logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Tears by the Moonlight

Tears by the Moonlight

agnostystories


PROLOGUE

Mapapaisip na lang ako kung bakit tuwing nagigising ako sa umaga, sa ganitong araw—araw ng Sabado ay may inaabangan na akong dumating. Hindi ko man ito gustong nakikita, tinatanggap ko na lang para mabuhay ako. I glanced at the clock and it shows that it's already 5:57 A.M. Kumagat muna ako ng ginawa kong french toast at bahagyang ninamnam ang tahimik na umaga.
It's been 3 years. 3 years away from what I called home before. Malayo sa inakala kong perpektong pamilya na nakasanayan ko. Noon pero hindi na ngayon. Sa tatlong taong paninirahan mag-isa, hindi pa ba ako masasanay?
Napatigil ako sa aking malalim na pag iisip nang may kumatok sa pinto. Oh. Nandyan na pala. May parte sa akin na natuwa dahil... may madadagdag na naman sa bag ko.
Napailing na lang ako nang makitang nagtatakbo na sa pinto si Dos. Ang aso ko. Ibinalik ko ang tingin sa kaniya nang pumasok muli ito; kagat-kagat ang isang parisukat na box. Kulay itim ito na may kulay gintong ribbon. Aakalain mong may alahas sa loob nito pero hindi. Pero pera. Mahalaga pa rin.
Lumapit sa akin si Dos at sinalubong ito. "Good boy! Gutom ka na?" Ani ko habang hinihinimas at kalauna'y niyakap na ito.
Tumayo ako at kinuha ang lalagyan niya ng pagkain. Kumuha ako ng dalawang cup ng dog food at nilagyan ng gatas ang isa pa niyang lalagyan. Nang ibaba ko ito ay agad din itong kumain. I smiled.
Hinarap ko ang hawak kanina. Bumuntong-hininga at unti-unting nawala ang ngiti. I lazily opened the box. Bumungad sa akin ang isang puting sobre. May note din sa ibabaw nito. Napairap ako sa kawalan nang makita iyon.
Kumusta ka na,  bunso? uwi ka na, miss ka na namin
-Kuya Jace and Kuya Jake
I scoffed and crumpled it then threw it in the trash bin. Bullshit. I don't care about it. I would if I were the 10-year-old baby girl that they used to pamper and shower with love. But after what happened, I will never come back to them.
Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang libo-libong pera. They would always send me some money for living.
Well, at first I didn't use it because it was from them but then realized that I don't even have a job to live for myself. So, I started to use it for myself but mostly for Dos and for the rent.
It doesn't have any sentimental meaning for me. It's just money. I don't care about the notes or other things they send to me. Lalo na ang ilang regalo kapag birthday ko.
Umakyat ako sa kwarto ko. 2 floors ang nirentahan kong apartment. Hindi naman kasi ako sanay sa maliit na apartment na mumurahin. May pera naman ako bakit ko titipirin sarili ko, 'diba? Lumaki akong hindi naghihirap.
Kinuha ko ang bag ko na pinaglalagyan ko ng mga pera. Backpack ang ginamit kong lalagyan para kapag umalis ako ay isusuot ko lang at makakatakbo pa ako ng walang sagabal.
Daang libo na siguro ang mga naipon kong pera since hindi naman mamahalin mga paninda at kailangan ko dito sa probinsyang napuntahan ko. Kaya naman hindi rin ako nagpapapunta ng kung sino-sino dito. Nakawan pa ako.
Kahit wala akong kakilala ay mababait at matulungin ang mga tao naman dito. Sariwa ang hangin at madaming puno. Madalas din kaming lumibot ni dos sa tulay sa kabilang barangay kaya hindi rin nakakabagot.
Maganda at malinis din itong apartment na narentahan ko. Mabait din ang mga kapitbahay. Lagi pa nga akong dinadalhan ng lugaw tuwing Linggo o 'di kaya'y iniimbitahan ako sa kanila kapag may okasyon.
Kumuha ako ng ilang libo at nilagay yon sa wallet ko. Weekly ko pinapacheck sa veterinarian si Dos. Syempre, para healthy at namomonitor ko kung may sakit ba o anong nangyayari sa kaniya.
Pinaliguan ko muna si Dos at tsaka ako naligo. Nagsuot lang ako ng simpleng white t-shirt at pants. Humarap ako sa salamin para tignan ang sarili. Gusto kong matawa sa nakita.
Damn... Hindi pa rin ako makapaniwala na ako 'toh. Siguro dahil nawala ang chubby cheeks ko at hindi na ako nahilig sa mga kung anong kaartehan sa katawan.
Funny how I was taking so long to get ready just to find the "perfect pink dress" when I was a kid, and now it became "wear what you see".
Kinuha ko ang tali ni Dos at kinabit ito sa collar niya. Hindi ko naman kasi nilalagyan ng tali siya kapag nandito sa bahay dahil wala namang mababasag. Mabait naman siya at makulit lang talaga which is also a good thing. Ayoko namang sobrang tahimik niya at takot sa akin.
Nang makarating ako sa sakayan sa kanto ay dumeretso agad kami sa bayan. Wala pang 5 minutes ay nandoon na kami.
Nagbayad ako ng 50 pesos at bumaba.
"Hija, wala akong panukli sa'yo" ani Mang Eddie. Napangiti ako at umiling.
Nagiging makalimutin na si Mang Eddie. Ang madalas kong service.
"Mang Eddie, si Ayessa ho ito." Sabi ko. Tila nagulat ito at namamanghang tumango-tango.
"Ikaw ba 'yan, Maria? Pasensya ka na ha, tumatanda na at nagiging makalimutin" anito na ikinatawa ko na lamang.
"Lo, Masyadong luma ang Maria! Ayessa ho! Wala rin po akong barya, keep the change na lang, Lo at umaga naman!" Sabi ko.
"Ahay salamat. Sige. Mauna na ako ha" nakangiti nitong turan. Kumaway naman ako sa kaniya bilang paggalang.
Tuwing sa kaniya ako sumasakay ay lagi kong sinosobrahan ang bayad lalo na't naging malapit na rin ako sa pamilya niya. Wala silang anak kaya parang anak na rin ang turing nila sa'kin. Ayaw rin nilang tumanggap ng tulong dahil kaya pa naman daw niyang magtrabaho kaya idinadaan ko na lang sa maliit na paraan.
I may be spoiled with money pero ayaw ko namang sinasarili lamang iyon.
"Oh, Good morning Ms. Fernandez." Bati ng veterinarian. Ngumiti ako nang tipid at tumango. Tulad ng dati ay nagtanong tanong siya ng mga kung ano-ano tungkol kay Dos. Ganoon pa rin, healthy pa rin. Lagi ko ba namang bine-baby.
Nang maalala kong paubos na rin pala ang kaniyang vitamins ay bumili na rin ako no'n at pati na rin ng dog food.
I crouched and patted his head.
"Punta ulit tayo sa park?" Sabi ko sa kaniya na ikinatahol niya. Napangiti naman ako.
Isang golden retriever si Dos at nakuha ko siya noong 13th birthday ko. Regalo siya sa akin nina Mommy at Daddy.
I smiled painfully as I remember that day. Probably the happiest day I had before everything disappeared drastically.
I was sleeping in my room. Nagising ako nang may maramdaman akong basa at dumidila sa aking mukha. Laking tuwa ko nang bumungad sa akin ang isang maliit na aso.
"Wow!" I exclaimed happily sabay yakap ko rito. Tumahol naman ito at dinilaan ulit ako sa mukha. I giggled and hugged it.
Napatingin ako sa pintuan at nakatayo doon sina Mommy at Daddy. I run towards them and gave them a big hug. They love me so much.
"Thank you, Mom! Dad!"
"What will you name him, baby?" Sabi ni Dad.
I gasped. It's a he?!
"It's a male?!" Gulat at tuwa kong sabi. Tumango silang dalawa at natawa sa aking pagkabigla.
Napatingin ako sa kisame at napahawak baba para makapag-isip ng maipapangalan sa kaniya.
"Hmm, I know! I'll name him... Dos! Since I received him today on my birthday! I'll name him after my birthday! October 2!" I happily said to them. Natutuwa naman silang tumango sa akin.
"Okay, Dos! Let's go downstairs to eat breakfast" ani Mommy.
Tumango naman ako at masayang sumabay sa kanila. Kinuha ko si Dos at bumaba kami. We then ate breakfast. Nakahanda na rin doon ang paborito kong French toast. Simpleng breakfast lang pero kumpleto kaming lahat.
Oh how I wish na bumalik na lang sa dati. Kumakain at nagtatawanan. Nagbabonding. Kumpleto. Masaya.
Walang nawala.
Isang tahol ang nakapagpabalik sa aking katinuan. I smiled at dos. At least he's still with me. He's been with me for the past 3 years. If he could talk, he would probably tell me that I'm a bad child for abandoning my home. But it's my choice. I don't have any choice back then.
I was... Scared.
"Let's go, baby" tawag ko rito at saka kami tumungo sa park. Hindi naman ito kalayuan dahil nasa gawing kabayanan na rin kami ng Nouveaunde.
This city is huge. Napadpad ako sa halos kaduluhang bahagi ng Nouveaunde kung saan halos dalawang barangay na lamang ang layo ko sa mga palayan at kakahuyan. Sa kabayanan ang mga malalaking paaralan, mga establisyimento, at mga nagtataasang mga bulding.
Tanaw agad namin ang matatayog na puno, berdeng damuhan, nagtatakbuhang mga bata, at mga food stall mula sa side walk na aming nilalakaran. Pumasok kami sa bukana kung saan marami na ring tao.
Nilakad ko ang kahabaan ng batong daan patungo sa madalas naming pwestuhan. Isang malawak na parke dito sa Nouveaunde.
I sat down on a bench near the fountain. Nagtatahol naman at nagkakawag si Dos nang makakita ng mga kalarong aso. Agad ko itong binitawan na itong ikinatakbo niya.
I watch the scene infront of me. It's just a normal Saturday. Hindi gaanong kainit dahil may nakatakip na mga ulap sa langit. Mga tawanan ng mga bata ang nangingibabaw na ingay. May mga magkakaibigan na naglilibot, pamilya, at mayroon ding mga magkasintahan.
Sabado ang aming bonding time ni Dos. Nagkakasama naman kami araw-araw pero hindi kami nakakapagkulitan dahil may klase ako ng Monday to Friday. Sunday naman ay rest day para sa akin.
Tahimik lang akong nakaupo rito sa bench at pinagmamasdan ang lahat. I don't really like socializing much. I still remember when I was a kid, I can say I was very friendly. Lahat ng taong nakikita ko ay nag-he-hello ako or kapag may mga bata akong nakikita ay nakikipaglaro agad ako. Well, dati 'yon.
It's weird for a 16 year old girl to act like that.
Napatingin ako sa kabilang fountain. There was a collusion happening. Agad kong nilibot ang paningin ko nang hindi ko makita si Dos. Napabalik ako ng tingin at nakitang buhat siya ng isang lalaki. Basang-basa ito.
Agad akong tumayo at tumakbo papunta roon. Kunot ang noo.
"Dos!" Tawag ko. Agad itong lumingon sakin at tumakbo palapit.
"Paano ka--" naputol ang aking sasabihin nang magkakawag ito. Basa na rin ako!
Tumahol lamang ito na para bang natuwa pa sa akin. Hindi ako natuwa, Dos!
"Ligong-ligo ka na ba? Kaliligo mo lang!" natatawa kong sabi sa kaniya at hinimas ang ulo nito.
May naaninag akong lalaki sa aking tabi kaya tiningala ko ito. He's very tall.
Seryoso ang mga mata nito na nakatingin sa akin. Ayokong maging bastos kaya tumayo na rin ako.
Shit. I look like a lost girl. He's damn tall! Hanggang baba lang yata nito ako.
"Uh... Thanks for saving my dog" sabi ko at nagkibit-balikat.
Tinignan ko siya nang deretso. His lips twitched and shifted his weight. Napansin ko na nabasa pala ang kaniyang damit.
Ngumiwi ako. "Sorry about that" sabi ko at tinuro iyon.
Tumagilid ang kaniyang ulo na parang bang may iniisip. Para bang kinakabisado ang bawat detalye ng aking mukha. Nakakunot din ang kaniyang kilay.
I blinked. Is he mad? He look... ruthless. Maybe because of his sharp eyes and features and what the hell do I care?
Umupo ulit ako at kinuha ang tali ni Dos. I shook my head.
"Let's go home, Dos" ani ko rito at akmang aalis nang magsalita ito.
"Maye" anito.
Napatigil ako sa paglakad at hinarap siya. I was stunned. No one has ever called me that for the past 3 years. Paano niya ako nakilala?
"So it was you..." He said with so much relief. Napuno lalo ng pagtataka ang aking mukha.
Sino ba 'to at bakit niya ako kilala?
"Uh... Do I know you?" Naiilang kong tanong.
He smirked and put his hands in his pockets.
Bakit ba ang hilig niyang ngumisi? Akala niya ba natutuwa ako?
"You don't remember me?" He in an amusing way. Tumaas na rin ang sulok ng kaniyang labi at pinasadahan ako ng tingin.
I scoffed. Pinakita kong hindi ako natutuwa sa kaniya.
"Magtatanong ba ako kung kilala kita?" I said then rolled my eyes.
He just chuckles. Nakatingin lang sakin. Smirking. Lalong nagsalubong ang kilay ko sa inaasta niya.
I got irritated with it that I even started planning on ripping that annoying smirk off of his handsome face.
"If you don't have something to say then I'll get going. Sorry for what happened to your shirt." Sabi ko.
Kumuha ako ng isang libo sa aking wallet at inabot sa kaniya. Tinignan ko siya nang deretso. "Here. Just buy a new one there across the street" sabi ko at umalis sa kaniyang harapan.
"You didn't really change at all" rinig kong sabi niya bago ako umalis. Hindi ko na ito nilingon dahil hindi ko siya maintindihan at kahit na nakyuryoso ako sa kaniyang sinasabi.
"You didn't really change at all" it echoed again to me.
I? Didn't change? At all? Bakit parang ang dali niyang sabihin iyon sa akin? Ni hindi ko siya kilala! Ako nga na kilalang-kilala ang sarili ko, alam kong ang laki ng pinagbago ko!
Everything about me changed!

Comentário do Livro (57)

  • avatar
    Tenchavez Angelo

    give me robux

    11/07

      0
  • avatar
    Mark Deivin Magno

    ang ganda neto

    06/06

      0
  • avatar
    NocalanPaul

    iiiiiiiiioiiooooooooiiooiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiuuuiiuuuiiiiiiiiiiiiuyuiuuiiuuiiiuuuuiiiuuuiiiiiiiuuuuiuuuuuuiiiuuiuuuuuuuuuuiiuuiiiiuiiiiiiiiiuiiiiiuuuiuuuiiueueueuehrhryeyeyeyeueueueyeeueueueueueueueuehehehehehehejheehshshheeheheueuejejejejejejehejdjjddudjjssjjsussjjsjssjsjussjjssjsjjsjssjjsjsjssjsjjsjssjsjjsdjeejjsjdjsjieisisisjsjdjdjjsjsjsjdjdjsjjsjsjsjsjdhjwjduhskfgishd his shdius gf dhejodhdowjdbueljdhduwbodhwofhyfb kekdgiwhfjiqgdoyejidgeodgodhw ka owgdb do whfisjehjrowidhhsjwiwjejejjejw

    03/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes