ko, ahh.
"Wow, ano pong ganap?" Tanong ko.
"May good news kami ng Papa nyo." Nakangiting sagot ni Mama.
"Ano po yon?" Tanong naman ni Ella.
"May trabaho na si Papa mga anak. Mas malaki ang sasahudin ko dito sa project na ito. Mabibili na ni Papa ang gusto ng mga prinsesa nya." Tugon naman ni Papa.
Talagang mahal na mahal kami ng mga magulang namin. Napaka- swerte namin ni Ella na sila ang naging parents namin.
"Congrats, Papa!" Bati ko dito.
"At ito pa." Singit naman ni Mama. "Hindi naman magpapahuli ang Mama nyo, syempre. Dahil natanggap na ako sa hotel ng mga Bayer bilang tagapag luto."
Natigilan ako.
"Oh..em..gie, Mama!" Pumapalakpak na tili ni Ella.
Did I heard it right?
"Mama, saan po?" Tanong ko.
"Sa B' Star Hotel, anak. Isa sa pangarap ni Mama iyon di, ba?" Balik nito sa akin.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. The hell.
"Tama iyon." Segunda ni Papa. "And, Little Mermaid, magkikita na tayo araw araw. Dahil sa school mo ako magtatrabaho."
Another cold water.
B' Star Hotel and my school. Talaga bang may galit ka sa akin, dyosa ng tadhana? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito? Plano ko ng iwasan ang lalaking manyak na iyon. And the worst scenario is....masasaksihan ni Papa kung paano ako pahirapan ng lahat sa school.
This is bullshit!
"Ariel, okay ka lang ba?" Tanong ni Mama.
Napatango ako. "O- opo, Ma. Ka- kanina pa kasi ako natatakam sa sisig. Si Ella kasi ang daldal."
Nagtawanan sila kaya naman, nakitawa na din ako.
"Kain na nga tayo. Baka magwala pa si Ariel ko dahil sa sobrang gutom." Natatawang ani ni Papa.
Nagsimula na nga kaming kumain. Kahit gusto kong ubusin ang isang plato ng sisig ay hindi ko magawa. Nawalan na ako ng gana. Hindi ko yata ma- absorb ang lahat ng nalaman ko ngayon. This is too much, dyosa ng tadhana. Maawa ka naman sa akin. Tss.
Hindi ako makatulog. Paano ko haharapin si Papa bukas? Ayaw ko namang iwasan sya dahil lang sa mga kaklase ko. Pero, mas ayaw kong makita nya lahat ng nararanasan ko sa loob ng school. Alam ko kasi na susugudin sila ni Papa. And knowing Mama, paniguradong reresbak din sya. Sa lahat ng ayaw nila ay ang malagay kami sa sitwasyon na kagaya ng sa akin. Palagi nilang sinasabi na kapag naagrabyado kami ay dapat lang na lumaban. Magkakagulo lang at baka lalo pang lumala. Natatakot ako na maapektuhan pati ang scholarship ko. Sigurado akong ililipat ako nina Mama ng paaralan. Idagdag pa si Jem na dakilang tagapag- balita. Pati sya madadamay dahil sure akong tatanggapin nila ang alok nitong lilipat kami ng paaralan. Kita mo na, dyosa ng tadhana? Ang daming taong madadamay. Kung bakit kasi ang lakas ng trip mo at ako pa ang napagtuunan mo ng pansin. Pwede naman kasi na yong mga taong kulang sa atensyon ang pagtripan, ehh. Siguro nga may galit ka sa akin, nuh? Kung sino ka mang dyosa ka, magpakita ka sa akin at maglalaban tayo. Hindi kita uurungan! Isusugal ko ang kagandahan ko, bawiin mo lang ang sumpa mo.
Nako. Nako. Nako.
Baliw na yata ako.
Tss.

Comentário do Livro (149)

  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice

    10d

      0
  • avatar
    MartinezRenzzee

    verrygoods

    15d

      0
  • avatar
    Mariafe Ilao

    hi kamosta ayos lang ba ikaw

    22d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes