logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 5

"Ano bang pinakain niyo?!" Mabilis kong nilapitan si Adi na nasa lababo at nakayuko. Inaalalayan siya ni Larry.
"T-takoyaki! Eh pusit ang laman no'n ah.." Lomi said. Inalalayan ko si Adi at hinimas ang kaniyang tiyan. Si Larry ang nagsakop ng buhok niya. Napapikit ako nang makitang andami niyang naisuka.
Nang tumigil naman ito ay kinuha ko ang panyo ko at pinunasahan siya. Pagod siyang bumaling sa akin.
"Ate..." she said tiredly before fainting. Nanlaki ang mata ko at mabilis siyang inalalayan. Buti na lang at nasapo siya ni Larry!
"C-clane, sa ospital!" Sabi ko sa kaniya nang magtama ang tingin namin. Agad naman siyang lumabas para kunin ang sasakyan.
"'Yung akin na, Clane! Nandyan sa counter 'yung susi" natataranta na ring sabi ni Larry bago buhatin ang kapatid ko. Pinilit kong huwag magpanic at kabahan dahil alam kong wala akong magagawa kapag nagpanic. Tsaka alam ko ang gagawin kapag nangyari iyon kay Adi. Iyun nga lang ay wala ako nang mangyari iyon.
Si Lomi ay tahimik lamang na nakatingin sa amin. Napabuntong hininga ako nang magkaharap kami.
"Saan mo ba binili iyan?" Turo ko sa takoyaki at hinati ang gitna noon. Napailing ako nang makitang hipon ang laman noon.
"B-binili ko sa kaibigan ko. N-nagbebenta kasi siya" Kahit na gusto ko siyang pagalitan ay hindi ko magawa dahil hindi naman niya kasalanan. Hindi niya alam na allergic ang kapatid ko.
Mabilis kaming nakarating sa ospital at sa emergency room kami dumeretso. Nagtungo naman kami sa mga upuan sa labas noon. Napatakip ako ng mukha at lumipad ang isip sa kung anong mangyayari sa kapatid.
I wasn't there when she ate some! Kung naroon sana ako ay mapipigilan agad iyon kung sakali.
"Paige, hindi naman namin alam" si Larry ang unang nagsalita. I glanced on Clane who's already holding my hair and putting it in a bun. Napabuntong hininga ulit ako.
"I know, Larry. Makulit din kasi 'yang kapatid ko" sabi ko na ikinatitig lang sa akin ni Larry.
Alam ni Adi na allergic siya doon pero minsan kapag wala ako or sila mommy, alam kong lumulusot siya o ano. Lagi niyang sinasabi na hindi naman siya minsan nagsusuka or nagpapantal pero nagkakataon lang.
"She refused in the first place" napa-angat ako ng tingin kay Larry at napakunot ang noo. Sumeryoso ang itsura niya.
"Pero pinilit kasi siya ni Lomi na tikman 'yon dahil gawa raw ng kaniyang kaibigan pero... sorry talaga, Paige."
"She can't say no" sabi ko.
Iyon ang medyo ayaw ko kay Adi minsan. Hindi siya makahindi. Masyado siyang nagiging mabait to the point na napapahamak siya.
"Tawagan ba natin ang mommy mo?" Anang katabi ko na agad kong ikina-iling. Parehas kaming mapapagalitan dito!
"Ayaw ni Adi na nalalaman nila Mommy kapag naoospital siya. Kami lang dalawa ang nakakaalam dito" mahina kong sabi. Umiling si Clane na seryoso na ang mukha.
"Viv, kailangan ng parent's consent 'to. Lalo na't minor pa si Adi" napabuntong hininga ako at napa-iling.
Hindi sa natatakot ako kila Mommy pero kapag nalaman nila 'to. Lalo na kapag tungkol kay Adi ay hindi lang ako ang malalagot, kundi si Adi din mismo.
"Clane, hindi mo kilala si mommy"
"Kami ang magsasabi, Paige. Kami naman ang may kasalanan" napalingon ako kay Larry na nagsalita. Napalabi ako.
"Hindi ko alam, Larry. Ako ang kasama niya kaya ako ang may responsibilidad--"
"Kami ang kasama niya nang kumain noon at pinilit namin siya, Paige. Kaya kami na ang hihingi ng paumanhin" may diin na sabi ni Larry. He's dead serious right now. Very different from the one we're used to.
Hindi na ako nakipagtalo pa at sumang-ayon na lang. Tinawagan namin sila Mommy at wala pang 10 minutes ay dumating agad sila. Mabilis na natagpuana ang aking mga mata at mabilis din akong sinampal.
Napahawak ako sa pisngi at napapikit na tumalikod. Agad naman akong nilapitan ni Clane. Unti-unting kumalat ang init at sakit ng sampal ni Mommy sa akin.
"Attorney" Si Clane. Sinikap kong huwag umiyak at huminga nang malalim. Matapang akong humarap kay Mommy. I knew this is coming.
"Ate ka, Vivian Paige! Bakit mo hinayaan na mangyari 'to?!" Mom spatted at me, making me gulp to keep my tears. Nilagpasan niya ako. Kasunod si Daddy na nilapitan ako saglit at malungkot na nakatingin sa akin ngunit sumisilip doon ang disappointment.
"Attorney, kami ang may kasalanan dito" napatigil si Mommy sa paglalakad nang magsalita si Larry. Nanlaki ang mata ko at tututol sana nang yakapin ako ni Clane at pinigilan.
"Viv, Please" bulong ni Clane sa akin at hinalikan ang ulo ko.
Nakita ko kung paano tignan ni Mommy nang mariin si Larry. Pati si Daddy ay nakatingin na rito at hinaplos ang siko ni Mommy.
"Hindi po namin alam na allergic siya" nahimigan ko ang kaba sa boses ni Larry. Well, who wouldn't. It's the Riguella's in front of you.
Nagtagal ang tingin ni Mommy sa kaniya bago nagpatuloy sa paglalakad papasok sa ER. Napaupo ako at nasapo ang mukha. Hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng mata ko.
Tama si Mommy. Ako ang nakatatanda kaya dapat ay ako ang nagbabantay sa kaniya. Pero mas pinili kong iwan siya at pumunta sa walang kwentang bagay.
"Hindi mo kasalanan, Viv" pagpapalubag loob ni Clane.
Matalim ko siyang tinignan. His face was calm but he was taken a back with my look.
"It was my fault, Clane! Kaya huwag mong sabihin 'yan para lang gumaan ang pakiramdam ko!"
Pumungay ang mata niya at hinawakan ang kamay ko. I let him. Hindi ko na magawang bawiin pa iyon dahil sa panghihina at paghigpit din ng hawak niya roon.
"Matanda na si Adi. Alam na niya ang ginagawa niya--"
"Well, Hindi! Matigas pa rin ang ulo niya at ako bilang nakatatanda, ay dapat ang sumusuway sa kaniya!"
Wala na akong ginawang tama. Lagi na lang kamalian at kapahamakan ang nadadala ko. Wala ba akong matinong magagawa?
Gusto kong ilabas ang nararamdaman ko pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang isumbat sa iba ang lahat ng 'to kundi sa sarili ko.
I sighed. "B-baka gising na si Adi. Papasok muna ako sa loob" sabi ko nang makabalik sa sarili mula sa pagkakatulala. Tumango si Clane at nilingon si Larry na tahimik lang ding nakatingin sa sahig.
"Lar, balikan mo muna si Lomi." Si Clane. Mabilis itong napatingin sa kaniya at umalis nang may mapagtanto.
Tumayo ako. Ganoon din si Clane.
"Sasamahan kita" aniya at piniga ang kamay ko. Tumango naman ako at bumitaw para magtungo sa kwarto ni Adi.
May doktor doon na kausap sila Mommy. Hindi ko naman pinansin ang matalim na tingin na binibigay sa akin ni Mommy. Lumapit ako sa kapatid.
"Paige" tawag sa akin ni Daddy ngunit bago ko pa ito malingon ay hinawakan ni Adi ang kamay ko.
"Sinabi kong ako ang nagpumilit" ngumiti ang aking kapatid.
Suminghap naman ako at inilingan ito. Nagtungo naman ako kay Daddy na nakatayo malapit sa sofa. Ngumuso ako nang makitang seryoso ang kaniyang titig. Humalik ako sa kaniyang psingi.
"Alam mo namang matigas ang ulo ni Adi, 'di ba?" ani Daddy.
"Yeah..."
"Paniguradong wala ka nang kumain siya, nasa'n ka, kung gano'n?"
Napatitig ako kay Daddy sa kaniyang sinabi. Gumala ako, Dad? There's no point of lying either. This is my dad we're talking about. He knows when I'm lying or not.
"I... went to a date, Dad" pag-amin ko na ikinataas ng kilay niya at sumulyap kay Clane na nasa tabi ng pintuan.
"With that Alfanta?" Aniya na ikina-iling ko naman agad. Naninimbang ang tingin ni Daddy sa akin.
Wait. Eh si Clane naman talaga ang nakadate ko? Napapikit ako at tumango. Nagmukha pa akong napilitan!
"Boyfriend?"
Umiling ako.
"Friends, Dad" sabi ko na ikinataas lang ng kilay niya at tumango-tango na akala mo'y hindi pa naniniwala.
"He's Jane and Roger's son," he said as if it was a warning.
Natigilid ang ulo ko at napatango. I know that.
"Don't tell your Tita Sarah about this" aniya at tumungo na kay Mommy.
Bumalik naman ako kay Adi pagkatapos naming mag-usap ni Daddy. Sabay kaming nasermunan ni Mommy pero mostly ay kay Adi dahil nga sa pagiging matigas ang ulo nito.
"Huwag mong hintaying mamatay ka dahil dyan sa kakulitan mo, Adhara Kate!"
Tumango lamang ang kapatid ko na halatang sawang-sawa na mga sinasabi ni Mommy. Nagtama ang tingin namin at nagpigil siya ng tawa.
She's so used to that line. Laging iyon ang sinasabi ni mommy sa kaniya na itinatawa lang niya.
"Alfanta" napatingin kami kay Daddy na tinawag si Clane. Sinenyasan niya itong lumapit kaya naman sinulyapan ko si Clane. I saw him nervously glanced at me.
"Sir" aniya sa pormal na boses.
"I trust you for my daughters. Can you do me a favor?" Ani Daddy seryosong boses. Nanatili ang mga mata ko kay Clane na tumango kay Daddy. I can feel the nervousness in his eyes.
"Kayo naman ang madalas na magkakasama sa school, 'di ba? Kapag may ginawang kalokohan ang dalawa, sabihin mo agad sa'kin. Pwede ba 'yon?"
Huh? Are we some kind of rebellious daughters?
"Of course, Sir. Count me on that" ani Clane. Mukhang satisfied naman si Daddy sa sagot niya.
Nadismiss naman agad si Adi at sa sasakyan na kami nila Mommy sumakay. Hanggang sa sasakyan ay matuloy ang pangangaral ni Mommy kay Adi. Halos maiyak na ako sa kakapigil ng tawa sa panggagago ni Adi sa mga sinasabi ni Mommy. Kapag nagkakatingin pa kami ni Clane ay pati siya ay napapayuko na lang para hindi makita ang pagpipigil ng tawa.
Kami na ni Clane ang nagdala kay Adi sa kwarto niya. Pagkasara ng pinto ay humalikipkip agad ako at sinamaan ng tingin ang kapatid na nakangisi na sa kama niya.
"Ikaw, ang sarap ipukpok niyang ulo mo." Sabi ko na ikinadila lang niya.
"Namatay ba ako? Hindi, 'di ba?" Aniya na ikinairap ko at nawala na ang pagbibiro.
"So, hihintayin mo pang mangyari 'yon? Adhara Kate!"
Tumawa lang siya. "Ate, Chill! Nagiging si Mommy ka na rin, masyado mo ba siyang idol?"
She never stopped teasing me about my confession about how I want to be my mom. She's my ideal mother and I want to be like her.
Natagalan kami bago pilitin siyang matulog. Nagrereklamo pa na hinimatay na nga raw siya, matutulog pa kaya nanood na lang siya sa kaniyang TV. Bumaba naman na kami ni Clane at tinawag ang driver namin para ihatid siya sa kanila.
Sumunod ako sa kaniya hanggang sa labas ng sasakyan. He looks at me, smirking when I stepped inside the car.
"Kaya ko naman umuwi, Viv, pero mukhang gusto mo pa akong makasama, sige" mayabang niyang sabi. Inismiran ko naman siya.
"Sige, bababa na ako" akma akong bababa nang ipalupot niya lang ang kamay niya aking baywang at walang kahirap hirap akong hinatak pabalik. Nanlaki ang mata ko sa kaniya at tinanggal ang kamay sa tiyan ko. Buti na lang at hindi nakatingin ang driver!
Well, bakit ba nababahala ako eh hindi ko naman siya boyfriend? Eh minsan nakikita pa nga nila ako ni Adi na yumakayap o humahalik sa mga naging boyfriend ko kapag sinusundo ako sa labas.
Sumama akong bumaba sa kaniya para kunin ang bag ko. Hindi naman ako nagtagal at umuwi na rin. Dumeretso siya kila Lomi dahil umiiyak daw si Lomi. Kasama na nila ang mga nakatatanda. He must be guilty about it. Gusto ko sanang puntahan pero pinigilan ako ng Clane. Sila na raw ang bahala.
I don't want to blame anyone but Lomi is at fault too. Tumaggi na si Adi pero pinilit niya. Pero siguro'y dahil gawa ng kaibigan ay gusto niyang ipagmalaki.
"Isabay natin si Adi sa recess. Baka kung anong kainin non" Tumango lamang si Clane sa akin at lumabas kami. Art is already complaining how he hated studying. Ni hindi man lang nahiyang hinaan ang boses noong may nakasalubong kaming mga teacher. Sinasabayan pa ni Clane.
"Hay nako, mayayaman nga naman" narinig ko bang bulong ng isang teacher. Hinampas ko naman si Art dahil doon.
"Inano kita?!" Napairap ako at natanaw na si Adi na nasa kanilang pintuan. Sumulpot naman ang kaniyang mga haliparot na kaibigan.
"Totoo ba, Adi? Naospital ka kahapon?" Narinig kong tanong ng isa.
"May sakit ka?"
"Hala, baka mahawa kami ah?"
Sunod sunod na tanong ng mga iyon na ikinakunot ng noo ko at lumapit. Kita sa mukha ni Adi ang pagpipigil na sagutin ang mga tanong na iyon.
"Kung may sakit man o wala, hindi pa rin iyon makakapigil sa pagdikit niyo sa kapatid ko dahil sa kagustuhang mapansin ng mga Alfanta?" I said mockingly. Mabilis silang napatingin sa akin. May mga takot sa mukha.
"Paige!" Si Adi. Hindi ko siya pinansin at sinamaan ng tingin at nilapitan ang mga kaibigan niya.
"Kung may nakakahawa man, kayo iyon. Tigilan niyo ang pakikipaglapit sa kapatid ko dahil baka magsakit siya sa baho niyo" I spat at them that made their lips quiver and walk away from us. Ang mga kaklase ni Adi ay nakikiusyoso na rin kaya binalingan ko sila. Agad silang nagsialis.
"Paige! Grabe ka naman" ani Adi na ikinalingon ko sa kaniya. Someone hugged me from the back and it's Clane.
"Tapang naman ng anak ko" aniya na ikinalukot ng mukha ko at tinanggal ang kamay sa akin. Nagwawala na naman ang mga internal organs ko.
"Yakap nang yakap!" Ngumisi lang siya at tinawanan. Sumundo kami kila Adi na patungo na sa canteen. Kinurot na naman ni Clane ang pisngi ko.
"Ganda-ganda talaga" aniya at tumawa na naman. I glared at him amidst the booming of my chest. Damn him and his sudden complements!

Comentário do Livro (37)

  • avatar
    Ermina Orduna

    hii

    23d

      0
  • avatar
    Keylen Serrano

    I really like this novel it so comfortable to read, also somethings is the same from my self so the only thing I can say it is soo good than I think. At first when I saw this novel k thought this novel is boring but when I start reading it I forgot to do my dishes also I forgot that I didn't already go to bath what I mean I forgot things that I have to do when I start reading this novel all I can say, if I am you I will do first the things that I need to do before I start reading this novel🫶🫶.

    15/07

      0
  • avatar
    TorrenuevaJulyanna Ross

    good

    14/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes