logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 4

Chapter Four: Dilim
Madaling inabutan ko ng paper plate ang bata nang hindi maabot ang lagayan nito. Nginitian ko siya bago bumaling sa binabantay na fried siomai.
"Ate, isang gulaman nga po."
Maingat na inabot ko naman sa kanya ang baso saka naman niya binigay ang bayad.
Sa pangalawang pagtutulong ko rito ay pansin ko ang bentang benta ang siomai at calamares ni Aling Tuti. Hindi kagaya kahapon, mas marami ngayon ang bumibili. May mga estudyante rin, ang palengke ay sentro at maraming estudyante ang dumadaan dito dahil ilang lakad pa ay sakayan ng jeep.
Pati ang mga galing sa palengke ay dito rin nagdederetso para lang makakain.
Naging libangan ko na rin ang gawaing magbantay at magprito. Hindi naman ganoon kasama ang ugali ni Aling Tuti dahil pinapagpahinga niya pa ako kahit na siya ang may kailangan noon dahil sa doble dobleng pawis niya sa noo.
Minsan ko rin siyang naaabutang pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Sa tuwing nahuhuli ko siya ay bumabalik na lamang siya sa ginagawa.
"Ang sarap noh?"
"Super!"
Naagaw ng tingin ko ang dalawang babaeng estudyante na nakangiting sinasawsaw ang siomai sa toyomansing punong puno ng sili.
Aliw na aliw ang mga mata ko nang makita ang suot nilang dilaw at asul na jogging pants. Siguradong mahal ang tuition sa paaralang pinapasukan nila, tanging secondarya lamang ang natapos ko. Sa kagustuhan 'kong makapag-aral muli ay hindi ko pa matupad tupad dahil sa kakulangan ng pera at kagamitan.
Mapait akong napangiti sa sarili.
"Claret," tawag ni Aling Tuti.
"Po?"
May inabot siyang supot sa akin bago ako tignan ng mabuti.
"Pakihatid nga nito. Liko ka sa kaliwa tapos sa ikatlong bahay, doon mo ito ibigay."
Sunod sunod akong tumango sa kanya, nag aalinlangan pa ako na iiwan siya dahil mas lalong dumadami ang tao.
Bumaling siya sa akin at nakakunot ang noong tinitigan ako, bago siya umiwas ay tumango siya sa akin.
Hindi ko pa man gaano kakilala ng lubos si Aling Tuti ay ramdam kong mabuti siyang tao. Hindi lang dahil pinayagan niya akong tumulong sa kanya kundi binibigyan niya ako ng pagkakataon na matuto sa maliliit na bagay.
Dere deretso ang lakad ko sa gilid, maingay at mausok dito sa parteng sentro. Hindi naman kairita kung pakikinggan dahil mga tawag naman iyon para makakuha ng suki. Sa akin ay ayos lamang dahil nasanay naman ako sa kadalasan kong pagpapalengke.
Ang maasim, maanghang at mga panis na amoy ay hindi istorbo sa akin. Sa mga tulad 'kong laki sa ganitong buhay ay naiintindihan ang mga ganitong klase. Hindi naman bago iyon sa akin dahil ganito ang amoy ng palengke, mga pinaghalong amoy.
Kung papipiliin ako ay mas gusto ko rito dahil walang nakakakilala sa akin, at walang mananakit sa akin.
Ilang lakad pa ang ginawa ko hanggang sa tuluyang makapasok sa isang village.
Malalaki at simpleng kulay ang mga bahay na naroon. Unang bahay pa lamang na nadaanan ko ay may nakita na akong sasakyan doon ganoon din sa pangalawa.
Ang sabi ni Aling Tuti ay sa ikatlong bahay ito ibibigay. Ilang hakbang pa ang ginawa ko hanggang sa nasa harap ko na ito. Pulos puti ang kulay ng bahay. May mga nakasabit pang hanging plant sa bawat teresa ng bahay.
Pinindot ko ang door bell, at naghintay ng ilang sandali. Hindi nagtagal ay may lumabas na batid kong nasa forty plus pa lamang.
Nakangiti niyang binuksan ang gate. "Ikaw ba ang pinadala ni Aling Tuti dito?"
Nginitian ko rin siya bago iabot ang mainit pang siomai.
"Opo," magalang kong ani.
"Ito bayad oh, salamat, ha?"
"Walang anuman po."
Sinarado niya ang gate, hindi pa rin ako umalis sa kinatatayuan ko. Mabagal akong naglakad nang hindi inaalis ang tingin sa bahay. Sa harap ng bahay na iyon ay may sementong pahaba na naglalaman ng nagsisimulaklakang mga ubeng bulaklak.
Hindi sinasadyang napatama ang tingin ko sa paskil na nakasabit sa grills.
Naghahanap po kami ng labandera. Kung may kakilala po kayo, pakitawagan nalang po ang numerong ito. Maraming salamat po.
Sa baba niyon ang cellphone number.
Nagliwanag mga mata ko sa nabasa. Napakuyom pa ang kamao ko at nagtalon talon ng walang ginagawang tunog.
Mabuti na lamang ay walang sasakyan na dumadaan kaya malaya akong nakakapagtalon talon.
Mamaya o bukas ko nalang siguro ulit balikan ito, tulungan ko munang ubusin ang paninda ni Aling Tuti. Marami pa rin namang oras at hindi naman ako mawawalan.
Mas lalong nabuhay ang pag-asa sa aking puso mula nang mabasa iyon. Hindi ko mapigilang isipin ang pwede kong kitaan sa paglalaba. Kailangan kong makaipon para sa bayarin sa bahay. Dahil, hihingan na naman ako ni Tiya ng pera pangbayad. Ganoon naman, kahit wala pa man akong ipon na ipangbibigay ay kinukulong nila ako ni Tiyo sa banyo hanggang mag-aga.
Hindi nila ako pinapakain hangga't wala akong binibigay. Ilang beses akong narutoy.
Hindi ko mapigilang hindi ikuwento kay Aling Tuti ang nakita. Kahit tahimik at tango lamang siya ng tango ay alam kong masaya siya sa narinig dahil sa simpleng maliit na guhit na nakaakit sa labi niya.
"Ilang taon ka na ba?"
Napaangat ang ulo kong nakayuko dahil sa tanong niya.
"Twenty, po."
"Bakit ka pa nagtatrabaho? Dapat sa ganyang edad nag-aaral dapat."
"Wala po kasi akong pera, hayaan n'yo po mag-iipon po ako."
"Wala ka bang magulang?" mahina, bakas na bakas ang pagiging kuryoso sa tono niya.
Mapait akong napangiti.
"Maaga po silang nawala..."
Inabala ko ang sarili sa pagpupunas at pagliligpit kahit na ramdam kong hindi pa naaalis ang tingin ni Aling Tuti sa akin, hindi ko rin marinig ang mga galaw niya.
Kahit na matagal na iyon ay hindi pa rin mabawas bawas ang lungkot sa puso ko, alam kong kuryoso lamang si Aling Tuti tungkol sa buhay ko. Hindi ko lang talaga mapigilan ang hindi malungkot at pilit na binabalewala ang nararamdaman.
May mga tao talagang nang-iiwan ng hindi natin inaasahan, lalo na kapag espesyal at importante ang taong nang-iwan.
Siniguro kong nakakain ako bago makauwi sa amin. Naabutan ko ang pamilya na abalang kumain, hindi sila nag abalang tapunan ng tingin at yayain akong kumain. Ngunit nang natapos silang kumain ay siya naman akong tinawag para maghugas ng pinagkainan.
Isinawalang bahala ko lamang iyon at nagplano ng gagawin para bukas.
"Oh hija, anong ginagawa mo d'yan?"
Nakatulalang nakatayo ako sa labas ng gate nang bigla na lamang lumabas ang babaeng inabutan ko kahapon ng siomai.
"A-ah..." huminga ako nang malalim bago magpatuloy. "Nabasa ko po yung nakapaskil sa grills n'yo na... naghahanap ng labandera."
Pumitik siya sa ere bago sumagot.
"Oo eh, may kakilala ka ba?" tumingin siya sa likod, sa kanan at kaliwa ko kung may kasama ako.
"Ako po sana," mahina kong ani.
"Ano kamo?"
"Ako po, marunong po ako maglaba," pagkunbinsi ko sa kanya.
Lumaki mga mata niya sa narinig at tinitigan ako simula ulo hanggang paa.
"Sigurado ka ba, hija?"
Desididong desidido naman akong napatango ng sunod sunod.
Pinapasok niya ako ng bahay, hindi ko rin maiwasang ilibot ang mga mata. May malaking nangingintab na chandelier sa itaas sa bandang sala. Hindi ko na nasundan pa ang loob ng bahay dahil iginiya niya ako sa dulo, lumabas siya at ganoon din ako. Doon naman bumungad ang tatlong planggana, isang washing machine at mahabang host.
"Dito ka maglalaba, puwede sa lunes ka na magsimula," nakangiti niyang sabi.
Tamang laki lamang ang lugar para doon maglaba, may triangle share garden naman sa hulihan at doon nakasabit mga lubid.
"Nga pala, limang daan naman ang makikita mo sa paglalaba."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon. Ganoon kalaki? Tatlong daan lang nakikita ko sa paglalaba kay Aling Minday pero dito limang daan? Ayos, makakapag-ipon ako kung ganoon.
Tatlong daan ang kinikita ko kay Aling Minday at limang daan naman dito. Mataas na ang halaga ng makukuha ko kaya walang problema iyon sa akin. Dibale ng kunin ni Tiya Leonada ang tatlong daan ko dahil may limang daan pa naman ako na pwedeng itabi.
"Talaga po?"
"Oo, basta ayusin mo paglalaba mo ha? Medyo istrikta mga amo ko pagdating sa mga damit. Konting damage lang, naku ilang sermon pa aabutin mo."
Maraming naikuwento si Ate Aira pagdating sa mga amo, bahay at alaga niya. Tatanggi na sana ako nang pakainin niya pa ako sa malaki nilang kusina.
"Grasya 'yan, 'wag mong tanggihan."
Tumango ako. "Salamat po."
"Mayaman ka ba?" titig na titig niyang tanong sa akin.
"May mayaman po bang labandera?" natatawa kong sabi.
"Mukha ka kasing anak mayaman eh, ang ganda mo pa naman."
Ngumiti ako sa kanya.
"Maganda po kasi si Mama."
"May asawa ka ba?"
Muntik ko nang mabuga ang iniinom dahil sa tanong niya.
"Wala po," hinga ko ng malalim.
Naikuwento niyang matagal na siyang katulong dito ng isang pamilya. Ang mga gamit sa kusina ay kumikinang dahil sa ilaw, may mga gamit na pangbata at makukulay din iyon. Marami namang lutuan at walang ni isa ang makikitang alikabok doon.
Sa ilang minuto naming pag-uusap ni Ate Aira ay naging magaan ang loob ko dahil sa kabutihan niya.
"Salamat po ulit, sa lunes po sinisiguro ko pong maaga akong pupunta dito."
Natawa siya sa akin bago ako kawayan.
"O 'sya, sige sige. Mag-iingat ka."
Madilim na tinatahak ko ang daan pabalik sa pinag-iwanan kong matanda. Mag-isang tinatahak ko ang daan at tahimik doon.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa magandang balita na natanggap ngayon. Sa wakas, may trabaho muli akong nahanap.
Paano kaya kung nandito pa rin sina Nanay at Tatay? Siguro nasa ligtas akong lugar ngayon, hindi ko sinasabing hindi ligtas ang lugar na ngayon ko pinagtutuluyan. Na siguro ay nasa ligtas akong mga kamay, na may mag-aalaga sa akin ng maayos, na may magmamahal sa akin kagaya ng mga pamilyang nakikita ko sa patalastas at dito.
Mahirap na lumaki nang hindi kasama ang tunay na mga magulang. May mga taong handang maging magulang ko ngunit nagiging sabik din ako na makapiling muli ang mga magulang ko. Sa ngayon, maraming pagkukulang. Hindi ko maramdaman ang alaga nila Tiya Leonada, Tiyo Wilfredo at Vinni. Parang pinagsisihan pa nilang pinalaki ako.
Alam kong may pagkukulang at pagkakamali sila sa akin ngunit nagpapasalamat din ako dahil may pumulot at nagpalaki sa akin. Hindi man laking mayaman ngunit nakakaya ko ring tumayo ng mag-isa lamang.
May kung sinong nakasandal sa pader ng dadaanan ko. Hindi ko makita ang mukha dahil walang masyadong ilaw sa pwesto roon. Ngunit sa dulo ng sidewalk ay may poste kaya kita ko ang posisyon niyang nakaipit ang cellphone sa tainga.
"Where is that damn car," rinig kong mahinang sabi nito.
Nilagpasan ko siya ng lakad at hindi pinansin.
"Do you know where can I get a car here?"
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
"How rude..."
Napatalon ako sa gulat nang marinig ang pagkalabog ng stainless steel roll up sa tabi ko.
Napahawak ako bigla sa dibdib at huminga ng maayos hanggang sa makalma ako. Hindi pa ako nakagalaw dahil sa kung anong bagay ang nararamdaman ko sa likod ko. Nanginginig ang labi 'kong pinapakiramdaman ang sunod niyang gagawin.
Ano 'yon?
Tahimik at wala masyadong tao ang dumadaan sa sidewalk na iyon dahil madilim. Kaya rinig na rinig ang malakas na pagtama ng kung ano stainless steel na iyon.
Nanuyo ang bibig ko, hindi ko na rin malaman kung anong gagawin ko. Ilang hingang malalim pa ang ginawa ko bago subukang tumayo ng maayos.
Dahan dahang napalingon ako at doon ko nasalubong ang madilim na tingin ng estranghero. Ang isang nakakuyom na kamao ay nanatili doon habang tinititigan ako na para bang may nagawa akong mali.
Dahil sa munting ilaw sa tabing likod ay naaninag ko ang matangos niyang ilong. Mas lalo akong nawalan ng hininga sa isipang may gawin siyang masama. Namamawis na rin ang mga kamay ko dahil sa kaba at takot. Wala pang masyadong dumadaan na mga sasakyan doon, kaya mahirap humingi ng tulong.
Hindi ko alam ang gagawin ngunit nagsitindigan ang mga balahibo ko nang makita ang kalahati niyang mukha. Ang madilim niyang mga mata ang unang napansin ko, nagdidilim iyon sa irita at galit?
Hindi ko kita ng maayos ang kulay ng mata niya ngunit sinisiguro kong madilim iyon at nagsisigaw ng kayamanan at kapangyarihan.
"I asked nicely but you just passed me as if you didn't heard anything."

Comentário do Livro (8)

  • avatar
    Prince Nash

    wow

    24/04

      0
  • avatar
    GacoteRoxy

    ♥️♥️♥️♥️

    28/01

      0
  • avatar
    Kriz Kaye

    dapat mas intense pa

    27/01

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes