logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

YATOFM: 3

"Ares, do you mind?" tanong ni Timothy. "I am sorry. Siguro dapat kinausap muna kita tungkol dito pero lagi mong tinatanggihan ang mga tawag ko at ayaw rin ng sekretarya mo na bigyan ako ng appointment."
Naramdaman niya ang tensiyon sa buong katawan niya. "No. It is okay."
Ano ba ang dapat niyang isagot? Dapat ba siyang magalit? May karapatan ba siya? Kung hihindi ba siya, may mababago ba?
"Ares won't mind," maagap na sabi ni Krystianna at ngumiti sa kanya. "Matagal na kaming hiwalay. I am sure masaya siya para sa atin."
Ilang taon na siyang nawala. Iniwan niya sina Krystianna at Timothy. Wala siyang karapatan na umangal. Hangal lang siya na isipin na titigil ang mundo ni Krystianna. Na kapag binalikan niya ito ay siya pa rin ang mahal nito.
Gusto niyang pagtawanan ang sarili. Masyado na ba siyang nababad sa mundo ng negosyo at usaping pera kaya wala na siyang panghahawakang realidad sa mundong puno ng emosyon? That was silly. Really.
"Of course," nausal na lang niya. "Congratulations."
Manhid ang buong katawan niya nang kamayan ang dalawa. Parang nagmistulang yelo ang himaymay ng laman niya nang maramdaman ang diamante ng singsing ni Krystianna nang kamayan niya ito. Kumagat iyon sa laman niya at parang hinihiwa siya hanggang sa puso niya.
"Thank you, Ares." Hinalikan siya nito sa pisngi at pagkatapos ay sina Princeton at Dalton naman ang niyakap nito. Nagpasalamat ito. Nagpasalamat ito dahil tinanggap niyang isa siyang talunan. Na hinahayaan na niya itong maging masaya sa lalaking mahal nito -sa matalik niyang kaibigan.
"I-announce na ninyo sa ibang bisita," wika ni Princeton. "Share your happiness with everyone."
"I will do the honors," sabi ni Lolo Teodicio na naglakad patungo sa entablado.
Humagikgik pa si Krystianna na parang excited na excited itong malaman ng lahat ng tao ang pagpapakasal nito at ni Timothy. Only a girl in love would do that.
Parang lumalaki ang ulo niya habang ina-anunsiyo ni Lolo Teodicio ang engagement nila Timothy at Krystianna. It should be his ring on her finger, not Timothy's. Animo'y may baga ang kahita sa bulsa niya at dahan-dahang sumusunog sa pantaloon niya. Dahil sa harapan niya ay parang nasusunog na rin ang pangarap niya.
Nakangiting hinawakan ni Timothy ang kamay ni Krystianna at kinintalan ito ng halik sa noo. Hindi siya ang lalaking may hawak ng kamay ni Krystianna. Hawak nito ang kamay ng lalaking sumalo dito nang itaboy niya ito at di paniwalaan sa kasinungalingan ng mga taong gusto ay maghiwalay sila. Yakap ito ng lalaking naniwala dito at di umalis sa tabi nito. Ang lalaking pumahid sa luha nito habang siya naman ang nagdulot ng luha dito.
Parang may kumurot sa puso niya nang makita kung gaano ito kasaya kay Timothy. Hindi na siya magkakaroon ng pagkakataon na ngitian nito na puno ng pagmamahal. Pumikit siya. Parte na lang siya ng nakaraan ni Krystianna.
Bumalik siya para itama ang pagkakamali sa buhay nito. Pero wala na siyang tama dahil tama na ang lahat. Hindi na niya kailangan pang pawiin ang sakit dahil masaya na ito. Matagal nang napawi ang sakit sa puso nito dahil sa kanya.
Hindi na siya nito hinintay dahil iba na ang may hawak sa puso nito.
Tinalikuran niya ang masayang okasyon at nagsimulang maglakad palayo. Hindi na siya kailangan pa doon.
"Ares, saan ka pupunta?" tanong ni Princeton.
"Sa labas. I just need to make a few calls."
Pumalatak si Dalton. "Trabaho na naman. Paano ka makakakilala ng babae kung ganyan ka? Bumalik ka agad."
Kumaway lang siya pero di nilingon ang mga kaibigan. Di na rin siya babalik pa sa loob ng ballroom.
Huli na ang pagdating niya. Kasalanan din naman niya ang lahat. Itinaboy niya ang babaeng mahal niya. Kung kailan handa na siyang tanggapin ang lahat, saka naman may iba nang magmamahal dito. Higit pa sa pagmamahal niya.
Wala sa sarili siyang nagpalakad-lakad sa kalsada ng Seoul. Naririnig niya ang ugong ng mga sasakyan at nakasasalubong niya ang mga tao pero parang lumilipad ang isip niya. Wala siyang maramdaman. Ang tanging nararamdaman niya ay pagkagat ng malamig na hangin na mistulang may yelo sa balat niya.
Maybe he was destined to be alone. Maybe he was not destined to be loved.
Kung wala na siyang ipaglalaban pa, wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang tadhana niya. Ang pakasalan ang babaeng pinili ng Mama niya kahit na wala siyang nararamdaman para dito.
Then it's goodbye to love.
"Cheers!" sabay-sabay na wika ng mga regular customers sa Korean restaurant kung saan nagtrabaho si Sandy dalawang buwan. Traditional Korean restaurant iyon at puro low tables ang gamit nila kaya kailangang sumalampak.
Despedida party niya iyon at kailangan na niyang umuwi ng Pilipinas bukas ng gabi. Ine-enjoy lang niya ang huling araw niya sa Seoul. Ang huling araw ng kalayaan niya.
"Go bek!" aniya at tinungga ang baso ng suju.

Comentário do Livro (126)

  • avatar
    ScarletHeart

    It impressed me when I read the sypnosis of the story. So, this book is highly recommended to everyone who wants to relate and fall inlove with the characters. 😊💖

    11/06/2022

      1
  • avatar
    Ma Theresa dela Cerna

    I hope na ok sya

    19d

      0
  • avatar
    Eil Maurice Perez Dudass

    godjob

    20d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes