logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter Two

Thank you, Heaven for my peaceful and beautiful sleep. Today is Saturday. Meaning, panahon naman para magpahinga. Bakit kapag ayaw mong pumasok, ang bagal ng oras sa school? Parang humihinto ang pag- ikot ng mundo. Unfair talaga si Universe. Kainis.
"Little mermaid... Rise and shine, sweetie." Boses ng napaka- gwapong lalaki ng buhay ko.
Nakangiti akong bumangon. "Papa, sabi ko sa inyo h'wag nyo na 'kong tawaging little mermaid."
Napa- hawak sya sa baba nya na akala mo sobrang lalim ng iniisip. "May sinabi ka ba? Parang wala akong maalala."
"Si papa talaga." Ani ko.
Tumayo na ako at niyakap ang lalaking umaarteng ulyanin. Sinundot- sundot ko ang tagiliran nya kung saan nandoon ang kiliti nya. Nagtatawanan kaming dalawa ng bumukas ang pinto. Iniluwal into si Mama na may hawak na walis tambo.
"Kayo talagang dalawa.." Puna nya sa amin. "Bumaba na kayo doon at handa na ang almusal. Ako na magliligpit ng higaan."
"Narinig mo yon, little mermaid?." Tanong ni Papa na ikinatango ko. "Pagkain.. Tara na.. Ubusan natin ang Mama mo." Tumango ulit ako.
Tumatawa kaming nagtatakbo palabas ng kwarto ko. Narinig pa namin na sumigaw si Mama na sya daw ang queen kaya naman, mas napahalakhak ako. Ganito kami tuwing umaga. Nawawala lahat ng pagod ko kapag kasama ko sila. Yong maliit kong pag- asa, biglang umangat. Para sa kanila kasi ang lahat ng ito. I love them so much.
"Good morning, Papa, Ate." Bati sa amin ni Vicky.
Kagaya ng sabi ni Mama, nakahanda na ang lahat dito sa lamesa. Fried rice, chicken teriyaki, hotdogs, corn soup at tinapay. May mga timpladong kape na din para sa kanilang dalawa ni Papa at gatas naman sa amin ng kapatid ko. Umupo na nga ako sa katapat na upuan ni Vicky at ganun din si Papa sa tapat ng pwesto ni Mama.
"Ate, samahan mo ako mamaya." Ani ng nakababata kong kapatid.
"Saan?" Balik ko.
"Sa Mall. May bibilhin kasi ako sa National Bookstore. Project." Sagot nya.
"Ohh, ehh, may pambili ka naman ba, Ella?" Boses ni Mama na kadadating lang.
"Oo nga naman, anak. May kaunti pa si Papa dito." Dagdag naman ni Papa.
"H'wag po kayong mag- alala, Ma, Pa. May pang gastos pa po ako." Nakangiting ani ni Vicky.
"Kung ganon... Kain na tayo!." Singit ko.
And they all agreed. Kumain na nga kaming lahat. Masarap talaga magluto si Mama. Dati syang chef ng isang sikat na restaurant. Nagka- gusto sa kanya ang may- ari ng kainan pero mas pinili nya si Papa. Childhood sweetheart silang dalawa. Ginagawang excuse ni Mama noon na manonood daw sya ng Little Mermaid para lang katagpuin si Papa sa may ilog. Dahil doon, nabuo si Ariella. Hahaha, ako.
Akala ko pa naman ay makakapag- pahinga ako ngayon. Ito kasing kapatid ko na si Vicky Ella, magpapa- sama pa. Matanda na naman sya so, kaya na nya ang sarili nya. Grade 9 na yan and saulo na naman nya ang daan papunta sa mall. Idinamay pa talaga ako, ehh. Pasalamat sya, mabait ako.
Pagkatapos naming kumain at mag- ayos ay umalis na nga kami ni Ella. Maglalakad lang kami papuntang mall. Teka. Bakit kami naglalakad? Ang layo kaya non!
"Hoy!" Tawag ko sa magaling kong kapatid. "Saan talaga tayo pupunta, huh?"
Ngumiti sya sa akin ng pagkalawak lawak. "Ate, alam mo naman na hindi ako papayagan nina Mama di, ba? Magkita na lang tayo mamayang 2 sa mall."
"Ano?!" Angil ko.
"I love you, Ate. Bye!"
"Hoy, Ella!" Sigaw ko.
Ang mabait na bata, tumakbo na. And ako? Nandito, mag- isa, nakatayo. Great. Ang galing ng pagmamahal nya. Nakaka touch. Tss. Naupo ako sa pinaka malapit na waiting shade. Saan naman ako pupunta ngayon? Nakakaasar talaga! Isusumbong ko naman sya kay Papa, ehh. Akala nya, huh. Lagot sya mamaya pag- uwi nya. Bleh. Bleh. Bleh. Psh.
Saan naman ako pupunta ngayon? Tss. Uuwi na ako. Bahala talaga sya. Tumayo na nga ako. Pero, hindi pa ako nakakalayo sa waiting shade ng may tumigil na magarang kotse sa harapan ko. Wait, joke ba to ni Ella at ng mga friends nya or what? Tumigil ako at naghintay upang makita kung sino ang lalabas ng sasakyan. Humanda talaga sya kapag isa na naman ito sa mga pakulo nya. May tumunog mula sa kotse kasunod nito ang dahan dahang pagbukas ng driver's seat. Nasa kabilang side ito kaya naman, hindi ko kita ang nilalang na lalabas dito. Tiyempo naman na biglang tumunog ang cp ko. Pagkakataon nga naman, ohh. Kinuha ko ito sa loob ng dala kong maliit na shoulder bag at sinagot.
"Hello, Little Mermaid?." Bungad ng nasa kabilang linya.
"Papa..." Ani ko.
"Naiwan ng kapatid mo ang cp nya. Nasaan ba sya?" Tanong ni papa.
"Ahm..." Ano isasagot ko?. "Busy po sa pamimili, Pa."
"Ganoon ba? Sige, ingat kayo. Magkasama naman kayo kaya okay lang. Hahabulin ko pa sana kayo kanina dahil dito."
Mabuti nga at hindi na kayo humabol. Madami pa syang sinabi na ikina opo ko lang. Nakapag- sinungaling tuloy ako ng wala sa oras. Si Ella kasi, ginawa pa akong taga takip sa gusot nya. Tss. Pasaway. Nang matapos ang tawag ay ibinalik ko na ito sa loob ng bag ko.
"Alam mo, Ell-___......" Natigilan ako.
Hindi kasi ang kapatid ko ang nasa harap ko ngayon. Nakasandal sya sa kotse nya habang naka- tingin sa akin na tila ba ay inip na inip na dahil sa kakahintay. Sinamaan ko sya ng tingin. Galit ako. Sya ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko. So, inirapan ko sya at naglakad na.
"Stop." Rinig kong sabi nya.
I don't care. Sino ba sya? Wala kami sa loob ng campus kaya naman, malaya ko na syang maiiwasan.
"I. Said. Stop." Madiin at punung- puno ng authority nyang bitaw.
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla na lang kumabog ang dibdib ko. Napahinto ako sa paglalakad na ikinaprotesta ng utak ko. Hindi dapat ako nakikinig sa lalaking ito. Baka may makakita sa amin at ma- issue na naman ako. Tiyak kong hindi lang pang- iinsulto ang gagawin sa akin sa school kapag kumalat ito. So, maglakad ka, Lexshawna! Lakad!
"You're not going anywhere."
Napapitlag ako ng bigla nyang ibulong ang mga katagang iyon sa tenga ko. Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan at nanuyo ang aking lalamunan. Kasunod nito ang paghawak nya sa braso ko. Hinila nya ako ng sapilitan papunta sa sasakyan nya. Binuksan nya ang pinto nito at padabog akong pinapasok sa loob. Nang masigurado nyang nakaupo na ako ay umikot sya sa kabila at naupo sa driver's seat. Ini- start nya ang kotse at nagmaneho.
"S-saan mo ako dadalhin?" tanong ko.
Medyo mahina iyon pero, sure naman akong narinig nya. This is kidnapping! Pwede ko syang kasuhan sa ginagawa nyang ito sa akin.
No answer.
"Itigil mo ang kotse. Bababa ako." Lakas loob kong utos.
Still no progress. Hindi nya nga hininto ang sasakyan, ehh. Binilisan pa ng loko.
"Alam mo bang kidnapping na itong ginagawa mo? Kakasuhan kita! Wala akong pakialam kung teacher kita at mayaman ka. Hindi ko na ito mapapalamp-___.... Ouch!." Atungal ko.
Bigla syang nagpreno. Kung hindi ako naka seatbelt tiyak kong susubsob ang maganda kong mukha sa buset na kotse nya.
"Hindi ka ba marunong magdahan dahan?! Paano kung maaksidente tayo at mam-____...."
A soft kind of flesh crushed into my lips. Tumigil ang mundo ko. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Kasunod nito ang pagkakaroon ng kung ano sa tiyan ko. Para akong naiihi na natatae. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko na labi nya ang mga iyon.
He kissed me! He stole my first damn kiss! Argh! Perverted asshole!
"That's the effective way to shut your talkative mouth." Ani nya.
Muli syang nagmaneho na parang walang nangyari. The hell! Ako naman, natahimik. Hindi na ako magsasalita. Baka mamaya, hindi lang kiss ang gawin nito sakin. Makuha pa ng wala sa oras ang cherry pie ko. No. No. No. I'm a dalagang Filipina, kasal muna bago ang lahat. Psh. As if naman na itong damuhong ito ang makakatuluyan ko di, ba? Asa sya. ASA!
Hindi na ako nagprotesta. Tahimik lang ako sa buong biyahe hanggang sa tumigil sya sa pagmamaneho. Nandito kami ngayon sa tapat ng isang...ranch? Anong ginagawa namin dito? Napatakip ako ng bibig ko. Oh, no. Mangangabayo ba sya? Anak ng tupa! Kanina kiss ngayon gusto na nyang mangabayo?!
"Move your ass, lady. Out."
Ass daw. Anak ng tatlongpung puting tupa, ohh. Sa pwet?!
"Awts!" Singhal ko.
Pinitik nya ang noo ko.
"Kung ano man ang iniisip mo, itigil mo na." Sabi nya. "Bumaba ka na dyan or iiwanan kita."
Sabi ko nga. Mabilis akong bumaba ng sasakyan. Ayaw ko naman na maiwan dito sa loob, nuh. Nakita ko syang umismid. Susungitan ko pa sana sya pero nagsimula na syang maglakad. Nilakihan ko naman ang mga hakbang ko para lang maabutan ko sya. Dinaig pa nya si The Flash sa bilis. Tss. Hustisya naman. Dapat kung gaano kalayo ang nararating ng mga hakbang naming mga hindi kalakihan ay ganoon din ang layong nararating ng mga lalaking pinagpala sa height. Para fair.
B' Valley Ranch ang pangalan ng malawak na lumapaing ito. Nagkalat ang mga magaganda at nagtatayugang mga puno sa paligid. May mga ibat ibang mga bulaklak pa at mga halaman na maayos na naka hanay sa bawat gilid o sulok ng buong lugar. At sa aming paglalakad ay nadaanan namin ang isang di kalakihang cafe na may tatlong palapag. Yari din ito sa mga mamahaling mga kahoy at kawayan. Talagang napakaaliwalas dito. Ang sarap sa pakiramdam ng sariwa at malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. Parang nawala sandali ang aking lmga problema.
"Ang ganda dito." Sambit ko. "Para tuloy gusto kong manirahan dito."
"Good to know." Rinig kong ani ng lalaking manyakis. "This is mine. One of my properties."
Tinatanong ko ba? Nagmamayabang pa sya, ahh. Wala akong pakialam kung pagmamay- ari nya ang malawak na lupain na ito. Taga sana all na lang ako. Sana all mayaman. Sana all mapera. Kung kami lang sana ang nabiyayaan ng ganito, tiyak kong madami na kaming natulungan. Isang napakalaking sana all.
Huminto kami sa harap ng isang malawak na open field. Sa may dulo nito ay may malaking barn na sa aking palagay ay naroroon ang mga alaga nilang kabayo. Hindi ko tuloy mapigilan na ma- excite. Noon pa man ay isa na ito sa mga pangarap ko, ang makasakay at makakita ng mga kabayo. Sa T.V ko lang kasi ito madalas na makita.
"Magandang umaga po, Sir. Edson." Bati ng isang matandang lalaki.
"Good morning. How's my ranch?" Balik ng kumag sa matanda.
Wala ba syang galang?. Tss. Mayayaman nga naman... Basta may narating na, akala mo kung sino na kung umasta.
Ngumiti si Manong. "Maayos po, Sir. Magaganda pa din po at malulusog ang ating mga alaga. Madami din po ang mga guests na nabisita sa atin."
Tumango naman ang manyak na, mayabang pa. "Good. Bring, Hercules out."
"Mangangabayo po kayo, Sir?" Tumingin sa akin si Manong. "Napakagandang bata."
Napangiti ako. "Magandang araw po."
Magsasalita pa sana si Manong ng biglang tumikhim itong katabi ko. Mabilis namang tumalima ang matanda at umalis. Napaka- sungit talaga ng isang ito. Walang modo. Paano ba ito pinalaki ng parents nya? Parang kulang sa aruga. Psh. Baka noong mga panahong naglilihi ang mother nya ay nakapanood sya ng masasamang mga pelikula. Pwede ding, palagi silang LQ ng asawa nito kaya pati sya na nasa tiyan ay nadamay. O 'di kaya naman ay hindi nya nakain ang pinaglihian nitong pagkain. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa. Hayst. Kawawang Edson.
Napatingin ako sa may barn ng may lumabas na napaka- gandang kabayo. Nagsusumigaw dito ang authority at kakisigan. Para bang sinasabi nya na sobrang proud siya sa maganda at makintab nyang buhok na kulay itim. Hindi na ako magtataka na sya ang naging paborito ng kulaog na ito.
"Ang star ng buong ranch. Hercules." Ani ni Manong.
Humuni naman ang kabayo na akala mo naman ay naiintindihan nya ang sinabi ng matanda. Ang laki pala nya sa malapitan. And a little bit scary. Iniabot ni Manong kay Edson ang tali nito. Malugod namang tinanggap ito ng binata.
"Hi, there, buddy." Bati nya sa kabayo.
Matalino siguro ang kabayong ito? Kung makaasta kasi, akala mo sya yong gf ni Edson. Nagkakaintindihan silang dalawa at naglalabing- loving pa sa harap ko. Hinihimas- himas nya kasi ang ulo nito habang may ibinubulong. Gahd. My gorgeous eyes. Mahabaging embre, ayokong makasaksi ng tao at kabayong nagme- making out. Eww. Kadiri. Naiisip ko palang, nasusuka na ako. Sino sa kanilang dalawa ang babayo, aber? Gross.
"Come on." Ani ni Edson.
Sumakay sya sa kabayo ng walang kahirap- hirap. Ang taas kaya ng animal na ito, paanong nakasampa kaagad sya? Sabagay, mahahaba naman ang biyas ng kumag. Teka, how about me?
"Sandali lang. Saan ako sasakay? Kung binabalak mo akong iwananan dito, humanda ka talaga sa akin." Litanya ko habang nakapamewang pa.
He eyed me seriously. "Noisy woman. Do you want me to shut you up again?"
Mabilis pa sa kidlat ang naging pag- iling ko. Baka akala nya one talk, one kiss policy kami. Aba, sinuswerte itong damuhong ito. Namumuro na sya, ahh.
Nag- iwas ako ng tingin. Tatahimik na ako. Hinding hindi na ako sasagot o magsasalita sa kanya. Tss.
"Turn around." Utos nya.
Tumalikod nga ako sa kanya kagaya ng gusto nya. For what naman kaya? Para hindi ko makita kung saan sya pupunta? Bakit, akala ba nya na susundan ko sya? Aba, matindi. Maglalakad na sana ako ng maramdaman kong may dalawang malaking kamay ang sumakop sa bewang ko. Napamulagat ako ng mapagtantong na pagmamay- ari ito ng kumag. Magpoprotesta pa sana ako ng umangat ako sa lupa. Binuhat nya ako ng walang kahirap- hirap at iniupo sa may harapan nya.
"H'wag kang malikot kung ayaw mong mahulog." Banta nya.
Naramdaman ko ang unti- unti naming paggalaw. Nagsimula na pa lang maglakad si Hercules. Dahan dahan lang ito na parang nakikiramdam pa. Inaalala yata ang lagay ko. Wow, thoughtful na kabayo. How sweet. Mabuti at hindi sya nagmana sa amo nyang pinagsakluban ng langit at lupa.
Hindi ko alam kung nasaan na kami. But, I'm sure na nasa ranch pa din kami. Madaming puno sa paligid pero hindi naman masukal. Halatang halata na inaalagaan ng maayos ang lahat dito. Dahil wala kang kahit anong makikitang basura. Ipaalala nyo nga sa akin na bigyan ng papuri si Manong mamaya. He deserve a round of applause for his job well done.
"I'm sorry."
Natigilan ako. Did I heard it right? Humingi sya ng tawad?
"I'm sorry for everything." Ani nyang muli.
I can feel sincerity in his voice. He truly is being sorry for what he's done. Pero, wala naman talaga syang ginawang mali. Ilang beses nya na akong niligtas at kahit isang beses wala syang ginawang mali. It's not his fault. Mali na nagalit ako sa kanya. It's the mind of the people's fault. Sadyang napaka mapanghusga lang ng mga tao. Kaunting lapit, kaunting care at usap, may malisya na kaagad.
"I- it's not your fault. Don't be sorry." Sabi ko.
I can feel his eyes on me. Patagilid akong nakaupo sa kabayo kaya naman, malaya nya akong mapagmamasdan. Idagdag pa ang height nya. Sa harap naman ako nakatingin. Pero, I can see him sa gilid ng mga mata ko.
"Take this as my pambawi." Mahinahon nyang bitaw. "Just enjoy.."
Hindi na ako sumagot. Wala kasi akong maisip na itutugon. Ayaw makisama ng utak ko. Hindi na din naman sya nagsalita pa. Nagpatuloy lang kami nang tahimik.
Bakit ba kasi ang dudumi ng isip ng mga tao? Nakabihis ka man ng maganda o hindi, may pula at pintas pa din silang maibabato. Mabait ka man o hindi, pareho lang. Alam nyo kung ano ang effective way para hindi ka mahusgahan? You, to be rich and wealthy. Sa mata nila, kapag mayaman at mapera ka, mahalaga ka. Gagalangin at sasambahin ka pa nila. Why? Para saan? Sa pag- aakalang gagantimpalahan at aabutan ka nila kahit kaunti? No. It's because of power. Kapag mayaman ka, makapangyarihan ka. Sa panahon ngayon, lahat kaya ng bilhin ng pera. Nakakalungkot man isipin pero totoo.
Nabasag ang malalim kong pag- iisip ng tumambad sa akin ang isang napaka gandang maliit na sapa. Its an oval shaped clearing na malinis at malinaw ang tubig. Huminto sa paglalakad si Hercules at bumaba naman sa kanya si Edson. Pabuhat nya din akong ibinaba at maingat na itinayo. Hindi ko na nagawang nagkomento pa dahil nabighani na talaga ako sa ganda ng lugar. Iginiya naman nya ang kabayo papalapit sa isang puno. Sa ilalim nito ay may nakalatag na isang pulang blanket.
"Come on." Tawag sa akin ng kulugo.
Lumapit naman ako sa kanila. May ibinaba pa syang basket mula sa likod ni Hercules. Nilapag nya ito sa may blanket at naupo. Nagtataka man ako pero, nakiupo na din ako. Pati nga ang kabayo, naupo na din, ehh. Binuksan nya ang basket na nagpakalam ng aking tiyan. Humalo kasi sa hangin ang mabango at masarap na amoy na tiyak kong dito nagmula. Kaunti na lang ay tutulo na ang aking laway sa gutom lalo na ng simulan na nyang ilabas ang mga laman nito. May isang bungkos ng ubas, bottled water, dalawang mansanas, at kakanin na nakabalot pa sa dahon ng saging.
"Gosh.. Ngayon lang ako nakapag picnic." Masaya kong sambit.
"I'm glad na ako ang kasama mo sa first picnic mo." Sabi naman ni Edson.
Nginitian ko sya na hindi ko alam kung bakit ko ginawa. Ang kumag naman, poker face lang. Inabutan nya ako ng kakanin at bottled water na malugod ko namang tinanggap. Dahil sa gutom, wala na akong pakialam pa kung anong isipin nya. Kaagad ko ng nilantakan ang kakanin.
"Hmm...ang sarap. Bigla ko tuloy namiss ang mga lolo at lola ko sa probinsya namin. Magaling silang magluto ng ganito." Pagmamalaki ko.
"Let's meet them someday." Ani nya.
"Nako, oo. Isasama talaga kita doon. Para ka kasing pagod palagi. Need mong mag relax and doon, I'm sure na mag-e enjoy ka." Masaya kong saad.
"Do I looked tired?" Tanong nya na hinimas himas pa ang mukha.
Tumango ako at natawa. "Para ka ngang pinagbagsakan ng langit."
Bahagya syang napangiti. "So, I guess, I need to be there with you soon."
"Ahuh!. Ayan!." Sigaw ko habang itinuturo pa ang mukha nya.
Nagtataka naman syang tiningnan ako. Napataas ang kilay nya. "What?"
"Ngumiti ka!" Masaya kong ani. "Ngumiti ka pa bilis!. Mas bagay sayo kapag nakangiti."
Napangiti naman sya kaya napangiti na din ako. This time, totoo na ang mga gumuhit sa kanyang labi. Bigla naman kumabog ang dibdib ko. Mas lalo yata syang nagiging gwapo. What? No! Nag iwas ako ng tingin at kaagad na kinuha ang isa pang kakanin. Ibinugay ko ito sa kanya na kinuha naman nya. Bumalik naman ako sa pagkain at pinagmasdan na lang ang payapang tubig.
What the hell is wrong with my heart?

Comentário do Livro (149)

  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice

    11d

      0
  • avatar
    MartinezRenzzee

    verrygoods

    16d

      0
  • avatar
    Mariafe Ilao

    hi kamosta ayos lang ba ikaw

    23d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes