logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Suddenly Feels

Suddenly Feels

Joyphile


PROLOGUE

Hi! This is my first story here on FameInk. Please forgive my grammatical errors, typos, and explicit information. Thank you in advance for reading my first story. -Joyphile
___
Nakalupasay na nililinisan ko ang maputik na bota sa gitna ng mabibigat na buhos ng ulan.
Hindi alintana sa akin ang nagtatapsikang tubig dahil sa maliit na agwat ng kahoy na hagdan sa harap ng pintuan. Ramdam ko ang lamig sa bawat ihip ng hangin at sa pagtama nito sa balat ko.
Umaga pa lamang ay maulan na tanawin ang sumalubong sa akin. Mabuti na nga iyon kesa sa mga nagdaang araw na halos tirik na tirik ang araw.
"Hindi ka pa ba tapos d'yan, kanina pa hanap ng hanap si Mama ng bota niya," masungit na pagharap sa akin ng pinsan kong si Vinni.
"Konting hintay lang Vinni, patapos na ako," malumanay kong tugon sa kanya.
Maingat kong nilapag sa harap ng tiyahin ko ang bota niya. Agad agad niya namang sinuot iyon at dali daling dumeretso palabas ng pintuan. Tahimik na kinuha ko ang walis tambo at nagsimulang magwalis sa sala.
Sa ganoong paraan ay nakakapag isip ako nang maayos.
Kahit na ganito ang buhay na nilakihan ko ay hindi ako nagsisising may nasusuot na maayos at may nakakain. Kahit na hirap kaming magkaroon ng pera ay minamabuti kong pag-igihan ang paghahanap ng mapapasukang trabaho upang may matulong sa bahay.
"Wala man lang kayong tinira para sa akin?"
Ang sigaw na iyon na nanggagaling sa kusina ang nakaagaw ng atensyon ko. Dali dali akong napaayos ng tayo at pumunta sa kusina, hindi pa man tuluyang nasisilayan ang tiyuhin ay bumungad na sa akin ang nagliliparang kutsara at tinidor.
"Tinutunga tunganga mo d'yan? Magluto ka!"
Nabalik ang tingin ko sa tiyuhin nang padabog niyang binaba ang baso sa kahoy naming mesa. Napapakamot batok na lamang akong lumapit sa mesa at pumasaere ang pangtakip at bumungad ang tuyong ulam namin simula kanina.
"Tuyo?! Na naman?! Wala na bang masarap na ulam d'yan?" reklamo ng tiyuhin.
"Wala na po," mahinahon at magalang kong sagot sa namumula dahil sa irita na tiyuhin.
Napapabuntong hininga na lamang akong naghihintay na makatapos ang pag-uusap ng tindera at ng suki. Hindi ko na nagawang makipagtalo pa sa tiyuhin dahil sa kulit at baka ay tuluyang magalit at magdabog ito.
Madilim na naghihintay ako sa tabi ng tindahan, rinig na rinig ko ang tawa ng dalawa sa kinauupuan ko. May dumalong lamok sa ilong ko, mabilis na hinawi ko ang ilong dahilan nang pagbaling sa akin ng tindera.
Hindi nakaligtas sa akin ang pagtirik ng mga mata nito bago ibalik sa kausap ang atensyon. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ang kausap, luminga linga pa ako kung may bibili pa. Nang makitang wala naman ay mabagal na nilapitan ko ang tindahan, yumuko para makita ang tindera ngunit magkasalubong na kilay habang may sinusulat sa isang papel.
"A-aling Dory," mahinang pagtawag ko sa kanya.
"Kung pupwede po sanang m-mangutang ulit?"
"Wala namang bago, himala nalang kung magbibili ka rito." sarkastikang sagot ng ginang.
"Isang lutong manok nga po at l-lumpia po."
Muling tumirik ang mga mata niya habang sinusulat ang sinabi ko.
"Pati nga po pala, isang soft drink pakilis-"
"Sobra sobra ka na ah? Hindi mo pa nga nababayaran ang utang mo nitong nakaraan tapos ang dami mo pang uutangin?"
Napayuko ako sa sunod sunod na pagsasalita ni Aling Dory, hindi na iyon bago sa akin dahil totoo namang himala kung bibili ako dito. Dahil puro utang lamang ang punta ko rito, kaya ganoon na lamang ang pagsama ng loob niya sa akin. Hindi ko naman siya masisi dahil iyon naman lagi ang punta ko rito. Halos lagpas nang dalawa't katahating libo na ang utang namin sa kanya. Hindi ko rin siya masisi na sapat na pera lamang ang pinagkikita ko sa ngayon.
Oo, ganitong buhay ang nakasanayan at nalakihan ko. Alam kong nakakahiya dahil sa ganoong paratang niya lamang sinasabi na parang wala akong planong magbayad. Wala akong masabi, sa ngayon totoo ang sinabi niya. Na wala kaming pambayad, sa ngayon. Ayokong mangunahan dahil sa puntong iyon ay tamang tama siya. Hindi na ako umapela pa.
Ilang beses niya na rin akong tinakot na isusumbong ako sa baranggay ngunit sa huli ay hindi niya rin naman ginawa. Sa isip isip ko ay panakot niya lamang iyon para hindi na ako makautang pa, ngunit may limitasyon din ang pagpapautang niya. Halos walang tindahan ang nagpapayag na pautangin kami. Mabuti na lamang ay kahit papano may mabuting kalooban ang ginang upang pautangin kami sa likod nang nagdadagdagang babayarin.
Na kahit anong mga pagsubok ang napagdadaanan ko ay nakakauwi pa rin ako ng ligtas sa amin. Na kahit ilang pagmamaliit ang naririnig ko sa iba ay hindi alintana na marami pang mga araw at rason upang magpatuloy.
"Maghanap ka kasi ng trabaho para may mapakain ka naman sa pamilya mo, hindi 'yung puro utang."
Kulang na lamang ay patapon niyang ibigay sa akin ang supot bago sarhan ang tindahan.

Comentário do Livro (8)

  • avatar
    Prince Nash

    wow

    24/04

      0
  • avatar
    GacoteRoxy

    ♥️♥️♥️♥️

    28/01

      0
  • avatar
    Kriz Kaye

    dapat mas intense pa

    27/01

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes