logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

ILMLFY: 4

Marahan siyang umiling. “W-Wala.”
“Sabi mo hindi ka interesado sa akin. So okay lang sa iyo na umangkas at yumakap sa akin. Tutal wala namang epekto,” anito at kinindatan siya. “Maliban na lang kung ayaw mong dumikit sa akin dahil natatakot kang malaman ko na attracted ka nga sa akin.”
“Hindi ako attracted sa iyo. Let’s go.”
“Sabi mo,” nakangiti nitong wika at saka isinuot ang helmet. Pikit-mata siyang humawak sa baywang nito dahil ang totoo ay may takot talaga siya sa pagsakay sa motor. “Huwag kang mahihiyang kumapit ng mabuti sa akin at pagsamantalahan ang kahinaan ko,” tukso pa nito at saka pinaandar ang motor.
Naggiyagis ang ngipin niya nang paharurutin nito ang takbo ng motor. Titiisin niya ang panunukso at pang-aasar nito ngayon. Titiisin niya ang pagyakap sa matipuno nitong katawan at pagsinghot sa mabango nitong amoy. Napilitan din siyang ihilig ang pisngi niya sa malapad nitong likod at hayaang ang katawan nito ang sumalo ng hampas ng hangin.
She let out a sigh. Unti-unting nawala ang kaba niya dahil pakiramdam niya ay safe na safe siya sa piling nito. Di na nga niya maramdaman na takot siya sa pagsakay ng motor.
Natauhan siya nang marinig niya ang pagtikhim nito. “Nandito na tayo sa beach. Mamaya mo na ipagpatuloy ang pananantsing mo sa akin.”
Napamaang siya nang makita ang nanunuksong ngiti sa labi nito at mapang-akit na tingin ng mata nito. Hindi niya napansin na tumigil na pala ng motor at nakahimpil sila sa harap ng pier. Masyado siyang nawili sa paghilig dito. “Excuse me! Hindi kita tsina-tsansingan. Ninenerbiyos lang akong sumakay sa motor,” asik niya at bumaba ng motor saka tinanggal ang helmet niya.
Kinuha nito ang helmet mula sa kanya. “Oo na. Sabi mo e.”
"Aba'y ito na pala ang anak ni Mang Fredo. Maganda pala at maputi, hano? Mukha ring malayo na ang narating."
"Si Mang Tonyo, isa sa kapitan ng pump boat na ito. Limang taon na ang nakakaraan nang lumipat sila ng pamilya niya sa La Carmella."
"Nakatira ako di kalayuan sa inyo. Magkapitbahay tayo. Puro bilin sa akin si Fredo na alagaan kitang mabuti sa biyahe."
"Nandito naman po ako para tiyakin na maaalagaang mabuti si Ratchelle," anito at inakbayan siya.
"Alam ko naman ganyan ang mga tipo mo. Mga galing Maynila at mukhang sopistikada. Hindi ba ganyan ang mga naging girlfriend mo na bumibisita sa iyo sa isla?" tanong ni Mang Tonyo.
Pinalis niya ang kamay ni Orion at tinaasan ito ng kilay. "At hindi ko naman po type ang mga lalaking presko, babaero at mukhang hindi naliligo."
"Mabango ako, uy! Singhot ka ngang singhot sa bango ko habang nakayakap ka sa akin," wika ni Orion.
Inirapan niya si Orion at nakangiting tumingin kay Mang Tonyo. "May hinihintay pa po ba tayo? Baka kung anong oras na po tayo makarating ng isla." Apat na oras pa ang biyahe patungong isla kung walang aberya. Mag-a-alas dos na ng hapon. Ayaw niyang gabihin. Gusto na niyang makita ang magulang niya at si Vic-Vic.
"Sandali. Hindi ka pa kumakain."
Sumampa na siya sa rampa patungo sa bangka. "Wala na tayong oras. Saka hindi naman ako gutom."
"Maghanda na po tayong umalis," wika ni Orion.
Umupo agad siya malayo dito at saka yumukyok para magkunwang matutulog. Dini-discourage niya itong makipag-usap sa kanya. Kailangan niya ng enerhiya pagdating sa La Carmella. Ayaw na niyang sayangin pa iyon kay Orion.
NAGULANTANG si Ratchelle sa dagundong ng kulog at kidlat at biglang nagising sa mahimbing na pagkakatulog. Naguluhan pa siya noong una nang makita niya ang pagbaba ng tarapal ng mga pahenante ng pumpboat na sinasakyan nila kasama si Orion. Malakas ang hagupit ng ulan sa labas.
Sinubukan niyang sumilip sa labas para tingnan kung nasaan na sila subalit naliyo siya sa paggewang ng bangka. Nanlaki ang mata niya nang makita ang naglalakihang alon na nilalaro ang pumpboat nila.
Bigla siyang nangilabot at naalala ang araw na muntik nang lumubog ang bangkang sinasakyan nilang magkakaibigan sa Guimaras. Gumapang ang takot sa himaymay ng laman niya. Naroon na naman ang pagkatok ng kamatayan sa pintuan niya.
Mahigpit siyang kumapit sa gilid ng bangka. “Oh, no! Lulubog yata tayo,” histerikal na sigaw niya. “Lulubog tayo!”
Inangat niya ang sarili sa upuan. Pakiramdam niya ay kailangan niyang tumalon sa dagat anumang oras para sagipin ang sarili nang maalala niyang di siya marunong lumangoy. Mamamatay siya dito. Mamamatay siyang virgin. Mamamatay siya nang di man lang nakikita ang pamilya niya at si si Vic-Vic. Bakit? Bakit malupit ang tadhana?
Hinawakan nito ang balikat niya at pilit siyang pinaupo. “Huwag kang malikot, Ratchelle. Everything will be okay. You have nothing to worry.”
“Ano? Kita mong malalaki ang mga alon. Mamamatay tayo. Mama! Papa!” aniya’t humagulgol ng iyak. “Hindi ko na sila makikita.” Napapitlag siya nang kumulog nang matalim.
Naramdaman niyang may mainit na lumukob sa kanya. “I promised to keep you safe. Tutuparin ko ang pangako ko. Walang masamang mangyayari sa iyo,” bulong nito.

Comentário do Livro (21)

  • avatar
    Kathelene Mae Albao

    maganda

    30/01

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Wow ganda!

    24/01

      0
  • avatar
    JM Ody

    excellent

    13/08/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes