logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 5

Chapter Five: Nakamamatay
Nanuyo ang lalamunan ko dahil walang masabi.
Hindi maalis ang tingin niya sa akin, ganoon din ako. Masyadong maganda ngunit may halong delikado ang mga mata niya.
"Is that what your parents taught you?"
Mas lalong nanuyo ang lalamunan ko nang marinig ang tanong niyang Ingles.
"H-ha?"
Mas lalong nagsalubong ang kilay niya dahil sa narinig.
"You don't understand either, how useless."
Nanlaki mga mata ko nang matauhan. Binalik niya sa harap ang tingin at matamlay na tumayo ulit doon.
"Na-nakakaintindi ako ng Ingles," kinakabahan kong pagtanggol sa sarili.
Hindi niya ako pinansin at inabala ang sarili sa hawak niyang cellphone.
Hindi ko rin mapigilan ang titigan siya. Matangkad at malaki ang katawan niya. At unang beses ako nakasalamuha ng lalaki, at Ingles pa kung manalita!
Ilang minuto ang lumipas ay may itim na sasakyan ang huminto sa harap namin. Dali daling bumaba, lumapit at yumuko ang lalaki sa tingin ko ay driver.
"Pasensya na po Sir, medyo-"
"Shut up," putol sa kanya ng lalaki bago pumasok ng sasakyan.
Napakamot ulo na lamang ang lalaking driver bago bumaling sa akin at ngumiti nang may paumanhin.
"Pasensya ka na bata, ha, salamat sa pagsama sa kanya rito."
Hindi ko na siya nasagot dahil inis na tinawag siya ng lalaki dahilan ng pagkatapi tapilok ng driver bago siya tuluyang makapasok ng sasakyan.
Hindi ko kilala ang lalaki ngunit nakaramdam ako ng dismaya dahil sa inasal niya sa driver niya. Mayaman pa naman ito kung titignan at maganda ang pangangatawan kung tititigan ngunit nakakapang hinayang ang pangungugali.
Sinundan ko pa ng tingin ang sasakyan hanggang sa mawala ito sa paningin ko.
Alas syete ng umaga ay naglakad na ako papuntang village, ngayon ko rin sisimulan ang paglalaba ko.
Maligayang binuksan ni Ate Aira ang gate nang makita ako, inaya niya akong mag-almusal bago simulan ang paglaba.
"Pinaghiwalay ko na mga di color, tapos doon sa pulang planggana ang mga bagong damit," eksplenasyon ni Ate Aira.
Nagsimula akong labahin ang mga puti. Dihan dahan din ang pagkuskos ko sa mga bagong damit. Hindi naman ganoon kainit sa pwesto ko dahil bukas na bukas iyon papuntang triangle garden.
Hanggang ala una lamang ako rito dahil kapag hapon naman ay ang pagtulong ko kay Aling Tuti.
Sinimulan kong punuin ng tubig ang planggana habang pinapasadahan ng tingin ang dalawang batang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako sa kanila, mas lalong lumaki ang ngiti ko nang suklian din nila iyon.
Isa isa ko namang sinabit ang mga hanger sa lubid bago balikan ang washing machine.
"Claret, mag-hapunan ka muna," ngiting pag-imbita ni Ate Aira.
Hindi nagtatagal ang pananatili ni Ate Aira dito dahil inaasikaso niya rin ang pagluto sa kusina at pag-alaga ng mga bata.
"Sige po," magalang kong tugon.
Sunod sunod ang subo ko nang masarapan sa lutong adobo. May maliit na mesa sa gilid ng malaking puno at doon ko na lamang napagpasyahan na kumain dahil mahangin din.
"Claret, pahabol naman nitong bimpo."
Pumatak ang ala una trenta nang matapos ko ang lahat. Hindi alintana sa akin ang basang parte ng tyan ko dahil naging maluwag ang kalooban ko dahil may nagawa akong trabaho ngayong araw.
Sulit ang pagod ko dahil may nagawa at may pangtatago akong pera.
Mabuti nalang at may dala akong extra na damit at pedal. Inayos ko ang mga planggana, ang mahabang host at mga sabon bago sumama kay Ate Aira.
"Ito ang bayad, salamat. Sa byernes uli!"
"Maraming salamat din po, Ate Aira."
Nagngitian pa kami bago sarhan ang gate.
Maayos ang loob kong tinatahak ang daan papunta ng palengke. Ang preskong hangin na sinasayaw ang buhok ko ang nakapagkalma sa akin.
Sa malayo pa lang ay tanaw tanaw ko na ang mga taong nagsisiksikan. Napahinto ako, huminga ng malalim bago dumeretso ng lakad.
Ilang hakbang pa nang makita ako ni Aling Tuti, nginitian ko siya ngunit hindi niya na iyon nakita dahil binalik niya sa ginagawa ang paningin. Dali dali akong lumapit sa kanya, hindi ko na rin nagawang ilapag pa ang shoulder tote bag ko dahil sa dami ng gagawin.
"Ale, bayad po!"
"Limang gulaman po!"
"Ate, wala na pong sauce!"
Mabilis namang pinagsilbihan ko sila, rinig ko pa ang pagbuntong hininga ni Aling Tuti sa tabi ko.
"Dapat nga nagpapahinga ka, dahil katatapos mo lang sa paglaba." mahinang sabi ni Aling Tuti.
"Ayos lang po ako, 'wag po kayong mag-alala. Kayo nga po dapat ang magpahinga dahil kanina pa kayo nakatayo."
Hindi niya na ako pinansin, inabala ko ang sarili sa pagbigay ng siomai sa batang customer.
Saktong alas sais ng gabi nang maubos ang paninda ni Aling Tuti. Pansin ko ang ilang butil ng pawis sa noo niya.
Iniwan ko muna siya para bumili ng tubig sa isang ginang. Mabuti nalang at may barya pa ako rito, madaling inabot ko iyon kay Aling Tuti. Tinitigan niya muna iyon bago ibaling sa akin at kunin.
"Kumusta naman paglalaba?"
Nakayuko akong inaayos ang mga gamit sa ilalim nang itanong niya iyon.
"Ayos naman po."
"Mabait ba amo roon?"
"Opo, pinakain nga po nila ako eh." may pagmamalaki kong sabi.
Tumango tango naman siya bago simulang itulak ang kareta. Pumasok kami ng palengke, nagliwanag mga mata ko nang makakita ng pritong lumpia at tinapa.
Tahimik kong sinamahan si Aling Tuti hanggang sa marating namin ang lugar ng kaibigan niya na nagtitinda rin dito sa loob ng palengke.
"Pupi, dito na ako."
Dali daling bumaba ang Ginang na abala sa pagbibilang ng pera nang marinig ang boses ni Aling Tuti.
"Ikaw pala 'yan Tuti, sige sige."
"Salamat," tango ni Aling Tuti sa ginang.
May dalawang daanan sa gitna ng palengke, huminto si Aling Tuti sa paglalakad ganoon din ako.
"Kakaliwa na ako, mas malapit dito papuntang paradahan."
Tumango ako sa kanya.
"Sige po, babalik po ulit ako sa pinasukan natin. Bibili po ako ng ulam namin."
Tumango lang din siya sa akin bago ako kawayan at umalis. Mabagal akong naglalakad at hinahanap ulit ng mga mata ko ang tindahang nagtitinda ng luto ng ulam.
Hindi naman ako nahirapan dahil wala namang gaanong tao ang nandoon.
"Magkano po sa kaldereta?"
"Kinse lang, hija."
"Dalawa po, tapos sampu naman pong pritong lumpia."
Tahimik na palabas ako ng palengke. Hindi na ako nag-abalang sumakay ng trycicle dahil tamang kalayuan lamang ang bahay namin dito sa sentro.
Ang ilaw ng iba't-ibang sasakyan ang nagsilbing ilaw para makita ko ang madilim na daan.
Malamig ang ihip ng hangin ngayong gabi, napayakap ako sa sarili at binilisan ang lakad ko.
Kumanan ako sa daang patungong bahay. Wala ng gaanong tao ang nasa labas, wala namang curfew ngunit alas otso pa lamang ay nagsisitulog na ang mga tao.
Ubo ng kung sino ang nakakuha ng atensyon ko, hindi pa man kalayuan ang kinaroroonan ko nang mahagilap ang ilang mga lalaking nakaupo sa gilid ng isang bahay.
Dahil sa poste sa tabi ay nakita ko roon ng buga ng sigarilyo at dinig na dinig ang tawanan nila sa pwesto ko.
Hindi na iyon bago sa akin dahil kahit na si Tiyo ay naaabutan kong nakikiinuman pa sa barkada sa ganitong oras. Ngunit sa sandaling iyon ay kilala ko ang mga mukha ng mga kainuman niya subalit sa ngayon ay hindi ko kilala.
Tatlong bahay pa ang lalagpasan ko bago makauwi.
Lumakad ako ng tamang bilis, nang bumaling ang tingin ng isa sa akin. Nakita ko ang pagsiko niya sa katabi at ngumisi sa akin dahilan ng pagsitayo ng mga balahibo ko.
Mas lalong namawis ang mga kamay ko nang magsimula silang tumayo at pagewang gewang lumakad palapit sa akin.
Palapit ng palapit, doon ko nakita ang walang supot nilang pang-taas na katawan. May dalawa namang normal na naglalakad ngunit mabilis at tahimik na tila bang ayaw makaistorbo ng ibang tao.
Tatlong hakbang na napaatras ako.
Napalunok ako, natatakot habang nililibot ang tingin.
Madilim sa parteng kinatatayuan ko dahil wala gaanong ka-poste poste rito. Isa iyon na mga dahilan na natatakot akong lumabas mag-isa dahil walang gaanong dumadaang sasakyan doon, at kadalasan din ang mga taong nag-iinuman doon.
"Yeah, yeah."
Mabilis kong sinundan ang tinig na iyon. Huminto iyon sa taong kalalabas lamang ng gate.
Pagkakataon ko na ito.
"May naliligaw ata."
Palapit ng palapit ang tawanan nila.
Hindi ko sila tinapunan ng tingin, nanatili ang tingin ko sa lalaking patungo na ng sasakyan niya.
Kahit na nahihiya at nag-aalinlangan pa sa gagawin ay minabuti kong sundin ang unang paraan para makaaalis sa lugar na iyon..
Hindi na ako nagdalawang isip pang lapitan ang lalaki, hawak niya ang handle ng kotse.
Gamit ang namamawis na kamay ay hinawakan ko ang kanya. Muntikan ko pang masampal ang sarili ko nang malakas niya iyong hinawi dahil sa gulat.
Hahawakan ko ulit iyon nang suklian niya ako ng masamang tingin.
Mas lalong nagsitindigan ang mga balahibo ko nang makita iyon. Mas nadagdagan ang takot ko dahil sa nakita. Mas lalo akong nawalan ng kaisipan na makagawa ng paraan para makaalis dito. Higit sa lahat, naluluha na ako sa posible niyang gawin ay iwan ako rito.
"It's you again," nahimigan doon ang irita sa boses niya.
Siya na naman. Ang English-ero.
Kahit na mukhang galit siya ay hindi ko pinansin iyon dahil kailangan kong makauwi ngayong gabi ng maayos at ligtas.
"Puwe-puwede bang-"
"What? You want money? I'll give you some, just leave me alone after," bawat bigkas niya ng salita ay may halong galit at dismaya dahil sa nakikita.
Naramdaman ko ang dahan dahang pagtulo ng luha ko sa kanang pisngi.
Hindi ito ang tamang oras para magdrama, kailangan ko ang tulong niya, hindi ang pera. Kailangan kong maging kanais nais sa pagsalita upang matulungan niya ako.
"Puwedeng bang.......... s-samahan mo ako pauwi sa amin?"
Napalunok ako pagkatapos na itanong iyon.
Nalilito siyang tumingin sa akin kahit na magkasalubong ang mga kilay niya.
Parang awa mo na, pangako pagkatapos nito sisiguraduhin kong hindi na tayo magkikita.
Mas lalong lumiit ang namamaliit niyang mga mata nang tignan ako.
"Are you crazy, woman?"
Napapikit ako nang tumaas ang tono ng boses niya. Mabagal akong napayuko, doon pinipigilang lumandas muli ang papatulong luha.
"Oo nga, 'wag mo na kasing iniistorbo 'yang si Sir."
"Hindi mo 'yan kilala, baka kung ano pang gawin sa 'yo."
"Uuwi pa 'yan sa asawa niya."
"Kami na magbabantay sa 'yo hanggang sa makauwi ka."
Walang tawanan ang nangyari, ngunit mas lalo akong natakot na baka ay maniwala ang English-erong lalaki sa harap ko at hayaan nalang akong ipaubaya sa mga lalaki.
"They're right, it's really rude if you suddenly approach someone and touch them like you know them..."
Bumilis ang pahinga ko dahil sa takot. Hindi ko na nasundan pa ang nangyayari sa paligid dahil inabala ko ang sarili sa pakikiramdam.
Halos sunod sunod na ang mabilis kong paghinga dahil sa nararamdamang pagkabahala. Hindi ako makalunok ng maayos dahil wala akong ibang magawa bukod ang lumapit sa lalaking ito.
"Get in the car."
Mabilis akong napatingin sa kanya ngunit ang madilim niyang mga mata ay nakatingin sa likod ko.
Kung tutuusin, nakakatakot talaga kung makatingin ang taong ito. Unang dapo pa lamang ng tingin niya sa 'yo ay parang hinuhusgahan na nito ang pagkatao mo o di kaya ay minamasid kung ano ang kaya intensyon mo, nakamamatay.
Sa buong buhay ko ay siya ang unang nakasalamuha na may ganitong anyo.
Na sa tingin pa lamang, ay dapat ka ng matauhan at makuha ang ibig niyang ipahiwatig.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan, namamangha ko pa siyang tinititigan kahit na nalulunod na siya sa dilim ng mga mata niya kung tumingin.
Napansin niya siguro na hindi pa ako pumapasok kaya siya napabaling sa akin, at ako naman ang ginawaran niya ng nakakamatay na tingin.
"Right, you don't-"
"Naiintindihan ko," pagtapos ko sasabihin niya sana.
Ingat na ingat akong pinaupo ang puwet ko sa katabi niyang upuan. Binalik ko ang tingin sa kanya, hindi pa rin sa gumagalaw doon. Ganoon din ang mga lalaki na nagsabing sasamahan ako, batid kong nakipagtitigan pa siya rito.
Tinalikuran niya ito at walang emosyong pumasok sa loob ng sasakyan. Mabilis niyang pinaandar ang makina at lagpasan ang mga lalaki.
Kung hindi ako nagkakamali ay para bang gusto niyang sagasain ang mga iyon.
"Di-dito nalang," taranta kong sabi nang malagpasan niya ang bahay namin.
Umatras siya, hanggang sa matapat iyon sa bahay.
"Dito ka nakatira?"
"A-ah, oo," sagot ko sa gitna ng pagkagulat dahil sa biglaan niyang pagtagalog.
Gamit ang naghahagilap niyang mga mata na sinuri ang bahay namin. Napalunok ako dahil sa naabutan.
"Salamat," mahina kong sabi sa kanya na tinanguan niya lamang.
Tinakbo ko ang distansya ng bahay namin at napalakas ang pagsarado ko ng pinto dahilan ng biglang pagtili ni Tiya.

Comentário do Livro (8)

  • avatar
    Prince Nash

    wow

    24/04

      0
  • avatar
    GacoteRoxy

    ♥️♥️♥️♥️

    28/01

      0
  • avatar
    Kriz Kaye

    dapat mas intense pa

    27/01

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes