Chapter 6 Life At Night "SINABI NIYA 'yon, sa'yo!?" "Oo girl, like legit!" Irap ko kay Summy matapos kong i-kuwento sa kanya lahat ng detalye kung paano tumakbo ang unang araw ng pagtuturo ko kay Alz kanina! D*mn that man. How could he say something like that in my face!? Talaga bang gano'n na lang kataas ang tingin niya sa sarili niya para mawalan na siya ng hiya sabihin sa akin ang ganoo'ng bagay!? Badtrip! Mababaliw na ako! Kanina pa sumasagi sa utak ko ang iniwang salita sa akin ni Alfonso... Ang bw*sit na lalaking 'yon.. bakit ba lagi niya na lang ginugulo ang utak ko!? Wala na ba siyang ibang magawa kung hindi ang magdagdag sa akin ng problema? Pero... yung sinabi niya kanina sa akin? Totoo kaya iyon? N-na... liligawan niya ako? Bigla akong natigilan sa ginagawa ng maisip ko iyon. Pero kalaunan--gusto kong sampalin ang sarili ngayon na sa naisip! Chyla gumising ka nga! Ano bang iniisip mo! Syempre kasama 'yon sa mga pambobola niya sa mga babae, babaero siya, right!? Ano papauto ka rin doon? Argh! Bakit ko ba naalala iyon! At bakit ganito na lang ang epekto no'n sa akin, e... hindi ko naman siya gusto! Galit ako sa kanya! Galit na galit. At iyon na lang iyon. Umiling ako. Buti pa itong katabi ko. Mukhang maganda ang naging unang araw 'don kay Jordan. Halata. He's smile recently. No, he is all smile. Kanina ko pa napapansin. Nabuntong hininga ako. Nakakaiingit. Buti pa siya. Dapat pala talaga, si Jordan ang pinili ko turuan at hindi ang kambal niyang malakas ang tama. Tama nga sila, nasa huli talaga ang pagsisi. "Hoy! Anong tinutunga-tunganga n'yo d'yang dalawa!? Mag-trabaho nga kayo!" Nakakatakot na sigaw ng pamilyar na boses. "Yes po, ma'am!" maarteng tugon ni Summy kay Manager Katrina bago ipagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan. gano'n 'din naman ang aksyon na ginawa ko at pinag-igi na lang ang paghuhugas. Alam ko kasing, kahit nakatalikod kami kay Ma'am Kat ay nakatingin parin siya sa gawi namin ni Summy. Nothing new to her. Sanay na ako. Lagi naman siyang ganyan sa amin ni Summy simula nong unang araw pa lang namin dito sa resto-bar magtrabaho. She's always hot headed and short tempered when its come to us. Samin lang siya laging galit na dalawa ni Summy kaya nasanay na rin ako sa mga sigaw at sermon niya. Lagi niyang sinisita ang mga ginagawa ko o gawa ni Summy kahit wala naman talagang mali sa mga iyon. Lagi rin siyang nakisagaw sa amin minu-minuto kahit ang lapit lang naman ng pagitan. Ang mga nanlilisik niyang mata laging nakatuon samin na parang cctv-ng naghihintay ng maling magagawa namin. Araw-araw ganyan siya. Napabuntong hininga ako. Minsan nga gusto ko na lang maghanap ng bagong trabaho kesa dito, e. Marami naman akong pedeng apply-yan na trabaho imbis na dito, wag ko lang makasama ang manager na kagaya niya. Pero wala, e. I can't afford to lose this job. The salary here is triple rather than other resto-bars and fast food chains; Ito lang rin ang fitted sa schedule ko, kasi nightshift. Arawan pa ang pasahod nila rito na malaki ang natutulong sa mga gastusing nakapasan sa akin. Lalo na sa school expenses. Masyadong mahal ang mga pa-project sa OBU. Idagdag pa ang bills and rent a month sa inuupahan namin ni Summy na apartment na kailangan bayad agad ang susunod na buwan. Kung 'di wala ka ng tutuluyan. Sa sobrang dami kong alalahanin sa buhay, wala na akong karapatang mag-inarte para sa mga ganitong bagay... Kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo mag-isa sa laban ng buhay kahit na may mga masugat at pasa na ako. Bawal sumuko. Pag-sumuko ka, talo ka. Gano'n ang batas ng mundo na binigay sa akin simula ng magkamalay ako sa mundong ito. Oo, hindi ako mayaman para magpakasasa lang sa buhay bata ko. Wala rin akong pamilya na masasandalan kaya dapat tuloy lang. Hindi ko iniisip ang mga nakaharang sa akin para magpatuloy sa buhay. I kick them rather with my motivation and hardworking to surpass them. Yaan lagi ang ginagawa ko sa tuwing pinanghihinaan na 'ko ng loob lumaban sa buhay na binigay sa akin--ang mag-isip ng mga positibong bagay. Marami pa akong pangarap sa buhay na dapat kong tuparin kaya hindi ako susuko sa kadahilanang nahihirapan lang ako. Sanayan lang 'yan kumbaga, kung alam mo naman kasi sa sarili mo na mahirap ka.. edi mahirap ka na talaga! Walang magbabago kahit mabaliw kapa sa pag-iisip na sana magbago ang buhay mo dahil lang sa ayaw mo nito. Na try ko na rin 'yan maraming beses na. Pero wala talaga, e. Mahirap talaga akong pinanganak. anong magagawa ko 'di ba? So instead of thinking some negative vibes that can only pin me down. I think endless positivities to my future instead. Tinanggap ko sa sarili ko na nabuhay akong mahirap. Pero hindi ko hahayaan na mamatay na lang akong mahirap pa rin. Ayaw ko no'n dahil para namang sampal na sa sarili ko iyon pagnagkataon. Para namang wala akong ginawa sa buhay ko para umangat. I wont let that damn poverty control my fate. Hindi sa pagiging mahirap matatapos ang kwento ko. Aangat ako. Naniniwala ako. I will show the world that poverty is an inspiration to keep moving forward and It is not a curse to hate. Its been given by Him to those individuals who are mentally and physically strong enough, cause he know they can surpass it. Ang dami ko namang inisip ngayon... Pero wala, e. Pangangarap lang ang kaya kong gawin sa ngayon. Kaya iyon muna ang gagawin ko. hindi naman krimen ang mangarap. Talagang iyon lang talaga ang armas naming mga mahihirap kaya dapat ginagamit ng maigi... NATAPOS ang buhay ko sa gabing iyon ng pagod dahil sa daming ginawa sa kusina. Worth it naman kahit papaano, dahil mataas ang kapital na nauwi ko nang gabing iyon. Habang nasa jeep at buma-byahe pa-uwi. Sino-sort out na namin ni Summy kung saan namin ilalaan ang perang kinita. Napangiwi ako ng sumakto lang ang pera namin sa lahat ng bayarin at wala ng natira para sa amin. "Bawi next life," ani Summy bago tumawa ng malakas. Natawa na rin ako dahil nasanay na ako sa ganitong walang natitira para sa akin sa perang kinikita ko. Puro sa bayarin lang lahat napupunta. --- "GOOD afternoon," bati ni Alz ng makapasok na ako sa library. Tinunguan ko siya at plastic na nginitian bago umupo. Katulad kahapon, inayos ko muna ang mga photo copies na dala ko. Siya naman, pinapanood lang ako sa ginagawa ko kaya medyo na nabalisa ako unti sa pag-aayos. Nararamdaman ko kasi ang init na pinupukaw sa akin ng purong itim niyang mga mata, kaya hindi ko maiwasang hindi mabalisa. "M-Magsimula na tayo," usal ko bago siya harapin at ibigay sa kanya ang statistics and probabilities na sheet plan. Sumimangot agad si Alz ng makita kung ano ang una naming pag-aaralan. Pinasadahan niya ako ng inis na tingin. "Nanadya ka ba?" Natawa ako ng bahagya sa inusal niya. Mas lalong sumama ang mukha niya ng mahuli ang tawa ko. "I hate math, Chyla. So please, ihuli na lang natin 'to," Tinaasan ko siya ng kilay at pinigil ang sarili kong makaramdam ng awa sa mukha niyang nakanguso. Tinatagan ko ang sarili titigan siya sa mata. "General Math or statistics lagi ang unang subject natin kaya masanay ka na," Nang marinig iyon. Wala na siyang nagawa kung hindi ang atupagin aralin ang binigay kong sheet. Pinanood ko siya sa ginagawa niyang pag-aaral at ng makita ko sa mukha niyang busangot pa rin, na nahihirapan talaga siya. Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Tinaas niya ang tingin sa akin ng makalapit ako sa kanya. "Tabi," untag ko na hindi niya naunawaan kaya napa-irap na lang ako sa ere. "Sabing tabi, dahil uupo ako sa tabi mo!" tulak ko na sa kanya na hindi rin naman gumana dahil parang malaking tipak ng bato ang katawan ni Alz. Nairita na ako. "Ayaw mo bang turuan kita? Huh?" "N-no," usap niya na rin sa wakas. Dahil kanina pa siya nakatitig sa akin na parang may mali sa mukha ko at gulat na gulat siya doon! Tsk! Problema nito? "Then, move. Give a space, para makapag-simula na tayo," Sinunod niya ang sinabi ko at umurong siya ng bahagya para maka-upo ako sa tabi niya. Pagka-upo ko. Kinuha ko agad ang sheet sa harapan niya at minuwestra sa kanya ang gagawin sa given problems na hinanda ko. "Nakuha mo ba lahat ng sinabi ko?" tanong ko bago siya angatan ng tingin. Nagulat ako ng bahagya ng masulubong ang malagkit niyang titig na kanina pa ata nakabaling sa akin. Napalunok ako ng sariling laway at umusog unti para magkalayo kami. "N-Nakikinig ka ba!?" inis kong sabi. Nilalabanan siya ng titig. Tumungo siya ng dahan-dahan bago ako ngisian. "Yap," kinuha niya ang sheet na hawak ko at sinagutan ng walang kahirap hirap ang isang problem. Pinakita niya sa akin iyon ng may mayabang na ngiti at nilapag sa harap ko. "See, told yah. Nakikinig ako," pagyayabang niya pa ng matapos kong check-kan ang gawa niya at tama nga ang sagot niya! Inirapan ko siya at hinayaan na lang siya magyabang. Nang araw na iyon, hindi na ako nahirapan turuan si Alz hindi katulad ng unang araw namin. Nakikinig na siya at madali na rin nakaka-pick up ng mga lesson na tinuturo ko. Kaya hindi na kami gaano nagtatalo at nakapag-focus na kami sa pag-aaral niya. Sa mga lumipas ring mga araw na pagtuturo ko sa kanya, I can say that Alz is not bad at all in studying. He is a fast learner to be exact. Talagang hindi niya lang prina-prioritize ang pag-aaral niya, dahil puro sa mga walang kwentang bagay siya nakatuon, katulad na lang ng pangba-babae niya. Medyo maayos na rin ang pakikitungo namin sa isa't-isa hindi tulad nong mga nakaraan. Hindi na rin masama ang sitwasyon namin, katulad ng ini-imagine ko. Na puro bangayan lang ang mangyayari sa aming dalawa. "MAY NAKAKITA ba sa inyo kay, Athena!?" Sigaw ni Ma'am Kat isang gabi sa buong kusina. Napahinto kami ni Summy sa paghuhugas. Kahit ang mga kasamahan namin dito sa kusina ay ganoon 'din dahil sa ikinilos ni Ma'am Kat na mababakas na ang nerbyos sa mukha. Ate Athena is one of the dancers here in our resto-bar. Magandang mestisa at depina na rin ang hubog ng katawan. Dalawa sa kwalipikasyon ng isang dancer. Siya rin madalas ang laging gusto ng mga customer namin. Mabait pati kahalubilo si ate Athena kaya kilala siya ng kahit sino. Actually, she is one of the reasons why I'm still working here. Siya lagi ang nagsasabi sa aming dalawa ni Summy na gano'n lang 'daw talaga ang trato ni Ma'am Katrina sa mga baguhan, kaya pagtiisan na lang. Hinahangaan ko si Ate Athena dahil sa sobrang kabaitan niya. Kahit na madalas, hinuhusgahan siya ng mga tao dahil sa trabaho niya. "My God! Wala ba talagang nakakita sa inyo kay Athena? Siya na lang ang kulang sa mga dancer natin! May mga VIP's Customers tayo ngayon, bakit ngayon pa siya nawala!" Histerikal nang sigaw ni Ma'am Katrina. Kumalat na sa katawan ko ang kaba sa nangyayari. Hindi dahil sa galit ni Ma'am Katrina, kung 'di dahil sa sinabi niya ngayon-ngayon lang. "Hala, paano tayo n'yan girl! Baka umuwi tayong nganga!" tarantang sabi ni Summy. Sinipat ko siya. "Calm down, girl. Nag-iisip ako," The nervous is eating him. Hindi iyon makakatulong sa nangyayari sa amin ngayon. I need to think! Maging ako kinakabahan na rin pero hindi ko pinapahalata. Dahil kung tama ang pagkakarinig ko kaninang may mga VIP's nga ngayon. Its means marami sila. In short. Tiba-tiba kami nito pagnagkataon. Nabi-base kasi ang sweldo namin sa arawan na kita ng Bar. So the more the customers the more income we can get. Kahit anong posisyon pa 'yan. Dishwasher, cooker, waiter o kahit ano ka pa dito sa resto-bar. Tataasan ka nila ng sahod pagmataas ang kita. Pedeng dumoble, pedeng trumeple, siyempre kung pagsusu-swertihin. But if our day is bad and the income of the resto-bar is low, then we're dead. Wala kaming matatanggap na sahod at 'yon ang problema ngayon. Walang Ate Athena ang magsasalba samin sa ganitong sitwasyon. "Boss, pano na 'yan!? Kaylangan ko ng magbayad ng ilaw bukas," Mang Ernesto said with disappointment. He is one of our cook here. "Ma'am, kaylangan ng gatas ng anak ko," "A-Ate Katrina yung anak ko po kasi may sakit, kaylangan ko po ng pera," "Ma'am deadline na po ng hulugan sa bahay na'min bukas. Pabale na lang po Ma'am," Tugon pa ng iba naming mga kasamahan. Nag-tiim bagang ako. Isa pa 'to sa problema ng pagiging mahirap. Unting pagbabago lang sa inaasahan mo, maari mo ng ikasira. Masyadong kumplikado Lahat ng bagay para samin. Hindi katulad ng mga mayayaman na puwede nilang resulbahin ang problema nila gamit ang pera. Tinitigan ko si Summy. Kinagat ko ang ibabang labi ko ng makita kong paiyak na siya. Napatingin ulit ako kay Ma'am Katrina ng magsalita siya. "Then, leave your jobs," malamig na untag nito na nagpatahimik sa lahat. "Maghanap kayo ng ibang trabaho bukod dito... go! You are all free. Bukas ang pinto. Alam n'yo naman ganito dito 'di ba? Pag-meron, meron. Pag-wala, wala! Wag kayong maghanap ng imposible! Dahil pare-pareho lang naman tayong nganga!" "I-I can dance, k-kaya ko." Pikit mata kong sabat kay Ma'am Kat ng buong tapang. May ibang nabigla at may iba ding nasiyahan sa sinabi ko, pero niisa 'dun hindi ko binigyan pansin. May mga pangangailangan 'din akong kailangan solusyunan. Hindi lang sila kaya gagawin ko 'to para sa sarili ko. Hindi para sa iba. "Seryoso ka ba?" Igting ang pangang bumaling sa akin si ma'am Katrina. Napalunok ako. "Tignan mo nga yang mukha mo, Chyla! Tingin mo may magkakagusto sa tadtad mong pimples? Mag-isip ka nga! Hindi porke may lahi ka..." she scan me head to toe before giving the final blow. "Puwede ka na!"
Wala na akong paki-alam kung anong itsura ko. This is an emergency case that I can only one who can solve. Masyadong may edad na ang iba pa naming kasamahang babae dito, at bukod sa mga dancers, ako lang ang bukod tanging babae puwedeng pumalit kay ate Athena sa ngayon, kaya kailangan kong sikmurain lahat ng insulto mang-gagaling sa kanya kumita lang! Inalis ko ang bara sa lalamunan ko at hinawakan ang kamay ni Summy ng palihim para doon humugot ng lakas. "Summy can do something about my face Ma'am Kat. J-just, please... hayaan n'yo p-po akong sumampa sa stage, kailangan ko ng pera," Itutuloy...
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
na pakasaya at na paka ganda nito! salamat
20/10
0I needd
04/10
0Good story
16/06/2025
0Ver Todos