logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

The Gangster's Boss is my Teacher and my Lover

The Gangster's Boss is my Teacher and my Lover

HanaIchiOne


Simula

Napaka- ganda ng umaga. Mataas ang sikat ng araw pero hindi naman mainit. Maulap pero hindi naman makulimlim. Minsan lamang mangyari ang ganitong pagkakataon dito sa aming lugar. Palagi kasing umuulan dito at sobra naman sa init kung maaraw. Kaya naman, kung hindi ka crush ng crush mo, ay itigil mo na. Masasaktan ka lang, girl. Anong connect ‘di, ba? Wala. Parang ikaw, walang pag- asang mapansin ng taong mahal mo. Bakit kasi may ganoong klase ng tao? Habol ng habol sa manhid na nilalang na akala mo sobrang gwapo, hindi naman. Tss. Ang aga- aga nasisira ang mood ko. Nakita ko kasi ang higad kong kaklase na halos ikutin na ang buong university para lang makahanap ng mabibiktima. Uhaw na uhaw sya, girl. Lahat na ng lalaki dito, sinundan at inakit nya. Ewan ko ba sa babaeng haliparot na iyon, nagpapaka- pagod sa kakalambing sa mga boys na feeling pogi. Dapat sarili nya muna ang minahal nya. Sayang ang ganda kung wala namang utak na gumagana.
Pinagpa- pawisan na ako. Sino bang hindi? Nilakad ko lang naman ang mahigit limang kilometrong layo maka- pasok lang na araw- araw kong ginagawa. Inaagahan ko pa ang gising ko para hindi ako ma- late. No choice kas ako. Poor lang naman si ako. Sapat lamang para sa aming dalawa ng bunso kong kapatid ang kinikita ng mga magulang namin. Si papa ay isang dakilang construction worker at nagti- tinda naman ng pagkain si mama online. Nakapag- aral ako dito sa Goldwin University dahil naipasa ko ang exam for the full scholarship. Matalino ako, hindi nga lang halata. Malaking tulong ito dahil wala ng babayadan sina papa at baon na lamang ang po- problemahin.
“Shan- shan!”, sigaw ng kung sino.
Napa- simangot ako. Anong ginagawa ng demonyitang ito dito? Malapad ang ngiti nya sa akin habang kumakaway mula sa ‘di kalayuan. Nabagalan marahil siya sa aking paglalakad dahil tumakbo na ito para salubungin ako.
“Good morning!” bati nya sabay akbay sa balikat ko.
Hobby nya iyan. Palagi nyang ginagawa sa akin iyan. Mas matangkad kasi sya sa akin kaya naman, malaya nyang naipa- patong ang kamay nya sa balikat ko. Gusto ko na nga sana syang sikmuraan, ehh. Nakaka- banas kaya. Pero, no choice ako because she’s my best friend, wala na akong magagawa.
“Bakit naka- simangot ka, Shan- shan?” tanong nya.
“Nagtaka ka pa? Nakita kasi kita.” sagot ko naman.
Napa- nguso sya. “Ang harsh mo talaga sa akin.”
Nag- patuloy kami sa paglalakad papunta sa building namin. Pareho kaming Engineering students and we’re classmate since grade six. Nag- transfer sya noon and because she’s a rich kid, madalas syang ma- bully. So, dahil mabait ako, pinag- tanggol ko sya. Simula noon, hindi na nya ako linubayan na pinag- sisisihan ko. Charot lang.
Princess and the pauper ang peg naming dalawa. Naka- tira sya sa mansion while me is, sa isang simpleng bahay lamang. But, hindi iyon naging hadlang sa pagka- kaibigan namin. Masyado syang mabait just like her parents na kaibigan na din ng mga magulang ko. Kung hindi ako naka- pasa bilang scholar ay willing silang pag- aralin ako. Come to think of it. Almost 100, 000 a month ang babayadan nila plus the expensive expenses pa dahil sa kursong kinuha namin. Napaka- laking gastos noon. Nakaka- hiya.
Naka- dating kami sa classroom ng nasa ganoong posisyon pa din. Nahiwalay lamang sya sa akin noong umupo na kami sa respective seats namin. But not totally nag- hiwalay dahil magka- tabi pa din kami ng upuan. And as usual, kakaunti pa lamang ang nandito sa room. Karamihan kasi sa mga kaklase namin ay late. Hindi ka dakilang estudyante kung kung hindi mo naranasan iyan. Isama nyo pa ang pagkakaroon ng bubblegum sa buhok, mga nagli- lipadan mga naka- bilot na papel na may laway, makapitan ng papel na may naka- sulat na ‘kick me’, at matamaan ng chalk o eraser dahil sa madaldal mongkaklase. Hindi asintado ang guro kaya sa iyo tumama.
“Hey, Shan- shan.” tawag ng katabi ko. “May bago daw tayong substitute teacher. Hindi ka ba excited?”
“Hindi.” tipid ko namang sagot.
Diyan sya magaling. Pag- dating sa mga chika, nangunguna iyan. Araw- araw ay may bago syang nasasagap na gossips.
“Ang sungit mo naman.” reklamo nya. “Kahit kaunting interest, wala?”
Umiling ako. “Wala namang bago.”
Yes. Walang bago. Sure naman ako na ang ipapalit sa terror teacher namin sa design and technology ay kagaya din nya na matandang hukluban. Nagka- sakit kasi si sir kaya kailangan ng papalit sa kanya. Ang tanda- tanda na kasi nakuha pa nyang mag- turo. Dapat ay nag- retire na iyon, ehh.
“No. May bago.” ani pa nya. “I heard kasi na sexy, hot and handsome ang magiging new prof natin.”
“Whatever, Jem.” saad ko naman.
Knowing her, Jemimah Marie Florentino, the childish bratty rich kid. Basta pogi, excited iyan. Sarap hambalusin ng lamesa. Char lang.
Hindi ko na sya pinansin. Bahala sya sa buhay nya. Inilabas ko na lang ang notebook ko para mag- basa. Minsan kasi ay bigla- bigla na lang nagbi- bigay ng surprise test ang mga bakulaw naming guro. As a good student, kailangan kong mag- aral ng mabuti. Mabait ako, ehh.
Every weekend, nagta- trabaho ako sa isang convenient store as a cashier. Mahal kasi masyado ang mga gastusin ko kaya naman, kailangan ko din na mag- banat ng buto. Tulong na din iyon para kina papa na walang ibang ginawa kun’di ang suportahan ako. Alam kong nag- dalawang isip sila noong sinabi ko sa Engineering ang gusto kong kurso. Pero akong natanggap na kahit anong reklamo mula sa kanila. Nag- doble kayod pa nga sila para sa akin. Kaya naman, I’m so lucky na sila ang naging magulang ko. I love them so much. And proud na proud din ako sa kanila. Hindi ako katulad ng iba dyan na ikinahihiya ang mga magulang lalo pa at madumi ang kanilang itsura buhat sa pagta- trabaho. Kahit pa paliguan sila ng putik, yayakapin ko pa din sila with my arms open wide. May kiss pang kasama.
Habang tumatakbo ang oras ay naku- kumpleto din kami. Mga sakit talaga sa ulo ang mga kaklase ko. Pero hindi pa nakaka- tunog ang bell bilang hudyat ng pagsi- simula ng klase ay pumasok na kaagad ang adviser namin na si Mrs. Himala. Ohh, sadyang ganiyan ang surname ng babaeng iyan. Nag- punta sya sa gitna na may napaka- lawak na ngiti. Lahat tuloy kami ay nagta- taka. Pinag- lihi kasi si ma’am sa sama na loob kaya naman, once in a blue moon lang ito mangyari. And it gives us a goosebumps. Creepy.
“Hello, future engineers.” bungad nya sa amin. “Siguro naman ay nabalitaan nyo na ang tungkol sa new substitute teacher nyo. Well, he’s here now.”
Lahat kami ay napa- tingin sa may pintuan. Hindi ko din namalayan na pati ako ay napasulyap na din. Isang lalaking naka- white long sleeves and black fitted slacks ang pumasok. I can sense Jem being over reacting, dahil iyong mga babae sa harapan namin ay mga naka- nganga na. Nagsu- sumigaw lang naman kasi ang kakisigan ng mala- adonis na nilalang na ito na ngayon ay nasa harapan na naming lahat. Now, I know kung bakit naka- ngiti ang adviser namin. Tss. Ang tanda na nya para sa mga ganitong bagay. Kadiri.
“He is Mr. Edson Santiago Bayer. The owner of the most prestigious construction company at ang numero uno’ng engineer here in our country.” dagdag pa ni Ma’am.
So, he’s that man. The youngest engineer na nag- tayo ng bandila ng bansa. Pinupuri sya ng ibat- ibang countries around the world dahil sa husay ng kanyang mga gawa. He finished his degree at the age of 20dahil ahead sya sa karamihan. He has an IQ that is above the average of a normal person. Sobra- sobra ang talino nya. But, bakit sya mag- aaksaya ng panahon at oras para mag- turo sa mga ka- edad nyang kagaya namin? Parang ang awkward naman yata.
“Ohh, em, gieee… he’s so hot.” bulong ni Jem.
Tiningnan ko ang katabi ko sandali, only to found her staring kay Mr. Bayer. Kumikinang pa ang kanyang mga mata sa labis na pagka- mangha. Kulang na lang ay pati laway nya ay tumulo sa bahagyang pag- awang ng mga labi nya. Gahd! Kaunti pa at itatanggi ko na na kilala ko itong babaeng ito. Grabe.
“Mr. Bayer here is going to be your substitute teacher sa subject nyo na Design and Technology. Kung hindi nyo pa alam, dito sa University natin sya nag- aral at nag- tapos. He’s our pride.” mahabang litanya ni Mrs. Himala. “Gusto nya lamang ibalik sa school natin ang mga natutunan nya noon. So, behave kayo.”
Napaka- bait naman pala ni kuya mong matalino. Why so plastic naman po? I’m not convinced. Hindi ako naniniwala na free will ang lahat ng ito. Malamang, because he is rich and popular, ginagawa nya lamang ang lahat ng ito para sa fame at dangal ng kanilang pamilya. Who are you joking, Mister? Nah, probably not me.
Ipinag- patuloy ko ang pagba- basa ko. Dedma na ang gwapo sa snob na kagaya ko. Who you ka ba? Kaya kitang higitan. Wait mo lang na maka- tapos ako, ilalampaso kita sa sahig. And beacause galit sa akin si tadhana, first subject namin sya, everyday. Guess, what? Two minutes na lang at mag- uumpisa na ang klase namin. Malas naman.
“Shan- shan, ang pogi ‘di, ba?” tanong ni Jem na may pag- palo pa.
“Yes.” tipid kong tugon.
“Yieeee. Ohh, my, gahd! I’m so excited.” tili nya.
Sakit naman sa tainga ng demonyitang ito. Kapag ba nae- excite kailangan sumigaw? I just rolled my eyes on her. Dahil malapit nang tumunog ang bell, hindi na umalis si Mr. Bayer. Nag- uusap lang silang dalawa ni Ma’am sa labas, malapit sa may pintuan. Itong mga malalandi ko namang mga kaklase, todo paganda at make- up. Akala siguro nila ay may igaganda pa sila sa loob lamang ng ilang segundo. Taon kaya ang kailangan para maayos ang mga mukha nila. Tss. Mga assuming na palaka.
The long wait is over. Tumunog ang bell. Nagsi- ayos na ng upo ang mga kokak kong mga kaklase. Nag- paalam na si Mrs. Himala at pumasok na si Mr. Bayer. He was serious and strict. Para syang isang blangkong papel. Walang kahit anong emosyon na makikita sa mukha nya. Nag- punta sya sa gitna at humarap sa aming lahat.
“Good morning.” bati nya. “Because I’m just a substitute of your previous teacher, expect that I didn’t know you all. So, kindly introduce your self one by one. No need to go here in the front. Just stand there at your space and state your name.”
The getting to know segment starts from the right to left. Pagkatapos ay ang sunod na hanay naman from left to right then, the next from right to left and so on. Nasa may gitna ang upuan namin ni Jem sa ika- apat na row, panatlong hanay. Nag- simula na sila at naka- tapos na ang iba. Mabagal ang pag- usad ng pagpapa- kilala dahil sinasabi na nila lahat mula sa name, age, address, hobby and so on. Inisa- isa na nila ang mga naka- sulat sa slumbook noong elementary days. Maya- maya pa ay tumayo na si Jem na todo ang ngiti. Kumikunang pa nga ang mga mata nya sa saya. Tss.
“Hi, my name is Jemimah Marie Florentino. I am 21 years old. I live in San Pa-_…”
“Next.” matabang na putol ni Mr. Bayer.
Naka- nguso naman na umupo si Jem. Nagsi- sipa pa sya sa sobrang inis. Naiiling naman akong tumayo at sinalubong ang tingin ng mayabang na milyonaryo.
“I am Lexshawna Ariella Delfin.” ani ko sabay upo.
What? Sabi nya kasi ay state your name lang. At dahil masunurin ako masyado, kahit iba na ang nagsa- salita ay ramdam ko pa din ang mga titig nya sa akin. Ako lang naman ang sumunod sa directions nya. Dahil lahat ng kaklase ko ay pwede ng maitampok sa MMK at Maalaala Mo Kaya. Nag- aaksaya lamang sila ng laway. Halata naman kasi na wala syang interest sa mga pinagsa- sabi nila. Mga uhaw sila sa atensyon. Ohh, reyna ng mga papansin, may you bless your followers of your amazing KSP powers. Tss.
Halos kalahati na ng oras ng klase ang naubos dahil lang sa mahahabang litanya ng mga kaklase ko. Kaya namn si Sir, mas bumusangot pa ang mukha.
“You’re all a future civil engineers. So, kailangan na mahusay kayo sa subject ko.” pag- uumpisa nya.
Yes. Civil engineering ang course ko. Gusto ko kasing mag- patayo ng mansion para sa mga magulang ko. Pagagawaan ko din ng rebulto si Jem. Pasa- salamat sa hindi nya pag- sablay sa pagha- hatid ng balita. Dinaig pa nya sina Mel Tianco at Ted Failon sa galing nya. Hindi na ako magta- taka kung sa mga susunod na araw ay dadamputin na lang sya bigla ng mga tao mula sa TV network. Kapag nangyari iyon, I’m a proud best friend.
Kanina pa nagsa- salita sa unahan si Mr. Bayer. Pero walang kahit anong puma- pasok sa utak ko. Naki- kinig naman ako kaya nga lang, pasok sa tainga, labas naman sa kabila. Para hindi ako mahalata at mapagalitan, nagsulat- sulat na lamang ako sa notebook ko. Gusto ko pang makapag- tapos at mapangasawa si Sir. Este! Makapag- asawa ng kagaya nya. Not exactly like him, though. Masama ang budhi ng mokong na iyan.
Sa hinaba- haba ng oras, sa wakas ay natapos na din ang klase. Time na for our next subject. Nag- labasan na ang mga kaklase ko para pumunta sa field kung saan naroroon ang final project namin. Tumayo na din ako sabay sakbit sa balikat ng bag.
“Miss. Delfin, stay.” biglang saad ni Sir na ikina- tigil ko.
“Hihintayin kita sa labas.” bulong naman sa akin ni Jem.
Nilingon naman ako ng mga kaklase ko na ang sasama ng tingin. Dinaig ko pa ang naka- patay ng tao sa talas ng kanilang mga mata. Mga judgemental sila! Baka nagandahan lang sa akin si Sir kaya nya ako tinawag. Hindi naman naka- ligtas sa pandinig ko ang pagbu- bulungan nila na lagot daw ako at sana all. Hoy, dyosa ng mga mapang- husga, hinay- hinay lang sa pagbi- bigay ng basbas. Nasobra na kayo, ahh. Tss. Naka- simangot naman ako na lumapit sa guro namin na prenteng naka- upo sa edge ng lamesa.
“Yes, Sir?” ani ko.
“You’re not listening in my discussion.” bitaw nya.
Napa- lunok naman ako. Paano nya nalaman? May CCTV ba ang mga mata ng damuhong ito? Akala ko pa naman ay na- perfect ko na ang art of kunyare- nakikinig peg. Hay nako. Kailangan ko pang mag- practice.
“Naki- kinig po ako, Sir.” pagsi- sinungaling ko.
“Really? Give me your notebook.” utos nya.
Nagche- check sya ng notebooks? What are we a kindergarten? The hell. Napa- kurap ako ng hindi mabali ang pagkaka- titig nya sa akin. Hindi na nga yata sya nakurap, ehh. So, bago pa sumabog ang eyeballs ng lalaking ito ay kinuha ko na ang notebook ko. Pero, hindi ko pa man ito tuluyang naila- labas sa bag ko ay hinablot na nya ito sa akin. Binuklat nya ang mga pahina nito na parang may hinahanap. Hanggang sa kumuha sya ng ballpen sa bulsa nya at nag- simulang mag- sulat. I’m in a cute size so, hindi ko makita ang ginagawa nya. Inaamin ko. Oo, pandak ako at matangkad sya.
“Sa susunod na mahuli kita na hindi naki- kinig sa klase ko, hindi ka na makaka- pasok pang muli.” he said in a low voice.
Kinilabutan naman ako sa sinabi nya. Nag- tayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Ayaw ko pang mamatay. Dahil once na huminto ako sa pag- aaral ay tiyak kong mamamatay ako sa kahihiyan. Ayaw kong ma- disappoint ang mga magulang ko. Naka- kahiya naman sa kanila. Napa- pitlag ako sa gulat ng hilahin nya ang palad ko at doon ipinatong ang notebook. He just tsk at me then, tumalikod at umalis na palabas. Kaagad ko namang binuksan ang notebook ko upang tingnan ang isinulat ng kumag. Napa- kunot naman ang noo ko ng wala akong makita. Gannon pa din ang last na notes ko, ang huling tinalakay ng previous teacher namin. Ganoon na ba katanga angmayabang na iyon para kumuha ng ballpen at umaktong may isinusulat? Tss. Fuckers. Padabog kong isinilid sa loob ng bag ang notebook ko. Pagkatapos ay lumabas na ako to meet my best friend na naghi- hintay sa may pinto.
Mataas na ang sikat ng araw. Nawala na ang mga ulap na kanina ay parang bulak na kumpol- kumpol sa kalangitan. Tiyempo pa talaga kung kailan kailangan namin na pumunta dito sa field para sa final project namin. Itatayo at sariling disenyo namin ang gagawing Theatre building para sa mga studyante na acting and drama ang major. Kami din ang kumalap ng mga workers para sa construction. Pero ang school pa din naman ang magbabayad sa labor nila pero may gastos din kami sa mga designs at pagkain ng mga trabahador. Ganyan kahirap ang course ko. Magastos masyado kaya naman, kung civil engineering ang kukuhanin nyong kurso, you better think twice.
"Ohh...emm..gieeee!!." Tili ng malantod kong bestie.
Dahil sa exaggerated nyang reaction, napalingon na din ako sa direksyon na kinababaliwan ng lahat. He is here. Litaw na litaw ang mga muscle nya sa suot nyang fitted white T-shirt. Hindi na nya suot ang long sleeve na puti na gamit nya kanina. Kasabay ng pagdating nya ang pagsikat ng init ng araw. Bakit kaya sa tuwing may nadating na mga gwapong lalaki, palaging may sun effect? Nakikilandi din itong bolang apoy na ito, ahh. Jusko. Goodness gracious. Mahabaging langit. Talagang uminit. Pinagpapawisan na nga ako, ehh. Grabe talaga itong mabisyong araw na ito. Tss. Naiiling na lang akong naglakad palayo sa mga nagchichismisan kong mga kaklase. Pumunta ako sa likod ng mga tumpok ng pinatas na mga hallow blocks at tabla. Naupo ako sa may gilid at nagpunas ng pawis. I need to do this dahil puti ang uniform namin. Kapag nabasa, halatang halata, kita pa kaluluwa. We're wearing a white blouse and navy blue skirt, matching with white high socks and blue necktie. Lakas maka- Japanese and Korean lang.
Napatingala ako sa taas ng may marinig akong tunog na parang nababaling bagay. Tatayo na sana ako ng biglang there's a hard force na humila sa akin kasunod ng malakas na pagbagsak ng kung ano. My heart is pounding so fast na akala mo ay nakipag- habulan ako sa pulis.
"Are you okay?." Boses na nakapagpatigil sa akin.
He is here. Holding me so close to him. Kaunting inch na lang at mahahalikan na nya ako... sana... No. But his eyes. His two sparkling brown eyes are full of emotions. Mababasa mo sa mga ito ang worry and fear. Bakit?.
"Are you alright, Ariella?." He asked in a low raspy voice.
Napatango ako. Hindi ko magawang makapagsalita. Kahit ibuka man lang ang mga labi ko ay hindi ko magawa. Ano bang nangyayari sa akin?. Kanina lang ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko pero bigla na lang itong nawala. As in totally gone. Huminto ang buong mundo ko. Na mental block ako. Blangko.
"Breath." He said, almost a whisper.
Napabuga naman ako ng hinga na ngayon ko lang nalamang pinipigilan ko. Kinapos pa ako dahilan ng paghahabol ko ng hangin. Naramdaman ko naman ang pag alalay sa akin ni Mr. Bayer dahil parang maa- out of balance ako.
"Hey. Hey." Sabi nya saka hinawakan ang mga pisngi ko upang iharap sa kanya. "Look at me. Inhale..." I breath in. "Exhale." Then breath out.
Naka ilang ulit pa sya bago ako tuluyang kumalma. Iniupo nya ako sa isang kahoy habang nakaharap naman sya sa akin na puno ng pag aalala.
"May masakit ba sayo?." Tanong nya.
"W-wala.. S- salamat.." Nasabi ko din sa wakas.
"Come on. I'll drive you home." Ani nya sabay hila sa akin patayo.
"N-no.. May klase pa kami." Pagkontra ko.
Pero hindi na sya sumagot pa. Nagpatuloy lang sya sa paghatak sa akin. Sa may gilid din kami dumaan para iwas issue. Alam mo naman mga tao ngayon, malakas ang kapit sa dyosa ng mga mapanghusga.
Nakadating kami sa parking ng walang nakakapansin. Binuksan nya ang pinto ng front seat at sapilitan akong pinaupo sa loob. Pwersahan yon pero hindi naman ako nasaktan. Pagkatapos ay umikot sya papunta sa kabila at sumakay sa driver's seat. Walang imik- imik na in- start ang kotse at nagmaneho. Wala akong nakuhang sagot sa mga tanong ko.
Bakit?.

Comentário do Livro (149)

  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice

    10d

      0
  • avatar
    MartinezRenzzee

    verrygoods

    16d

      0
  • avatar
    Mariafe Ilao

    hi kamosta ayos lang ba ikaw

    23d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes